KABANATA 34 Napalingon ako sa gawi niya at doon nagtagpo ang aming mga mata. Yinakap ko siya nang mahigpit nang makita ko ang mga luha sa mga mata niya na kahit ano mang oras ay maari nang tumulo. Yinakap niya naman ako pabalik, Umiyak siya sa balikat ko habang hinahaplos ko ang likod niya. I guess, this will be the first time na magkakalayo kami. Magkakalayo na 'yong tipong hindi namin basta basta makikita ang isa't-isa. Hindi kasi tugma ang time namin sa isa't-isa kaya ganon. May klase siya sa umaga hanggang sa gabi samantalang ako nama'y may trabaho sa umaga hanggang hapon. Kaya hinding hindi talaga magkakatugma ang mga time. Tas sa day off ko may klase siya. Pag wala naman siyang klase may duty ako. Kaya kahit ano mang pagpipilit naming gawin ay hinding hindi talaga magkakatugma ang

