Chapter 52 – Ghian And Alexis

1282 Words

“Babe, saan mo gustong tumira pagkatapos nating ikasal?” Napalingon siya kay Jason. Kasalukuyan sila noong kumakain sa labas kasama si Allen. Isinasama sana nila si Lola Milagros pero ayaw naman nito, anito ay sila na lang tatlo para makapagbonding naman daw sila at mabawi nila kahit papaano ang mga oras na hindi sila magkakasama. Napaisip siya sa tanong ni Jason. Sa totoo lang ay mas gusto na niya ng tahimik na buhay. Ayaw na niya sa maingay at magulong buhay sa Manila. Sa paniniwala niya ngayon ay nandoon lahat ng tukso at mas maraming masasamang tao ang nagkalat kumpara sa probinsiya. Kaya kung papipiliin siya, mas gusto niyang magkaroon ng pribadong buhay, o kung sa Manila man sila ay lilimitahan na lang niya ang paglabas-labas nila at sisiguraduhin niyang maayos na lalaki ang anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD