bc

Argo Greensmith

book_age18+
19.7K
FOLLOW
325.4K
READ
billionaire
possessive
sex
CEO
sweet
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Natalia Punongbayan. Is an extraordinary woman. Kapag sinabing extra. Malamang higit pa sa normal ang kaya niyang gawin. She can ruin the life of other just by stepping into their lives.

Dahil palos kung ituring siya ng mga kaibigan ay kaya niyang lusutan ang lahat ng problemang kinasasangkutan. She is a con-artist. She can manipulate the mind of her victims. Magaling siyang magpanggap at takasan ang problema sa isang pitik lang.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumaliktad ang dating komportable niyang buhay nang magkamali siya sa isang mission.

Dahil maling kasal pala ang sinira niya nang magpanggap siya bilang kabit at nabuntis ng groom na sana'y target n'ya.

Ngayon tila siya na ang pinaglalaruan ng tadhana nang hindi na siya pakawalan ni Argo Greensmith ang lalakng gusto siyang pagbayarin sa lahat ng ginawa n'ya.

chap-preview
Free preview
Simula
Teaser Malalaki ang hakbang ko habang papasok sa bakuran ng simbahan. Mula dito ay dinig ko ang sermon ng Pari. Mas bumilis pa ang t***k ng puso ko nang tumapak ang mga paa ko sa loob. Lumunok ako at sandaling binisita ang dami ng taong dumalo sa pagtitipon ngayong hapon. Base sa postura ng simbahan ay talagang pinagkagastusan at pinaghandaan ang kasal na ito. Sigurado din ako na mayaman ang kinakasal dahil sa hilera ng kotse na naka-park sa labas. Pansin ko rin ang mga media na nagko-coverage ng kasal. "Tss, good timing." I smiled devilishly. Inayos ko ang aking alon-alon na buhok at hinila pababa ang bestida kong suot. Kaya mo 'yan, Natalia! This mission is for your future. At para sa pangarap mong makapag-Hongkong. Tumuon ang pansin ko sa pares ng ikinakasal. I arch an brows while scanning the whole body of the groom. "Hmm, infairness kay kuya, likod pa lang pamatay na. What more kaya kung humarap ito?" Dinukot ko mula sa aking sling bag na suot ang picture ng lalaki at binalik ang tingin dito. Medyo hindi nag-tugma ang lapad ng balikat nito sa kuha niya sa litrato pero hayaan mo na, tutal naman ay nandito na ako. Wala nang atrasan ito, Natalia. I blew out a deep breath before I speak. "Itigil ang kasal!" Umalingaw-ngaw sa loob ng simabahan ang aking matinis na boses. Tumigil ang Pari sa pagsasalita kaya hinakbang ko pa ang mga paa ko papasok. Hindi pinansin ang bulung-bulongan ng mga bisita at pagtama ng camera sa aking mukha. "Itigil ang kasal, walang kasalang magaganap!" I shout. "Anong nanggyayari? Sino ang babeng ito?!" Halos pawalan ng ulirat ang ginang na tumayo na tiyak kong isa sa mga magulang ng ikinakasal. I smirked at her and looked straight to the altar, "Ako? Ako lang naman ang babaeng nabuntis ng lalaking iyan!" Turo ko sa lalaking nakatalikod. Humarap sa akin ang bride. Sandali akong natigilan dahil sa angkin nitong ganda. Pang artistahin ang itsura nito. Hindi lang iyon, mukha rin itong anghel dahil sa kutis nitong masutla na animo'y gatas. Bumaling ito sa lalaki na ngayo'y humarap naman sa kanya. "Ano 'to, Argo?" Hinubad nito ang kaniyang belo at nag-umpisang pumatak ang mga luha. I bite my tongue hard. Come on, Natalia. Huwag kang magpapa-apekto sa pag-iyak niya. Remember you are better than her, pagdating sa pag-arte. Doon lumingon sa akin ang lalaki. His eyes holding a total anger. Those black orbs that ready to tear my heart apart thrilled me. Mabilis bumaba ang tingin ko sa hawak na litrato matapos ay bumalik sa lalaking ngayo'y handa akong kainin ng buhay. Oh s**t! Bakit malayong malayo ito sa lalaking nasa litrato? May makapal itong kilay at matangos na ilong. His hair is curly and brushed up to make it perfection. I gaped openly as I observed his tight sharp jaw with a blazing brown eyes and those plumped red lips that ready for a kiss. "Who are you?!" His voice echoed all over the place. Kumurap ako at mahigpit na nilukot ang litratong hawak. Shit na malagkit! Patay, hindi siya ang lalaki sa litrato. Malayong malayo ito sa lalaking nasa usapan namin. "Who is this pregnant woman, Argo?" Sinuntok na ng babae ang dibdib nito habang basa ng luha ang mukha. Hindi naman ako makagalaw. Parang naparalisa ang aking buong katawan. Idagdag mo pa ang kabi-kabilang ilaw ng camera na tumatama sa`kin. "I don't know her, believe me, sugar." Sinakop nito ang dalawang pisngi ng babae ngunit ayaw na nitong magpahawak. "I trusted you, pero sinira mong lahat ang tiwala ko. You impregnate a woman you barely know? How could you explain this to me, huh?" Tulak nito sa kaharap. "No, sugar. Please, believe me. I don't know that f*****g woman." Muling bumaling ng tingin sa akin ang lalaki na tila nagpatigil ng t***k ng aking puso. I gulped hurriedly. s**t, Natalia. Anong disaster itong nagawa mo?! "Wala nang kasalang magaganap. Huwag ka nang magpapakita sa akin kahit na kailan!" anito sa lalaki. Bago nito iwan ang lalaki sa altar ay binigyan muna niya ito ng malakas na sampal. Halos mapapikit ako ng pumaling ang mukha ng lalaki sa ginawa ng bride. My feet rooted at the ground as she walks toward me. Huminto ito sandali sa harapan ko. "You will pay for this, f*****g b***h!" Bago ako lampasan ay binunggo pa niya ang balikat ko. "Argo, hindi ko mapapatawad itong ginawa mo sa anak ko!" Tila dumagundong sa buong simbahan ang boses ng tiyak kong Ama ng bride. "Let me explain everything, dad!" Bumaba na ito sa pedestal at tangkang hahabulin ang bride ng gipitin ng isang lalaki ang kaniyang kuwelyo. "Where do you think you're going, huh? Hindi mo basta-basta matatakasan ang kagaguhang ginawa mo sa kapatid ko!" "Huwag mong kakantiin ang kaibigan ko kung ayaw mong sumabog ang utak mo sa sahig!" anang lalaking gumipit naaman sa leeg ng lalaking humarap sa groom. Doon na tila nagkagulo ang lahat. Ilang pag-iyak ang narinig ko mula sa dalawang ginang na naroon at pagtatalo sa magkabilang panig. Oh s**t! This is truly a disaster! Goodbye Hongkong na ba? Bago pa ako makagawa ng hakbang ay may gumipit na sa aking braso. Dahil sa bilis ng panyayari ay wala sa loob akong nagpatangay dito. "Get in the car!" Halos ibalibag ako nito sa pinto ng puting limousine bago niya pinaalis ang driver doon. Nanginginig na sumakay ako sa loob ng kotse at mabilis dinukot sa bag ang aking cellphone. Lintek ka, Rosario, maling kasal itong napuntahan ko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
132.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook