KABANATA 8
Umupo ako sa tapat niya gaya nang sinabi niya. Pinagigitnaan ako ngayon nina Sister Lucy at ni Sister Amelia.
"Ano po 'yon?" nakangiti kong tanong rito ng makaupo na ako, ang tinutukoy ay ‘yong pag-uusapan raw namin gaya ng sinabi nito. Pero sa kaloob-looban ko'y natatakot na talaga ako. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang pagkakataon na naging seryoso sila sa akin e.
"Unang-una gusto muna kitang batiin na congratulations dahil nagbunga na rin sa wakas ang mga pinaghirapan mo,” she said..
"Saksi kami kung paano ka magpuyat sa bawat mga gabi na nagdaan, para lang mairaos mo ang bawat araw mo sa paaralan,” dag-dag naman na sabi ni Sister Lucy sa sinabi ni Sister Sheila.
"Masakit man sabihin..,” bumuntong hininga ito, “Pero kailan mo balak umalis?" she asked na siyang nagpawala sa ngiti na nakaukit sa labi ko.
Napalunok ako dahil sa mga narinig. Sinasabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga bang dadating ang araw na pag-uusapan rin namin ang tungkol sa bagay na ito. Pero bakit? Bakit napakaaga naman ata?
Sa totoo lang, matagal ko ng pinaghandaan ang araw na ito—pinagisipan ang tungkol sa bagay na iyon pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako dahil sa kahit anong pilit kung paghahanda ay hindi ko pa rin magawa.
Yumuko ako, "Actually Sister, hindi ko alam, pero siguro mag-aaply muna ako ng trabaho kahit na’y hindi pa naman ako nakakapag take ng board exam,” nakakayuko kung paninimula na sabi rito. “Sana nga lang ay matanggap ako,” mabigat sa loob na ani ko.
Bumuntong hininga ako bago ko ipinagpatuloy ang balak kong sasabihin, "M-aari po bang dito muna ako hangga't sa makakuha ako ng trabaho?" nahihiya kong ani rito sabay tingin sa mga mata nila. At hindi ko inaakalang, makikita ko sa mga mata nila ang labis na pagkaawa.
"Ayos lang naman sa 'min iha," nakangiting ani nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Gano’n kasi talaga ang patakaran nila dito. ‘Pag nakatapos ka na ng pag-aaral ay aalis ka na sa kumbento at magahahanap ka na ng ibang matutuluyan. Ginagawa nila ang bagay na ito dahil gusto ka nilang tumayo sa sarili mong mga paa.
Ginagawa rin nila ang bagay na ito dahil sa kadahilanang sa pag-alis mo'y may bago na namang dadating rito upang pag-aralin nila. Gan’yan ang sistema at pamamalakad nila dito sa kumbento na siyang naiintindihan ko naman.
"Maraming salamat po sister," nakangiti at bukal sa loob na pagpapasalamat ko rito.
Tumango ito, "Walang anuman, iha.”
Matapos ang tagpong iyon ay agaran akong nagpaalam na lalabas muna ako para magpahangin, tumango naman ang mga ito, bialng pahiwatig na pumapayag ang mga ito
Wala sa sariling napangiti ako ng makita ko ang mga batang naglalaro sa labas, pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa kumbento.
"Ate! Ate!" natatawang tawag ni Kiboy sa akin, isa sa mga bata rito sa kumbento.
"Bakit Kiboy?"
Namimilog ang mga mata nito at saka siya nag-iwas nang tingin. Napailing naman ako dahil sa inakto nito. Ang cute cute niya kasi habang ginagawa ang bagay na iyon.
Lumapit ako sa gawi nito bago ko kinurot ang pisnge nito. Na siya namang naging dahilan kung bakit mas lalo pang namula ang mukha nito.
Crush daw ako nito e, sabi ni Kensoy isa rin sa mga bata dito na napakulit at napakadaldal. Kung ano-ano nga ang pinagsasabi ng bata na iyon e.
Yumukod ako para magpantay ang aming mga mukha. "Bakit kiboy?" ulit kung tanong nito. Sa pagkakataon na ito’y mahihimigan muna sa boses ko ang labis na pag-aalala para rito. E kasi naman e, umiiyak kasi ito.
"Ano’ng nangyari Kiboy? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod kong tabnong rito dulot ng pag-aalala na nararamdaman ko para rito,
"Totoo bang aalis ka na ate?" Imbes na sagutin ang mga tanong ko’y tinanong rin ako nito.
Napailing ako dahil sa mga narinig ko. Akala ko kung ano na, ‘yon lang naman pala ang dahilan kung bakit ito umiiyak.
Hinapit ko ito palapit sa 'kin bago ko ito yinakap, "Oo Kiboy e,” sagot ko sa tanong nito na siyang naging dahialn kung bakit mas lumakas pa ang paghikbi nito. Inalo ko naman ito sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito.
"Patay ka ate! Pinaiyak mo si Kiboy!" Sa kalagitnaan ng pag-aalo ko kay Kiboy ay narinig ko ang mga kataga na iyon at ng lingonin ko kung ang pinanggalingan ng boses na iyon ay doon ko nakita ang walang ngipin sa harap na si Kensoy. Akbay akbay nito ang kapatid nitong si Simon.
"Shhh," sabi ko rito, pinandilatan ko pa ito ng mga mata habang sinasambit ang mga kataga na iyon.
Inismiran ako ni Kensoy sabay tawa bago umalis papalayo sa gawi namin.
Hinalikan ko ang toktok nang ulo ni Kiboy sabay haplos sa likod nito.
Sa kalagitnaan ng pag-aalo ko kay Kensoy ay may narinig akong nagsalita na siyang nagpatindig sa mga balahibo ko. Napaka husky kasi ng boses nito e at napakapamilyar.
"What happened little boy?"
Biglang kumalas si Kiboy mula sa pagkakahawak sa akin ng marinig nito ang mga kataga na iyon, "Kuya Spencer!" Kiboy shouted happily. Tumakbo ito palapit kay Spencer at saka ito yinakap ng napakahigpit.
Napalingon ako sa agwi ko, at hindi ko inaakalang kasabay ng paglingon ko sa gawi niya ay ang pagtatagpo ng aming mga mata. Our eyes met and darn, it makes me feel insane. Sa bawat pagtingin ko kasi sa mga mata niya ay ang parang pagka-ulol ko dulot ng ala-alang habang kinakain niya ang p********e ko ay ang mga mata niya na iyon ang tinititigan ko.
"Tahan na," nakangiting ani ni Spencer kay Kiboy habang hinahaplos ang likod nito. Bahagya naman akong napangiti dahil doon.
Kahit kasi ruthless at may pagka psycho itong si Spencer ay may malambot pa rin itong puso para sa mga bata. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sakan’ya noon.
Hindi ko alam kung bakit siya napalapit sa mga bata pero siguro dahil ito sa kadahilanang nag-iisa lang siyang anak at dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng kapatid ay napalapit ang puso niya sa mga bata.
And it was the reason kung bakit minsan ng sumagi sa isip ko ang mga kaisipan na kapag magkakaanak kami ay siguradong sigurado ako na mamahalin niya ito nang lubos.
"Aww!” Nagtataka at nag-aalala akong napatingin sa gawi ni Spencer ng marinig ko ang biglaang pagdaing nito.
Anong nangyayari sa kumag na ito? Ang mga kataga na iyon ay ang tanging naitanong ko dulot ng pagtataka pero ang mga katanongan ko na iyon ay agaran rin nasagot ng makita ko ang ginawang pagsuntok ni Kiboy rito sabay sabi sa mga katagang nagpangiti sa akin ng matamis.
"Bad ka! Bad ka kuya Spencer! Pinaiyak mo ang ate Jeanshe ko!" ang galit na ani ni Kiboy habang pinagsusuntok ang likod nito.
Kumalas si Kiboy mula sa pagkakayakap kay Spencer upang suntukin ang pagmumukha no’ng kumag. Mabuti na lamang at nasalo ni Spencer ang mga mumunting suntok ni Kiboy kasi kung hindi, paniguradong magkaka pasa ang gago.
"Ha? Anong pinaiyak? E hindi ko nga inaway ang ate mo e?” nagma maang-maagan ng tanong no’ng gago na nagpausok sa ilong ko.
Anong hindi inaway? Gago ka ba ha?
Kiboy tumabi ka dahil parang gusto kung suntukin ang piling inosenteng putang iyan. Ang tanging nasabi ko dulot ng galit.
Sige lang Kiboy, suntukin mo pa ang tarantadong iyan. Tadyakan mo na rin ang itlog niya nang sa gayon ay di na sila magkaanak pa ni Valentine.
Suntukin mo siya ng suntukin Kiboy, suntukin mo rin ang mukha niya nang sa gayo'y pumangit ang putang iyan at ng mabawasan naman kahit kaunti ang mga nagkakandarapa sakan’ya.
Inirapan ko siya ng makita ko ang mga nagpapaawang mata niya sa akin. Na tila bay nanghihingi ito ng tulong sa akin. Tulong, na kung saay tulungan ko siyang makawala mula sa mga suntok ni Kiboy.
Inirapan ko ilamang itong muli bago ko tinungo ang isang bench na malapit lamang sa gawi nila.
Hamalupkip ako roon at saka ko sila natatawang tinanaw.
Mabuti nga sa’yong manloloko ka!