Minsan pala nakakabwisit pag ka-close mo yung taong gusto mo. Grabe, makapagsabing madaldal ako eh pano ba naman napakatahimik niya akala mo laging namatayan.
Nang nasa loob na ako ng room ay saktong dating din ng prof namin kaya nagsimula na agad magdiscuss.
Malapit ng mag-alas dose at nandito pa rin ako sa loob ng room dahil nagdidiscuss yung prof namin sa history, malapit na rin namang matapos ito ng magvibrate yung phone ko.
From Belle
Hey you're so tagal, hula ko na nag-extend na naman yang prof mo sa history. By the way inorderan na kita ng pagkain, hintayin ka namin dito. Love love <3
Binalik ko na rin agad sa loob ng bulsa ko yung cellphone dahil baka mahuli ako. Makalipas lang ang ilang minuto ay pinalabas na rin kami at dumiretso na ako sa cafeteria dahil nag-aantay na yung lima sakin.
Pagkarating ko doon ay nagsisimula na silang kumain kaya naupo na agad ako sa tabi ni Belle.
"Thank you Belle. At himala nilibre mo ako, kagulat gulat." sabi ko sa kanya and she just make face kaya natawa si Tracy.
"By the way guys, ayun nga diba July 26 na ngayon and Wednesday." napatingin naman kami sa kanya dahil napakalaki ng ngiti niya sa labi.
"My birthday is coming." she said with glee kaya nanlaki naman mata naming lima.
Oo nga pala sa 29 na birthday nito, at saktong Sabado pa. She's turning 20 this coming 29, kahit si Tracy ay 19 pa lang ngayon. Sa August 8 pa, ako naman 20 years old na nung February 21 pa. Malapit na pala ang kaarawan nito kaya pala napakalaki na lang kung ngumiti nitong babaeng ito. Manlilibre ito panigurado. Birthday niya kasi.
"Oo nga pala, oh anong plan?" tanong ni Tracy sa kanya at nagsalita naman si Belle ng kung anong gagawin namin sa araw ng birthday niya.
Ang sabi niya ay may handaan muna doon sa bahay nila, alas dos ng hapon hanggang alas syete. Inimbitahan niya halos lahat ng nakasalubong niya, jusko Belle.
Pag sumapit na raw ang alas otso, magclub daw kaming anim. Kakapunta lang namin doon nung isang araw, pero birthday naman niya kaya pagbigyan na.
Pati sabi niya hindi daw pwede ang walang regalo sa Sabado, kaya pag wala kang gift hindi ka pwedeng kumain doon sa bahay nila. Well samin niya lang sinabi yan, ang unfair nga dahil yung iba pwedeng walang gift.
"By the way, baka hindi kami magkasabay na laging mag lunch sa inyo. Alam niyo na naman, practice ng basketball para sa laban..." Thrie stated. Napatango naman kami sa kanya. Ang sabi niya ay irereserba niya daw kami ng upuan dun sa malapit para makita daw namin ng maayos at makita kung gaano daw sila kagaling.
At dahil nga magyabang si Thrie nandyan naman si Tracy para kontrahin lahat ng sinasabi ni Thrie. Hindi na natapos itong dalawang ito,oo.
Nang matapos ang lunch ay pumunta na ako sa susunod kong klase.
Nagdiscuss lang naman yung prof namin sa math at ako naman ay nakikinig lamang.
Nang matapos itong magturo ay pumunta muna akong 7/11 dahil malapit lang naman yun dito. Bumili lang ako ng ice cream at naupo doon sa upuan katabi ng bintana.
Kinuha ko lang yung libro ko at nagbasa-basa, pampalipas ng oras.
Ng lumipas ang isang oras ay pumunta na ako sa susunod kong klase.
Mabilis na lumipas ang araw at biyernes na ngayon. Katulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay doon ako kumakain sa unit ni Cal at hinahatid niya ako papuntang university. Kinikilig talaga ako tuwing hinahatid niya ako eh. Feeling ko jowa ko siya, yun nga lang, feeling lang.
Tuwing lunch, minsan I dm him in twitter but sometimes hindi kasi busy nga siya. Baka makulitan din yun sakin kapag lagi akong nagddm sa kanya. Ako kasi laging gumagawa ng first move tuwing ganoon. Para ngang ako pa lalaki saming dalawa, jusko. Well ako naman may gusto sa kanya eh.
At katulad nga nung sinabi ni Thrie noong wednesday hindi namin sila masyadong nakita nitong mga nakaraan na araw dahil nagpapraktis sila, pero sabi naman nilang dalawa na makakarating sila sa birthday ni Belle. Kaya kaming apat lang muna ang laging magkakasama at kung minsan naman ay kaming dalawa lang ni Eathan dahil medyo busy din si Belle at si Tracy.
Nandito ako ngayon sa loob ng room at panghuling klase ko na ito. May pinapagawa lang naman saming essay si Prof at ako naman ay malapit ng matapos.
Nung natapos na ako sa essay ko ay inayos ko na yung gamit ko at pinasa sa Prof yung gawa ko at lumabas na. Dumiretso ako dun sa bench at nakita si Eathan.
Nagbabasa ng kung ano sa libro.
"Hey Eathan." napaangat naman siya ng tingin sakin and he smiled at me that's why I also smiled at him.
"Nasaan si Tracy tsaka Belle?" I questioned.
"Si Tracy bumili lang ng makakain at si Belle naman ay wala pa." he answered and I just nod.
I get my book also and flip the pages and started reading. I could feel him staring at me so I lifted my gaze to him. Natigilan naman siya dahil sa biglaan kong pag-angat ng tingin. Binalik nya yung tingin niya sa libro at ako naman ay binalik ko rin ang tingin ko sa libro.
I'm not stupid nor dumb to not know he likes me. I can tell from his action, it's obvious.
Hindi ko na lang pinansin yun at tinuon ang atensiyon ko sa pagbabasa. Tracy had just arrived and had some snacks with Belle.
Belle sat beside me and Tracy sat beside Belle. Bali ay napapagitnaan ako ni Eathan at Belle. Kumuha lang ako ng snacks at kumain na. Nagsimula naman ng magkwento yung dalawa. Si Eathan naman ay tahimik lang din at kumakain.
Tumagal kami ng mahigit isang oras doon.
"Hey tomorrow ha? Don't forget the gifts, magtatampo ako pag wala kayong dalang gifts." nakangusong paalala samin ni Belle kaya napatango na lang kami.
Kahapon pa ako nakabili ng regalo sa kanya at isa yung aso. Samoyed ang breed na binili ko sa kanya, nako pagkamahal mahal pa naman noon.
Aabot ng isang daang libo, jusko. Pwede ko na yang pang-allowance amp.
Kaya yun ang ireregalo ko kasi mahilig talaga siya sa aso at gustong gusto niya yung Samoyed na breed. Ang tagal tagal ko kayang pinag-ipunan nun. Pasalamat siya bestfriend ko siya jusko. Pero pwede ko namang wag na ibigay sa kanya yung aso at sakin na lang. Bilhan ko na lang siya ng make-up kit or sapatos diba. Pero dibale na, nung birthday ko naman, ang niregalo niya sakin napakamahal din jusko.
Isang sapatos na Gucci, damit din galing sa Gucci at Prada saffiano bag yung medium na nagkakahalagang $2,980. Jusko pagkamahal mahal, kung binili na lang niya yun ng pagkain baka busog pa ako hanggang ngayon. Pero I appreciate naman, yun nga lang grabe siya mag bigay ng regalo. Mayaman kasi.
Nang nasa unit na kaming dalawa ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Nahiga lang ako sa kama ko at si Tracy na ang magluluto ng pagkain namin ngayon. Hindi ko lang alam kung anong ireregalo ni Tracy kay Belle dahil hindi naman kami sabay nakabili ng pangregalo don sa babaitang iyon.
Hindi din naman niya alam na ang ireregalo ko kay Belle ay aso dahil iniwan ko muna sa shop yung asong yon at bukas ko na kukunin.
Nagpahinga lang ako ng saglit at lumabas na rin ng kwarto at nakita si Tracy na nagluluto ng sinigang. Kaya naman naming ubusin yan kasi parehas naman kaming matakaw na dalawa, pero mas matakaw siya sakin ng onti lang naman.
Napatingin ako sa orasan at alas syete imedya na. Pumunta ako sa may lagayan ng mga pinggan at kumuha doon ng pinggan, mangkok, baso, kutsara't tinidor at inilapag sa lamesa.
Naalala ko naman si Cal. Nakauwi na kaya siya? Kumain na kaya yun? Eh yung aso kaya niya, nakakain na? Well baka pinahabilin niya sa mga staffs si Cassie.
When Tracy's done cooking, we immediately ate and talked about some random things.
Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin at siya naman ay dumiretso muna sa sala at nanood. Ng tapos na akong maghugas ay tumabi ako kay Tracy na nanonood ng horror movie. The Conjuring ata itong pinapanood namin.
Hindi pa naman masyadong nakakatakot nung una pero makalipas ang ilang minuto ay parehas na kaming nagsisigaw na dalawa. Jusko, aatakihin na ata ako sa puso nito. Halos mamaos kaming dalawa ni Tracy nang natapos yung palabas.
Pumunta muna akong kusina para uminom ng tubig habang si Tracy ay dumiretso na ng kwarto para matulog. Niligpit ko na yung baso at papunta na akong kwarto ng may kumatok sa pinto. Paniguradong yung katabi namin sa unit ang kumakatok dahil naingayan yan sa sigaw namin ni Tracy.
Napatingin muna ako sa orasan at nakitang alas nuwebe na.
When I opened the door I was surprised because Cal was right in front of the door with a wrinkle in his forehead.
"Hey Cal. Bakit?" I asked him kahit na alam ko na naman kung bakit siya nasa harapan ko ngayon. Paniguradong naingayan ito saming dalawa ni Tracy.
"Why are you shouting? Is there something wrong?" He questioned and tumingin pa sa likuran ko.
Napalunok naman ako bago tumingin sa kanya. Nagtama ang mata namin at nakita ko na may pag-aalala sa abo niyang mata.
Umiling naman ako sa kanya.
"Wala, nanood lang kaming dalwa ni Tracy nung horror movie kaya kami sigaw ng sigaw. Sorry kung maingay." at nag peace sign ako sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya at tumango.
"Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo." napangiti naman ako sa sinabi niya pero pinigilan ko rin dahil baka mahalata niya. I bit my bottom lip and looked straight at him.
"Nag-aalala ka noh? Ayie sabi ko na nga ba eh, gusto mo rin ako." I teased him and umiling lamang siya sa panunukso ko.
"Yes. Nag-alala ako pero hindi naman ibig sabihin nun ay gusto na kita, tss assuming." he responded, I just pout my lips when he said that.
Grabe naman tong lalaking ito. Ang sama sama, grabe ilang beses na akong nasabihan nitong assuming. Grabe para na rin niya akong binasted.
"Hmp, okay. Pero wag ka nang mag-alala babe, maayos naman ako eh tsaka tutulog na rin ako. Ikaw rin tulog ka na babe." pinalambing ko pa yung boses ko at tinulak ko siya papuntang unit niya.
Humarap naman siya sakin na may kunot na naman sa noo.
"Hindi ba't sabi ko wag mo akong tawaging babe. It's—" hindi na niya nadugtungan yung sinabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"It's what, babe?" I teased him. Mas pinalambing ko pa yung boses ko at tumingin sa kanya ng inosente. He just shook his head and opened the door.
"Nothing. Oo nga pala, wag kang masyadong magsisigaw ng ganoon dahil mag-aalala talaga ako sayo. At pumasok ka na roon sa unit mo babe. Goodnight, sweet dreams babe." he smirked and closed the door.
Natulos naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Babe! Babe daw, at siya na ngayon ang nang-aasar sakin. Napapikit ako ng mariin at pumasok na sa loob ng unit at dumiretso sa kwarto.
Nagtaklubong lang ako ng kumot at nagsisigaw sa unan dahil sa kilig. Jusko Cal, mas lalo akong nafafall sayo dahil sa kagaganyan mo.
Kinabukasan nagising ako ng mga alas diez na. Dumiretso na muna ako sa kusina at nakitang may pagkain na doon kaya kumain na rin ako. Nang matapos ay tumungo ako sa kwarto ni Tracy at nakitang nagcecellphone lang ang babae.
Alas onse pa lang, at mamaya pang alas dos ang handaan. Nagcellphone na lang din ako at nag-scroll sa twitter. Naalala ko na next month ay may laro ng basketball sila Ice kaya nilagay ko yun sa calendar ko sa cellphone. Mauuna ang birthday muna ni Tracy bago ang laban sa basketball.
Nakatulog ako at nagising ako ng mga bandang alas dose na, naligo na agad ako. Ng matapos ako ay naghanap na ako ng masusuot ko na pwede rin pang club dahil nga pupunta kami doon pagkatapos ng handaan.
Nag skinny jeans lang ako, crop top, 4 inch heels, and shoulder bag. Naglagay lang ako ng lipstick at polbo lang. Hindi naman kasi ako nagmemake-up.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Tracy na nakasuot ng dress above the knee. Naka boknay siya at may make-up. Dala dala niya rin yung pang regalo niya kay Belle. Medyo malaki ito. Tumingin ako sa orasan at nakitang 1:30 pm na.
"Hoi, mauna ka na doon kayna Belle. May dadaanan pa ako..." kumunot muna ang noo niya bago tumango. Sabay na kaming lumabas ng unit at sumakay sa elavator.
"Bakit? Saan ka pupunta?" She asked while looking her reflection in the elavator.
"Kukunin ko yung ireregalo ko kay Belle.." sabi ko at napatango naman siya. Ng nasa ground floor na kami at lumabas na, nagkahiwalay na kaming dalawa.
"Hintayin niyo na lang ako." tumango ulit siya at sumakay na siya sa taxi papunta sa bahay nila Belle at ako naman ay naglakad papuntang shop nung pinagbilhan ko nga aso. Malapit lang naman iyon dito.
Nang makarating ako sa pet shop ay kinuha ko na yung Samoyed. Maliit pa lang siya at ang sabi ay 5 months old pa lamang ito.
Pumara na ako ng taxi at nagdrive na papuntang street nila Belle. Nang makarating ako roon ay saktong alas dos na at medyo marami na ang tao. Binigay ko na ang bayad ko kay manong at pumasok na sa loob.
Sumalubong sakin ang mga magulang ni Belle pagkapasok ko sa gate pa lang nila.
"Good afternoon po, tito Alex at tita Sel." nakangiti kong bati sa kanilang dalawa at ngumiti din sila sakin.
"Good afternoon din sayo Lia, siya pasok ka. Si Belle at yung mga kaibigan mo ay nandoon sa may kusina." at inalalayan niya akong pumasok sa bahay. Nagpasalamat naman ako sa kanila at pumunta na sa loob ng bahay nila.
Mabait sila Tito Alex at Tita Sel. Kahit na mayaman ay hindi mga matapobre.
Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko yung lima at nagsisikainan na sila. Ang unang nakakita sakin ay si Ice at tinuro niya ako kaya napatingin yun apat sakin at ang laki ng ngiti ni Belle.
"Hey, mabuti naman nakarating ka. Akala ko kasi hindi ka dadating eh." bumeso pa siya sakin at pinaupo don sa tabi ng upuan niya.
"Pwede ba yun?" ngumiti naman ako sa kanya at napangiti rin siya.
Hindi ko pa binibigay yung regalo ko kahit sila Tracy. Mamaya pa daw. Nadagdagan pa yung mga bisita kaya kailangan ni Belle na umalis muna para batiin yung mga bagong dating. Naiwan naman kaming lima rito kaya nagkwentuhan at kumain lang kami.
Alas singko na nung bumalik dito si Belle. Umupo muna siya sa upuan bago niya kami kinausap.
"Ano? Mamaya ha, tuloy tayo." she reminded us. We just nod on what she said.
"Oh ito na regalo ko sayo." binigay na ni Tracy yung regalo niya kay Belle at ang laki naman ng ngiti ng bruha.
"Aww thanks." at binuksan na niya ito. Isang set ng make up kit ang regalo ni Tracy sa kanya. Tuwang tuwa naman siya.
Ang regalo naman ni Thrie sa kanya ay sapatos na Gucci, damit na Gucci. Puro na lang Gucci, kayaman naman nire. Siyempre tuwang tuwa ulit yung bruha. Si Ice naman ay jusko, kung kay Thrie ay may-kamahalan sa kanya naman ay ang mura lang. Phone case lang na unicorn. Nang makuha ito ni Belle ay nakabusangot ang mukha habang si Ice naman ay tawa ng tawa kahit sila Eathan kaya kahit ako ay natawa na rin.
"I hate you Ice. Dapat pala hindi na lang kita inimbitahan." matalim ang tingin niya kay Ice pero parang wala lang ito sa huli.
Ang regalo naman ni Eathan ay isang shoulder bag na Louis Vuitton. Wow mahal nito ah, sanaol. Ang yayaman naman ng mga bestfriend ko, makaburaot nga dito minsan.
Nang binigay ko na yung regalo ko sa kanya, mas lalong lumawak ang ngiti ng bruha. Si Tracy naman ay nanlaki ang mata ng makita yung regalo ko sa kanya.
"Aba, pagkamahal-mahal niyan ah. Isang Samoyed yan ah. It cost a hundred to hundred fifthy thousand... Ang galante mo naman mag regalo. Well malapit na birthday ko. Ehem." pagpaparinig niya sakin kaya inirapan ko lamang siya.
"Ano? Nagustuhan mo? Wala na kasing kulay white, brown na lang eh. Favorite mo pa man din ang white pagdating sa aso." tumingin naman siya sakin bago ibalik ang tingin sa aso. Hinimas himas niya muna yung ulo ng aso at kinarga ito bago tumayo.
"Ano ka ba, okay lang noh. Pati it's so cute. What gender?" She asked with glee.
"He." I responded. Nag-O ang bibig niya nung sinabi ko ang gender.
"Mmm. Ano kayang inename ko sayo?" nag isip muna siya ng ilang sandali bago ngumiti ng malaki.
"Aha, Leo then." she announced. Kumunot naman noo ko sa kanya.
"Bakit Leo? Ang daming pwedeng magandang ipangalan diyan." tanong ko sa kanya at tumango naman si Tracy. Sila Eathan ay naupo na roon at pinagpatuloy kumain.
"Kasi ikaw ang nagregalo nito. Kung Lia ang nickname mo at babae ka, tapos ito ginawa kong panlalaki. Leo." she smiled at me kaya napatango tango naman ako sa sinabi niya.
Yung ibang regalo niya ay inilagay niya muna sa kwarto niya at yung aso naman ay dala dala niya kung saan man siya magpunta.
Natawa naman ako ng dahil doon.
7:30 na kaya naghanda na si Belle dahil maya-maya ay pupunta na kaming club.