Kabanata 4 : Straightforward

2224 Words
Nakaupo lang ako dito nang bumalik yung tatlo rito para mag picture daw. Umayos naman kaming anim at nagpasuyo don sa isang babae na kuhanan kami ng litrato. Pagkatapos ng ilang shots ay naupo na kami at tiningnan ang mga kuhang litrato samin. Nagpost naman si Tracy sa Twittering ng picture namin samantalang si Belle ay sa Instantgram. Ako rin ay nagpost sa Instantgram, yung una picture ko at yung pangalawa ay yung kaming anim na. 2,420 likes Lia_salungga With friends @tracy_nger @itsbelle @forthrie_ @ice_tea.delr. @Eat.han 30 minutes ago Kalahating oras pa lang naman ang nakakalipas at mamaya ay mga nasa 4,000 plus na ang likes niyan. Tinignan ko naman yung post ni Belle. 1,623 likes itsbelle having fun with my friends @Lia_salungga @tracy_nger @Eat.han @forthrie_ @ice_tra.delr. 24 minutes ago Sa Twittering naman ako nag scroll at nakitang nagpost din sila Thrie, Ice at Eathan don. Tere @tracy_nger • 36m With mah friends... @itsbelle @Lia_salungga @Eat.han @ice_tea.delr. @forthrie_ Comment retweet ❤️ 2.1k share Kay Thrie ay umabot ng 5,000 at 200 ang likes at comments. Ang famous talaga nitong lalaking ito. Shanaol famous. Naglagay na lang ulit ako ng Jack Daniels sa baso ko at inikot ikot ang laman sa baso. Habang ginagawa ko yon ay lumilibot ang paningin ko sa bawat sulok ng club. Nung saktong uminom ako ay napatingin ako sa tabi ng couch namin at halos maluwa ko ang iniinom ko. Lasing na ba ako? Pero iilan pa lang ang naiinom. Tinignan ko ulit yung katabi namin na couch dito at confirm nga, nakita ko si Cal. Komportableng nakaupo sa upuan, may hawak na baso at iniikot ikot rin ito at nakatingin lang sa dalawang lalaking kasama niya. Yung isang lalaki na black and messy hair ay may katabing dalawang babae at hinahawak hawakan ito ng babae kung saang parte man ng katawan. Yung isa pang lalaking nakamaayos ang buhok at medyo singkit ay walang kasamang babae katulad ni Cal. Ang bait naman nitong Cal na ito, ganyan nga dapat loyal ka lang sakin. Nakaharap dito si Cal at yung lalaking medyo singkit at nag uusap silang dalawa habang yung isang messy hair ay nakikipaglampungan dun sa dalawang babae. Nakabalik ang tingin ko rito sa baso ko para hindi niya ako makita. Nakatalikod kasi ako sa kanya. Ang gwapo niya sobra, he's wearing white longsleeves folded to his elbow, black slacks and I'm sure naka-leather shoes siya. Yung suit niya ay nakatabi sa kanya. Palihim akong tumingin sa kanya and damn. Sobrang manly talaga ng katawan niya, bakat yung muscles niya and yung chest niya. Paniguradong may abs ito, jusko napakagandang katawan nga naman. Siguro nung umulan ng magandang katangian sa panlabas na anyo ay sinalo niya lahat. Why so damn hot? Binalik ko ang tingin ko dito sa lamesa namin dahil baka mahalata niya na may tumitingin sa kanya at mahuli pa ako, isa na namang kahihiyan yun. Gusto ko sanang tanungin kung anong instantgram or twittering niya kaso nakakahiya lalo na't may kasama pa siya sa table nila. Tinignan ko ang mga kasama ko at sila Belle, Tracy, Ice, at Thrie ay nasa dancefloor na samantalang si Eathan ay nandito sa tabi ko at umiinom lamang. "Eathan, bathroom lang ako ha?" paalam ko sa kanya at tumango lang siya at nagsalin na ng alak sa baso niya. Tumayo na ako at hinanap ang bathroom. Pagkapasok ko ay tinignan ko sa salamin ang mukha ko at naglagay ng konting lipstick. Nang ma-satisfy ako sa mukha ko ay inayos ko na ang purse ko at lumabas na. "Hey." natigilan ako dahil kilala ko yung boses na yun. I'm sure na that is Cal. Tumingin naman ako sa kanya at nakitang naka lean siya sa pader at may hawak na bote ng alak, diretsong nakatingin sakin. "Hey, good evening. I didn't know that you're also here." I said and smiled at him. Umayos naman siya ng tayo at lumapit sakin. "Yeah, what are you doing here? May kasama kang iba?" tanong niya sakin. Concern ba siya? Hala ano ba yan, kinikilig ako sa naiisip ko. "Ahm just hanging out with my friends." I responded to him and naglakad na papunta sa table namin. Siyempre pakipot muna tayo noh. Sumunod naman siya sakin kaya napatingin ako sa kanya at siya ay diretso lang ang tingin. Ng naupo ako sa couch is tumabi din siya sakin kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya at ngayon ko napansin na wala si Eathan dito sa table namin. "Hoi, ginagawa mo dito sa table namin?" tanong ko sa kanya at siya naman ay tumingin sakin. "Wala kang kasama kaya sasamahan kita dito. Baka mapano ka pa." sabi niya at uminom ng alak. Anong tingin niya sakin? Bata. Duh I'm already 20 years old noh, I'm old enough. Pero sa isipan na yon ay kinilig ako dahil concern nga siya sakin. This means may crush din siya sakin? Naku, wag ka ng umasa Gilliana masasaktan ka lang. "Ahhh ok." yun lang ang nasabi ko nagsalin na lang ako ng alak sa baso. Ang tahimik namin dito at patuloy lang siya sa pag inom. My ghad, tanungin ko na kaya siya. Wag ka ng mahiya self, makapal mukha mo remember? I cleared my throat and looked at him. "Cal, can I have a question?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin na medyo kumot ang noo pero tumango rin naman siya. Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba o hindi na pero eto na eh. "Ahh do you have Instantgram or Twittering account?" I asked and crossed my finger behind my back as I bit my lower lip and looked down. Naramdaman ko naman siyang natigilan pero nakabawi naman agad siya and he cleared also his throat before saying yes. Napatango tango naman ako sa kanya at palihim na napangiti. Eto tanungin mo na siya dali kung anong account niya. "Ahhmm pwedeng malaman? Promise i-follow kita." at diretsong tumingin sa kanya kaya nakita ko ang mata niyang kulay abo. Ang ganda ng mata niya, kasing ganda ko. Chour. Tumango naman siya at kinuha ko cellphone ko para maisearch siya. Sa Instantgram ay DenzeyM at ganon din sa Twittering niya. HAHHAHAHA ang swerte ko. Kung alam ko namang papayag pala siya agad sana pati number niya kinuha ko na. Finollow ko naman siya at ngingisi ngisi ako rito sa tabi niya. "Ah ikaw anong ginagawa mo rito?" pag-oopen ko ng topic. Uminom muna siya bago sumagot sakin. "I'm with my friends also. We're just hanging out tonight. Ngayon na lang kasi kami nagkasama dahil busy kaming tatlo." malalim ang kanyang boses pagkasabi nito. Himala nga dahil ang haba niya magsalita ngayon eh. "Eh ilang taon ka na ba?" I asked him curiously. "25." ay limang taon ang tanda sakin. Okay lang yan, mas gusto ko sa mas matanda ng ilang taon kay sa sakin. "Ehem ako is 20 years old na." kahit hindi naman niya tinatanong kung ilang taon na ako. Tumango lang siya sakin. "Eh ano bang trabaho niyo bakit kayo busy?" tanong ko at napanguso naman ako dahil hindi siya nagsalita. "Sige kung ayaw mong sagutin yan, ano na lang ang full name mo? Me is Gilliana Marie Delos Reyes, Lia for short. 3rd year college taking BS Psychology in UE..." I smiled at him at inabot sa kanya ang kamay ko, tumingin muna siya sakin tsaka sa kamay ko. "Cal Denzey Mendez." at inabot niya yung kamay ko pero bumitaw din siya agad. Medyo magaspang ang kamay niya, pero wala naman sa itsura niya na nagtratrabaho siya ng mabibigat katulad ng pagbubuhat ng palay ganon. Curious naman ako sa kanya kaya i-seseach ko mamaya sa Google yang pangalan niya. Tumahimik na lang ulit siya at ako rin ay napatahimik na. Hanggang ngayon ay nagsasayaw parin yung apat at si Eathan ay nakita ko na nandon siya sa bar stool at may kausap na ibang lalaki. Kakilala niya siguro yung mga yon. Habang umiinom ako ay naalala ko yung mga kasama nito ni Cal kaya palihim akong tumingin sa likuran ko at nakita ko namang nag-uusap na yung dalawa tsaka wala na yung mga babae. "Ahh Cal, diba kasama mo itong dalawa dito? Bakit ka nandito sa table namin, baka hanapin ka niyang mga yan. Dito lang naman ang table mo eh sa katabi ng amin kaya naman ay kaya ko na sarili ko." pagpukaw ko sa atensyon niya at napatingin naman siya sakin na may ngising mapaglaro sa labi. He lick his lower lips before talking. "I thought you didn't know that I'm here because you said so. But why do you know that I have two friends here and also you know that my table is right here beside your occupying table huh?" And his eyes is sparkling in amusement. Fuck! Nahuli ako don ah. Paniguradong baka sabihan ako nito ng stalker pero hindi naman eh. Paniguradong pulang pula na ako ngayon dito pero salamat na lang at din ang lights kaya hindi niya makikita na sobra ang pagkapula ng mukha. "Eh kasi, nakita kasi kita kanina na nakaupo diyan. Hindi ko naman sinasadya eh kaya wag mo kong akusahan na stalker." tatango tango naman siya at nakangisi parin sakin kaya napanguso ako sa kanya. "Ang sabi ko lang is bakit alam mo? Hindi ko naman sinabing stalker kita." he chuckled after he said that kaya mas lalo akong namula sa sinabi niya. Oo nga naman wala siyang sinabi na stalker ako. Nakows ang bibig mo rin kasi minsan Lia eh. Lalo akong napanguso nang hanggang ngayon ay may ngisi parin sa kanyang labi. At napansin ko na ang pula na labi niya and when he lick his lips mas lalo itong namula. Binawi ko naman ang tingin ko roon at ngumuso parin hanggang ngayon. "Bahala ka nga dyan kung anong isipin mo." matalim ko siyang tinignan kaya mas lalo lang siyang natawa. "Wala naman akong iniisip eh, baka ikaw?" he smirked again. Argh, bwisit tong lalaking ito. Wala naman akong iniisip eh, siya lang. Hindi ko na lang siya pinansin at naglagay na lang sa baso ng alak at nilagok yun ng tuloy tuloy. Napatigil naman siya sa pagtawa niya. "Hey easy there, I'm just kidding." pakinig kong sabi niya saktong pagbaba ko ng baso. Medyo nahilo ako nung tumingin ako sa dancefloor. Napadami ata ang nainom ko. Tiningnan ko naman siya at napatingin rin siya sakin. Uminom siya ng alak sa baso niya nang magsalita ako. "You're handsome." at tumango lang siya sakin. "I know." he confidently said at umirap naman ako sa sinabi niya. Ang hangin din pala ng isang ito kaya pala cold siya nung una dahil ganito pala siya kahangin pag nakausap mo ng matagal. Uminom ulit siya ng alak. "Crush kita." at napatingin naman siya sakin at may ngisi na naman sa labi niya. "You're straightforward huh." tatango tangong sabi niya. Napanguso ulit ako. Alangang magpaligoy ligoy pa ako, siyempre chance ko na ito eh. Pati matagal ko ng alam na straightforward akong tao. Tumingin siya sa dancefloor at ng napansin niyang may naglalakad palapit dito sa table namin ay tumayo na siya at tumingin sakin na parang nagsasabing babalik na siya sa sarili niyang table, tumango naman ako at umalis na siya at saktong paglapit dito ni Belle. "Sino yun ha?" She asked and tumingin siya kay Cal na nakaupo na ngayon at kinakausap na nya yung dalawa niyang kaibigan. "Infairness he's handsome and hot. Katulad nung dalawang kasama niya. HAHAHA." natawa rin ako sa sinabi niya at umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin na nagsasabing magkwento ako sa kanya. "Wala, he's just our neighbor." sabi ko at tumingin ulit siya doon na inaaninag mabuti ang mukha ng lalaki. Maya-maya lang eh nanlaki ang mata niya at napatingin sakin na nanlalaking mga mata at naka O pa ang labi. "Oh bakit?" tanong ko sa kanya dahil para siyang nakakita ng multo nung tumingin siya sakin. "Seriously, hindi mo alam?" Tanong niya sakin at napailing naman ako sa sinabi niya at nagtataka. "Siya, yung kausap mo, is isang CEO lang naman." she emphasized the word CEO at ako ay napatango lang at uminom ng alak. Pero nung nag sink in sakin yung sinabi niya ay nabuga ko ang iniinom ko at tumingin sa kanya ng nanlalaking mga mata at hindi makapaniwala. "He's name is Cal Denzey Mendez, the CEO of the Denzey Resort & Casino. Ang isa sa pangarap kong pagtrabahuhan Lia." at ako ay hindi makapaniwala sa narinig at naalala ko ang sinabi niya na gusto niya doon magtrabaho kasi maganda ang halos lahat doon. Denzey Resort & Casino tapos Cal Denzey tapos yung pangalan niya pa sa Instantgram at Twittering is DenzeyM, bakit hindi ko agad nahalata. Ang tanga mo Lia. Nahihiya ako sa sarili ko at para masure ko talaga ay kinuha ko cellphone ko at sinearch ang pangalan niya at nanlaki ang mga mata ko dahil tama si Belle. He's 25 years old and the only child of Mr. Anthony Mendez and Mrs. Rebecca Mendez. He graduated Summa CumLaude in De LaSalle University. Grabe bakit hindi ko agad napansin ito. Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sakin at nakita niyang hawak ko cellphone ko at napangisi siya ng napagtantong nagsearch ako tungkol sa kanya dahil nakita niya yung picture niya. Nakakahiya, bumuka sana ang sahig at kainin ako ngayon na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD