Chapter 18
"Myreen!" Hash called.
Nakaabang siya sa may gate ng University. Lumiwanag ang mukha niya ng makita ako. Nagsimula na siyang maglakad habang sinasalubong ang direksiyon ko.
I smiled at him.
Habang papalapit siya ay nakikita kong namumula ng bahagya ang mukha niya. He's blushing and very cute.
Hash may be a rude nerd yet I couldn't agree more that he is the epitome of innocence.
"Nag-alala ako sa'yo. Your brother called last night. Akala niya magkasama tayo." he said.
Hindi ko ipinakitang nagulat ako. My brother is not that paranoid.
"Bakit daw?" pag-uusisa ko.
Hindi naman ganoon si Kuya Kane. Alam naman niyang minsan umaga na ako umuuwi. Nakapa ko ang sarili ko. Wala sa akin ang cellphone ko at nakalimutan ko siyang i-text. Maybe that's the reason why he got worried.
"Hindi ka daw nagpaalam na hindi ka uuwi." he answered.
Nagkibit-balikat na lang ako.
Simon and Viel crossed my mind but I immediately shrugged it off.
Jandrex already knew. Hahanap rin ako ng tiyempo para sabihin kay Kuya Kane. Hindi dapat ako pangunahan ng takot. Fear ruled me for too long and it solved nothing.
Hindi maayos kung sasarilinin ko na lang lagi.
Masiyado na yata akong napapatulala dahil muntik na akong mapabangga sa pader kung hindi ako nahila ni Hash.
"Are you okay? Malalim yata ang iniisip mo." he asked, concern was very evident on his voice.
Tumango na lang ako. Kailangan ko munang isipin ang exam. Marami pa namang oras para isipin ang bagay na 'yon. Kailangan ko munang pumasa.
Somehow, I don't want to disappoint Hash. Sinadya niya pa ako sa condo para samahang mag-review.
"Goodluck." Hash and then he flashed a rare smile.
Hinatid niya ako hanggang sa makarating sa classroom. Naghihintay na doon ang Prof. May iilan akong kasabayan mag-exam na sa tingin ko ay hindi rin nakapag-take.
I remember Blant. Hindi nga rin pala siya nakapag-take ng exam dahil inalagaan niya ako.
Did he took the exam already?
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang seryosong mukha niya.
I shook my head to washed it off. Exam dapat muna ang isipin ko. Pagkatapos nito ay sembreak na.
Siguradong may plano na agad si Kuya Kane kung saan kami magbabakasiyon. Ganoon naman siya lagi. He'll plan out a vacation after an exhausting exam to freshen up.
Sunod-sunod ang exam at halos walang break pero walang nagreklamo. Sobrang napiga lahat ng laman ng utak ko. Isama pa rin na nagugutom na ko. It's past three already.
Mabagal kong isinilid ang ballpen ko sa bag. Dala pala ito ni Blant kanina. Dito niya ako inihatid dahil kung dadaan pa ako sa condo ay male-late na ako.
Paglabas ko ng room ay nagulat pa ako na nakaabang doon si Hash. May dala pa siyang paper bag. I think it's a from fine dining resto.
"Done?" nakangiting tanong niya.
Hindi ako sanay na nakangiti siya. Hash used to be rude everytime. Kaya nga na-challenged akong paamunin siya noon. I liked the challenge to divert my attention before. But that was before.
Hindi ako manhid para hindi makita na nagugustuhan na ako ni Hash. I don't want to give him mixed signals and false hope.
I invited Hash on my Unit. He gladly accepted my invites kaya doon kami dumiretso. Tahimik at wala si Kuya Kane.
"Feel at home. I'll just change my clothes." sabi ko at pumasok na sa kuwarto ko.
Wala naman akong balak akitin si Hash gaya ng first time niya dito kaya matinong damit ang isinuot ko. Oversized shirt na damit pa ni Kuya Kane at denim shorts.
Nagugutom na ako kaya lumabas na rin ako pagkatapos. Nag-iisip na rin ako ng tamang salita na sasabihin kay Hash.
I know what he's doing. I'm afraid that he might fall for me even more if I did nothing. Kung patuloy ko pa siyang ieentertain at magpapatay malisya ay baka akalain niyang okay lang ang ginagawa niya.
"Let's eat. I know you're hungry." Hash said.
Ipinaghila pa niya ako ng upuan. I smiled at him lightly. I feel his care. Hindi siya ganito. Hindi ito ang Hash na inakit ko noon.
Pinapanood ko lang si Hash habang nilalagyan ako ng pagkain sa pinggan. He's like serving a queen.
"Ako na, Hash." pigil ko sa kanya ng akmang dadagdagan niya pa ng kanin ang pinggan ko.
Pinabayaan naman niya ako at umupo sa tapat ko. Sanay akong tahimik kapag kumakain dahil 'yon naman ang nakagawian ko.
Ang mahinang ingay ng aircon sa living room at kalansing ng kutsara't tinidor lang ang maririnig.
After finish eating my food. I composed myself so I could talk to him briefly. Pinapakiramdaman ko din si Hash. He look tensed now. Hindi siya mapakali sa puwesto niya at mayroong mga butil ng pawis ang noo.
"Myreen."
"Hash".
We said in unison.
I pouted.
"Mauna ka na." pagpaparaya ko.
Nagkamot namam siya sa batok at tila nahihiya. Inayos niya pa ang salamin kahit maayos naman 'yon at hindi nakatagilid.
"Ikaw na muna." he said.
Mukhang kinakabahan siya at may ideya na ako sa sasabihin niya. I'm not dumb not to feel it.
Kahit nga ang ikinikilos ni Blant ay iba ang pakiramdam ko. I don't want to put malice in it because he's a friend.
I will observe more and if he still act that way then I don't have any choice to confront him and end his hope.
Ayaw kong mawala siya dahil sa namumuong nararamdaman niya sa akin kung sakali. Is it selfish? Gusto kong nasa tabi ko lang siya pero bilang kaibigan lang at hindi lalampas pa doon. Puwede bang ganoon?
I want to keep him as well as this guy infront of me.
Tumunghay ako at nagtama ang mga mata namin ni Hash.
"Do you like me, Hash?" walang paligoy-ligoy na tanong ko.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Namula ng bahagya ang tainga kaya kahit wala pa siyang sinasabi ay alam ko na ang sagot.
"Your heated face betrayed you." mahinang sabi ko.
Mukha siyang higg school na nabuko ng crush niya. No doubt, he likes me and he didn't need to voice it out.
"Bawal ba?" lakas loob na tanong niya.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. I leaned closer to him. Nakapatong ang dalwa kong braso sa lamesa habang magkatapatan kami.
Tinitigan ko siyang mabuti.
"Commitment isn't my thing. Hindi pa ako handa sa ganoon." I said, straight to the point.
"I can wait." agap niya.
Hindi ganoon kadali 'yon. Mas lalo na ngayon. I need to fixed myself first. Hindi ako gagamit ng iba para mahanap ang sarili ko. That's useless. Having a rebound will just complicate things more.
"Friendship is all I can offer, Hash." I whisphered.
He look defeated pero marahang tumango at tila iniintindi ako. He smiled but sadness is evident in his eyes.
"I'm just here. I'll wait 'til you're ready, Myreen." seryosong sabi niya.
Tumango lang ako. After that encounter, Hash bid his goodbye. Nakahinga rin naman ako ng maluwag dahil iwas awkward kung sakaling nagtagal pa siya.
Niligpit ko ang pinagkainan at dumiretso ako sa kuwarto ko para matulog. I feel so worn out because of that exam.
Nakatulog na ako at ang pagpitik sa noo ko ang nagpagising sa akin.
I opened my eyes slowly to see who's asshole did that.
Bumungad sa akin ang nakangising si Blant. He's with his usual self again. Gone the serious aura earlier.
"Gising na, oy. Beach na beach na ko." aniya at nagpameywang pa.
He's wearing boardshorts. May sunglasses pa si gago at nakasando. Talagang pang-beach ang outfit.
"Antok pa ko." I said with a bedroom voice.
Nagtalukbong pa ako ng comfoter dahil hinihila pa ako ng antok. Akala ko titigilan na ako ni Blant pero parang batang hinihila niya ang comforter ko.
Patuloy siya sa pangungulit niya hanggang sa mapikon na ako at kusang bumangon.
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. He even teased me that I looked ugly with my messy hair. Kung sa iba daw ay cute tingnan ang sabi sa akin ng walang hiyang si Blant ay mukha daw akong impakta.
"Gandang impakta ko naman." I said proudly.
"Saan banda ba? May muta ka pa." he teased.
Hinampas ko siya ng unan, sapul sa mukha pero parang masaya pa siya. Dumiretso na ako sa banyo dahil hindi niya talaga ako tinitigilan.
"May kayat ka pa ng laway." pahabol pa niyang sigaw bago ko maisara ang pinto.
Na-conscious naman ako kaya tiningnan ko talaga kung mayroon pero wala naman.
I took a shower and make my morning routine. Mabuti naman at wala sa loob ng kuwarto ko si Blant paglabas dahil nakatuwalya lang ako.
I choose maong shorts and one piece bikini. Totoo naman sigurong magbebeach kami ano?
Sasapakin ko ang gagong 'yon kapag pinagtitripan ako.
Paglabas ko ng kuwarto, napadako ang tingin ko sa kusina. I saw Blant and my brother laughing together.
Tumaas ang kilay ko.
Kailan pa sila naging close? Napalingon sila sa direksiyon ko ng lumapit ako.
"Kain na, li'l sis." Kuya Kane said.
Siya pa ang nagsandok ng kakainin ko. Kulang na lang yata ay subuan niya ako. After he served food for me ay bumalik na sila sa pagkukwentuhan nila.
They talked about girls a lot and whenever Blant told stories about his ex-flings, my heart aches for unknown reason.
Am I just being undenial?
Napatigil ako sa pagkain. Napatitig ako sa mukha ni Blant. It's like everything is in slow motion. Parang wala akong naririnig na boses sa paligid. I am too focused on his face, bawat pagbuka ng bibig niya at pagtawa niya ng bahagya.
My heart skipped a bit when our eyes met.
"Laway mo tumutulo." he teased.
My brother and him chuckled like he said something funny.
Ano bang nakakatawa doon.
Mas lalong lumaki ang ngisi nila ng sumimangot ako.
Pagkatapos kong kumain ay sinabi nga nilang paalis kami. The three of us will have a vacation. Hindi naman ako na-inform na kasama itong si Blant.
Usually, it is just my brother and I.
"Ako na magdadala niyan." agaw sa'kin ni Blant ng maletang hinihila ko.
He placed his arms on my shoulder. Tinanggal ko 'yon hindi dahil nabibigatan ako.
Ayaw kong magpaakbay noon dahil naalala ko si Jandrex. I love it when he placed his arms on my shoulder. It's like he is claiming me and no one can take me away from him but fate is really against us and we can't do anything about it.
Sandali ko siyang nakalimutan dahil sa exam and of course because of Hash.
Ang nerd na 'yon. Talagang nahulog na sa charms ko. Too bad, I can't catch him. Baka parehas lang kaming masaktan sa huli.
Mas nauunang maglakas si Kuya Kane kaysa sa'min. My brother seems off. Hindi ko lang matukoy kung ano ang dahilan. He's not on his usual self. Pakiramdam ko ay may nagbago sa Kuya ko. He cares for me but I can't feel it often. Parang may kakaiba talaga sa kanya.
It started when I got sick. Kahit may exam siya ay alam kong hindi niya ako iiwan. I'm thankful that Blant is there to take care of me kahit na nakakapikon siya most of the time.
Kami ni Blant ang magkatabi sa eroplano. Sa may bintana ako nakpuwesto. Napapagitnaan namin siya ni Kuya Kane.
I'm fascinated with the clouds. Hindi ko naman first time sumakay pero naaliw talaga ako sa mga ulap.
Minutes passed, our plane landed to Balesin. The island is such a beautiful place. This is what I need right now to clear up my mind for everything pero ng mapalingon ako sa kaliwa ko at makita ang pagmumukha ni Blant ay alam ko na agad na hindi ako makakapagmuni-muni.
I'm sure he will just annoy me during our stay here.
"Ang ganda." I murmured.
Kararating lang namin sa villa namin. This is refreshing lalo na nag view.
"Ang ganda nga." Blant said too, while staring at my bare face.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting ilang.
Naputol ang titigan namin ng mahinang umubo si Kuya. I know he's faking his cough.
Dumiretso na ako sa kuwarto ko para magpalit ng damit. Paggising ko ay nakagayak na 'to. For sure, si Kuya Kane na naman ang nag-ayos nito.
I saw two piece red bikini. I liked the style kaya nagpalit ako noon. I didn't use any cover up. Kitang-kita ang kurba ng katawan ko. It really suits my body.
Nang lumabas ako ng parehas silang napatingin sa direksyon ko. I saw my brother gulped. Agad na dumako ang mata ko sa gitnang parte ng hita niya.
Blant whistled and avoided my gaze.
Alam kong nakita niya ang ginawa kong pagsulyap kay Kuya.
"I'll just go outside to take a dip." paalam ko sa kanilang dalawa.
Kuya nodded. Samantalang si Blant ay patay malisya.
Malapit lang sa dagat ang villa namin kaya nilakad ko nalang. Hindi naman ganoon kainit dahil natatakpan ng ulap ang sinag ng araw.
I enjoyed to float on the water. Ipinikit ko ang mga mata ko. Iwinaksi ang lahat ng isipin ko. I felt so relax.
Sobrang sarap magbabad sa tubig. My eyes are closed while appreciating the warm water of the sea when someone hold my foot.
Napatili ako sa gulat habang malakas na nag-eecho ang tawa niya sa buong isla.
"Blant Fontanilla! Come back here." pikon kong sigaw habang nakikipaghabulan na sa kanya.
Mabilis siyang nakalangoy papunta sa tabi. Para kaming mga batang kung maghabulan sa buhanginan.
"Ayaw ko nga! Baka sipain mo si Jr. ko." he shouted back with a scared voice.
Mas binigyan niya ako ng ideya sa dapat gawin kapag inabutan ko siya. Ang una ko lang naisip ay pingutin siya ng sampung beses sa magkabilaang tainga and that's it.
"You give me a better idea!" I said.
Maabutan ko na sana siya pero biglang bumilis ang takbo niya. Halos paikot-ikot lang naman kami.
"Hindi puwede! Kailangan pang lumaganap ng kaguwapuhan ko." he answered back while panting.
Parehas na kaming hinihingal pero hindi pa rin siya natigil sa pagtakbo. Ilang minuto at ako na anh sumuko ko. I was panting so hard.
Ilang dipa pa ang layo niya sa akin at wala talagang balak magpahuli. He scared the hell out of me earlier. Akala ko ay mayroon ng pating at nakarating na ako sa gitna ng dagat.
Nang makabawi kaming dalawa sa pagkahingal ay kusa ng lumapit sa akin si Blant. He raised his hand as a sign that he's surrenderring.
Agad na hinablot ko ang tainga niya para pingutin.
"Aray." daing niya ng pabalya kong bitawan ang magkabila niyang tainga.
He dramatically touched his ears. Akala mo naman ay tinanggal ko talaga ang tainga niyang sobrang pula na ngayon.
Hawak na niyang mabuti ang tainga niya na akala mo ay pipingutin ko ulit. Nakasimangot siya habang nakaupo kami sa buhanginan.
We decided to watch the sunset first before going back to our villa.
"Siya nga pala, dumating si Alcantara at si Ramos kanina. They're on the villa." Blant suddenly blurted out that made me stop for a moment.
What? Did I heard it right? Jandrex and Hash are here?
Me, Kuya Kane, Blant, Hash and Jandrex in one Villa?
Why do I feel like being with them in one is not a good idea?
---
11:48 PM. DECEMBER 26, 2021