KABANATA 2

1784 Words
KABANATA 2 "Jeanshe tara na." Wala sa sariling ako’y napa angat ng tingin ng marinig ko ang mga katagang iyon. At nang tumingala ako ay doon ko nakita si Jazmine, ang bestfriend ko. Napalinga-linga ako ng marealize ko ang ibig niyang sabihin at doon ko napagtanto na tapos na pala ang Graduation Ceremony, napahawak naman ako sa batok ko ng makaramdam ako ng pangangalay rito. Grabe! Ang tagal ko pa lang nakayuko, kaya rin pala mediyo nangalay ang batok ko. Isang ngiti ang ibinigay ko sakan’ya bago ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin. Pagkatayo na pagkatayo ko pa lang ay agaran niya akong kinaladkad papunta sa mga kabarkada niya na kasalukuyang busing busy sa pag se-selfie. "Hi Jazmine," masyang bati nila kay Jazmine pagkalapit na pagkalapit pa lang namin sa gawi nila. "Oh, hi Jeanshe,"  bati naman nila sa akin ng makalapit ako, pero ramdam ko, ramdam na ramdam ko ang mga mapanghusgang tingin na ipinupukol ng iba sakanila habang isinasambit ang mga katagang iyon ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil ako mismo sa sarili ko’y alam na hindi ako ganoong klase ng tao. Nahihiya akong kumaway pabalik sakanila bago napayuko. "Ano ka ba, hindi ka parin ba nasasanay sa amin?" ang baritonong boses na iyon at ang pag akbay sa akin ng may-ari ng boses na iyon ay ang siyang naging dahilan kung bakit ako napa-angat ng tingin. Ang kanyang singkit na mga mata at matatangos na ilong ay ang una kong nakita nang tumingala ako. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin at hindi ko inaakala ang sunod niyan ginawa, yumuko kasi siya at saka hinalikan ang tungki ng ilong ko which made me shocked. Gulat na gulat akong napatitig sakan’ya dahil sa ginawa niya na iyon, nakabawi lang ako ng marinig ko ang tilian at pang-aasar ng mga kaibigan nila. Nangunguna na roon si Jazmine at  si Storm na siyang kakambal niya. "Uyy si Thunder dumi-diskarte na naman," tukso nila sa amin, “Yieee.” Namula ang buong mukha ko dahil sa tukso nila bago yumuko. At mas lalo pa akong napayuko ng marinig ko ang pag chuckled ni Thunder na kalauna’y sinundan niya rin ng paghalik sa ulo ko na siya namang naging dahilan kung bakit mas lumakas pa ang tuksuan at tilian nila. Thunder is a sweet person and he is the so called perfect material boyfie. He got the looks, the wealth, the sweetness and the hotness kasi. Kung hindi nga lang ako siguro inlab kay Spencer paniguradong nainlab na ako sa isang ‘to, umiigting rin kasi ang panga niya niya ‘tas magiging engineer pa, board na lang ang kulang nito e. Matagal ko ng ‘tong bi-noyfriend kung inlab lang ako sa isang ‘to kaso ‘yong puso ko’y kay Spencer lang kumakalampag e. "Let's go?" Napa-angat ako ng tingin bago ng marinig ko ang turan na iyon ni Thunder. Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko rito. "Saan?" I asked out of curiosity. He smiled sweetly at me bago piningot ang ilong ko, napangiwi at saka napanguso naman ako dahil doon. Kalaunay ang impit na tilian ng mga kabarkada ni Jazmine ang narinig ko. "Saan sabi e," ulit ko pang tanong rito sabay tampal sa kamay niyang patuloy pa rin sa pagpingot sa ilong ko. "Sa bar."  Imbes na siya ang sumagot sa tanong ko dahil siya ang tinatanong ko ay ‘yong mga kabarkada niya ang sumagot. Sabay sabay pa sila ng sambitin ang mga katagang iyon. The excitement  is also visible on their voice while saying those words, well, kunsabagay, sino ba naman ang hindi mae-excite sa lugar na iyon para sa mga rich kid? Edi, sila. Perks of being a rich kid. Wala sa sariling ako’y napalingon ng makaramdam ako ng maiinit na tingin ng kung nino man, snundan ko ng ang pinanggalingan ng tingin na iyon at wala sa sariling nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang kan’yang matatalim na pinapakawalan sa akin. Luh? Anong ginawa ko sakan’ya at ba't parang galit na galit siya sa akin? Siguro, nakulangan lang ‘yon ng dilig kung kayat ganoon kung makaasta. Para lang adik sa kanto ang gago. Nagkibit balikat ako bago ipinagsawalang bahala ang mga tingin niyang iyon. Muli kung ibinalik ang aking tingin sa kanila. Habang pilit na iniwawaksi ang nakakapanghinang presensiyang dulot niya. "Tara na?" nag-aalinlangan kong tanong. Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na alam pa kung ano ang mga pinagsasabi ko sa kanila, ang tangi lang kasing laman ng utak ko sa mga oras na iyon ay ang makaalis na rito at makaiwas sa mga tingin na ipinupukol niya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta’t ang tanging alam ko lang ay namalayan ko na lang ang sarili kong nakasakay na pala ako sa kotse ni Thunder habang binabagtas ang daan papunta sa bar na sinasabi nila. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng isang iyon at kung bakit ganoon na lang kung makatitig sa akin. I didn’t do anything, wala akong ginawa na masama na ikakagalit niya sa akin. Ni hindi ko nga inaway ang babae niya kahit isang beses man lang, kahit na’y harap harapan nila akong niloloko, and now he is f*****g acting like I did something wrong?! Ghad, anong klaseng pag-iisip ang meron siya? "Are you okay?" Wala sa sariling nakabalik ako sa sariling ulirat ko ng marinig ko ang tanong niya na iyon. Nilingon ko ang gawi niya at doon ko nakita ang kanyang matitipunong braso na patuloy na iniikot ang manibela nang sasakyan at sa bawat  kan’yang pag ikot sa manibela ay ang bawat paglitaw biceps niya, isang palatandaan na ang tigas-tigas nang braso niya. Isang naiilang na ngiti ang isinukli ko sa tanong niya bago sinagot ang tanong niya, "Yes, I am okay." Napangiti naman siya dahil doon at ng mag green ang stop light ay itinigil niya ang sasakyan bago ginawa ang sumunod na hakbang na hindi ko inaakalang magpapabigla sa akin. Nakangiti niya kasing dinukwang ang pagitan namin bago hinalikan ang noo ko. Nabigla naman ako dahil doon. Like heck, what’s that for? May naalala tuloy ako dahil doon. Spencer used to do that thing to me. He used to kissed me everytime and anywhere, he used to kiss me as long as may time siya, he used to kissed me, ‘yong tipong aasahan mo na lang na any minute ay hahalikan ka niya kapag magkasama kayo.  Wala sa sariling ako’y napangiti dahil sa naisip. Good old memories! He used to kiss me back then, and I used to feel the wramth of it, we used to be together, we used to love each other, we used to  be a lover who turned into strangers. Strangers to  lovers, lovers to stranger, kumabaga. Wala sa sariling ako’y napapitlag mula sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng sunod sunod na pagbusina, paglingon ko sa likuran ay doon ko nakita ang nakahilerang sasakyan na patuloy’ng binubusinahan ang sasakyan namin, pagtingin ko naman sa harapan ay doon ko nakitang pula nap ala ang nasa stop light, which means na oras na namin. Nang mapagtanto siguro ni Thunder ang nangyayari ay dali-dali nitong pinaandar ang sasakyan. He turned the engine before droving fast palayo sa  lugar na iyon. Muli ko namang itinuon ang aking pansin sa labas nang kotse at doon niligaliw ang mga mata at isipan ko hanggang sa makarating kami sa parking lot ng bar na tinutukoy niya. "Jeanshe," untag niya. Mula sa pagkakatingin sa labas ng bintana ay inilingon ko ang ulo ko sa gawi n’ya bago sinagot ang untag niya, "Ano ‘yon?"  "Wala ka bang planong hubarin iyang togang suot mo?" tanong niya habang hinuhubad ang togang suot suot niya. “Ay oo nga ‘no?” wala sa sariling tanong ko rito. Damn ba’t ko ba nakalimutan na bar itong pinuntahan namin at hindi graduation ceremony? Ang tanga tanga mo, Jeanshe! Huhubarin ko na sana ang toga na suot suot ko pero napatigil ako nang may mahagip ang paningin ko at ang nahagip ng paningin ko na iyon ay ang isang tanawin na ang sarap pagmasdan ng paulit-ulit—wait what did I just said? Masarap na tanawin? Ghad ano ba ‘tong pinag-iisip ko? Well, kunsabagay, masarap nga iyon. Wala sa sariling napalunok ako ng makita ko ang suot suot niyang sando. Hapit na hapit sa katawan niya ang sandong suot suot niya na siyang naging dahilan kung bakit naging visible ang freaking abs niya. Dali dali akong napaiwas ng tingin dulot ng hiya na nararamdaman ko dulot ng marinig ko ang bahagyang pagtawa niya, na tila ba’y na aamaze siya sa naging reaksiyon ko sa katawan niya. Pinamulhanan naman ako ng buong mukha dahil doon. In my pheripiral vision, nakita ko kung paano niya itinapon sa backseat nitong kotse niya ang togang suot suot niya kanina. Kinuha niya rin mula doon ang long sleeve niya. At ng maramdaman kung wala na ang pamumula ng mukha ko at ng makita kung tapos na siya sa pagsusuot sa long sleeve niya ay ‘tsaka ko pa lang nilingon ang gawi niya. Ang pagtutupi niya sa sleeve no’ng long sleeve niya ang nabautan ko pagkalingon na pagkalingon ko pa lang sa gawi niya. Tinupi niya iyon hanggang siko, which made him hot. Isang nakakalokong ngiti ang umukit sa kanyang labi nang makita niya siguro akong tutok na tutok ako sa ginagawa niya. Muli na naman akong napaiwas ng tingin dahil doon. Damn Jeanshe, napaghahalataan ka na ah! “Ikaw Jeanshe ah,” panunukso niya sa akin ng matapos na sa pagtutupi. Pinamulhanan naman ako ng mukha dahil doon bago siya dali daling pinaghinampas sa braso, "Umalis ka na nga, para makapaghubad na 'ko!" pagtataboy ko sakan’ya habang pinaghahampas ang braso niya. Tinawanan muna ako nito bago nito hinubad ang seatbelt na suot suot at saka bago binuksan ang pintuan ng kotse niya, at bago pa man ito tuluyang makalabas ay wala sa sarilin napailing ako dulot ng kalokohan na alam ng gagong ito, ang kalokohan na pagkindat sa akin bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng kotse niya. Wala sa sariling napabuntong hininga naman ako ng malalm bago napasandal sa upuan niya ng mapagtanto ko ang kagagahan ko. Ang kagagahan ko na kung saa’y bakit ako sumama rito e samantalang wala naman akong pera. At saka isa pa, hindi pa ako nakakapasok sa ganitong lugar kaya paniguradong magmumukha lang akong tanga doon. Pero ang ikinakabahala ko lang talaga ay ang pa'no kung pagbabayarin nila ako sa magiging bill namin? Wala pa naman akong pera. God, ano ba ‘tong pumasok sa utak ko at ba’t ako pumayag na sumama sa kanila, e wala pa naman akong pera?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD