KABANATA 4
Napatulala ako nang makita ko ang pagtumba ni Thunder sa hapag. Napakabilis nang pangyayari ni hindi ko man lang namalayang natumba na pala siya dulot ng isang malakas na suntok.
Namalayan ko na lang ang sarili kong yakap yakap nang isang matitipunong lalaki. His addictive mint is the reason why I came back from my revire. How I miss this scent.
Napahawak ako sa matitipuno niyang dibdib nang mas lalo pa niyang idinikit ang mukha ko sa dibdib niya.
In my pheripheral vision ay nakita ko kung paano tumayo si Thunder mula sa pagkakahiga nito sa sahig.
Marahas nitong pinunasan ang dugo na nasa gilid ng kanyang labi bago ako nito hinigit palayo kay Spencer, ikinulong ako nito sa mga matitipunong braso niya.
Nakita ko naman kung paano umigting ang mga panga ni Spencer bago muling sinuntok si Thunder, making Thunder fall again. Mabuti na lamang at pinakawalan agad ako ni Thunder ng maramdaman niya sigurong matutumba na siya, kasi kung hindi’y paniguradong natumba rin ako kagaya niya.
Sa ikalawang pagkakataon ay muling tumayo si Thunder mula sa pagkakahiga, at sa ikalawang pagkakataon rin ay nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano nito marahas na pinunasan ang dugo na nasa gilid ng kan’yang labi.
Wala sa sariling ako’y napatili ng makita ko kung paano marahas na kinuwelyuhan ni Thunder si Spencer, "Ano ba ang problema mo, pare?" nanggagalaiting tanong ni Thunder kay Spencer.
Spencer smirked at him, "Get your filthy dirty hand out of me!" malamig na utos ni Spencer rito.
Imbes na sundin ang utos ni Spencer ay hindi iyon ginawa ni Thunder bagkos nga’y ngumisi lamang ito bago inulit ang tanong, "I'm asking you, why did you punch me?!"
And instead of answering it, Spencer just laughed sarcastically on him before shouting, "I said get your filthy dirty hand out of me!" bulyaw ni Spencer kay Thunder matapos tumawa na siya namang naging dahilan kung bakit mas uminit pa ang tensiyon sa gitna nilang dalawa. At bago pa man tuluyang magkagulo dahil sa init ng tensiyon na namamagitan sakanila’y umawat na ako.
Pero huli na, huli na ‘ko sa pag-awat ko na iyon dahil bago pa man ako tuluyang makalapit sa gawi nila ay nakita ko na lang sa sahig si Thunder na nakabulagta dulot ng biglaang padura ni Spencer sa mukha niya sabay suntok rito ng malakas.
"Thunder!" ang tangi kung naisigaw ng makita ko ang pagkabulagta ni Thunder sa sahig. Pupuntahan ko na sana ang gawi niya para daluhan siya pero hindi ko na nagawa pa iyon ng bigla bigla na lang hablutin ni Spencer ang kamay ko palapit sakan’ya bago ako nito binuhat na parang isang sako ng bigas.
“Arghh!” ang tili ko dulot ng pagkabigla sabay suntok sa matitigas nitong likod.
"Put me down Spencer!" utos ko pa rito.
Pero parang hindi man lang nito narinig ang inutos ko dahil imbes na sundin ako’y mas nagpatuloy pa ito sa paglalakas hanggang sa marating namin ang gawi ng kan’yang sasakyan.
Pabalang nitong binuksan ang pinto ng sariling kotse niya bago niya ‘ko pabalang na itinapon doon. Napasalampak naman ako doon bago napadaing dulot ng hapdi na aking naramdaman sa puwet ko.
"Spencer saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko rito sabay awat rito ng makita ko kung paano siya magtangkang isarado ang pinto.
"Shut up! Woman!" ang tanging isinagot nito sa tanong ko bago ako nito pinagsaraduhan.
Umikot siya sa kabilang bahagi ng kotse upang pagbuksan ang sarili at ng mabuksan ay pabalang niyang sinarado ang pintuan bago nag-suot nang seatbelt.
"Mag seatbelt ka!" utos niya, nagpatay malisya naman ako, wala kasi akong balak na sundin ang utos niya. E kasi sino ba siya para sundin ko? Ano ba siya gold?!
Hindi ko sinunod ang utos niya bagkos ay hinubad ko ang damit na suot ko. Kanina pa kasi ako naiinitan e.
Wala sa sariling napangiti ako ng palihim ng makita ko ang paglunok niya habang nakatitig sa katawan ko. At dahil roon ay may isang malagim na plano ang namuo sa isipan ko. Planong magpapalaway sakan’ya.
"Ho! Ang init!" patay malisya kong ani habang hinahaplos ang leeg ko. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi ko para mas maging effective.
Ito ang sinayang mo Spencer kung kayat maglaway ka! Napangiti ako dahil sa naisip.
“Ganyan nga Spencer, maglaway ka sa katawang sinayang mo,” bulong ko sa kawalan habang nakangiti ng malagim.
Patay malisya kung hinawakan ang dalawang umbok ko bago ko inayos ang pagkaka-puwesto ng dalawang umbok na nasa loob ng dede ko. Wala sa sariling napangiti ako ng makita ko ang bawat pagsunod niya ng tingin sa bawat galaw na ginagawa ko. Isang palatandaan na nadadala na siya sa plano ko.
‘Di ba’t sinasabi mo na hindi ako masarap? Pero ba't parang naglalaway ka. Gusto ko sanang ipamukha sakan’ya ang mga katagang sinabi niya noon sa akin pero hindi ko iyon ginawa dahil alam kung kahit na anong gawin kung pagpapamukha sakan’ya gamit ang mga kataga na iyon ay hinding hindi na niyon mawawala pa ang sugat na kan’yang ibinagay sa akin—hindi na mawawala sa puso ko ang sugat na natamo ko.
"Spencer, sa'n mo ba ko dadalhin?" nang-aakit ko na tanong sakan’ya habang kinakagat-kagat ang aking pang ibabang labi.
Napalunok ito bago muling pinasadahan ng tingin ang aking katawan. Napangiti naman ako dahil doon, hindi ka pa rin pala nagbabago Mr. Spencer dahil hanggang ngayo'y nauulol ka parin sa katawan ko.
Gustuhin ko mang ipagpatuloy ang pang-aakit na ginagawa ko sakan’ya dahil na e-enjoy ko ang bawat reaksiyon niya pero hindi ko iyon ginawa dahil alam ko mismo sa sarili ko na hinahanap na nila ako Sister ngayon. At saka isa pa, hilong hilo na ako gusto ‘ko hindi ko na kaya pa.
"Hoy Spencer,” pasinghal na agaw ko sa atens’yon nito, napapitlag naman ito bago napaayos ng pagkakupo.
“Saan mo ba 'ko dadalhin?!" dagdag ko pang sabi rito.
"Magdamit ka nga!" imbes na sagutin ang tanong ko’y ang mga kataga na iyon ay ang isinagot niya, pero ang mas nakakatawa pa roon ay parang nahihiya siya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Namumula pa nga ang mukha niya e.
Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko sakan’ya ng makita ko kung paano siya humarap sa back seat ng kotse. May kung ano siyang kinalikot sa bag niya na naroon na siyang ikipangataka ko naman kung ano iyon pero ang pagtataka ko na iyon ay agaran rin nasagot ng makita ko ang isang over sized t-shirt na kinuha niya mula roon.
Itinapon niya ito sa pagmumukha ko na siyang bahagyang ikinabigla ko,
"Magdamit ka nga! Kababae mong tao pero ang landi landi mo! Nanlalandi ka nang may jowa uyy!" singhal niya sa akin na siyang pumunit sa puso at ngiti ko.
Parang may kung anong bagay na lumukob sa puso ko ng marinig ko ang turan niya na iyon na siya namang naging dahilan kung bakit parang nalukot ang puso ko ng daan daang beses.
Iniwas ko ang tingin ko mula sakan’ya, itinuon ko ito sa harapan bago palihim na pinunasan ang luha na nasa gilid ng aking mga mata.
Oo, malandi ako Spencer, pero baka nakakalimutan mong mas malandi pa ang jowa mo kesa sa akin. Remember, she flirt with you kahit na’y alam niyang jowa mo ‘ko! At ikaw rin naman ‘tong si malandi, nagpasulot rin! Tangina mong gago ka! Tangina niyong dalawa!
Honestly, mas pinaparamdam mo lang sa akin ngayon Spencer kung gaano ako ka puta at ka-tanga pagdating sa'yo.
Pero alam mo ba kung ano pa ang mas puta pa sa lahat ng puta, Spencer? Iyon ay ang ladies drink na ininom ko! Tangina mo!