Sabado na ngayon at ngayon yung araw kung kailan manglilibre si Belle. Naging ka-close din namin si Eathan nitong nagdaan na araw.
It's still 6:30 in the morning at heto ako ngayon nakatulala sa kisame. Tinatamad pa akong bumangon pero kumalam na ang sikmura ko.
Naghilamos lang ako at lumabas na ng kwarto at dumiretso ng kusina. Pagkarating ko ay nakita ko si Tracy na nag to-toast ng tinapay, at may nakahanda ng bacon, hotdog, itlog, kanin at kape sa mesa.
Nang natapos siyang mag toast ng bread ay umupo na siya sa harap ko.
"7 pm mamaya diba?" tanong niya sakin habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Hotdog at bacon lang ang kinuha ko pati na rin kanin.
"Yup." nagsimula na kaming kumain at siya naman ay nag-kekwento ng kung anong nangyari sa kanya kahapon.
Natawa naman ako dahil sa kwento niya. Kahapon daw kasi ay naglalakad siya sa tabi ng kalsada habang nag-seselpon. Pauwi na siya that time dito sa unit namin. Hindi kami magkasabay dahil may iba pa akong ginawa non, nagpunta pa akong library nung araw na yon.
So ayun nga, naglalakad daw siya tapos hindi siya tumitingin sa dinadaan niya hanggang sa biglang nahulog siya sa kanal.
Kung nakita ko lang yun paniguradong sobrang epic nun. Tatawanan ko pa siya. Cellphone cellphone pa kasi, hindi tumitingin sa dinadaan kaya ayan tuloy nahulog sa kanal.
Pagpasok na pagpasok pa lang daw niya dito sa building eh pinagtinginan siya at yung iba daw ay nagtataka sa kanya. Mabuti na nga lang wala daw nakakita nung part na nahulog siya kung hindi magiging katawa-tawa siya.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na muna ako sa sala at nanood dun. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya yung nangyari last tuesday.
Yung nakita ni Cal yung drawing ko. Paniguradong ako naman ang pagtatawanan ni Tracy niyan kasi alam niya kung gaano ako kagaling sa pag drodrawing, dinaig ko pa siya. Insert sarcasm tone.
Si Tracy naman eh dumiretso sa kwarto niya at kumuha ng gamit dahil tatapusin na niya ngayon yung plates niya.
Nanonood ako ng tv dito at siya naman ay nag-drodrawing ng maalala ko na naman yung araw na yun. Nakakahiya talaga, gustong gusto kong kainin ako ng lupa nung time na yun.
"Ahmm Tracy." nahihiya kong sabi sa kanya. Siya naman nagpatuloy sa ginagawa niya pero nakikinig naman siya sakin.
"Ahmm ano kasi... Yung ano." hindi ko matuloy tuloy dahil nahihiya nga ako at magtataka siya.
"Mmm ano yon?" tanong niya sakin at ang paningin ay nandoon parin sa drino-drawing niya.
"Ahhh pwedeng paturong mag-drawing?" kagat labi kong sabi at siya naman ay tatango tango pero maya maya napatingin siya sakin at nanglalaki ang mga mata.
"Ano? Magpapaturo ka? Bakit? Akala ko ba satisfied ka na sa drawing mong mukhang kung ano mang nilalang o tawag dun." sabi niya sakin.
Wow ha, grabe toh manglait sakin. Napangiwi naman ako sa mga sinabi niya sakin, wala akong ibang maisip na dahilan para sabihin ko.
Nakatingin parin siya sakin ng nagtataka at nakakunot pa ang noo. Napatigil tuloy siya sa paggawa ng plates niya.
"Kasi may pinapagawa yung prof namin sa.... Science,oo sa science. Pinapadrawing yung mga— yung ano cell. Ayun ganon, gusto ko naman matuto kaya nagpapaturo ako sayo." cell? Seriously Lia, yun talaga. Well maganda namang palusot yun. Mukha naman siyang naniwala at tatango tango pa.
"Ahh yun lang naman pala, siya ako na na lang gagawa at penge na lang picture non para may pag-gayahan ako." at nagbalik siya sa ginagawa niya.
Napangiwi naman ako kasi gusto ko ngang matutong mag drawing, bakit kasi ganon dahilan mo Lia sira ka rin eh. Pano yan, pag kumontra naman ako baka makahalata na siya. Sumang-ayon na lang ako sinabi niya at nagpatuloy sa panonood ng nakanguso.
Ilang oras na ang nakakalipas at ako ay nababagot na dito kakanood, siya ay hindi pa rin tapos sa ginagawa niya pero tingin ko ay konti na lang matatapos na rin siya.
Tumingin ako sa wall clock namin sa taas ng pintuan namin dito sa unit at nakitang 9 pa lang ng umaga. Nagpaalam lang ako sa kanya na pupunta sa kwarto at magbabasa.
Pagkarating ko sa kwarto kinuha ko lang yung cellphone ko. Sa Instantgram na lang. May bagong post si Belle na picture.
Yung picture na nakaupo siya sa swing at may hawak na bulaklak.
2,007 likes
itsbelle Captured by: @tracy_nger
Yesterday at 6:37 pm
Sana ol maraming likes. Well maganda naman kasi si Belle kaya ganyan. Ako kasi kada mag popost sa Instantgram or sa Twittering ay mga nasa 4,000 lang naman yung nagla-like.
Madaming nagcomment sa kanya.
tracy_nger buti naman tinag mo na ako noh. Kada kasi magpo-post ka at ako ang nagpipic hindi ka man lang naglalagay ng captured by,mapa-insta or Twitter ka pa... Salamat naman at natuto ka.
3h 17 likes reply
ice_tea.delr. hey manlilibre ka pa diba bukas? Yieee
1h 20 likes reply
forthrie_ @ice_tea.delr. oo nga manlilibre ka pa
31m reply
itsbelle @ice_tea.delr. heh, oo na nga diba manahimik na nga kayo.
20m reply
Eat.han @itsbelle yown salamat.
15m reply
Lia_salungga salamat naman kahit papano ay hindi ka na masyadong kuripot.
10m 13 likes reply
itsbelle @Lia_salungga shut up!!!
6m reply
Tawa naman ako ng tawa dahil pinapagtulungan namin siya. Eh sa totoo namang kuripot siya eh, anong magagawa ko. Nasabihan tuloy ako ng shut up.
Naalala ko si Cal meron kaya siyang Instantgram. Masearch nga.
Nung sinearch ko ang Cal walang lumabas. Kaya sa Twittering naman ako nag search at wala rin kaya nanlumo naman ako. Pero may second name pa siya ang sabi niya, isesearch ko na sana kaso naalala ko, hindi ko pala alam yung second name niya. Eh kung itanong ko kaya sa kanya? Nakakahiya nga lang. Well makapal naman mukha ko eh. Kaya tatanong ko pag nagkita kami, pero pwede namang number na lang niya tanungin ko HAHAHA. Chour.
Nag-scroll na lang ulit ako sa Twittering at si Thrie ay may bagong post. Picture ng isang babae nakatalikod. Teka lang parang kilala ko toh ahh.
Nakalugay ang babae at naka-jacket at nakapantalon. Tiningnan kong mabuti at nalaman kong si Tracy pala ito.
Nanlaki naman ang mata ko.
T @forthrie_ • 1d
Tiny
Tapos mga nasa 5,000 ang likes. Grabe ang dami ding comment. Alam kaya toh ni Tracy? Hindi naman kasi niya tinag si Tracy eh.
Tingnan ko yung mga nag comment at yung iba ay kita kong mga ka grupo niya sa basketball at yung iba ay kablockmates niya. Puro tanong ng kung sino ito.
PANCAKE @itsbelle • 23h
Replying to @forthrie_
Parang kilala ko yan ah, hindi ko lang matantya kung sino...
Yelong gwapo @ice_tea.delr. • 21h
Replying to @forthrie_
HAHAHA paniguradong sapok abot mo dyan Thrie
|
T @forthrie_ • 21h
Sanay na ako. Huhuhuhu
|
Yelong gwapo @ice_tea.delr. • 21h
Ang drama mo ulol
Mendoza @Eat.han • 20h
Replying to @forthrie_
Kilala ko na kung sino HAHAHAHA
Tere @tracy_nger • 2m
Taena mo, ako toh ahh. Pakyu ka, porket matangkad ka lang makatiny ka ah. Wag kang papakita sakin babalatan kita ng buhay.
|
T @forthrie_ • 2m
HAHAHA totoo naman eh, maliit ka
|
Marie @Lia_salungga • 1m
Loko loko ka talaga Thrie HAHAHA
Paniguradong sobrang lukot na ng mukha ni Tracy ngayon. Nakabusangot at nakakunot ang noo. HAHAHA
Nagcellphone lang ako at nagbasa ng libro. Nung magtanghalian na ay busangot pa rin ang mukha ni Tracy dahil don sa tiny na pinost ni Thrie. Bumubulong bulong pa siya ng kung ano ano at masama ang tingin sa pagkain.
Ako naman ay natatawa dahil napakapikon niya. Tumingin naman siya sakin ng masama dahil nga tinatawanan ko siya.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang balatan ng buhay si Thrie." natatawa ko pa ring sabi at siya naman ay napanguso.
"Nye nye nye." at nag make face pa siya. Pikon talaga tong babaeng ito.
Nang matapos kami kumain ay natulog muna siya at ako ang naghugas ng plato namin. Nilalagay ko na sa lagayan yung mga baso ng tumunog yung cellphone ko.
May tumatawag sakin. Tiningnan ko kung sino yung caller at nakitang si mama pala ito.
"Hello ma. Musta na kayo dyan sa Laguna?" tanong ko sa kanila at ngayon ay nagwawalis naman ako dito. Inipit ko lang sa tenga at balikat ko yung cellphone.
"Heto anak, okay lang naman kami dine. Ikaw musta ka na dyan, miss na miss ka na namin ng papa mo dito." at suminghot singhot pa si mama na akala mo'y hindi binigyan ng candy.
"Ako rin naman ma miss ko na kayo, baka next next week pa ako bibisita dyan." tugon ko sa kanya at nagpatuloy sa pagwawalis ko.
"Oh siya, eh yung pinsan mong si Skylar? Ano nagkakausap ba kayo dyan? Kamusta na dyan si Tracy den anak?" tanong sakin ni mama.
"Opo nakausap ko po siya nung Huwebes at okay lang daw naman siya at baka bukas eh bisitahin niya ako rito kung wala siyang masyadong ginagawa doon. Si Tracy naman eh okay lang din naman dito, wag kayong mag alala ma." malumanay kong pagkakasabi. Si Tracy rin kasi ay taga Laguna. Magbestfriend na kami mula nung high school pa lang.
Kaming apat non ni Macky at Skylar ang laging magkasama. Si Macky ay mas matanda ng isang taon samin at pinsan siya ni Tracy at si Skylar eh kasing edadan lang namin ni Tracy, pinsan ko naman yan.
Si Belle naman ay naging bestfriend namin siya nung nag senior high kami dito na sa Manila at si Skylar at Macky hindi na parehas ng university namin.
Nung nag college kami ay sina Thrie at Ice ay medyo naging ka-close namin dahil narin sa pag-aaway lagi ni Tracy tsaka Thrie.
Nang matapos kong makausap si mama ay saktong tapos narin ako maglinis. Alas-2 pa lang kaya matutulog na lang muna ako para hindi naman ako bumagsak mamaya pag nanglibre na si Belle.
Pagkagising ko is 5:30 na kaya naghanda na ako para mamaya. Naligo ako at pagkatapos ay naglagay ng konting make up para naman kumulay naman ang mukha ko, ang pale kasi eh.
I just wore a skinny jeans, sleeveless v-neck top, cardigan and a 4-inch heels. Nilugay ko rin ang buhok ko at pagtingin ko sa orasan ay 6:45 pm na. Napatagal ang pag aayos ko. Kinuha ko lang yung purse ko para ilagay don yung cellphone, pera, card at isang lipstick lang.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Tracy na naka-skirt, off-shoulder, boots, necklace at naka-make up pa, may dala din siyang purse. Ngumiti naman siya sakin nung lumabas na ako.
"Let's go na." sabi niya at nauna nang lumabas kaya sumunod na lang din ako.
Dun na lang daw kami magkita kita sa 7/11 kaya pumunta na kami don.
Pagkarating namin don ni Tracy ay si Ice at Eathan pa lang ang nandoon. Naka-jeans si Eathan at naka plain tshirt lang siya with sneakers. Si Ice naman ay jeans at naka polo na white at may leather jacket.
"Hey guysue, ganda mo Gilliana ah. Ikaw rin Tracy maganda ka rin." nakangiti pang sabi ni Ice at si Eathan naman ay ngumiti lang samin. Hinihintay na lang namin yung dalawa.
Nag usap-usap muna kami at maya maya lang eh dumating na si Belle kasunod si Thrie.
Naka jeans, v-neck shirt at jeans si Thrie, medyo magulo rin ang kanyang buhok pero hindi nakabawas don ang kagwapuhan niya kaya tinignan ko si Tracy kung nakatingin na siya kay Thrie at nakita kong pasulyap sulyap lang siya dito.
So Belle naman ay naka crop top, skinny jeans, boots at may purse din siya. Naka make-up din ang babae.
"So let's go na guys?" tanong samin ni Belle at nagsitayuan naman kami at sumunod kami sa kanya.
May dalang sasakyan si Ice, Thrie at Belle kasi mga rich kid itong mga ito. Kay Belle naman ako sumakay, si Eathan ay kay Ice at si Tracy ay pinilit pa naming dun sumakay kay Thrie.
Ng nakasakay na kami sa kotse ay pinaharurot na ito ni Belle.
Makalipas lang ang ilang minuto ay tumigil ito sa isang night club at nagsibabaan na kami pagkatapos i-park yung sasakyan.
Pagpasok namin sa loob masyadong marami ng tao at nagsisisayawan na kaya naupo na kami dun sa couch at umorder na ng maiinom.
Black label, Hennessy, Bacardi, at Jack Daniels ang in-order ni Belle. Grabe toh hindi naman ako mahilig mag inom.
Pagkarating ng order eh nagshot na sila isa isa at ako ay hindi pa.
"Oii uminom ka naman dyan, ang daya nito." sabi sakin ni Tracy.
"Oo na oo na." napipilitan kong sabi at sila naman ay nagpalakpakan pa.
Kumuha lang ako ng Jack Daniels at naglagay sa baso tsaka uminom. Sila naman ay nagpatuloy rin hanggang sa pumunta na si Belle, Thrie, at Ice sa dancefloor at nagsasasayaw na.
"Parang lasing na si Belle oh." puna ni Eathan samin.
"Hindi yan, mataas ang alcohol tolerance niyan at nakaka apat palang siyang shot kaya wag kang mag alala." sabi ni Tracy kay Eathan at si Eathan naman ay tumango at nagsalin ulit ng black label sa baso niya.
Napatingin siya sakin kaya tinaas niya yung baso niya at ako rin at nag cheers kaming dalawa. Napangiti naman siya kaya nahawa ako sa ngiti niya.
Tumingin na lang ulit ako sa paligid at natatawa dahil kayna Ice at Thrie dahil ang kukulit nila dun sa dancefloor. Parang mga baliw.