Chapter 17

2395 Words
Chapter 17 "I'm sorry, I didn't know." puno ng lungkot na sabi ni Jandrex habang nasa mga bisig niya ako matapos kong ikwento ang pinagdaanan ko sa kamay ni Sir Simon ang ang pangmomolestiyang inabot ko kay Viel. Years had passed yet the wound is still fresh. I tried so hard to forget it. Having casual s*x with anyone I met in the bar is one of them. Pakiramdam ko ay nawalan ng halaga ang dignidad na iningatan ko. It doesn't matter to me anymore if someone is claiming me and lusting over me. I am not worth it. Simon made me question my worth. Ipinaramdam niya sa akin na isa lang akong parausan. Isa lang pantanggal init ng katawan. A woman that will just satisfy any guy in bed. What he did made me think that way. Walang-wala na namang mawawala. Wala ng masisira dahil wasak na wasak na ang pagkatao at dignidad ko. Ubos na ubos na ako. I hate to say that I'm lost and having a hard time to find myself. "Look at me." Jandrex said softly. Maingat niyang ini-agat ang mukha ko. He gently wipe my tears. Wala na ang talim sa kanyang mga mata. Iba na ang nakikita kong emosiyon doon. Sympathy? Anger? Pity? Sadness? May isa pa akong emosiyon na nakikita pero ayaw kong pangalanan. I think I am just too desperate to have him back. Tama na ang paghahabol ko. Ubos na ubos na ako. I am so lost. Ayaw kong balikan niya ako dahil naawa siya sa akin. Hindi awa ang kailangan ko. What I need right now is to fix the broken pieces of me. I love him but I think I have to fix myself first. I had enough. My past is still haunting me especially that Simon and Viel came back. "Myreen, look at me." marahang ulit ni Jandrex. He lifted my chin so I can met his sad eyes. Huminga ako ng malalim. Maybe, this is what he is waiting for. My explanation. Why did I cheat on him with his bestfriend. "Are you going to accept me out of pity?" I whisphered. Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Nangingibabaw ang awa at simpatya pero ayaw ko no'n. Mas nauna akong mag-iwas ng tingin dahil ayaw kong malaman ang sagot. I do love Jandrex, no doubt. But I don't want him to take me back again because of my dark past. Tama ng nalaman niya ang nangyari sa akin. Hanggang doon na lang siguro. I should move on because that is the right thing to do. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Nakita ko sa sink ang tuyo ko ng damit. Nakaayos na rin ng tiklop. I took a quick shower and dress up. Kita ko pa ang pamamaga ng mata ko pero pinabayaan ko na. Eksaktong paglabas ko ay nakaabang si Jandrex sa may pinto. Tila inip na inip at sobrang tagal na naghihintay doon. "I cooked breakfast." agap niya ng lumabas ako sa banyo. I smiled at him sadly. "Hindi na. I should get going. May exam pa ako." pagtanggi ko. Kumunot naman ang noo niya at tila hindi nagustuhan ang sagot ko. "Myreen." he said in a warming tone but I dismissed it. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Our eyes met again. I try to smile at him. Iniangat ko rin ang kanang kamay ko at pinadapo sa pisngi niya at marahang hinaplos. This is the first time that I am allowed to touch his face again without him getting mad. "Kuntento na ako. I explained my side. Nalaman mo na ang katotohanan at wala akong pinagsisisihan na ginawa ko 'yon para sa'yo." gumaragal ang boses ko at muling nangilid ang mga luha. Naramdaman ko ring parang may nagbara sa lalamunan ko ng makita ang sakit sa kanyang mga mata. I took a deep sighed. "I love you. You know that, right?" malungkot kong sabi. "I love you, too." agap ni Jandrex pero sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Hinding-hindi ko matatanggap ang sinasabi niyang mahal niya din ako dahil sa awa. "Hindi mo kailangang magsabi ng kasinungalingan, Drex. Nasasabi mo lang 'yan dahil sa nalaman mo." mahinang bulong ko. I saw him gulped. Muli akong ngumiti sa kanya ng malungkot. Tumingkayad ako at binigyan siya ng magaang halik sa pisngi. "I have to go." paalam ko pero para siyang natuod sa kinatatayuan niya. I never looked back after leaving his unit. Hindi na rin naman ako umaasang susundan niya ako. Maybe his anger subsided and was replaced with commiseration. Gumaan ang pakiramdam ko dahil mayroon akong taong napagsabihan ng pinagdaanan ko. I kept that unpleasant memory for too long. At nasabi ko pa sa taong dapat na unang makaalam ng nangyari. I'm okay with that. I'm okay that he already know the truth. Pilit kong kinukumbinsi ang puso ko na ganoon nga. My mind is screaming that it was enough that he knew, but my stubborn heart is still beating for him. My mind is too occupied. Tulala ako habang palabas ng building. Mabilis akong napapitlag ng mayroong humawak sa kamay ko. My heart raced. Kinakabahan akong lumingon. Tiningnan ko ang palid. Kakaunti ang tao pero kung sisigaw ako ay maririnig ako ng guwardiya sa lobby. Nervously, I gathered my courage to turn around. Nawala agad ang kabang nararamdaman ko ng makita kung sino ang may hawak sa akin. Blant's face is very serious, which is very unusual. Wala ang nakakaloko niyang ngisi ngayon. "I-Ikaw pala." I said with relief. Kumunot naman ang noo niya sa naging reaksiyon ko. "Buong gabi kitang hinanap. Nandito ka lang pala." malamig na sabi niya at sumulyap sa builnding. Hindi naman ako nakaimik. Anong mayroon? Bakit ganito ang inaakto ni Blant? Hindi ako sanay na malamig ang pakikitungo niya sa akin. I like the playful and carefree Blant. He always tease me about my crushes pero mukhang hindi maganda ang timpla ng mood niya ngayon. And what? Tama ba ang narinig ko kanina? He look for me all night? I bit my lowerlip. Bakit ako nakakaramdam ng guilt? I was moaning in pleasure last night while he was looking for me. Nauuna ng maglakad si Blant papunta sa parking. Hawak ng kanan niyang kamay ang cellphone, mayroon siyang tinawagan pagkatapos akong makita. Ang isang kamay naman niya ay sa bulsa ng pants niya. Mas binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Eksaktong naibaba na niya ang tawag ng nasa tapat na kami parehas ng sasakyan niya. He opened the car door for me. Akmang magsasalita pa sana ako ng patakbo siyang umikot sa kabila. What is his drama? "Blant." pagkuha ko nga atensiyon niya dahil mabilis niyang pinaandar ang kotse. Hindi siya lumingon na parang hindi ako narinig. I called him again but I think he's intentionally ignoring me. "Blant Fontanilla!" naiinis kong sabi dahil hindi niya talaga ako pinapansin. Mas sanay talaga akong maingay kami tuwing magkasama sa sasakyan. He like to tease me until I got pissed. "What?" he said with an annoyed tone. Problema nito? "Bakit ang sungit mo?" kunot-noong tanong ko. He just breathed heavily and speed up the car. Mukhang walang balak sagutin ang tanong ko kaya pinabayaan ko na. I felt so drained. I haven't eat anything yet. Maramin rin ang nailuha ko kanina kaya medyo namamaga pa siguro ang mata ko. Nakita kong lumiko siya sa isang restaurant at nagpark. Walang salitang lumabas ako. Para siyang pipi. Kanina pa ako nag-aapproach na kausapin siya pero ayaw akong pansinin. He's the one who ordered our food. Nakapangalumbaba lang ako habang pinagmamasdan si Blant. I pouted. Guwapo pala siya kapag seryoso ang itsura. Kapag kasi nakangisi siya ay nakakainis ang pagmumukha niya. Ngisi pa lang asar na asar na ako. "Tell me. Why so grumpy in the morning?" tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin. Kanina pa naman niya ako hindi tinitingnan sa mukha. Since we've met, we always get along. I never have awkward moments with Blant. He's always cool and carefree. "Hoy, Blant." pagkuha ko na naman ng atensiyon niya. Hinampas ko pa ang bahagya ang braso niya pero para siyang napapasong iniwas agad 'yon sa akin. "Ang arte! Ayaw pahawak? Wala naman germs 'tong kamay ko." I said to lift up the mood. "Tsk." masungit na sabi niya. Tinagilid ko ang ulo ko. Pinagmamasdan ang itsura ni Blant na nakakunot ang noo habang nakayuko. Inilabas niya rin ang cellphone niya at nagkunwaring abala. Sinilip ko ang ginagawa niya pero nag-iscroll sa instragram. Puro mga babaeng naka-bikini ang lumalabas. Tingnan mo 'tong gagong 'to. Ayaw akong kausapin tapos ito pala ang gustong pagkaabalahan. "Mas sexy naman ako diyan." I blurted out. Nag-angat naman siya ng tingin dahil sa sinabi ko. "Yeah." tamad niyang sagot. Malalim siyang bumuntong hininga at pinatay ang cellphone. Ipinatong niya sa lamesa. Nag-angat na siya ng tingin at malinaw kong nakita ang malaki niyang eyebags. "Did you really look for me all night?" I asked. Tinaasan naman niya akong ng kilay. "What do you think? Your brother contacted me and he said you're missing. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Just sleep on my place peacefully?' he sarcastically said. Nagulat naman ako sa sinabi ni Blant. I didn't expect that he said that infront of my face. I know he cares for me but he's never been vocal. Madalas niyang dinadaan sa biro ang lahat, hindi ganito. Hindi ako sanay na ganito siya. Did he... No! I know Blant! He will never take things seriously. Hinding-hindi siya magkakagusto sa akin. Maybe he will like me because of my personality but he will never like me romantically. Wala 'yon sa isip niya kaya nga kami nag-click. We don't want to have any commitments due to personal reasons. I don't know his reason. Pero ako, alam kong dahil may mahal akong iba. "I'm sorry okay?" I said and try to smile at him sweetly. Inignora ko na lang ang naiisip ko. Hindi magandang isipin na mayroon nga siyang nararamdaman sa akin bukod sa pagkakaibigan. He knew from the very beginning that I don't do relationships. "Ano pa ba'ng magagawa ko?" he said and rolled his eyes. Ngumiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi niya. Ang dali lang naman pala suyuin ng isang 'to. He crossed his arms. Naningkit ang mga mata niya at sinipat ang mukha ko. "Did he make you cry?" he asked. Ngumiti lang ako at umiling. "Myreen." Blant said with a warning tone. "May pinag-usapan lang kami." I told him. Hindi ko pa masasabi kay Blant ang lahat. I'm not ready yet to open up to him but some details will do. "Tungkol saan?" pag-uusisa niya pa na parang nag-iimbestiga. I was about to answer him when our food came. Inintay ko munang mailapag ang order namin bago ko ipagpatuloy ang sasabihin. I ate first before proceeding to what I'm going to say. Nakailang subo muna ako dahil gutom na talaga ako. "As I was saying. We just talked." pag-uulit ko sa sinabi ko. "Nang ano nga?" naiinip na niyang tanong. Bumabalik na ang Blant na nakilala ko. "About our past." I said and pouted like I didn't cry earlier. Napatigil naman si Blant sa pagsubo. Hindi ko maintindihan ang reaksiyon pero kalaunan ay ngumisi siya ng nakakaasar. "Baka nag-iilusiyon ka lang? Gutom lang 'yan, Myreen." he said while smirking. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Magtatanong-tanong tapos ayaw maniwala. "Totoo nga kasi." I insist the truth. Mas lalong lumaki ang ngisi ni Blant. "Talaga ba? Pinatulan ka no'n? Hindi halata, ang sungit sa'yo ni Alcantara, e." pang-aasar niya pa. Nawala naman ang ngiti niya ng magbago ang ekspresiyon ko. Hindi naman ako ganito dati. I don't know why I'm affected to what Blant said. Simula ng magpakita si Simon at Viel ay gumulo na ang lahat. Hindi na ako apektado dati. I just want Jandrex back. Gusto kong ipaliwanag sa kanya noon ang tunay na nangyari pero bakit ganoon? Akala ko ganoon kadali ang lahat. He said he loves me but I don't feel happy about it. Am I that bad that I'm doubting his love? I don't want to compare but mine was too intense and was too strong that I'll do anything for him even it will ruin me in the end. Even if he will hate or curse me to death. Ganoon ang pagmamahal ko sa kanya. Pero bakit parang ngayong maari na niyang suklian ulit ay nagdududa na ako? Am I just stuck in the idea of being inlove with him because of my sacrifices? "Did I say something off? Natulala ka na." nag-aalalang sabi ni Blant. Nakaahon ako sa malalim kong iniisip ng magsalit si Blant. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya ng tipid. Tumahimik kami ng kaunti pero bumalik ulit siya sa pang-aasar niya. He didn't mention anything about Jandrex and why I'm missing last night. Sasabihin ko naman sa kanya pero hindi ngayon. Mayroon pa akong exam ngayon. Shit! What time is it? Masiyado yata akong naaliw sa presensiya ni Blant! "What time is it?" tanong ko. Bakit?" takang tanong niya sa biglaan kong tanong. He open his phone and show it to me. Mas lalo akong nataranta. Fifteen minutes left before my exam. "We have to go." sabi ko na lang at hinila siya. Nagpahila naman siya sa akin at hindi pa kami nakakalabas ay habol-habol kami ng waitress. "Sir! Ma'am! Hindi pa po kayo nagbabayad." she said it out loud. Napatingin tuloy sa amin ang iilang customers na nagpainit ng pisngi ko. What the f**k? Sa tagal niyang inaasar ako ay hindi niya pa nagawang magbayad ng bill namin? Nakakahiya! Grabe makatingin sa amin ang ibang customer na akala mo may ginawa kaming karumal dumal na krimen. Sa kahihiyan ay nauna na akong lumabas. Marami na akong kahihiyan sa pampublikong lugar pero kahit kailan ay hindi ko na tinatakasan ang bill ng pinagkainan ko. Sumandal ako sa kotse ni Blant. Pinapanood ko siyang maglakad papunta sa direksiyon ko. "Gago ka talaga." agad kong sabi ng makalapit siya. He chuckled. "Oo, guwapo talaga ako." mayabang na sabi niya at kinindatan pa ako. I rolled my eyes because of his boastfulness, but I wouldn't deny the fact that despite of being self-centered guy, I felt that he truly cared for me. And because of that, my heart rejoices with joy. --- 10:18 PM. DECEMBER 15, 2021
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD