KABANATA 1

1893 Words
KABANATA  1 "Spencer Carson." Isang malaking ngiti ang umukit sa aking labi ng marinig ko ang pagtawag ng kan’yang pangalan sa entablado. "Cumlaude." Ang ngiting nakaspaskil sa aking labi ay mas lalo pang nadagdagan ng marinig ko ang mga sumunod na katagang binitawan no’ng emcee. Sa klase ng ngiti na meron ako’y kulang na lang ay ang mapunit ang aking labi. Gusto kong tumili at isigaw ang mga katagang baby ko 'yan, pero alam kong wala akong karapatan dahil nakaraan lang niya ako. I am just his past and she is the present. Nakangiti siyang umakyat sa stage. He look's so hot with his black toga. Ang kan’yang kulay itim na slacks na binagayan naman ng kan’yang sapatos na kulay itim ay ang mas lalo pang nagpa hot sakan’ya. Para siyang isang modelo sa isang sikat na commercial nang toothpaste ng ngumiti siya, lalo na no’ng makuha niya ang diploma na matagal na niyang pinapangarap na makamit. Yumukod siya ng sabitan siya nang mama niya ng medalya. Yumuko siya dahil hindi kasi maabot nang mama niya ang ulo niya. Napakataas niya kasi e, ‘sing taas nang ano niya sa ibaba.  Wala sa sariling ako’y napailing dahil sa naisip. Isa isa niyang kinamayan ang mga panauhing nasa entablado na siyang namang naging dahilan kung bakit ako kinain ng inggit. Kinain ako ng ingiit dahil sa kadahilanang mas mabuti pa ‘yong mga panauhin na nasa entablado kasi nagagawang hawakan ang mga kamay niya, e ako kaya, kalian? Ang kan’yang bawat paghakbang ay aking sinasabayan ng tingin. Hanggang sa ang ngiti sa aking labi ay napalitan nang isang malungkot na ngiti nang makita ko kung paano siya sugurin nang isang matatamis na halik at yakap nang girlfriend niya ng makababa na siya ng tuluyan mula sa entablado. Valentine, ako dapat ang gumagawa niyan e, ako dapat ang humahalik sa labi niya e, ako rin dapat ang yumayakap sakanya e. Ako dapat ang nasa posisyon mo e. Ang mga katagang iyon ay ang tanging tumatak sa aking isipan lalo na nang makita ko kung paano niya sinagot ang mga nagbabagang halik ni Valentine. Gustuhin ko mang iiwas ang aking paningin sakanila dahil sa kadahilanang ang sakit. Ang sakit sakit makita na ang lalaking mahal na mahal mo, na siyang minsan ng naging sa’yo, ngayon naman ay may kahalikan ng iba at may mahal ng iba. Gusto kung iiwas ang aking paningin mula sakanila pero hindi ko magawa, hindi ko magawa dahil tila ba’y may kung ano sa akin ang gustong ipasaksi ang nasasaksihan ko ngayon nang sa gayon ay masaktan ako ng masaktan hanggang sa maging manhid ako’t tuluyang makalimutan siya. Kung sana'y hindi ka dumating sa buhay namin, siguro mahal niya pa rin ako. Siguro, ako pa rin ang mahal niya, siguro nasa akin pa rin ang atensiyon niya. Ba't ka pa kasi dumating? Ba't ka pa kasi nanira? Akin lang siya dapat e, akin lang siya dapat e! May kung anong saya ang lumukob sa puso ko nang magawa kong iiwas ang aking paningin mula sa gawi nila. But my eyes is telling the other way, it is telling the other way dahil namamasa ang mga mata ko habang pilit na iniiwas ang aking paningin mula sa gawi nila. Hindi ko inaakalang luluha parin pala ako hanggang ngayon. It's been a year Jeanshe and supposedly nakalimutan muna ang lahat ng iyon! Pero bakit? Bakit magpahanggang ngayon ay lumuluha ka pa rin? Samantalang, siya’y nagpapakasaya na sa piling ng iba?! Wala sa sariling ako’y napasinghot dahil sa naisip. Palihim kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ko nilingon ang taong nasa likod ko ng maramdaman ko ang bahagyang pagsiko nito sa akin. "What?’’ tanong ko sa kaklase kong nagsiko sa akin. "Ikaw na," she answered na siyang nagpataka sa akin. What is she mean? Anong ako na? Nasagot ang mga katanongan ko na iyon ng inginuso niya ang harapan ko. Tinignan ko ang harapan ko at doon ko nakita na ako na pala. Nahihiya akong napatingin sa gawi no’ng stage at doon ko nakita na halos lahat pala ng mga mata na nasa harapan ay nakatuon na sa akin. "Miss Jeanshe.” Wala sa sariling ako’y napatingin sa gawi ni Ma’am Sia ng marinig ko ang pagsambit nito sa pangalan ko at doon ko nakita ang mga nag-aalala nitong tingin para sa akin. “Ikaw na," dagdag pang ani niya na siyang nagpahiya sa akin. Napayuko ako bago wala sa sariling napatango dahil doon, kalauna’y sinimulan ko na ang paglalakad ko ng nakayuko, kasalungat sa paraan ng paglalakad no’ng iba. ‘Yong iba kasi ay naglalakad ng naka heads up at nakangiti, na tila ba’y proud na proud ang mga ito sa achievements na kanilang natamo, samantalang ako naman ay dinaig pa ang kuba dahil sa paraan ko ng paglalakad. Nakakahiya kasi talaga e, ilang beses na pala akong tinawag pero hindi ko man lang napansin. Hayystt! Ba’t ba kasi ako nagpapaapekto sa presensiya nila? ‘Yan tuloy, napapahiya tuloy ako ng wala sa oras "c*m Laude." Pero ang hiya na nararamdaman ko na iyon ay agaran rin namang nawala ng marinig ko ang mga sumunod na katagang binitawan ni Ma’am Sia. Isang matamis na ngiti ang umukit sa aking labi dahil sa aking narinig. Sa wakas! Nagbunga na rin ang mga paghihirap ko, nagbunga na rin ang mga sleepless night ko. I'm a Dean Lester student, pero hindi ko pa rin ine-expect na ga-graduate ako ng may parangal lalo na't napabayaan ko ang aking pag-aaral nitong mga nagdaang taon dahil sa pagpapakatanga ko sa lalaking sinayang lang ako. Nakangiti kong inakyat ang stage, nakangiti ko ring tinanggap ang diploma at ang medalya na para sa akin. Ang kaninang hiya na nararamdaman ko ay nawala dahil sa parangal ko. Bahagya akong yumukod upang maisabit ni Ma’am Sia ang medalya ko. Siya ang nagsabit sa akin ng medalya sapagkat wala sina Sister, may conference raw kasi ang mga ito eh, kasama ‘yong ibang madre ng iba’t-ibang kumbento. Nakakalungkot man isipin na ang tao na inaasahan ko sanang sasabit sa akin sa medalyang pinagharipan ko ay ang hindi magsasabit sa akin. Nakakalungkot man isipin na ang taong kasabayan kung mangarap—na nangako sa aking nandiyan sa oras na umakyat ako sa stage, ngayon ay nasa piling ni Valentine. Nagpapakasaya. Nakakalungkot man pero kailangan kong maging masaya sa araw na ito, kailangan kong maging masaya dahil ito ang araw ko. Ang araw na kung saan nagbunga ang lahat na pinaghirapan ko. "The Scandalous girl of the year!"  Pagkasabit na pagkasabit pa lang ng medalya sa leeg ko’y agaran na akong napatayo ng matuwid dahil sa narinig ko na sigaw na iyon. Inilibot ko ang paningin ko—sinundan ko ng tingin ang pinagmulan ng mga kataga na iyon at doon ko nakita ang nakangiting si Jose, ang dating manliligaw ko na kabarkada ni Valentine, na siya rin nagsigaw sa mga katagang iyon. Umalingaw-ngaw ang bulung bulungan sa buong gymnasium dahil sa mga katagang iyon, kasabay ng mga bulungan na iyon ay ang pagramdam ko rin sa mga nagtataka at mapaghusgang tingin na ipinupukol ng mga tao sa akin. Nahihiya akong napayuko dahil sa mga narinig kung sigaw at mapanghugang tingin na ipinukol sa akin. At ng hindi ko na kinaya pa ang mga mga tingin na iyon ay dali dali na akong tumalikod at saka dali-daling binagtas ang daan pababa ng stage. Hindi ko na nagawa pang kamayan ang mga panauhing naghihintay sa akin, dinaanan ko lang ang mga ito dahil natatakot ako, natatakot akong may marinig pang mga kataga na tungkol sa akin, knowing them, hinding hindi sila titigil hanggat sa hindi nila ako napapahiya. "Jeanshe, the Scandalous girl of the year!"  And I am right with that thought because for the freaking second time, Jose shouted those words but this time it is more painful, dahil pati pangalan ko’y sinali na niya. My world stop for a moment. Napatigil ako sa ginagawa kung paglalakad dahil sa mga kataga na iyon. Kasabay ng mga iyon ay ang paglakas pa ng mga bulung-bulungan, at ang mas pagramdam ko pa sa mga mapanghusgang tingin na kanilang ipinupukol sa akin at dahil doon ay mas napayuko pa ako, ‘yong tipong kulang na lang ang pagkahulog ng kulay itim na bagay na nasa ulo ko dahil sa klase ng pagyuko ko. Hindi ko alam kung bakit niya ko sinasabihan ng scandalous girl of the year, e samantalang wala naman akong ginawang masama na maari niyang ikasabi sa akin na scandalous girl ako. Wala rin naman akong ginawang masama sakan’ya para sumigaw siya ng ganoon. I don’t know why and why the hell he is making me ashamed. "Jeanshe, the scandalous girl of the year!" Mas lalo pang lumakas ang bulung-bulungan nang sabayan ni Valentine ang sigawan. Dali dali ‘kong ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad, habang pilit na hindi inaalintana ang mga tingin na kanilang ipinupukol sa akin. Nakayuko pa rin ako ng makababa na ako ng tuluyan sa stage, ‘tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng makaupo na ako ng matiwasay sa upuan na nakalaan sa akin kanina. Pero kahit na’y nakaupo na ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga mapanghusgang tingin nila na tila ba’y nakadikit na sa akin ang mga paningin nila. Iniyuko ko na lang ang ulo ko para maiwasan ko ang mga tingin nila, habang umaasa na sana ay ipagpapatuloy na ni Ma’am Sia ang pagtawag sa mga pangalan nang sa ga’yon ay mawala na sa akin ang mga atensiyon nila. At laking pasasalamat ang nagawa ko ng tuluyan ngang mawala mula sa akin ang mga atensiyon nila dahil sa ginawa niyang pag tawag sa pangalan no’ng ibang mga estudyante. Hindi ko alam kong bakit nila ako tinatawag na scandalous girl of the year. Wala naman kasi akong ginawa, hindi naman ako nakipagsex sa kung sino mang lalaki diyan. Actually, siya lang naman talaga e, siya lang naman talaga ang nakauna sa akin—ang nakatikim sa akin, but sad to say, matapos niya akong matikman ayon iniwan ako. Mga lalaki talaga sa panahong ito e, no? Matapos makuha gusto nila, ay iiwan ka lang na parang isang basura, like what he did to me. He just left me hanging while crying, he just left me like I am just a kind of a trash na dapat itapon at hindi na karapat dapat pang I recycle. Mapait akong napabuntong hininga sa naisip. Masakit mang aminin pero kailangan natin tanggapin, na sa panahong ito, iyon lang talaga ang habol ng mga lalaki sa babae. Nakayuko lang ako hanggangg sa matapos ang graduation—nakayuko lang ako habang masayang pinapakinggan ang bawat pagtawag ni Ma’am Sia sa mga pangalan nang aking mga kaklase. Masaya ako para sa amin at alam ko na masaya rin si Ma'am Sia para sa amin dahil kaming lahat ay nakapasa, walang naiwan sa amin kahit isa. “This is the best batch afterall!”  Ma'am Sia once said when she recognized that each one of us passed the exam. She's smiling from ear to ear, sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kung first time in the history kayong lahat ay nakapasa sa isang section? Well, we cheat together e, walang kj sa room namin. Answer ko at answer ni Spencer ay ang answer ng lahat. “Jeanshe, tara na?”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD