Pagkagising ko ay naligo agad ako at nagsuot lang ng tshirt at pantalon at sneakers.
Dumiretso ako sa kusina at nakita sa wall clock na 5:56 am pa lamang. Wow sobrang aga ko naman. Well, ipagluluto ko pa si Cal kaya maaga ako ngayon, CEO pa man din siya kaya maaga yun napasok sa trabaho.
Habang nagluluto ako ay iniisip ko kung gising na ba siya, baka gising na siya kaya binilisan ko na ang pagluluto ko at nang matapos ako ay lumabas ako ng unit ko at kumatok sa pintuan ng unit niya.
It took him a minute before he opened it. Naestatwa naman ako dahil naka-topless siya at tuwalya lang ang nasa pang ibaba nya. Oh god may abs nga siya. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, at anim. Diyos ko po, nawa'y patawarin niyo po ang aking pagkakasala dahil ako'y isang marupok na tao at natutukso lamang.
Iniwas ko naman yung tingin ko at tumikhim sa kanya.
"Ahmm nilutuan kita ng pagkain. Pambawi ko sa kagabi." pilit kong kinakaswal ang boses ko pero nanginginig parin ito.
Tumango naman siya at pinatuloy ako sa loob. Magbibihis lamang daw siya sa kwarto at babalik din siya dito.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung pumasok siya sa kwarto niya para magbihis. Inayos ko naman yung pagkain namin at ng maiayos ko na ito ay nilibot ko ang tingin sa loob ng condo niya.
Hindi siya ganoon kalaki pero may dalawang kwarto at isang common bathroom din. Katulad lang din ng unit namin ni Tracy. Grey, dark blue, and white ang karamihan na nakikita kong kulay dito sa loob.
Gumawa narin ako ng kape at hindi ko naman alam kung anong gusto niya kaya black coffee na lang yung sa kanya samantalang akin ay hot chocolate lang.
Ng lumabas siya sa kwarto at dumiretso dito sa kusina ay naka white formal long sleeves siya, black slacks, leather shoes at may relo sa right arm. Yung grey suit niya ay hawak hawak niya at nilapag sa sofa at dumiretso siya dito sa table at naupo sa harapan ko.
Bacon, hotdog at itlog lang ang ginawa ko pati narin pancake.
Napatingin siya sakin kaya nginitian ko lang siya ng malaki. Kumuha na siya ng makakain niya at ako rin.
"Pasensiya na kung ito lang pambawi ko dun sa nilaga mo kagabi. Medyo matatagalan pa kasi ako pag yun ang niluto ko eh." napatingin naman ako sa kanya at napangisi naman siya sa sinabi ko at tatango tango.
Ayan na naman siya sa tango tango na yan. Nature na niya yung pagtanggo tango na yan.
Nagsimula na kaming kumain at ako lamang ang nagsasalita dito. Siya ay nakikinig lamang sakin, nauubusan na nga ako ng topic tapos tuwing tinatanong ko siya ang ikli ikli kung sumagot na naman.
Nang matapos kaming kumain ay alas syete na, isang oras pa bago ang pasok ko pero papasok na rin siya kaya makikisabay na rin ako dyan sa elavator. Siyempre susulitin ko na noh.
Nang nasa elavator na kami ay nagtext lamang ako kay Tracy na papasok na ako, tinirhan ko naman siya nang pagkain kanina eh.
To Tracy-nger
Hey, papasok na ako initin mo na lang yung niluto ko na pagkain kung gusto mo. I love you, ingat ka.
And hit the send button. Napatingin naman ako sa katabi ko at nakitang diretso lamang siya ng tingin sa harapan.
Matalim ang tingin at napakunot naman ang noo ko. Tiningnan ko lamang siya at naramdaman niya siguro na tinititigan ko siya kaya tumingin rin siya sakin.
"What?" he asked and his jaw clenched.
"Ang talim ng tingin mo dyan sa harapan, bakit?" I asked curiously. Napaiwas naman siya ng tingin sakin at bumuntong hininga.
"You said you have a crush on me. But why are you saying I love you to that person and also why are you hugging that man yesterday? Are you making fun of me?" he asked in a cold tone.
Diretso lamang siyang nakatingin sa harapan habang ako'y napatanga dahil sa sinabi niya. Yun ang dahilan kung bakit ganyan na lamang ang talim ng mga mata niya.
"Ha? Eh si Tracy ang sinabihan kong I love you eh. Pati yung kahapon, diba nagpaliwanag na ako kahapon sayo. Bestfriend ko lang po yun." napatingin naman siya sakin dahil sa sinabi ko.
"Teka lang, bakit ka ba nagagalit? Wag mong sabihing crush mo rin ako? Yiee kung ganoon oh siya hindi na ako magsasabi ng I love you kay Tracy, sayo na lang para hindi ka na magselos HAHAHA." inasar ko pa siya kaya namula naman yung tenga niya.
"Assuming ka pala." napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Eh anong gusto mong isipin ko? Siyempre nag-a-assume na ako pag ganyan reaksyon mo..." Ani ko sa kanya at tinignan siya ng diretso.
"You just said you like me then you're doing that? Anong gusto mong isipin ko? Siyempre ano magtataka ako niyan at magagalit kasi parang pinapaasa mo ako. I don't like that kind of person." sabi niya ng diretso at hindi tumitingin sakin.
Well oo nga naman, kung may magsasabi sakin na crush ako nung taong yon tapos manlalandi siya ng iba parang jinojoke time lamang ako nun.
Napanguso naman ako at tumango tango. Pero babae naman yung sinasabihan ko ng iloveyou eh, pero sige na nga.
"Hindi naman ako paasa promise, papatunayan ko yan sayo babe." napatingin naman siya sakin tsaka umiling iling. Na shock sa sinabi ko. Hehe galawang breezy iyon, ganon kasi minsan sila Thrie.
Ngumiti lamang ako ng malaki at bumukas na ang elavator kaya kumaway na lang ako sa kanya at dire-diretsong lumabas sa building.
Pagdating ko sa University ay 7:25 am pa lamang kaya may kalahating minuto pa bago ang simula ng klase ko. Pumunta muna ako sa library at nagbasa-basa doon.
Ilang minuto lang ang nakalipas nakita ko si Eathan na naghahanap ng libro. Ng tumingin naman siya sa banda rito ay tinaas ko yung kamay ko kaya nakita niya ako.
"Hey good morning." bati niya sakin at naupo sa harapan ko. Bumati naman ako ng pabalik sa kanya.
"Ang aga mo ngayon, diba alas nuwebe pa ang pasok niyo? Mag-a-alas otso pa lang oh." tanong ko sa kanya.
"Ah kasi may pinapa-research kasi samin at kulang pa yung akin kaya eto." napatango tango naman ako sa sinabi niya. Siya naman ay gumawa na ng research niya.
Naalala ko naman yung sa pinapagawa samin sa mathematics. Well natapos ko na naman yun kahapon kaya wala na akong aalalahanin pa.
Habang nagbabasa ako ay napapansin kong patingin tingin sakin si Eathan. Napatingin naman ako sa kanya at napatungo siya.
"May dumi ba ako sa mukha?" I asked at umiling lamang siya kaya napatango naman ako at ibinalik ko ang atensyon sa pagbabasa. Hindi na rin siya tumingin sakin dahil na-busy siya sa ginagawa niya.
Tumagal ng ilang minuto ang pagbabasa ko at nakitang 7:54 na kaya tumayo na ako at binalik yung libro sa shelf.
"Una na ako ha? Baka dumating na kasi yung prof ko." paalam ko sa kanya at ngumiti lamang siya, ako naman ay pumunta na ng room.
Saktong pagpasok ko sa loob ay kasunod ko ang prof kaya nagsimula na rin ang klase.
Nang matapos ang ikalawang prof ay nagsitayuan kami para lumipat ng room kaya inayos ko lang yung gamit ko at nakisabay na rin sa mga kasamahan ko.
Habang naglalakad ako ay nahulog yung papel ni Grace kaya naman pinulot ko ito at hinabol siya.
"Grace, nahulog mo." napatingin naman siya sakin at ngumiti pagkatapos kunin yung papel sa kamay ko.
"Thanks." malumanay niyang pagkakasabi.
Mahinhin itong babaeng ito, parang pag hahawakan mo ay mababasag. Pero matalino rin naman siya at maganda rin. Marami ngang nagpaparamdam dito pero deadma niya lang. Mahaba hair nitong babaeng ito eh.
Pagkapasok namin ay nandoon narin yung prof namin kaya nagsimula na rin yung klase. Nakakaboring talaga ang history, jusko.
Buti na nga lang hindi ako nakatulog habang nagdidiscuss si Prof. Marasigan. Masungit pa naman yun, matandang dalaga kasi.
Habang naglalakad ako patungong cafeteria ay napadaan ako sa room nila Belle kaya hihintayin ko na rin siya. Malapit na rin naman sila matapos kaya umupo muna ako dun malapit sa room nila.
Ilang minuto lang ang lumipas at naglabasan na rin sila kaya tumayo na rin ako at sinalubong si Belle.
"Hey yow." bati ko sa kanya at napatingin naman siya sakin at kumapit sa braso ko.
"Hinintay mo ako? Aww ang sweet naman." naglakad na kami papuntang cafeteria at nag usap kami ng kung ano-ano.
Nabanggit ko rin sa kanya yung pagdating ng pinsan ni Tracy, si Mac. Kilala naman nila ang isa't isa dahil nagkita na sila, kahit si Skylar. Pagdating namin ay nandoon na yung apat kaya kumaway kami sa kanila at sumenyas na pipila kami.
Nung maka-order na kami ay tumabi ako ng upo kay Tracy at si Belle naman ay sa tabi ni Ice. Six seater itong upuan kaya sakto lamang samin. Sa tabi itong inuupuan namin.
"May laban sa basketball manonood kayo ah?" Ice asked.
"Yes manonood kami, kailan ba yon?" sumang-ayon naman yung tatlo at tumango tango pa.
"Next, next month pa naman." sabi ni Thrie.
Tumango naman kami at nag-usap tungkol doon. Ang sabi nila gumawa raw kami ng banner, jusko. Tumango na lamang kami at nagpatuloy sa pagkekwentuhan.
Nang matapos kaming mag lunch ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil mga susunod na klase pa kami. Si Belle at Ice ay may vacant time pa sila ng halos isang oras kaya nauna na kaming apat sa kanila.
Nung pumasok ako sa room ay wala pa ang prof kaya umupo na lang muna ako at kinuha yung pinagawa samin at tinignan ko kung may mali ba.
Nang dumating na si Prof. Dimaranan ay ipinapasa na agad samin yung activity at nagdiscuss na lang din siya.
"Class dismiss." aniya at lumabas na, sumunod na rin ako at tiningnan kung may susunod pa akong klase. Meron pa akong klase mamayang alas kwatro at alas tres pa lang ngayon kaya may 1 hour vacant pa ako.
Pumunta na lang muna ako ng cafeteria dahil nagutom ako. Bumili lang ako ng snack at naupo malapit sa entrance ng cafeteria. Kinuha ko lang ang cellphone ko at nagkutingting doon.
Nag-i-iscroll lang ako sa Twittering ng maalala ko si Cal. Busy pa kaya siya ngayon? Well alas tres pa lang naman kaya paniguradong busy pa yon. Kung busy siya, kumain na kaya siya ng lunch.
To: CDM
@DenzeyM
Hey, nag lunch ka na ba? Huwag kang papagutom baka magkasakit ka niyan, mag-aalala ako. Alam mo namang masama pag pinag-aalala mo ako, babe.
3:12 pm ✓
Natawa naman ako sa sinend ko sa kanya. Ano kayang reaksiyon niya kapag nabasa niya ito.
Tinuloy ko ang pagkain ko at maya-maya ay tumunog yung cellphone ko at pagtingin ko ay may notif sa Twittering. Nabasa na kaya niya? Jusko day.
From: CDM
@DenzeyM
Yup, nakapaglunch na ako ikaw ba? And please drop the babe.
3:15 pm ✓
Natawa naman ako at the same time kinilig. Tinanong niya talaga ako kung nakapag-lunch na ako. Nakangiti na ako rito ng parang sira habang nakatingin sa cellphone ko.
To:CDM
@DenzeyM
Opo, nakapaglunch na ako. Pati bakit ba? Ayaw mo ba ng babe? Sige pili ka na lang, baby, love, sweetheart, sweetipie or pamaypay?
3:17 pm ✓
Uminom naman ako ng juice ko at tiningnan kung may reply na. Nung tumunog ang phone ko ay tinignan ko agad kung anong reply niya.
From: CDM
@DenzeyM
Wala akong gusto kahit alin dyan. And wth! Pamaypay? HAHAHA that made me laugh Lia. By the way, I'm busy. Hindi ako makakareply. Kakatapos ko lang kumain ngayon kaya nareplyan kita.
3:20 pm ✓
Hindi na ako nagreply dahil sabi nga niya busy siya. Kumain na lang ako at nag-scroll na lang sa Twittering, pagpatay sa oras.
Nang sumapit ang alas kwatro ay pumasok na ako ng room at nagdiscuss na lang rin yung prof namin.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin at 5:30 na. Tumunog yung phone ko at sa tingin ko sa Tracy or Belle ito.
From Tracy-nger
Hey, nandito ako sa bahay nila Kristine pero nagluto na ako ng pagkain doon para hindi ka na magluto. Initin mo na lang yun, adobo yun. Baka mga alas otso pa ako makauwi ha at may ginagawa pa kami. Love you, ingat.
Nag-compose lang ako ng reply ko sa kanya at sinabing okay at mag-ingat rin siya. Hindi na ako nagsabi ng iloveyou sa kanya tulad nga nung sinabi ko kay Cal. Inayos ko lang yung mga gamit ko at lumabas na nang room.
Napadaan pa ako sa 7/11 at bumili ng ice cream doon.
Ng makarating ako sa unit namin ay nagbihis na lang din ako at pumunta na ng kusina at ininit yung pagkain na niluto ni Tracy.
Sa sala na ako kumain habang nanonood. Nakauwi na kaya si Cal? Alas syete na, kaso oo nga pala CEO nga pala yun kaya malamang mamaya pa yun makakauwi.
Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na rin yung pinagkainan ko at kumuha ng libro sa kwarto at nagbasa basa. Hindi ko na namalayan yung oras at napansin kong alas otso na kaya binaba ko na yung libro ko at hinintay na lang si Tracy.
Makalipas lang ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok si Tracy.
"Good evening Tracy. Nakakain ka na ba?" umupo naman siya at inalis yung sapatos niya.
"Oo doon na ako kumain kayna Kristine. Grabe nakakapagod, pasok na ako sa kwarto ko ha?" tumango naman ako at pumasok na siya doon.
Ako naman ay nanood pa ulit sa sala at namalayan ko na lang na 9:27 pm na. Paniguradong nakauwi na si Cal kaya pumasok na ako sa kwarto at kinuha yung phone ko.
Magtatype na sana ako ng message sa kanya ng naisipan kong pumunta na lang sa unit niya. Katapat lang naman namin eh.
Kaya yun nga ang ginawa ko. Kumatok ako sa pintuan ng unit niya at umabot ng ilang minuto bago niya buksan.
"Good evening." bati ko sa kanya ng may malawak na ngiti.
"Good evening, why?" he said in a deep tone while looking at me.
"Wala lang, gusto ko lang makita kung nakauwi ka na." tumango naman siya at sumenyas na pumasok ako pero umiling lang ako.
"Hindi na, gusto ko lang talagang makita ka kaya nagpunta ako rito. Okay na naman nakita na kita kaya una na rin ako. Tutulog na. Good night Cal." umayos naman siya ng tayo at tumango sakin.
"Good night." he said in a soft voice but still manly, yun lang ang sinabi niya at ako naman ay bumalik na ng unit namin.
Grabe, simpleng good night lang yun kinikilig na ako.
Nakatulog ako kakaisip yun.
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising at katulad ng ginawa ko kahapon ganoon rin ang ginawa ko ngayon. Kasabay ko siya kumain.
Nang nasa elavator na kami at malapit na sa ground floor ay nagsalita siya. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Gusto mo sumabay ka na sakin? I have a car." napatingin naman ako sa kanya at na-shock sa sinabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Ng nasa basement na kami ay hinanap niya yung sasakyan niya. Mercedes-Benz naman yung sasakyan niya. Sanaol na lang talaga.
Ng nakasakay ako loob ay sumakay na rin siya at binuhay na yung makina. Sa passenger seat ako umupo at hindi naman siya umangal. Pinipigilan kong ngumiti hanggang sa makarating na kami sa university. Bumaba na ako at nagpasalamat sa kanya.
"Thank you." sabi ko at ngumiti lamang siya sakin kaya sinarado ko na yung pintuan at naglakad na sa loob ng university.
May ikikilig pa pala yung kagabi. Grabe sinabay niya ako sa sasakyan niya. Takte ang sarap magpa-party.
Ngiting ngiti naman ako habang naglalakad hanggang sa makapasok sa room.
Hay ang ganda ng simula ng araw ko.