Kabanata 2: Drawing

1838 Words
Pagkagising ko ay naligo na rin ako. It's just 5 in the morning. Ang aga kong nagising tapos nung nakatulog ako kagabi ay mga 12 na. Haysss ilang oras lang tulog ko, well dati naman mas maikli pa rin ang tulog ko. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina at nagluto na ng pagkain. And as usual, tulog pa rin si Tracy ngayon kasi 6 pa lang naman. When I'm done eating, nag-iwan ako ng note para kay Tracy and ipinagluto ko na rin siya. Nasa elavator na ako at papasara na ito ng may pumigil dito at bumukas ulit ang elavator. When it open up, Cal went in. He's so freaking gorgeous and hot at the same time. He's wearing a white formal shirt, Grey suit, necktie and a leather shoes. He also have Rolex watch in his right arm. He's so formal in his attire, I bet he's a business man. Ilang taon na kaya siya? "Good morning." I greeted him with a wide smile on my face. "Good morning." his voice is deep and his looks is intimidating. Habang nasa loob kami ng elavator ay walang nagsasalita samin. Siya ay diretso lang ang tingin habang ako ay patingin tingin sa kanya minsan. Pagkabukas ng elavator ay lumabas ako at siya naman ay hindi pa. Siguro sa basement siya pupunta dahil mukhang may kotse siya. Sana all may kotse. Pag ako nagkapera talaga, bibili akong maraming kotse. Joke lang, baka mamulubi ako niyan. Nasa university na ako ngayon at hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Cal. Mas lalo siyang gumwapo sa suot niyang yun, paniguradong maraming nagkakagusto don. Paniguradong may iba din siyang makakasalamuhang babaeng magaganda. Aish, naiinis ako sa isipang yon. Don't be negative Lia, positive lang. Maganda din naman ako eh, sexy pa, matangkad, mabait pa. May ibubuga rin ako noh. Pumasok na ako sa room ko at inalis sa isipan ko yon. Lunch na at paniguradong nandon na rin sila Tracy. Pagkarating kong cafeteria nandoon na nga si Tracy at may pagkain na. Kahit ako inorderan niya. "Thank you." bungad ko sa kanya, umupo na ako sa upuan at kukunin ko na sana ang isang tray na may lamang pagkain nang bigla niyang paluin ang kamay ko. "Hindi yan para sayo, kaya umorder ka " napasimangot ako sa sinabi niya. No choice kaya bumili na lang ako ng sarili kong pagkain. Pagkabalik ko ay umupo na ako sa harap niya. "Hoy, alam mo ba? Ang gwapo kanina ni Cal hahaha." kuwento ko sa kanya. "Ha? Sinong Cal?" tanong niya sakin. Nagtataka. "Ah yung bago nating neighbor. Cal ang pangalan niya." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at biglang naging interesado. "Eh di nga? Sabi mo kanina gwapo siya, bakit?" Tanong niya sakin. "Lagi naman siyang gwapo eh pero kanina sobra yung gwapo niya. Naka formal attire siya. Pero nakaka-intimidate din yung dating niya. Pati boses napakamanly. Malalim." at siya naman eh nakangiti sakin ngayon ng nakakaloko. "Yiee crush mo no? Hahhahaha." tawa niya sakin. "Hahahahah oo." pag-amin ko sa kanya. Maya maya ay dumating si Belle at umupo sa tabi ko. "Wow, talagang ikaw pa ang nag order sakin Tracy ha? I love you na." nung kukunin niya yung tray ay pinalo yun ni Tracy at sinabi niya na hindi yon para sa kanya. "Hindi yan para sayo." sabi niya kay Belle. "Ayy okay, edi bibili na lang ako ng akin. Pero kanino ba yan? Sayo? Takaw mo naman." pang-aasar ni Belle. "Hindi to akin at kung ako sayo bumili ka na lang ng pagkain mo " tugon ni Tracy. Si Belle naman ay pumila na para makabili ng pagkain. "Kung di yan sayo, para kanino yan?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng kanin. "Basta." yun lang ang sabi niya. Ng makabalik si Belle eh nagkwentuhan kaming tatlo. Maya-maya lang eh may umupo sa tabi ni Tracy. "Hello." sabi ni Thrie kasama si Ice. "Hello." bati rin namin sa kanya. "Paupo kami ha?" sabi ni Ice. "Nakaupo na kayo ano pang magagawa namin?" pangbabara ni Belle kay Ice. Siya naman ay nag aktong nasasaktan sa sinabi ni Belle. "Ouch ha. Siya order lng kami ng food." tumayo na si Ice at akmang tatayo na rin si Thrie ng magsalita si Tracy. "Eto na food mo Thrie." sabay bigay ng tray kay Thrie. Ako ay nagulatkahit sila Belle at Ice. Pero si Thrie ay ngumisi lang. Nang inabot toh ni Thrie ay umayos siya ng upo. "Thank you Tracy." pinalambing pa niya ang salita niya at kaming tatlo ay Takang taka dahil una, hindi pinalayas ni Tracy sila Thrie dito sa table namin at pangalawa ay yung pagkain na binili ni Tracy ay para kay Thrie pala. "Mind telling me what's happening here?" tanong ni Belle pero hindi siya pinansin ni Tracy at Thrie. Kumain lang sila at si Thrie naman ay ngingiti ngiti habang kumakain. Napatingin kami kay Ice na May nagtatanong na tingin pero kahit siya ay ganon rin samin. Gulat rin sa nangyari. Nagkibit balikat siya at umorder na lang. Kami ni Belle ay nagkatinginan dahil nakakapanibago dahil hindi nag aaway tong dalawang toh at ang tahimik lang. Mukhang may ginawang mabuti tong lalaking toh dito kay Tracy kaya siya binigyan ng pagkain. "Hoi, nakakaselos ha? Siya binigyan mo ng pagkain tapos ako hindi. Hmp." kunwaring tampo ni Belle kay Tracy at nakanguso pa. "Mayaman ka naman eh, kaya mo nang bumili ng sarili mong pagkain." sabi ni Tracy. "Bakit si Thrie din naman ah." sambit ulit ni Belle. "Wag ka na ngang maarte. Dapat nga ikaw manlibre eh ikaw maraming pera." at ako naman ay tumingin kay Belle. "Oo nga, yaman ka tapos ikaw pa mag papalibre. Manlibre ka naman." panggagatong ko sa asar ni Tracy kay Belle. "Tse manahimik kayo." matalim ang tingin niya saming dalawa nung sinabi niya yon. "Oo nga manlibre ka naman." nakisali si Ice sa usapan namin. "Heh! Close tayo? Wag kang mang asar dyan kung ayaw mong batukan kita." banta ni Belle kay Ice. "Oo nga libre, libre, libre, libre." kahit si Thrie ay nang aasar na rin. "Oo nga libre ka naman oh." nakanguso kong sabi. "Ayoko." na mas tumalim ang tingin saming apat. "Napaka-kuripot mo talaga noh? Bilis na huy." pangungumbinsi ni Tracy. "Oo nga, manlilibre na yan." panggagatong ko ulit. Umiral siya samin. "Oo na. Bwisit. Sa sabado, bar tayo. Ako na magbabayad. Oh okay na?" paasik niyang sabi. Kaming apat naman ay tuwang tuwa sa sinabi niya. "Yessss. 7 pm sa sabado ha?" sabi ni Thrie at tumango naman si Belle. "Wag kang scammer Belle. Susunduin ka namin sa inyo akala mo" sabi ko sa kanya at tatango tango naman si Tracy. Umirap lang siya at kumain na lang. Pinagpatuloy narin namin ang pagkain namin at nagkwentuhan na lang din. Pagkatapos ng lunch ay pumunta na kami ng class namin at ngayon ay mathematics na ang sunod kong klase. Nang makapasok na ako sa room ay medyo marami na ang tao ron. Umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa likuran. Nang nakapasok na ang professor ay nag simula na siyang mag discuss. "Okay next week ang pasahan niyan. Class dismiss." at lumabas na si prof. Dimaranan. Nag ayos na rin ako ng gamit at lumabas na ng room. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Eathan. Yung lalaki sa bookstore na nakabangga ko. Pinantayan ko siya ng lakad kaya napatingin siya sakin at nagulat naman siya. "Oh! Gilliana right?" tumango naman ako sa kanya tska ngumiti. Siya naman ay napahawak sa batok at medyo nahiya. "Musta?" pagsisimula ko ng usapan at ngumiti lang ulit siya sakin. "Okay lang naman, ikaw?" medyo nahihiya niyang tanong. "Okay lang din naman." tugon ko at naglakad na kami sa may field. Nakita ko naman sila Tracy kasama yung dalwang lalaki. Kumaway ako sa kanila at napansin naman nila ako kahit si Eathan. Inaya ko si Eathan papunta ron at sumunod naman siya sakin. "Hey guys. Si Eathan nga pala." pagpapakilala ko sa kanila. Napatingin si Tracy sakin at kay Eathan tsaka sakin ulit. "Boyfriend mo?" tanong niya at tumayo at humarap kay Eathan at tinignan mula ulo hanggang paa. "Hindi noh. Friend ko siya. Oo nga pala Eathan mga friends ko nga pala." at tinignan silang apat. Tumayo naman si Belle at nagpakilala ganon narin si Ice. "Kilala ko na siya, Engineering din yan eh katulad ko." sambit ni Thrie at tumango naman si Eathan at ngumiti. "Oi ikaw pakilala ka." sabi ko kay Tracy. Ngumiti naman si Tracy sa kanya at maglahad ng kamay. "My name is Tracy Mortos, Lia's bestfriend." nakipagkamay naman siya at nakipagkwentuhan narin siya samin. Naglalakad na kami pauwi ni Tracy at nag uusap lang ng kung ano ano. "Bwisit talaga yung pinsan kong yun. Nung umuwi ako nung Sabado eh binatukan agad ako. Ang sakit eh." nakanguso niyang sabi. "Aww kawawa ka naman. Oo nga pala, kailan yun bibisita dito?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. "Ewan ko don. Dyan lang yan nag aaral sa FEU tapos hindi man lang ako kayang dalawin. Eh yung pinsan mo? Kailan bibita dito? Dyan lang siya sa UST ah." tanong niya sakin. Pumasok na kami sa elavator at pinindot ang 25th floor. "Busy siya eh. Alam mo naman yun, nursing student." sabi ko. Nang bumukas na ang elavator eh dumiretso na kami sa unit namin. Dumiretso siya sa kwarto niya at ganon rin ako. Nang tapos na kaming mag dinner eh ako na ang naghugas ng plato. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng May kumatok sa pintuan. Nagpunas ako ng kamay at binuksan ang pintuan and to my surprise, si Cal ang bumungad sakin. "Good evening. Bakit?" tanong ko sa kanya. "You're Gilliana right?" he asked me. So natandaan niya yung name ko. Ghad kinikilig ako. I tried to hide my smile and make my face poker. "Yes ako nga. Bakit?" tanong ko ulit at may binigay siyang bond paper sakin at napatingin naman ako don. Halos maging kasing pula ako ng strawberry dahil don. Yun yung drinowing ko kanina dahil may nakita akong cute na picture non. May pangalan ko pa na nakalagay don sa likod ng bond paper. I tried to draw it but pangit ang kinalabasan. Hindi naman kasi talaga ako magaling mag drawing eh. Wala akong future dun kaya nahihiya ako kasi sa lahat ba naman ng pwedeng makakita siya pa. Sobrang pula ng mukha ko at hiyang hiya ako kaya kinuha ko kaagad sa kanya niya yung papel. "Ahmm thanks." at umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nahihiya ako. "Welcome. By the way, nice drawing." sabi niya ng may mapaglarong ngisi sa labi kaya mas lalo akong namula. Tumango naman ako at pumasok na ako sa kwarto ko at nagtaklubong ng kumot don. Grave nakakahiya. Nakita niya yun bwisit. Bakit kasi wala akong talent sa pag drodrawing eh, yan tuloy baka May bawas points na ako sa kanya. Hindi pa ako nagsisimula. Aisshhhhh. Hindi ko na rin natapos ang hinuhugasan kong plato dahil sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD