1995 | Nakaraan | Pero lahat ng mga ipinagbabawal ni mama ay sinuway ko. Ilang beses niya na akong nabuko. Ilang beses na rin akong napagalitan. Noong nakaraan ay ginapos ako ni papa sa upuan at pinaghahampas ng latigo. Oo, ganoon kagalit si papa. Wala na silang pakialam sa kutis na iniingatan nila. Sobra akong umiyak ng mga panahon na iyon dahil sa sobrang sakit. Buti na lamang at pinigilan siya ni mama. Pero kinukulong niya pa rin ako. “Tinatakasan mo ang bodyguard mo!” bungad na saad ni mama pagkapasok ko sa pinto. Ala una na ng madaling araw. Nagkita-kita kasi kami ng mga kagrupo ko kanina. Sobrang saya nila kasama kaya hindi ko na namalayan ang oras. Hindi sinasayadyang nakagawa ako ng ingay kung kaya’t nahuli ako ng isang tauhan. “Ma, malaki na ako. Hindi ko kailangan niyan,” s

