JUST WORK (Chapter Two)

2253 Words
TEENAGE YEAR 2009 Fourteen pa lang ako sa time na ito. Tinapos ko lang ang second year high school at namasukan akong yaya sa Maynila. Yes at young age kinailangan ko ng mag trabaho noon. Ang ate ko kasi na namamasukan bilang kasambahay ay kinakailangang umuwi dahil my nangyari sa kanya na hindi maganda. Mahirap lang kami kaya kahit hindi buo ang isip ko noon na mamasukan ay ginawa ko. Alam niyo yong isang-kahit at isang tuka kami. Bago pa ako nun makarating ng Maynila ay naranasan ko pang kumain ng kalabasa yong nilaga lang ng tatay ko na parang kamote dahil sa wala na kaming makain noon. Yon din ang dahilan kung bakit ang bilis kong manawa sa kalabasa. ISANG BUWAN BAGO UMALIS Nang magkasakit ang ate ko at kailangan niyang bumalik sa amin para makapagpahinga at tulad ng sabi ko kanina ay ako ang kapalit niya sa trabaho. Fourteen. Fourteen lang ako nito at kailangan ko ng mag trabaho. Pero alam niyo kung anu nakakatuwa dahil nga sa bata pa ako hindi ko naiisip na mahirap pala ang malayo sa pamilya hindi ko naiisip na mahirap pala ang mundo ng ikaw lang. Kaya habang palapit ang alis ko noon excited ako dahil sabi ko nun makakarating na ako ng Maynila. Alam mo yong lumaki ka talaga sa probinsiya at kahit ang pag punta sa bayan niyo ay mahirap dahil wala kang pamasahe. Wala akong naiisip noon kundi masaya ako dahil makakarating na ako ng Maynila. Ang hindi ko alam na mahirap pala. Introvert akong tao. Kung hindi mo ako Kakausapin hindi ako magsasalita. Mas gusto ko ang mapag-isa kaysa makisalamuha. Naranasan ko ang ma-bully ng panahong nag-aaral pa ako pero dahil nga mang-mang ako noon hindi ko alam ang tawag sa ginagawa nila sa akin. Yong pumapasok ako sa school at lagi ako sa gilid. Yong lumaki ako na walang confidence sa sarili. Lumaki ako sa salitang pangit ka. Pangit ka. Pangit ka. Ewan ko ba ang pakiramdam ko wala na tumatak na sa isip ko na hindi ako maganda. Ang isa pang dumagdag noon sa pagiging negatibo ng utak ko. Ay yong masabihan ako ng crush ko na "Anu ka? chicks?!!" napahiya ako ng mga panahon na iyon dahil ang daming tao nagkataon kasi na fiesta sa Barangay namin. At pinsan siya ng best friend ko. Kaya simula ng araw na iyon ay sinabi ko na sa sarili ko na ayoko na sa lalaki. Ang takbo ng isip ko kung ayaw mo ehh di wag bahala ka sa buhay. Nauso ko pa noon ang maglagay ng pulang lipstick tuwing fiesta na nakadagdag sa panlalait ng mga taga sa amin. Naiisip niyo ba yong ayoko ng lumabas ng bahay noon dahil sa hiya. Wala kaming kanya-kayang kwarto noon at tabi-tabi kaming magkakapatid sa pag tulog kaya kahit gusto kung umiyak noon ay hindi ko ginagawa. Bulied. Being look down. Shyness my ghad feeling ko 100 percent ang hiya ko noon sa katawan. Ang best way ko noon para malayo sa mga bully at makatulog sa pamilya ay mag trabaho. Ang sa akin kasi ayoko ng maranasan ang nangungutang ka ng bigas at halos malibot mo na yong my tindahan sa Barangay sa inyo wala pa ring nagpapautang. Badoy pa akong manamit noon. Alam mo yong dahil bata ka pa naman ehh wala sa iyo kung anu hitsura mo. Ang sa akin noon basta nakaligo, my damit at maayos akong tingnan ay okay na sa akin yon. ARAW NG PAG-ALIS Isang backpack lang ang dala ko. Mahirap kami diba. So ang dala Kong pang-alis ay yong tanging suot ko lang. Yong isang pantalon lang talaga ang meron ako at pinaggamitan pa iyon ng ate ko. Excited ako sa araw na ito at first time kung sumakay ng bus. At first time Kong makakarating ng Maynila. Sa dami ng bilin ng nanay ko ang tanging natatandaan ko ay mag trabaho kang mabuti at mababait naman sila. Gustong-gusto nila ate mo dahil masipag kaya ikaw sipagan mo rin. Oo lang ako ng Oo noon. Malay ko ba na ang magiging dahilan pala ng pag-alis ko ang paglayo ng loob ko sa pamilya ko. TWO DAYS LATER Oo dalawang araw ang biyahe sa amin papuntang maynila. At yong excited ako ay nawala yon dahil ang sakit ng puwet ko dahil sa tagal na naka-upo. Hilong-hilo pa ako sa sa barko. Yes kailangan mo munang sumakay ng barko bago marating ng maynila natuwa pa ko ng una dahil first time kong makakita ng barko na ganun kalaki tapos pag pasok ko nawala agad yon dahil ang dumi ng CR ang baho at nakakahilo dahil sa alon. Pagkarating ko ng terminal ay nag hintay pa ako ng konti bago ko nakita ang pulang innova na nagsundo sa akin. Nag drive noon ang amo kong lalaki at kasama niya ang panganay niyang anak na lalaki na. Mabait naman sila at tumagal ako ng walong taon bilang yaya plus kasambahay sa kanila. Okay naman sana kaya lang ang ayoko nun ay hindi nila ako pinapayagang umuwi kahit isang beses lang sa isang taon. Apat na taon na ako sa kanila ng muli akong naka-uwi sa probinsiya namin. At dahil nga wala namang ibang my trabaho sa amin ay kinakailangang kong bumalik sa trabaho. Sa loob ng apat na taon at mabibilang lang ang araw na nakaka-usap ko sila. Wala kasi akong cellphone noon at ang sahod ko ay pinapadala ko lahat sa mga magulang ko. Ang tanging naiwan lang sa akin ay ang pambili ng sabon na gagamitin ko at sabon na para sa damit. Yes sa dati kong pinapasukan ako nasanay na kahit ilang taon na ako na hindi umuwi ay okay lang sa akin. Nasanay na ako. Kahit ang pagkausap sa magulang ko sa telepono ay naging madalang din. Nakakaya kong hindi sila kausapin ng dalawang buwan. Yes ganun katagal na kaya ko. At Oo ayoko yon pero wala naman akong choice noon. Wala akong cellphone. Wala akong kausap. Wala akong kaibigan. Oo at nakaka-usap ko ang amo kong babae noon pero yong kaibigan na masasabi mo na handang, makinig sa iyo wala ako noon. Yong paglayo ko noon at pakiramdam ko ay sumabay noon ang paglayo ng damdamin ko. Lumayo ang loob ko sa mga magulang ko. Lumayo ang loob ko sa mga kapatid ko. Lumayo ang loob ko sa mga ka mag-anak ko na dati ay kasama ko sa paglalaro. Nasanay akong mag-isa. Kahit na my sakit ako ay ako lang. Hindi pwede yong magpapahinga dahil wala akong kasama sa trabaho noon. Mag-isa ako. My kasama pa akong apat na batang inaalagaan. Ang maganda na lamang noon ay kapag nalalaman ng amo kong babae na my sakit ako ay pinapatigil ako sa gawain. Sa apat na taon kung pagtratrabaho ay yon lang ang nadala ko. Ang Lumayo ang loob sa kanila. Oo kahit mahirap noon ay nakatagal pa ako ng apat na taon bago ko naisipang umalis sa kanila. Mabait naman sila kaya nga lang walang day-off. Hindi rin ako pinapayagang umuwi ng probinsiya. Kaya ng Nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas sa kanila ay ginawa ko. Oo patakas ang ginawa Kong pag-alis sa kanila. Ayoko na ehh, nakakapagod mag-paalam tapos hindi ka naman papayagan. Kaya ng makatakas ako ehh hindi na talaga ako bumalik doon. FAST FORWARD (AFTER TWO WEEKS) Oo na. Two weeks lang ang tinagal ng pahinga ko at muli akong namasukan bilang yaya sa bulacan. Dito mas okay na ako dahil ka sabay ko ang pinsan ko. Ang maganda dito sa bulacan mababait din sila at ang batang a alagaan ko ehh limang taong gulang. At ang masaya rito sa bulacan marami kami. Tatlo kaming yaya isang kasambahay isang taga-luto at my katabi kaming nag-oopisina at call center. Hindi halata noh, pero my pera sila. Haha ewan ngayon lang ako naka kita ng aircon na mas matangkad pa sa akin. Nasa edad ako nito na twenty-two at Oo sa edad na twenty-two ko nalaman na my f*******: pala. At Oo dito ko rin natutunan ang gumamit ng computer nakakalabas kasi kami pag-gabi. Bibili sa tindahan at magcucumputer hanggang madaling-araw. Hehe pagod na kami sa maghapon noon ha pero nagagawa pa naming mag-puyat dahil lang sa computer. Simula kasi ng natutu ako ehh halos gabi-gabi na kami ng pinsan ko kung lumabas. Hindi naman kami pinagagalitan noon basta ang mahalaga sa kanila ehh hindi namin napapabayaan ang trabaho. At sempre hindi namin napapabayaan yon. Ang ikenatuwa ko rito dito ko naranasan ang makapasok ng hotel. Yes hindi mumurahing hotel kundi five star hotel pa. Kilala niyo naman siguro ang OKADA at SOLAIRE Hehe yon lang naman ang madalas naming puntahan. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses ba kami sa isang buwan napupuunta doon. Ang ganda grabe. Super ganda. Ang dahilan lang din kung bakit ako umalis sa kanila ay yong puyat. My araw kasi talaga na uuwi kami galing Manila ng madaling-araw na. Ang Nakaka-inis doon ehh wala naman kaming ginagawa sa mall. Yong aalis kami ng after lunch sa bulacan pero uuwi kaming alas-dos ng madaling-araw. My ghad!!! Pero grabe enjoy ako doon. Ang dami kong naging kaibigan at kakilala. Yong mga pinsan ko na hindi ko pa nakikita ay nakita at nakilala ko. Alam mo ba yong mas malapit ako sa kanila kaysa sa pamilya ko. Ohh, hanggang dito wala pa rin akong nabibiling cellphone ng sarili Kong pera. Nakakatuwa noh yong ako yong naggtratrabaho pero hindi ako makabili ng gamit na gusto kong bilhin. At tulad nga ng sabi ko umalis din ako sa bulacan. Hindi ko kasi kaya yong halos araw-araw na lang na puyat. Hirap pa ako mag paalam noon dahil nga sa mabait naman sila at wala naman talagang problema plus nag-eenjoy pa ako roon kasi my mga kaibigan na rin akong nakikilala. Kaya lang parang mG urge talaga sa akin ang umalis doon. Ewan ko ba. Ako kasi yong klase ng tao na go with the flow ika-nga nila. CHRISTMAS VACATION WITH MY NANAY 2018 Yes, nakapunta ng Maynila ang nanay ko at yong bunso kong kapatid na babae. Kaya na kapag paalam pa ako sa amo kong babae na mag-christmas ako sa bahay ng tiyuhin ko na nasa Bacoor Cavite. Pinayagan naman ako sempre tuwa ko noon dahil isang taon ko rin na hindi nakasama ang nanay at kapatid ko. (oppsss wait ng time na ito yong sa bulacan pa ang amo ko.) Tuwa ko noon dahil first time in eight years na makakapag-celebrate ako ng christmas at New year na wala ako sa trabaho. Masaya naman dahil alam mo yong first time makarating ng kapatid mo sa, Maynila kaya tuwang-tuwa siya. Natawa pa kami dahil sa naging reaksyon nito sa escalator. Yes 7 years old na siya that time pero ang sabi niya. "Ate ang galing naman ng hagdan nila dito naglalakad." Alam niyo yong feeling na mahihiya ka dapat pero mas ikinatawa pa namin ng malakas yon. "Hayst, gusto ko rin dalhin si, Althea rito." Tukoy sa isa ko pang kapatid na babae. Ito yong kapatid ko na kamukhang-kamukha ko ng nasa edad na 13 to 14 years old ako and yet sabi ng nakakita ehh mas maganda daw ang kapatid ko na yon. Haha nakakatuwa ayoko sanang maniwala ehh kaya lang my litrato ang nanay namin sa akin ng bata pa ako kaya hindi ko na rin maitanggi. Mapagkakamalan nga kaming kambal ehh pero sa litrato lang. Haha Nasa SM Bacoor kami at gusto ko sanang manood ng sine at gusto ko rin sanang makita ng kapatid ko ang sinehan kaya lang dahil nga sa laki kami sa probinsiya at kahit matagal na ako na nakatira dito sa Maynila ay hindi talaga ako sanay sa lamig ng aircon. Hahaha ganun din ang kapatid ko. Kaya imbes na dapat ehh manonood pa kami ay umuwi na lamang kami. Two weeks ang day-off ko noon dahil hindi naman ako nagdaday-off pag nasa trabaho ako. Kaya yong dalawang linggo na iyon ay talagang sinulit ko na kasama ang aking ina at kuya at nakababatang kapatid. Well my sarili namang bahay ang kuya ko sa Bacoor kaya lang ang liit na tamang-tama lamang sa isang tao. At ng maisipan namin ni nanay na puntahan ang bahay nito ayyy ewan ko kung matatatwag pa ba na bahay ng tao yon sa dami ng kalat ang mga plato hindi hinuhugasan. Alam ko namang lalaki siya pero kahit itabi lang sana ang pinagtulugan at hugasan ang mga plato ehh sana ginawa na. Ito rin ang unang pagkakataon na nakapunta ako ng eskwater area. Yong dikit-dikit ang bahay at halos wala kana malakaran at kasya lamang ang isang tao sa daan. Yong hindi ko maintidihan sa tiyuhin ko na umuupa nga ng bahay ehh bakit doon pa. I mean duh, why? Ayoko na sanang sabihin pero ang ma-experience ko ang matulog ng dalawang linggo sa area na iyon ay masasabi ko talagang Well experience talaga. Haha naliligo kami sa labas ng bahay yong CR ay iisa lang. Imagine mo na kunwari isang Barangay angg gumagamit sa CR na iyon. Huh..... I can't. Pumupunta talaga ako ng SM noon kapag na-ccr ako since walking distance lang naman yong SM Bacoor mula sa bahay ng tiyuhin ko. Hindi ko kaya ang gumamit ng CR na iyon. Ehh maarte na kung maarte pero buti naman sana kung ni lilinis after nilang gumamit. My ghad!!! I can't. At ayoko na talagang bumalik pa doon. Never. Hahaha ang hursh ko noh but what can say I can't lie. Ayoko na talagang bumalik doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD