Chapter 13
"Happy?" Kuya Kane asked.
Masayang tumango naman ako. Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi dahil ilang beses kong nakausap si Jandrex.
Nakakahiya nga lang na napansin niya ako dahil sa kahihiyang ginawa ko. Really? Hindi nakikisama ang stomach ko.
Lumipas ang mga araw. Pakiramdam ko ay napapalapit na ako sa kanya dahil sa kahihiyan.
"Myreen!" Jandrex called me.
Awtomatikong nagwala ang puso ko dati sa pagsigaw niya ng pangalan ko Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Kumunot ang noo niya at tinanggal ang blazer niya at itinakip sa likuran ko.
Parang tumayo ang balahibo ko dahil biglang nasa likod ko na siya. Para niya akong niyayakap at amoy na amoy ko ang bango niya. His smell is so manly.
"Hold my blazer." he whisphered.
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Inakbayan niya ako bigla kaya mas lalong nagwala ang puso ko. Hindi ko alam kung naririnig niya rin ba ang lakas ng kabog.
Napapatingin pa kanina sa amin ng ibang estudyante. Ang sasama ng tingin ng iba sa akin. Kita ang inggit ng iba dahil nakaakbay sa akin ang lalaking pinagpapantasyahan nila.
"Where are we going?" tanong ko.
Nagtataka ako sa ginagawa niya. Bakit papunta kaming restroom? Napatingin pa sa amin ang mas batang year na kalalabas lang ng restroom.
Mas inilapit ni Jandrex ang mukha sa akin ng kami na lang ang tao. What is he going to do? Hahalikan niya ba ako? Pipikit na ba ako? Dahil sa kaba ay napapikit ako at inintay ang labi niyang dumampi sa akin pero hindi nangyari.
I heard him chuckled.
"I'm not going to kiss you. Open your eyes." he whisphered.
Iminulat ko naman ang mga mata ko. Kung may ibang makakakita sa amin ay parang hinahalikan niya ako pero nasa bandang tainga ko lang ang labi niya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga pero mas nag-iinit ang pisngi ko ngayon sa kahihiyan.
Humarap na siya sa akin at pinitik ang noo ko.
Jandrex smile at me.
He smile!
Damn! s**t! Ang guwapo niya!
Ngayon lang siya ngumiti at sa harapan ko pa! Masiyado na yata akong nagiging OA simula ng maging kaklase ko siya. Mas lumalala na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Masaya na sana ako kahit napapahiya ako sa kanya pero mas may ikakahiya pa pala ako ngayong araw.
"Pumasok ka na sa loob. I'll get you some napkin and pants." ani Jandrex.
Nataranta naman ako at tiningnan ang likod ko. Mayroon ngang blood stain! Hindi naman ganon karami pero halata pa rin!
Napakagat ako sa ibabang labi habang hiyang-hiyang nakatingin sa kanya.
He chuckled once more become left me there. Pumasok na rin ako sa loob at ni-check pa sa salamin ang stain sa likod.
"Nakakahiya ka talaga!" pagturo ko sa sarili ko sa salamin.
"Lagi ka na lang napapahiya sa crush mo?" pagsesermon ko sa sarili ko.
Napapansin nga niya pero sa nakakahiyang pangyayari! Paano naman ako maka-crushback kung ganoon? Baka naturn-off na 'yun sa sa'kin.
Nakasimangot ako habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Ang tagal ko rin nag-iintay at siguradong tapos na ang lunch break.
Hindi na ba ako babalikan ni Jandrex dito?
Napasimangot na lang ako at binasa ang kamay ko para mabasa ko ang suot kong palda.
Ipinihit ko ang palda ko paharap para makita kong maigi ang stain. Nang mabasa ko na ng kaunti ay nagpatak ako sa liquid soap sa kamay ko para matanggal kahit papaano ang dugo dahil mukhang wala ng balak bumalik si Jandrex.
Nang matatapos na ako sa pagtatanggal ng stain ay nakarinig ng katok sa pintuan. Ni-lock ko 'yon para walang ibang makapasok kaya naman hindi ako sumagot.
"Myreen? Are you still there?" tanong ng kumakatok.
He came back! Jandrex came back.
"Oo nandito pa ako." sagot ko at pinagbuksan siyang pinto.
Inabot niya sa akin ang isang malaking paper bag.
"Salamat." sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Tinititigan niya ako at para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin. He's like looking at my soul kaya napatitig din ako sa kanya.
Mabuti na lang at walang estudyanteng nagpupunta dito dahil oras na ng klase.
Oh my gosh!
Time na pero nandito pa rin siya! He should go back! Baka hinahanap na siya at ako.
"H-Hanap ka na siguro. L-Late ka na sa first subject." I stuttered and look away.
Hindi ko na kayang makipagsabayan ng titigan sa kanya.
Tumaas naman ang kilay ni Jandrex sa sinabi ko.
"Pinaalis mo na ba ako?" masungit niyang tanong.
Ngumiti naman ako ng alanganin. Hindi ko naman siya pinapaalis Concern lang ako sa kanya dahil nagcucutting classes siya. Maybe our teacher is looking for him. Hindi ko pa nga siya kahit minsan nakitang na-late dahil lagi siyang maagang napasok.
"H-Hindi naman sa ganoon pero baka hanap ka na ni Ma'am." nahihiya kong sabi.
"And so? Go change now. I'll wait here." aniya at sumandal sa pader.
Parang nag-uutos pa ang tono kaya tumalikod at pumasok na lang ulit ako sa CR.
Pagkasara ko palang ng pinto ay hindi na agad mapuknat ang ngiti ko.
He lend me spare clothes! Ang bait niya kahit masungit siyang tingnan! Siguro ay ganoon lang talaga ang itsura niya.
As days goes by, everytime I have an embarassing moment Jandrex would appear.
"Careful! Huwag kang patanga-tanga next time, baka wala ng sumalo sa'yo." ani Jandrex ng madulas ako sa hagdan pero mabilis niya akong nasalo.
Wala sa sariling tumango ako habang hindi pinuputol ang titigan namin.
Dahil sa ilan pang kahihiyan na nangyari sa akin katulad ng pagkakatisod ko at nalagyan ng ice cream ang blouse ko, mabuhusan ng coke ang damit niya dahil tulala ako habang naglalakad at ang pinakamalala sa lahat ay angpagkakabulsot sa kanal sa may gilid ng La Realeza Academy ay nakita niya ako.
"What did you do this time? Bakit ka naman nabulsot sa kanal?" tanong niya habang tinititigan ang basa kong medyas at sapatos.
Napanguso naman ako. Tinititigan ko kasi siya habang kausap ko si Kuya Kane hanggang sa hindi ko namalayan na may sira na kanal na pala ang hahakbangan ko.
Anong sasabihin ko? Hindi ako makapag-isip ng tama kaya nasabi ko ang totoo.
"Tinititigan kasi kita." sagot ko at agad narealize na sobrang nakakahiya ang sinabi.
"What?" masungit niyang tanong, magkasalubong pa ang makakapal ng kilay.
"I mean nakatingin ako doon sa nagtitinda ng street foods." pagbawi ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago hawakan ang kamay ko at hilahin ako kung saan.
"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong dahil papunta na kami sa parking lot.
Hindi ako susunduin ni Kuya dahil sabi niya ay mayroon daw siyang date. Kaya ko naman magcommute pero nakakahiya yata magcommute ng mayroong mabahong medyas at sapatos. Siguradong pagtitinginan ako ng mga pasahero.
"Sakay." utos niya ng pagbuksan ako ng pinto sa backseat.
"Bakit? Madumi ang sapatos ko tsaka mabaho. Madudumiha-" I didn't even finish what would I say when he cut me off.
"I don't care. Just get in." he said and push me a bit.
I pouted and follow what he said. Umikot sita sa kabila at umupo sa tabi ko.
Sinenyasan niya ang driver nila na paandarin na ang sasakyan nila.
"What's your address?" tanong ni Jandrex.
Sinabi ko naman ang pangalan ng subdivision namin at street.
"Narinig mo po Manong? Doon muna tayo dumiretso sa kanila." magalang na sabi ni Jandrex.
Bahagya pa kong nagulat dahil hindi mo aakalain na nagamit pala siya ng 'po at 'opo' sa mas nakakatanda sa kanya.
"What?" masungit na tanong niya.
"Magalang ka pala." sagot ko at ngumuso.
"What do you think of me? Unrespectul child? Of course I respect elders." sabi niya pa at inirapan ako.
Natahimik na lang ako habang nasa biyahe. Nagkakausap lang naman kami ni Jandrex kapag nagkakasama kami sa activities at heto nga tuwing napapahiya ako sa harapan niya.
"I'm thinking..." biglang pagbasak ni Jandrex sa katahimikan dahik siguro naiinip siya sa traffic.
Lumingon naman ako sa kanya at nag-aabang ng sasabihin niya.
"Kung sinasadya mo ba'ng gumawa ng kahihiyan sa harapan ko para mapansin kita." he confidently said.
What? Oo! Gusto kong mapansin niya ako pero hindi naman sa ganitong paraan siyempre! It's not my intention to embarass myself infront of him.
"Ang kapal naman ng mukha mo kung ganoon." hindi ko mapigilang sabi.
"You sounded so guilty." he said while smirking.
Sinamaan ko na siya ng tingin.
"Are you saying that I'm too desperate to embarass myself almost everyday so you could notice me? Dream on." mataray kong sabi at inirapan ko siya.
Mukhang nag-eenjoy siya na asarin ako dahil nagpatuloy pa siya at hindi mapuknat ang ngisi niya.
"Hindi ako ang nagsabi niya. Ganyan ba ang naiisip mo?" he fired back.
"Hindi! I'm just stating what you're implying." pikon ko ng sabi.
Hindi na kami natahimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi pala siya masungit. Mayroon siyang ibang side na ngayon ko lang nakita and its annoying yet amusing.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba.
"Thank you." pagpapasalamat ko na tinanguan lang niya.
I was about to close the car door pero agad niya akong pinigilan. Bumalik ang mapaglarong ngisi ni Jandrex.
"Hindi mo na kailangang magpapansin dahil ako na mismo ako ang papansin sa'yo. See you tomorrow." he said and close the door.
Hindi pa ako nakakaapagreact ay mabilis ng nakaalis ang SUV nila at naiwan akong nakatanga sa may labas ng bahay.
What did he mean by that?
Pumasok na ako sa bahay at nagpalit na agad ng sapatos. Ano ng gagamiti ko? Wala akong extra. I would definitely not use my black shoes again. Its dirty already.
Iniwan ko na sa may labas ang sapatos ko at nagsuot ng slippers ko. Dahil pakiramdam ko ay puno ng germs ang katawan ko kahit paa ko lang naman ang nabulsot sa kanal kaya naligo ako.
Its just a quick shower. After that, ginawa ko lang ang homework ko at nagbasa ng kaunti hanggang sa mayroong kumatok sa pinto.
"Dinner time, li'l sis!" Kuya Kane shouted.
"Susunod na ko Kuya, I'll just fix my things." I shouted too so he could hear it.
I guess narinig naman niya dahil wala na siyang sinabi.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at bumaba na rin. Pagkarating ko sa dining ay nag-uumpisa ng kumain si Kuya.
"I thought you had a date? Bakit parang gutom ka?" takang tanong ko.
"I haven't eaten yet. Hindi ko na ulit ide-date 'yon. Ginawa akong tagabitbit ng shopping bags." reklamo ni Kuya at sumubo na naman ng panibago.
Tumango-tango na lang ako dahil mukhang gutom na gutom si Kuya. He should focus on eating his food kaya nanahimik na ako.
Sanay naman talagang tahimik kaming kumakain. I'm just curious because he's eating his food too fast.
Nang matapos kumain ay dumiretso ako sa entertainment room para manood. Wala lang talaga akong ibang magawa kaya naghanap ako ng ramdom na movie.
Hindi naman nagtagal ay pumasok si Kuya na may dalang popcorn at drinks.
Umupo siya sa dati at sabay kaming nanood.
"What happened to your shoes? I saw it outside." Kuya Kane asked.
Napanguso naman ako.
"Nabulsot ako sa kanal kanina." sagot ko at nakarinig ako ng malakas niyang tawa.
Sinamaan ko si Kuya ng tingin pero hindi naman niya makita ang itsura ko dahil madilim dito. Matagal siya bago nakaget over sa pagtawa dahil ss nangyari sa akin.
"Let me guess? Tinititigan mo na naman si Alcantara ano?" aniya sa mapang-asar na tono.
Ikinukwento ko kasi kay Kuya ang mga nakakahiyang pangyayari na nangyayari sa akin at napapansin lagi ako ni Jandrex tungkol doon. My brother love to tease me hanggang sa mapikon ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pang-aasar ni Kuya tungkol may Jandrex at naramdam ko na lang na nasa ere ako.
Ibinaba niya ako sa kama ko at tuluyan na akong nakatulog ng mahimbing. Nagising na lang ako dahil sa boses ni Kuya.
"Myreen! Wake up! Someone's waiting for you outside." paggising sa akin ni Kuya habang mahinang niyuyugyog ang balikat ko.
"Hmm." I responded, still sleepy.
"Nandyan si Alcantara sa labas." Kuya Kane said and laugh a bit.
"Its not good to joke around in the morning Kuya." I said with a sleepy voice.
Niyakap ko ang unan ko at tinalikuran siya. Baka hindi pa rin siya tapos sa pang-aasar niya sa akin kagabi.
"Hindi ako nagbibiro. Nasa labas nga, mukhang inip na inip na." ani Kuya at mas seryoso na ang boses ngayon kaya napabangon ako.
Humagalpak naman siya ng tawa dahil sa biglang pagbangon ko. This time I know that he's making fun of me kaya magtatalukbong na sana ako ng kumot at ipipikit ang mata ng may i-abot siya sa akin na paper bag.
Kinuha ko naman 'yon at tiningnan ang laman. It's a new pair of black shoes.
"Pinabibigay ni Alcantara. Nasa baba nga siya. Naghihintay sa'yo kaya bilisan mo ng kumilos." ani Kuya bago ako iwan.
Totoo ba? Baka naman idinaan niya lang 'to dito at pinagtitripan ako ng kapatid ko kaya naman tumayo ako para silipin sa binata. Kita ang labas noon at hindi nga nagsisinungaling si Kuya. Nandoon nga ang SUV ni Jandrex.
Kanina ba pa siya naghihintay?
Naging mabilis tuloy ang kilos ko. Wala pa nga yatang five minutes ay tapos na akong maligo. Nagsusuklay na ako ngayon habang nag-ispray ng pabango.
Nang makapag-ayos na ako ay sinuot ko na ang sapatos na bigay njya. Simple lang ang design pero nagustuhan ko dahil sa kanya galing.
Nang maisuot ko na ay kinuha ko na ang bag ko at halos takbuhin ko na ang hagdan pababa. Hindi na nga ako nakapagblower ng buhok dahil baka naiinip na siyang maghintay. Ni hindi na nga ako nakakain ng breakfast.
Hiningal ako pababa kaya naman nagdahan-dahan na ako paglalakad papunta sa main door hanggang sa makarating sa gate para naman hindi halatang excited akong makita siya.
At bakit nga pala siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
Nang buksan ko ang gate ay nakita ko siyang prenteng nakasandal sa labas ng kotse.
"Goodmorning." he greeted and smile at me.
Did he smile at me? It's a second time! Ang guwapo niya talaga ngumiti!
"G-Goodmorning." nauutal kong bati. "Salamat nga pala sa sapatos." sabi ko ngumiti lang siya ulit bago ako pagbuksan ng pinto.
Umikot siya sa kabila para sumakay na din. Ang weird naman ni Jandrex. Ang ganda yata ng gising niya at binigyan niya akong sapatos at sinundo niya pa ako.
"Kumain ka na ba?" tanong niya ng makasakay.
I shook my head. There's no point on lying. Baka ipahiya ko lang ang sarili ko dahil baka biglang kumalam ang sikmura ko kagaya ng una niya akong mapansin.
"Alright. We'll stop on Starbucks first. Maaga pa naman." sabi nga habang nakatingin sa relo.
Kumunot ang noo ko. Hindi na siya masungit. His voice is gentle too. Ano ba talagang nakain ng lalaking ito? Sana lagi siyang makakain noon para lagi siyang ganito.
"Bakit?" he asked when I'm staring at him for too long.
"Why...?" I stopped, still hesitating to asked. Baka mamaya malisyosa lang ako at wala lang talagang meaning itong ginagawa niya.
"Why?" tanong rin niya at tinaasan na ako ng kilay.
"Why are you doing this?" lakas loob kong tanong.
Napakamot siya sa batok. Biglang namula ang tainga at napaiwas ng tingin.
"Isn't it obvious? I'm starting to court you." Jandrex whisphered that my heart jump in glee.
----
11:49, November 14, 2021