KABANATA 9
"NAGKABALIKAN na pala kayo?" tanong niya ng makaupo siya sa tabi ko.
Liningon ko ang gawi niya bago siya inilingan.
Tumiim naman ang bagang niya dahil doon, "Then why he is here?"
Nagkibit balikat ako, "I don't know on what's with him at kung bakit niya pa ‘ko pinuntahan dito,” I answered.
Ma lalo pang tumiim ang bagang niya dahil doon, "So, he really have the gutt ha!" he said while clenching his jaw. His hand formed into fist too.
Hinawakan ko ang kamao niyang nakakuyom na siyang naging dahilan kung bakit siya napalingon sa gawi ko at kung bakit rin nagtagpo ang aming mga mata.
I smiled at him, "Don't worry boo, hinding hindi na siya makakalapit pa sa akin," I assured at him. Sinabayan ko pa ito ng matamis na pagngiti para maniwala siya.
But…honestly, I am not sure, I am not sure lalo na’t may nangyari na sa amin kagabi at may malaki akong pagdududa na masusundan pa iyon. Sana nga lang ay hindi ako rurupok, para hindi mangyari ang bagay na iyon.
He take a deep breath like he is trying to calm the anger he's with, "Okay boo, I trust you,” pagsusuko nito bago marahan na hinawakan ang ulo ko, pinahilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Napangiti naman ako dahil doon. ‘Cause obviously, he is trying to be clinge with me.
He is Eman, my best friend and my boo. He is the reason why I am still fighting. He is the one who’s in my side during my ups and down, and I am so thankful for that.
"Ate Jeanshe!"
Someone shouted. Napapitlag naman ako at saka napaayos ng upo dahil sa narinig. Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng boses na iyon at doon ko nakita si Kiboy na nakangiti habang tumatakbo palapit sa gawi ko. Nakasunod rito si Spencer na ngayon ay may malisyosong tingin na ipinupukol sa akin.
Patakbong kumadong si Kiboy pagkalapit na pagkalapit pa lang nito sa gawi ko.
"Bakit Kiboy?" I asked whie combing his hair using my bare fingers.
Imbes na sagutin nito ang tanong ko’y si Eman ang pinagtuonan nito ng pansin.
"Tumabi ka nga Kuya Eman!” asik nito kay Eman, “Ang init init na nga oh, ‘tas dumidikit ka pa,” dag-dag pang ani nito na siyang naging dahilan kung bakit nagkasulubong ang kilay ko.
Saan natutunan ng bata na ito ang pag-uugali niya na iyon?!
"Kiboy, bad ‘yan,” saway ko rito, bahagya namang lumungkot ang mukha nito.
“Saan mo natutunan ang pag-uugali mo na iyan?” tanong ko rito na siyang nagpatahimik rito, “At saka isa pa, bakit mo ba ginaganyan ang kuya mo?”
Napayuko ito, pinaglaruan nito ang sariling daliri bago sinagot ang tanong ko, “Sorry po ate Janshe,” paghihingi nito ng patawad sa akin.
“Sorry is not accepted, Kiboy,” I let out a sighed before continuing, “Sabihin mo muna sa akin kung bakit mo ginanon ang Kuya Eman mo? E, sa pagkakaalam ko’y mabait ka namang bata.”
Tumaas baba ang balikat nito, kasabay niyon ay ang pagkarinig ko sa mga mumunting paghikbi nito, medyo lumambot tuloy ang puso ko dahil doon, medyo na guilty rin ako but nah, this is for his sake, I am doing this for his own sake kung kayat hindi dapat ako maguilty, “E, k-asi naman ate Jeanshe, t-abi siya ng tabi sa'yo, e ‘di ba hindi naman ho kayo mag jowa? Kayo lang naman po ni Kuya Spencer ang mag jowa ‘di ba? Kaya kayo lamang po ni Kuya Spencer ang may karapatan na magtabi,” mahabang paliwanag nito na siyang naging dahilan kung bakit namilog ang mga mata ko dulot ng pagkabigla at disbelief.
"Who taught you that?"
Sinong lapastangan ang nagturo sa bata tungkol sa mga kataga na iyon?! Sinong lapastangan ang nagturo sa bata? Tell me! At sisiguraduhin ko talagang magbabayad ito for making the innocent mind of the child dirty!
“Si kuya Spencer po ate, bati na kami e."
Kung kanina’y namimilog na ang mga mata ko dahil sa mga naunang kataga na sinabi no’ng bata ngayon naman ay mas lalo pa itong namilog. Namimilog ang mga mata ko ng lumingon ako sa gawi ni Spencer na ngayon ay kausap na ni Sister Luz. Pasimple itong tumingin sa gawi ko na siyang naging dahilan kung bakit nagtagpo ang aming mga mata, isang harap-harapang pag-irap naman ang pinakawalan ko dito.
Anong nakain ng tarantadung ito at bakit niya nasabi ang mga kataga na iyon sa bata? Hindi niya ba alam na dahil sa ginawa niya’ng iyon ay tinuruan niya ang bata tungkol sa mali? Damn him.
"Tabi sabi kuya Eman e!” ang muling sabi ni Kiboy kay Eman na sian naging hilan kng bakit nandilim ang paningin ko, kasi nakita muna, ng dahil sa ginawa niya Kiboy, hindi na nakikinig sa akin si KIboy—hindi na nito pinakikinggan ang mga tinuran ko.
Ginulo ni Eman ang buhok ni Kiboy imbes na sundin ang utos nito na siyang naging dahilan pa kung bakit mas lalong nainis si Kiboy rito, ayaw na ayaw kasi ni Kiboy na ginagalaw ang buhok niya e.
Umalis si Kiboy mula sa pagkakandong ko pagkatapos ay nakapameywang nitong hinarap si Eman. Muntik na akong matawa ng makita ko kung paano sumimangot ang pagmumukha ni Kiboy dulot ng binelatan ito ni Eman. Napailing na lang tuloy ako sa nakita ko, may pagkaisip bata rin kasi itong si Eman e.
Kiboy punched Eman face, but Eman easily dodge it like he is a pro. Natatawang sinalo ni Eman ang ikalawang suntok na binitawan ni Kiboy at ng masalo niya ito'y hinapit niya ito papalapit sakan’ya bago niya ito kiniliti sa tagiliran.
"Ang bata bata mo 'pa 'tas ang tapang tapang mo na ah!" ang natatawang ani ni Eman habang kinikiliti si Kiboy. Tanging ang pagtawa lamang ang naisagot ni Kiboy sa sinabi ni Eman.
Natatawa akong napaiwas ng tingin mula sa gawi nila. At wala sa oras na naglaho ang mga ngiti ko na iyon ng hindi sinasadyang mapatingin ako sa lalaking minsan ng nangako sa akin—nangako na kung saay papakasalan niya ako sa harapan ng altar, sa harapan ng maraming tao at sa harapan ng diyos. Nangako rin siya sa akin na sisiguraduhin niyang magsasama kami hanggang sa pagtanda namin at hanggang sa pumuti na ang mga buhok namin.
Kamusta na ang pangako mo sa akin, Spencer? May balak ka pa bang tuparin?
Wala sa sariling akoy napangiti ng mapait dahil sa naisip. Kalaunay kinapa ko ang pisnge ko ng may maramdaman akong na kung anong basa rito, at ng makapa ko ito ay doon ko pa lang napagtanto na umiiyak na pala ako. Ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
Napasinghot ako bago napaubo at hindi ko inaakalang ng dahil sa ginawa kung pag-ubo na iyon ay mapapalingon sa gawi ko si Sister Luz at ang lalaking minsan ng nangako sa akin.
Ngumiti si Sister Luz nang magtama ang mga mata namin kaya naman nginitian ko rin siya.
And when hes gaze met mine, parang nanuot sa akin ang kahapon namin dalawa. Ang kahapon na pilit kong kinalimutan.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko bago ko iniwas ang paningin ko sa kanila. Tinungo ko ang daan papunta sa feeding area para tumulong roon kung baka sakali mang may maiitutulong. Ang feeding area dito sa kumbento ay ang lutuan at kainan ng mga bata rito sa ampunan. Ang lugar na iyon ay ang tambayan ko sa tuwing boring ako o wala akong ginagawa.
Nang makapasok sa feeding area ay si Ate Melds agad ang naabutan ko, nakatalikod ito mula sa gawi ko habang nagluluto.
“Ano po ang niluluto niyo ate?”
Mula sa pagkakatingin sa niluluto ay lumingon ito sa gawi ko, “Uy ikaw pala ‘yan, engineer,” ang nakangiting ani nito sa akin ng makita ako nito.
“Ayy oo nga, si engineer nga.”
Napalingon ako sa may gawing bahagi ng may marinig akong sumegunda sa sinabi ni Ate Melds, at doon ko nakita Kuya na busing busy rin sa ginagawa nitong pagbabalat sa sibuyas.
Bahagya naman akong pinamulhanan sa mga narinig ko, e kasi naman hindi kasi ako sanay na tinatawag na engineer e, but honestly, may parte sa akin na masaya dahil sa paraan ng pagtawag nila. It feels like I’m in cloud nine.
“Ate, kuya naman e,” ani ko sa mga ito na siyang tinawanan lang nila. Mas lalo naman akong namula dahil doon.
Nang mapagtanto kong walang balak si Ate Melds na sagutin ang nauna kong tnong dahil imbes na sagutin nito ang tanong ko matapos tumawa ay muli nitong itinuon ang pansin sa niluluto nito ay napagpasyahan ko na lang na tumingkayad upang alamin mismo sa sarili ko kung ano ang niluluto niya.
“Sopas po ba ‘yan?” tanong ko dito ng makita kong ang laman no’ng kaldero ay sopas.
“Oo iha,” sagot nito.
Napatango ako bago napaamoy sa niluluto at isa lang ang masasabi ko at iyon ay ang, ang bango ah, infairness.
"May maiitutulong po ba ako ate?" I asked.
She nooded, “Meron iha, kaso engineer ka na e, nakakahiya naman kung utusan pa kita,” sagot nito sa tanong ko na may halong pang-aasar.
Napanguso naman ako, “Ang OA mo po ate,” nakanguso kong ani nito na siyang tinawanan lang nito.
“Ano nga po ‘yong maitutulong ko?” ulit ko pang tanong rito, nangungulit.
“Y-ong paghihiwa sa mga rekadus,”natatawang sagot nito sa tanong ko, paputol-putol pa ito habang sinasambit ang mga kataga na iyon dahil sa pagtawa.
Tinanguan ko ito bago tinungo ang gawi ni Kuya na busing busy sa paghihiwa and at the same time sa pagtawa kagaya ng asawa. No, wonder, bagay nga silang dalawa ng asawa niya, pareho kasing baliw e.
Nagbabalat si Kuya sa sibuyas ng maabutan ko kung kaya’t napagpasyahan ko na ‘yong carrots na lang ang babalatan ko.
Kumuha ako ng kutsilyo sa may lababo, binalatan ko ito bago ko ito hiniwa ng pang mincing ang style. Nang matapos sa paghihiwa sa mga carrots ay sinunod ko ‘yong bawang, samantalang si Kuya naman matapos sa ginagawa niyang pagbabalat at ang paghihiwa sa sibuyas ay sinunod nito ang paghihiwa sa manok.
Nang maihanda na namin ang mga rekadus at ng matapos na ni ate ang ginagawa niyang pagluluto sa sopas ay ang sinunod niyang niluto ang manok.
Mga apa't napung minuto rin muna ang lumipas bago ito naluto kung kaya’t mga alas 12 na rin ng tanghali namin ito naiserve sa mga bata.
Matapos mai-serve ang mga iyon ay bumalik muna ako sa kumbento para maligo, amoy bawang kais ako e, at ang lagkit lagkit na rin ng pakiramdam ko, since pinagpawisan kasi ako kanina habang nagluluto.
Papa-akyat na sana ako ng hagdanan ng magkasalubong ang landas ko at ang landas ng tarantadung iyon at hindi ko inaakalang sa pagkakita ko sakan’yang naglalakad habang nakangiti ay umusbong ang galit sa katawan ko.
Nakangiti itong naglalakad papunta sa gawi ko na siyang naging dahilan kung bakit umusbong ang galit sa puso ko, like heck, ano ang karapatan niyang ngumiti na tila bay ang saya saya niya, samantalang ako’y heto at nagdudurusa pa rin habang pilit na inaalis ang mga katagang binitawan niya sa sistema ko na siyang naging dahilan kung bakit nawalan ako ng confidence sa sarili ko? He bring a lot of damage in me, he also bring a trauma on me.
Isang tingin lamang ang ipinukol niya sa akin ng makalapit sa gawi ko. Lalampasan na sana ako nito matapos ang tingin na iyon pero hindi na nito naipagpatuloy pa iyon ng hawakan ko ang braso nito.