Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo, napadami ang inom ko kagabi.
At naalala ko na naman kung bakit ako uminom ng ganon karami kagabi.
Naalala ko na yung mga pinagsasabihan ko ng ganon is CEO pala. Kakahiya naman oh, umamin pa ako sa kanya kagabi at nung pinuri ko siya ay parang wala lang dahil nga nun.
Bakit ang tanga mo minsan self ha? Pati yang bunganga mo minsan bigla bigla na lang magsasalita ng kung ano ano. Argh.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, wala si Tracy kaya paniguradong nasa kwarto pa yun at tulog pa. Nagluto lang ako ng soup at kumuha ng gamot para mabawas bawasan ang sakit ng ulo ko.
Pagtingin ko sa orasan ay 8 na, well maaga pa naman. Kinain ko na lang yung pagkain at uminom ng gamot.
Dumiretso ako sa kwarto para magpalit ng damit dahil mag-gi-gym ako ngayon. Wala lang para mahimasmasan lang. Habang pumipili ako ng damit ay tumunog yung cellphone ko tanda na may tumatawag sakin.
Skylar calling...
"Hello insan. Morning." bati ko sa kanya at ganon rin siya.
"Insan musta ka na dyan?" tanong niya at hula ko nasa labas siya dahil medyo maingay.
"Okay lang naman, ito mag-gi-gym ako ngayon. Ikaw ba musta ka na? San ka rin pupunta?" at naghahanap pa rin ako ng masusuot na damit.
"Eto medyo pagod pero okay lang naman. Pupunta ako ngayong hospital, OJT ko eh. Tinawagan lang kita dahil gusto kitang kamustahin pati narin si Tracy." sabi niya pa.
"Ahh okay lang si Tracy dito." at kinuha yung sports b*a na kulay Grey at isang leggings. Nagpalit na ako non habang kausap ko pa rin si insan.
"Oh siya insan, malapit na ako eh bye na. I love you." sabi niya.
"I love you too, bye." at binaba ko na ang cellphone at nagsintas ng sapatos. Nagpuyod narin ako tsaka lumabas na.
Nakita ko si Tracy na kumakain sa sala habang nanonood. Napatingin naman siya sakin kaya sabi ko mag gym lang ako at tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Pumunta naman na ako sa gym dito sa loob ng condominium. Nagpunta muna ako rin sa thread mill at sinimulan ko ng mag exercise.
Halos tumagal din ako roon ng isang oras kaya nung natapos ako ay don muna ako sa balkonahe nitong gym na ito. May mga upuan dito at may nagse-serve din ng mga pagkain. Ang in-order ko lang is juice tska salad.
Naalala ko na naman siya, sabi CEO siya ang pinagtataka ko lang,bakit pa siya magcocondo dito sa hindi ganon malawak eh ang yaman yaman naman niya. Pero maganda naman quality dito eh, pero kayang kaya niyang magpagawa ng sariling bahay. O kung hindi man eh dun siya sa bahay ng parents niya.
Well okay din naman na dito siya tumira, atleast pwedeng pwede kong makita yung crush ko diba. Wew I'm so lucky.
Nung dumating na yung in-order ko ay nagsimula na akong kumain. Ng kumakain ako ay may umupo sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin.
Nanlaki ang mata ko at nasamid naman ako kaya napaupo ubo ako.
Natawa siya pero binigay din sakin yung juice kaya tinanggap ko naman at ininom yon. Ng umayos na ako ay tumingin ulit ako sa kanya at may tinatagong ngisi naman siya sa kanyang labi.
"Hey Cal." I said casually. Tumango naman siya, ayan na naman yung pagtanggo tango niya.
"Ahm bakit hindi mo naman sinabi sakin na CEO ka pala, edi sana napaghandaan ko nung mga nakaraang araw na magsuot ng magandang damit noh." medyo nahihiya kong sabi sa kanya. Napangisi naman siya at may amusement sa mga mata niya.
"Bakit kailangan mo pang paghandaan huh?" and he leaned on the chair, sitting comfortably .
"Kasi nga diba, crush nga kita." walang pag-aalinlangan kong pagsabi sa kanya kaya napatango tango ulit siya.
Napanguso naman ako tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Siya naman ay kinuha ang cellphone niya at maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Nung kinuha ko ito, may notif sa Instantgram at Twittering kaya binuksan ko naman parehas.
Nagulat ako at napatingin sa kanya ng hindi makapaniwala, nabalik ko naman ang tingin ko sa phone ko dahil baka namamalikmata lamang ako pero hindi, totoo ito.
He just follow back me at Twittering and also in Instantgram. This means pwede ko siyang maka chat.
Why Lord? Napakabait mo naman sakin, o sadyang swerte lang ako?
"Wow, nang fa-follow back ka pala?" nakangiti kong sabi at hindi naman siya nagsalita para ngang wala siyang narinig eh. Kaya napatango tango naman ako dahil na-snob ako.
Well hindi rin pala ako ganoon ka-swerte.
"Anong ginagawa mo nga pala dito?" I sipped the juice and looked at him.
"Breakfast." tingnan mo nga naman, balik na naman sa maikling salita ang lalaki.
Hindi ko rin mabasa kung anong mood nito eh. Inubos ko na lang yung pagkain ko dahil wala rin akong mapapala sa isang ito.
Nang matapos ako ay tumayo na siya kaya sumunod naman ako sa kanya. Tingin ko ay babalik ba siya sa unit niya, so hinintay niya lang akong matapos. Wow ang sweet, tigil tigilan mo yan baka mas lalo lang akong mahulog sayo.
Nang naglalakad kami pabalik ay kinakausap ko siya at siya naman ay maikli kung sumagot. Hah, kagabi hindi naman ah bakit ngayon balik na naman sa ganoon. Ang g**o talaga nito.
"Ahh nasan yung aso mong si Cassie? Dapat sinama mo siya doon. Ang cute cute pa naman niya." at tumingin sa kanya. Nanliit naman yung mata niya.
"She's in my unit." kaswal niyang pagkakasabi at nagpatuloy sa paglalakad. Binilisan ko naman lakad ko dahil ang laki ng hakbang niya, kailangan ko pa atang tumakbo para lang masabayan yung lakad niya.
"Bakit mo naman iniwanan mag-isa si Cassie? Dapat sinama mo na lang siya doon." nakanguso kong sabi.
Nang tumapat naman siya sa unit niya ay pumasok na lang siya at ng isasarado niya yung pintuan tinanguan lang niya ako kaya pumasok na lang din ako sa unit ko.
Wala si Tracy dito sa unit namin. Tsk saan naman kaya nagpunta yung babaeng yun, napatingin ako sa orasan at nakita kong alas diez pa lang. Linggo naman ah, walang pasok yun saan kaya nagpunta.
Nagpunta na lang ako sa kwarto at nagbabad doon sa cr.
Umabot rin ako ng isang oras doon dahil sa kabababad ko. Nagsuot lang ako ng shorts at isang tshirt na malaki.
Pumunta lang ako ng sala at nanood doon ng tv. Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan kaya napatingin ako roon at nagulat ng makita si Macky.
"MACKY!" sigaw ko tapos takbo sa kanya at niyakap siya. Nandito pa siya sa pintuan namin at nakita ko si Tracy na nakangusong nakatingin samin.
"Gilliana ano? Miss na miss mo lang ako?" natatawa siya nung sinabi niya yun. Yakap yakap ko pa rin siya kaya wala siyang magawa. Grabe miss na miss ko itong lalaking ito.
Ang tagal narin nung huli ko siyang nakita. Nung nakaraang limang buwan pa, masyado kasi siyang busy eh. Mag dodoctor kasi kaya ang busy.
Yakap yakap ko pa rin siya ng bumukas ang unit ni Cal at napatingin siya sakin pati na rin kay Macky. Bumaba ang tingin niya sa braso ni Mac na nakayakap sa bewang ko.
Napatingin ako sa kanya and he just glare at me. Napabitaw naman ako ng yakap kay Mac pero pumasok na lang ulit siya sa unit niya at sinara ng padabog yung pintuan niya.
He just glare at me because he saw me hugging Mac. Is he jealous? Psh sige asa lang Lia para masaktan ka lang.
Pumasok na kami sa unit namin at nagkwentuhan lamang kaming tatlo ng kung ano ano.
Hindi pa rin mawala sa isip ko si Cal at yung reaksiyon niya. Baka nagseselos? Kinilig naman ako sa sariling naisip, well hindi naman masamang mangarap diba.
Tumagal ng halos ilang oras ang usapan namin. Ng tumingin ako sa orasan ay nakita kong alas tres na.
"Ano musta na lovelife mo?" tanong ko sa kanya at siya naman ay napatawa lang.
"Wala, I think I don't need that one." at kumain siya ng kanin at napaubo naman si Tracy. Tinuro naman siya nito ng nakataas ang kilay.
"Asa ka naman dyan. Pustahan pa tayo, maiinlove ka rin akala mo." sabi ni Tracy kay Mac at nakaturo pa ang kamay nito sa kanya.
Natawa naman kaming dalawa ni Mac dahil kay Tracy.
"If you say so." iiling-iling na sabi ni Mac at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain at pagkwekwentuhan.
Nung nag alas singko na ay nagpaalam na si Mac kaya hinatid namin siya palabas dito sa unit. Tumigil lang ako dito sa pintuan namin dahil maghuhugas pa ako ng pinagkainan namin at si Tracy ang maghahatid sa kanya hanggang diyan sa basement. May sarili kasing sasakyan ang loko.
Kumaway lang ako sa kanya at pinanood sila hanggang makapasok silang elavator. Napatingin naman ako sa katapat na unit namin.
Lumapit ako dito at kumatok. Ilang minuto lang ay bumukas ang pintuan at nakita ko si Cal na naka-apron. Marunong siya magluto, sana ol.
Napataas naman yung kilay niya sakin.
"Galit ka?" tanong ko sa kanya at kumunot naman noo niya.
"Bakit naman ako magagalit?" balik niyang tanong sakin.
"Kasi nakayakap ako kay Mac. Selos ka?" alam kong makapal ang mukha ko nung tinanong ko siya nito pero baka malay niyo naman diba.
"Why would I?" Balik niya ulit na tanong sa kin.
"Tss okay. Pero anong niluluto mo?" tanong ko ulit sa kanya at tumingkayad ako pero wala naman ako nakita. Ang tangkad niya kasi.
"Tinola." wow favorite ko pa yung niluto niya.
"Paborito ko yun." sabi ko sa kanya at nagkibit balikat lang siya. Isasarado na niya sana yung pintuan pero pumasok ako sa unit niya.
Kahit dito ang manly ng unit niya pati ang bango bango pa dito.
"What the heck?" sabi niya sakin at ngumiti lamang ako sa kanya at dumiretso na sa kusina.
"Pakain ako ha." hindi yun tanong kundi statement yun. Nagutom ulit ako nung sinabi niyang tinola yung niluluto niya.
Umiling iling lamang siya at pinagpatuloy magluto at ako ay nakamasid lang sa kanya. He has broad shoulders parang ang sarap yakapin niya sa likod.
Nang pinatay niya na yung stove ay kumiha na siya ng dalawang pinggan, baso, kutsara't tinidor. Naglagay siya sa mangkok ng niluto niyang tinola at ng kanin.
Sumandok na agad ako at kumain na.
"Ang sarap." puri ko sa luto niya. Totoong masarap yung luto niya, para ngang mas masarap pa sa luto ko.
Nakita ko naman na napangiti siya pero pinipigilan niya lang. Magkatapat kami dito sa lamesa niya kaya nakikita ko yung mukha niya.
Tumikhim siya at nagpatuloy sa pagkain niya at ako naman ay ganoon din.
"Ahm yung kaninang nakita mong kayakap ko. Pinsan yun nung bestfriend kong si Tracy, yung kasama ko dyan sa unit. Bestfriend ko rin yun si Macky." paliwanag ko sa kanya. Tumango lang siya sakin at nagpatuloy na sa pagkain niya.
Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?
Tinuloy ko na lang din yung pagkain ko at nung natapos na ako ay siya na ang naghugas ng plato na pinagkainan namin. Ako naman ay pumunta sa sala niya at nakita ko si Cassie na nakaupo dun sa single sofa.
"Cassie." tawag ko sa aso at tumalon naman pababa yung aso at pumunta sakin.
She wag her tail when she look at me. Parang sinasabi na buhatin ko siya kaya yun naman ang ginawa ko at dinilaan niya yung leeg ko. Natawa naman ako.
Ang bait naman ng asong ito, pati ang bilis niyang mapalapit sakin. Ibig sabihin nito bagay ako kay Cal. Oo walang connect kaya wag nang umangal.
"Ang cute-cute mo talaga Cassie, pwedeng akin ka nal lang? Ha? Ha? Ha?" tanong ko sa aso at umupo ako ron sa sofa at binuhay yung tv.
Naupo naman siya sa lap ko at saktong lumabas si Cal sa kusina at nakita ang posisyon namin nung aso.
"Ang bait nitong aso mo pati ang bilis niyang mapalapit sakin. Ibig sabihin lang nito, akin na lang daw siya." asar ko kay Cal at nagtsk lang siya. Umupo siya roon sa inupuan kanina ni Cassie at nanood na lang din ng Tv at ako naman ay hinahagod ng daliri ko ang balahibo ni Cassie.
"Cal, diba ikaw yung CEO ng Denzey hotel na yun. Alam mo ba, yung bestfriend kong si Belle is pangarap niyang makapagtrabaho sa hotel niyo." pagkwekwento ko sa kanya at napatingin naman siya sakin nung sinabi ko yun.
"She wants to work there?" tumango naman ako sa kanya at napangiti naman siya. Tumingin na lang ulit siya sa tv at hindi na ulit nagsalita kahit ako.
Lumipas ang isang oras at alas sais na kaya nagpaalam na ako sa kanya at kay Cassie dahil naalala ko na may hugasin pa pala ako na naiwan doon sa unit namin.
"Una na ako ha, salamat dun sa pagkain. Masarap. Bukas ako naman ang babawi, lulutuin kita." sabi ko sa kanya at tumanggi mama siya sakin at lumabas na ako ng unit niya.
Nung isasara na niya ang pintuan ay kumaway pa ako at nakita kong may ngiti sa labi niya. Ng tuluyan nang nasarado ay lumawak ang ngiti ko.
Ito na, napapansin na niya ako. Ito na ang unang hakbang ko para mapalapit pa sa kanya...
Ng pumasok ako sa unit namin ay nakita kong wala ng hugasin kaya napatingin ako kay Tracy na nasa sala.
"Oi ako ang maghuhugas ah." sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sakin tsaka nagtaas ng kilay.
"Eh wala ka eh. Ang tagal tagal mo, saan ka ba pumunta ka?" tanong niya sakin kaya kinuwento ko naman sa kanya yung nangyari.
Na-shock siya nung una dahil CEO daw pala yung crush. Kinilig naman siya nung natapos akong magkwento.
"Grabe, shanaol nanonotice ni krash." sabi niya sakin. Natawa naman ako at nagpaalam na papasok na ng kwarto.
Ng makapasok ako sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng Twittering at nag chat sa kanya.
To: CDM
@DenzeyM
Hey, thank you sa pagkain kanina ulit ha? Babawi ako promise.
6:45 pm ✓
Pagkasend ko ay nagpunta na ako ng CR at nagbabad ulit sa bathtub.
Pagkatapos ko ay nagbihis na ako ng pajama ko at nahiga nasa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may reply siya.
From: CDM
@DenzeyM
You're welcome, and no need it's okay. Sleep well, Lia.
6:48 pm ✓
Kinilig naman ako, grabe para akong isang highschool student kung kiligin ano ba yan. Well hindi naman masamang kiligin eh lalo na't wala namang nakakakita sakin.
Nung gabing yon ay natulog ako ng may matamis na ngiti sa labi.