Kabanata 1 : Good Girl

1786 Words
Nasa university na ako ngayon at kakapasok ko pa lang. Lunes na kasi at kaninang madaling araw lang nakauwi si Tracy. Mamaya pang 10 ang pasok niya at 8:30 pa lang, kaya ngayon ay nagpapahinga pa siya sa condo namin. May dala rin siyang cassava cake para pasalubong sakin. Nandito na ako ngayon sa loob ng room at nagdidiscuss na ang prof namin. Makalipas ang ilang oras ay lunch time na kaya lumabas muna akong university. 11:45 pa lang naman at mamaya pang 1 ang sunod kong class kaya mahaba pa ang oras ko. Napaaga ang lunch namin dahil pinatawag yung prof namin kaya heto kami ngayon may early lunch. Si Tracy panigurado ay mamaya pa ang labas non. To Tracy-nger: Hey,lunch lang ako sa labas. Ikaw wag mong kalimutan mag-lunch ha. Love you. Pagkatapos kong i-send sa kanya ay pumunta na ako sa McDonalds at umorder na ng nuggets, fries, at mcfloat. Doon lang ako umupo sa tabi ng bintana at tinignan ang mga dumadaang sasakyan habang kumakain. Makalipas ang ilang segundo ay nagvibrate ang phone ko at malamang nag text na sakin si Tracy. From Tracy-nger: Ok. And I'm here right now in the cafeteria bought foods and sat here in the table,eating. Pero nakakabwisit kasi umupo rito sa harapan ko ang ugok na Thrie na toh kasama ang kaibigan niyang si Yelo (si Ice,u know na naman,duh) Bwisit na bwisit talaga tong babaeng toh kay Thrie. Si Thrie ay basketball player kaya sikat at maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kasama ang kaibigan niyang si Ice na Isa ring basketball player. Sila ang pambato ng UE pag may laban sa basketball tuwing UAAP. Magaling naman sila at mga gwapo pa lalo na si Thrie, ang hindi ko lang maintindihan sa kaibigan ko ay kung bakit inis na inis siya don. Hindi naman siya ganon kay Ice. Medyo mabait siya kay Ice pero kay Thrie eh bwisit na bwisit siya. Paniguradong May ginawa yung lalaking yon kay Tracy kaya bwisit na bwisit toh. Well problem na nila yon. When I'm done eating, pumunta muna ako sa Cartimar Manila Shopping Center dahil it's only 12 in the afternoon pa naman. Pumunta akong bookstore at nagtingin tingin ng libro. Habang naglalakad ako, I bumped to someone else and nahulog yung ibang libro na hawak niya kaya tinulungan ko si kuya sa pagdadamot. "I'm sorry po, hindi ko kayo nakita eh." pag hingi ko ng paumanhin kay kuya. "It's okay." he said and his voice is soft. When I look up, a handsome man welcome me. He's tall, lean and have a soft face. Hindi ko napansin na napatitig na pala ako sa kanya. I came back to reality and my eyes widened because I stare at him obviously. And because of that, it made him chuckle a little. "I'm sorry again, hindi ko sinasadya." ulit kong paumanhin sa kanya. Nakakahiya ghad. A small smile appeared on his lips and said, "No, it's okay. Hindi ko rin naman nakita eh." he said. "Okay." yun na lang ang nasabi ko. When I was about to go he stopped me. "Wait,you're from UE?" he asked. Napatingin tuloy ako sa id ko and nod at him. Napatingin din ako sa id niya and to my surprise, he's also from UE. Same university as mine. "You're from UE too." I said. "Yup. My name's Eathan, an Engineering student. And you are?" he asked. "Gilliana, taking BS Psychology." pagpapakilala ko rin sa kanya. "Oh good." he replied and look away from me. He's cute haha. Ngumiti ako sa kanya. "Ahh una na ako ha?" paalam ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapaalam kung pwede namang umalis na lang ako, but that would be rude. Tumango naman siya sabay kamot sa kanyang batok. Pagkarating ko sa University ay dumiretso na rin ako sa susunod kong klase. "Ano ba! Bwisit ka ah!!!" dito pa lang rinig na rinig ko na ang boses ni Tracy at nakita ko na hinahampas hampas niya si Thrie. Si Thrie naman ay natatawa lang. Uwian na at nandito kami at nakaupo sa bench. "Hey, anyare? Ba't mo hinahampas? Kawawa naman ang braso netong isa." pang-aasar ko kay Tracy. 5:40 na ng hapon at hinintay ako ni Tracy para sabay na kaming umuwi. "Aba't talagang yung braso pa niya ang inaalala mo?" sumbat sakin ni Tracy at nakatingin kay Thrie ng matalim. "Oh nakatingin ka ng masama, eh totoo namang kawawa itong braso ko sayo eh." at umarte pa siyang parang nasasaktan. "You're so kadiri, yuck." umarte naman si Tracy ng parang nandidiri. Nagbabangayan pa rin ang dalawa ng dumating si Belle, kaibigan rin namin ni Tracy. Her name is Pancake Isabella, nickname niya lang yung Belle. "Oh Belle musta?" tanong ko sa kanya at siya naman ay umupo sa tabi ko. "Eto okay lang naman. Oh nag aaway na naman yang dalawang yan." sambit niya. "As usual." balik kong sabi sa kanya. Naalala ko yung nakita ko kanina sa Manila Center, ang sabi niya is Engineering siya. May kilala kaya si Thrie na Eathan? Engineering din si Thrie eh. Hindi nagtagal eh dumating din si Ice. "Hey guysue." bati niya samin. Tiningnan lang namin siya pati narin yung dalawa na hanggang ngayon ay nag aaway pa rin. "Grabe, napapagod akong mag aral. Tapos pag ganito pa eh kailangan kong maging mabait sa mga tao pag may kakausapin ako. Kahit mataray pa yan, kailangan mabait all the time." pagmamaktol sakin ni Belle. "Eh sino ba kasing May sabi sa'yong mag HRM ka? Pati mahirap talaga para sayo yan eh may pagka demonyita ka eh hahaha." pang aasar ko sa kanya ay siya naman ay tinignan ako ng masama. "Eh di ikaw na good girl." sarkastiko niyang pagkakasabi. "Tara na nga, bwisit na nga ako sa isang toh gagatungan pa nitong yelong toh." asar na asar na sabi ni Tracy samin at tumayo na siya at nag umpisa ng maglakad kaya sumunod na lang kaming dalawa ni Belle sa kanya. Pagkarating namin sa condo unit namin eh dumiretso na si Tracy sa kwarto niya at may quiz pa raw sila bukas. Si Belle naman ay sa bahay nila umuuwi dahil malapit lang ang bahay non sa University. Nagluluto na ako ngayon ng dinner namin ni Tracy. I'm cooking tinola dahil isa ito sa paborito naming kainin ni Tracy. "Tracy, luto na ang pagkain. Tara na rito dinner na tayo." tawag ko sa kanya and seconds later I hear her footsteps coming closer here in the kitchen. "Hmm ang bango." sabi niya bago umupo sa silya katapat ng sakin. "Kabwisit talaga yung Thrie na yon, lagi na lang akong inaasar, bwisit." pagsusumbong niya sakin. "Hahaha ang cute niyo ngang dalawa eh." asar ko sa kanya. Nabilaukan naman siya sa sinabi ko kaya mas lalo lang akong natawa. "Kaming dalawa cute? Mabuti sana kung ako lang eh yung isang yun eh nakakata-cute yun." inis niyang sabi habang tinutusok tusok ang karne. Kawawang karne. Tsk tsk tsk. "Oo na, oo na." pag gigive-up ko. "Buti naman." saad niya. Pagkatapos naming kumain ay siya na ang naghugas ng mga pinagkainan kaya dumiretso muna ako sa sala para manood ng tv. Mamaya na lang ako magbabasa ng libro tungkol sa Psychology. Habang tutok na tutok ako sa pinapanood ko ay biglang may nagtatatahol sa labas ng unit namin. Diba bawal ang aso sa loob, bakit meron na? Na-curious naman ako kaya binuksan ko yung pintuan at nakita yung aso na nasa harapan ko ngayon. Isa siyang pomeranian. Ang cute gosh. Kulay brown siya tapos ang cute ng size niya. Umupo ako at tiningnan siya. "Good evening, anong pangalan mo? Anong ginagawa mo rito? Nasan amo mo? Ang cute cute mo, pwedeng akin ka na lang? Ha? please." pagkakausap ko sa aso. "Hey Cassie, come here." someone said. When I look up, nakita ko si Cal na nakatingin sa aso. Kanya to? At pumunta naman sa kanya yung aso at tumahol tahol pa. "Hi, good evening." bati ko sa kanya. He just only nod at me and look back at the dog. "Aso mo?" tanong ko ulit at tumango lang ulit siya. "Diba bawal ang pets dito. Bakit nandito yan?" tanong ko ulit sa kanya. "I talked to the manager and he said I can take her here." his voice is deep and everytime he speaks his jaw clenched. "Oh okay. Her? So she is a girl. What is her name? She's so cute." I said. He looked at me before he speaks. "Cassie." yun lang ang sabi niya. "Oh. Ilang taon na?" I asked again. "4." he just simply said. Ang ikli naman nito magsalita. "Bakit ang ikli mo magsalita?" tanong ko sa kanya kaya napatingin ulit siya sakin. "You? Why do you have so many questions?" he asked me and his eyes directly met mine, natigilan naman ako ron. Oo nga naman ang dami kong tanong, kinain tuloy ako ng hiya. I bit my lower lip and look at the dog para hindi niya makita ang pagkapula ng pisngi ko dahil sa hiya. "Una na kami ni Cassie." paalam niya kaya ako naman ay nagpaalam don sa aso. "Bye Cassie, sweet dreams. Ang cute mo talaga." paalam ko sa aso. "Ako? Hindi ka magpapaalam sakin? Ako yung amo nung aso?" he asked and that caught me off guard. Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. I look at him and bid my goodbye. "Bye. Sweet dreams." I said with an awkward smile. A smirk plastered on his handsome face and said, "Good girl. Bye and sweet dreams also." he said before walking in to his unit with his dog. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan ng unit namin at dinadigest ang nangyari ngayon pati narin yung sinabi niya. Good girl? Tf!! Well totoo naman, I'm good girl. Pumasok na ako sa kwarto at naghanda ng matulog pero pumapasok pa rin sa isipan ko yung sinabi ni Cal. Kinilig naman ako ng onti sa sinabi niya at nag sabi pa siya sakin ng sweet dreams. Hahaha. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung bakit ako kinilig sa sinabi niya. Oo na I have a crush on him. Sino ba naman ang hindi mag kaka crush sa kanya. Ang gwapo gwapo at ang ganda ng katawan. Ang cute pa kasi yung manly niyang pangangatawan eh isang taong nag aalaga ng pomeranian at kumakain ng ice cream. Yung ibang lalaking ganon eh ang aso ay mga Siberian husky and hindi masyadong kumakain ng ice cream. Ang cute lang. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero alam kong may ngiti na nakapaskil sa mukha ko nung natulog ako. Nakalimutan ko ring magbasa dahil sa nangyari awhile ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD