Kararating lang namin dito sa club at naupo na agad kami doon sa couch. Umorder si Belle ng Jack Daniels, Hennessy, Black Label, Smirnoff, San Miguel at Bacardi.
Kumuha si Tracy ng isang bote ng San Miguel at binuksan atsaka itinaas sa ere.
"Happy Birthday Belle." she chanted.
Kumuha din kami ng tig-iisang bote ng san mig at ginaya siya.
"Happy birthday Belle." we announced happily. Belle was grinning when we did that.
Madami na ang naiinom nila Tracy gayon din ako pero hindi pa naman ako nahihilo or lasing.
Pumunta na muna sila Tracy, Thrie at Ice sa dancefloor kaya naiwan kaming tatlo rito nila Belle at nagpatuloy sa pag-inom.
Umiinom ako ng Black label ng tumayo si Belle at Eathan kaya naiwan akong mag isa rito. Ayoko naman na maiwan ditong mag-isa kaya pumunta na akong din ako sa dancefloor at nagsayaw sayaw doon.
Sa tingin ko ay tinatamaan na ako ng alak dahil nagiging wild na ako. But I don't care, ngayon na lang ulit ako naging ganito. Lagi kasi na ako yung hindi pwedeng malasing dahil ako lamang ang maghahatid sa mga kaibigan ko dahil mga matatakaw magsiinuman yung mga yun.
Pero ngayon gusto ko sila naman ang maghatid sakin dahil gusto kong maranasan nila kung paano masukahan at mahirapan na ilagay sa kotse. HAHAHA ang sama kong kaibigan, jusko.
Lumapit sakin si Tracy at binigyan niya ako ng inumin at kinuha ko naman ito at ininom ng diretso. Kumuha pa ako ng isa at ininom ito ng diretso tsaka pumikit at sinabayan ang tugtugin.
"Hi miss." a man in his early twenties approached me, I guess.
Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy ako sa pagsasayaw. Kahit ang lalaking lumapit sakin ay sumayaw na lang din.
"Hi." my voice sounds so tipsy.
Seconds later, the man who approached me earlier put his hand on my waist kaya napadilat ako ng mata at tumingin sa kanya. He just smiled and continued dancing. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy na ulit sa pagsayaw.
Naramdaman ko naman na tinanggal nung lalaki ang kamay niya sa bewang ko, hindi ko naman yun pinansin at nagpatuloy sa pagsayaw.
Dumilat ako pero napapikit ako ulit dahil nahilo ako bigla. Kaya ko pa naman at nagpatuloy lang ako sa pagsayaw.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na may tao sa likod ko, hinayaan ko na lang ulit yun at nagpatuloy lang sa pagsasayaw.
The man behind me put his hand on my waist. Napatingin naman ako sa kamay niya na nasa bewang ko and damn his masculine finger is so hot. I guess this man also is hot.
Pumikit na lang ulit ako ng mariin ng maramdamang nahihilo ulit ako pero patuloy pa rin ako sa pagsayaw.
The man behind me pushed himself closer to me and pinabayaan ko na lang yun dala na siguro sa kalasingan.
Gusto ko na sanang bumalik sa couch at maupo roon dahil nahihilo na ako but I'm enjoying dancing here plus the man behind me, excites me.
Mas nilapit pa ng lalaki ang sarili niya sakin and his hand travel to my arms up to my shoulder. The man's nose though my ear and I gasped dahil nararamdaman ko ang hininga niya roon.
"You're drunk." a familiar low baritoned voice embrace me.
Napadilat agad ako dahil sa boses na yon, pamilyar yun sakin dahil ako pa ba. Humarap ako kay Cal na nakahawak parin sa balikat ko.
Napangiti naman ako sa kanya at hinawakan and kamay niya at dinala ito sa bewang ko. Lasing na nga talaga ako.
I started dancing and he just stood there looking intently at me. Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat pagkatapos ay sumayaw pa ako mas lalo. Napabuga naman siya ng hangin dahil sa ginawa ko.
Mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kanya at siya naman ay pinipigilan ako. Jusko, lasing na ngang talaga ako.
"Let's go back to your table Lia." and he pulled me out to the dancefloor. He took me back to my table kaya napapout ako dahil don.
"Killjoy." I mumbled pero mukhang napakinggan niya dahilan kung bakit siya tumingin sakin.
Nginitian ko lamang siya at kumuha na lang ng bagong baso at nagsalin don ng Black Label. Wala yung limang kasamahan ko at hindi ko alam kung nasaan ba yung mga yun. Paniguradong nasa dancefloor pa yung mga yon or baka may iba ng ginagawa. You know na. Psh.
Ininom ko ng diretsuhan yung alak kaya napapikit ako kaagad. Grabe yung lalamunan ko. Nagsalin ulit ako ng Black label sa baso ko at napapikit na ako. Nakita naman ata ni Cal yung ginagawa ko kaya lumapit siya sakin at pinigilan yung kamay ko at kinuha yung bote ng alak.
I pouted again.
I straightly drank the alcohol drink at tulad nga nung kanina napapikit ulit ako. Jusko nahihilo na ako pero gusto ko pa rin na mag-inom. I get the Hennessy and puored it on my glass but Cal took it away from me.
"Ano ba? Kakainis ka." I protested. He shooked his head at pumikit pa.
Ang gwapo niya talaga, he's wearing a white longsleeves polo, black slacks and a watch. Wala siyang tie na suot kahit na suit kaya kitang kita ang well-toned body niya. He's so hot, god I can't take it.
"You're really drunk Lia. Kanina sa dancefloor nakipagsayaw ka doon sa lalaki na mukhang may pagnanasa sayo, hindi mo man lang pinigilan..." He explained habang umiiling.
"Paano na lang kung hindi ako dumating, baka napano ka na. Tsk tsk..." he stated kaya napanguso ako. Para siyang si daddy ko, sa totoo lang. Pero pwede ko rin siyang maging daddy sa ibang paraan.
Napangisi naman ako sa naisip ko. Jusko Gilliana, umayos ka nga.
"Also umaawas na yung alak sa baso mo hindi mo pa rin tinitigilan ang paglalagay." he added. Habang nagsasalita siya ay sinusubaybayan ko ang paggalaw ng kanyang panga. Ohh that jaw, is so perfect.
"Lasing ka na tapos iinom ka pa. Wag ka ng uminom." he concluded and get the glass away from me.
I tried to reach the glass pero hindi niya ako hinahayaan. Tiningnan ko naman siya ng matalim.
"I'm not drunk..." I denied. Napabuntong hininga ulit siya dahil doon.
Natawa naman ako sa mukha niya because it looks like his irritated. Nakakunot din ang noo niya kaya mag lalo akong natawa. Tiningnan naman niya ako ng malamig na tingin pero hindi ako nagpatinag.
"You're really drunk." at inilagay yung baso ko sa pinakasulok ng table kaya akmang tatayo ako para kuhanin iyon ng hawakan niya ang braso ko hinigit paupo.
Tumingin naman ako sa kanya ng matalim. He really have a beautiful eyes.
Mapungay ang mata niya nung tumitig ako rito. Bumaba ang tingin ko sa ilong niyang matangos. Ang ganda ng ilong niya, bagay na bagay sa kanya. At napatingin naman ako sa labi niya na mapula.
Binasa niya ito kaya mas lalong namula, I gulped because I'm really attracted to him. I want to kiss him right now. That's why I did it.
Magsasalita pa sana siya ng abutin ko ang batok niya at siniil siya ng halik. Natigilan naman siya sa ginawa ko. Pero maya maya lang ay tinanggal niya ang labi niya sa labi ko.
I look at him, begging to kiss me. God lasing na nga talaga ako.
Mas lumapit pa ako sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Just once." I whispered and look at his eyes. His eyes held a desire as his arms moved around my waist.
When I pressed my lips to him, I wrapped my fingers to his hair, pulling him closer as I entangled my mouth to his. Our lips are wet because of the drink and it added to the feeling of the kiss.
His breath reeked like a whiskey. His smell is so manly and that makes me go crazy. I gently bit his lips causing him to gasp a little.
He deepened the kiss as I ran my fingers through his brownish hair and he pulled me closer to him.
He wrapped his hands over my neck, sending shivers through my spines as he bit my lips. I whimpered in surprise, he chuckled lightly.
This isn't my first kiss but Ito ang pinakagusto ko sa lahat. Ghad, I'm really falling for this man.
He pulled me tighter and continued kissing me. I moaned when I felt his tongue on my mouth. He's dominating my mouth.
Hindi ko na pinansin kung anong nasa paligid ko, for now, it doesn't even matter anyway.
We stopped kissing and his arms are still on my waist and in neck as we gasped for air.
Umupo ako ng ayos sa tabi nya as I took a deep breath, ganon rin siya. Lumipas ang ilang minuto tsaka lang nag sink in sakin kung anong nangyari.
Jusko, nakipaghalikan lang naman ako sa lalaking ito. Nawala ang pagkalasing ko dahil doon, napalitan ng hiya. Ghad sinasabi ko na nga ba eh. Well, it's good anyway. He's a good kisser.
Mukhang may nahalikan na siya noon, jealousy spreading through her. Pero wala na naman siyang magagawa ron diba.
Naramdaman ko naman na nakatingin siya sakin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Tumaas naman parehas ang kilay niya ng magtama ang aming mga mata. I bit my lip unconsciously and that make him gulped and look away.
"I'm sorry." he apologized Kaya napatingin naman ako sa kanya dahil doon.
"f**k, I didn't mean to do—" I stopped him from explaining.
"No, don't be sorry. Ginusto ko ito pati kung mag-sosorry ka, parang tinanggihan mo na rin ako. Ayokong mabasted na naman noh." I acknowledge.
Napabuga siya ng hangin bago tumango sa sinabi ko. We stayed silent for a minute before I talked.
"Ahh anong ginagawa mo nga pala dito?" I asked and looked at him.
Napatingin rin siya sakin bago kumuha ng alak at nilagok iyon.
"Friends. You?" he asked me too. Kinuha ko muna yung baso na nilagay niya sa pinakasulok ng table. Ininom ko rin muna ito bago nagsalita.
"Birthday ng bestfriend ko." at nagsalin ulit ng alak at ininom yon. Tumango naman siya at natahimik ulit kami.
Uminom lamang kami ng tahimik. Ito ang unang beses na hindi ko siya kinukulit na magsalita ng magsalita dahil hanggang ngayon nahihiya parin ako. Maya-maya lamang ay dumating si Belle at mukhang nagulat dahil kasama ko si Cal. Nanlaki ang mata niya at tumingin sakin tsaka umayos ng tayo at lumapit samin.
Belle smiled at him and looked at me na nagsasabing paanong-nandito-yan-magpaliwanag-ka. Ngumiti lamang ako sa kanya at sinalubong siya at hunarap kay Cal.
"Cal this is Belle, siya yung birthday celebrant na sinabi ko sayo. Belle si Cal, ahm neighbor namin ni Tracy sa condo." ngumiti ako sa kanya at tumingin naman siya sakin ng gulat ang nasa mukha.
"Good evening po Mr. Mendez." Belle greeted him at tumayo naman si Cal at inabot ang kamay nito para makipag shake hands.
"Good evening Belle, right?" he asked at tumango naman si Belle, "Happy birthday and don't be too formal, Cal would be great" he added at tumango na lang ulit si Belle at napakalaki ng ngiti sa mukha.
Naupo naman kami at pinagpatuloy namin ang pag-inom. Si Belle naman ay nagkwento ng nagkwento at nasabi niya ring gusto niyang doon magtrabaho sa Hotel Resort na pagmamay-ari ni Cal. Tama naman ako diba, pinasa na sa kanya yun ng magulang niya eh.
Tuma-tango tango lamang si Cal sa tuwing nag-kekwento si Belle. Tumagal din ng halos isang oras dito si Cal bago nagpaalam na baka hinahanap na siya ng mga kaibigan niya. Tumango naman si Belle at ngumiti lamang ako sa kanya.
Ng makaalis si Cal ay tumingin sakin si Belle at umupo sa tabi ko na nakataas ang kilay.
"Totoo ba yun? Doon siya sa nakatira sa condo na yun? Ha? Bakit di mo sinabi or si Tracy man lang?" sunod sunod niyang tanong at nakanguso pa siya, I chuckled before answering her.
"Kasi po, busy ka at kung hindi naman nawawala sa isipan kong ichika sayo. At yup dun siya nakatira, sa tapat ng unit namin." I stated and her eyes widen. She pout and and I giggled because she's cute when doing that.
Nagkwentuhan pa kami at nag-inuman ng tingnan ko ang phone ko. 10:48 pm na kaya hinanap na namin yung apat para makauwi na. Si Belle ay hanggang alas onse lang dahil magsisikainan pa sila ng magulang niya kaya hindi siya masyadong nagpakalasing.
Nang makita ko si Tracy ay nagsasayaw parin siya at ang daming lalaking nakapalibot sa kanya kaya agad ko itong hinila paalis sa kumpulan ng mga lalaking iyon.
Tumingin naman siya sakin tsaka ngumuso. Hinila ko na siya pabalik sa table at nakitang nandoon na rin yung tatlong lalaki. Tulog na si Ice maging si Thrie at si Eathan naman ay medyo okay okay pa pero mukhang mag-papassed out na rin itong isang ito maging si Tracy.
At ilang segundo nga lang ay bigla na lang nakatulog itong babaeng ito maging si Eathan kaya nagkatinginan kami ni Belle at alam na. Jusko ang dami kasing mga ininom ng mga ito eh.
Una naming dadalhin sa sasakyan ay si Tracy at pinagtulungan naman namin ni Belle na dalhin ito sa kotse. Dalawang kotse ang dala namin, una yung kay Belle at yung isa naman ay kay Thrie. Si Tracy ay doon namin isinakay sa kotse ni Belle.
Sunod namin na binuhat ay si Thrie at doon namin siya nilagay sa kotse niya. Ang bigat niya jusko, feeling ko mababaliw buto ko. Ang sinunod namin ay si Eathan at medyo nakakalakad pa naman siya kaya hindi kami masyadong nahirapan ni Belle, yun nga lang kailangan naming umalalay dahil bigla bigla siyang matutumba.
Doon namin siya sinakay sa kotse ni Belle at si Ice naman ay sa kotse ni Thrie. Ako na ang nagdrive ng kotse ni Belle at marunong naman ako kahit papano. Si Belle naman ang nagdrive sa kotse ni Thrie.
Ang una kong hinatid ay si Eathan dahil mas mauuna yung street nila bago yung street nila Belle at dalawa pang street ay samin na, doon sa building ng condominium. Pagkatapos ay yung street naman nila Ice at Thrie.
Nang maihatid ko si Eathan doon ay kinuha siya ng kapatid niyang babae na si Jiella at saka tinawag ang magulang niya. Ipinakilala siya samin ni Eathan at freshman college pa lang siya.
Ipinasok na siya sa loob nang bahay nila. Malaki rin itong bahay nila Eathan, pangmayaman nga talaga.
"Salamat po sa paghatid sa kuya ko." ngumiti siya sakin ng matamis at sinuklian ko rin iyon ng isa ring matamis na ngiti.
"Una na ako ha." tumango naman siya at pumasok na ako sa kotse at pumasok na rin siya sa loob ng bahay niya.
Drinive ko na ito papuntang street nila Ice at nakita ko na si Belle na naghihintay doon sa may gilid. Ng makita niya yung sasakyan ay tumawid siya at umupo na sa passenger seat at drinive ko na papuntang condominium namin ni Tracy.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nandoon na kami sa building at lumabas na ako at kinuha si Tracy sa back seat. Tinulungan naman ako ni Belle.
"Hatid ko na kayo sa taas." umiling na lang ako sa offer niya.
"Huwag na, alas onse na oh paniguradong hinihintay ka na ng magulang mo. Kaya ko na toh, may mga staffs naman diyan." ngumiti ako para maassure siya kaya tumango na lang siya at nagpaalam na.
"By the way, sobrang maraming thank you talaga dun sa gift mo sakin. I really appreciate it na sobra." tumango naman ako sa kanya at ngumiti ulit. Sumakay na siya sa sasakyan at pumasok narin kami ng building.
Tinulungan naman ako ng isang staff na lalaki sa pagkarga kay Tracy. Nang nasa tapat na kami ng unit ay binuksan ko na agad ito at ipinasok ko si Tracy sa kwarto niya tsaka nilinisan at pinalitan ng damit pantulog.
Natapos ko siyang linisan ay 11:55 pm na kaya pumunta na ako ng banyo para ako naman ang maglinis ng katawan.
Nang tinutuyo ko na ang buhok ko ay doon ko naramdaman ang pagod ko. I blowered my hair para madali itong matuyo. Naka panjama na ako ng may kumatok.
It's already 1 am, sino kaya itong kumakatok na ito. Lumabas naman ako ng kwarto at binuksan ang pintuan.
Nagulat naman ako ng si Cal ang bumungad sakin. I blink my eyes twice.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya, madaling araw na kasi tapos nandito siya sa harapan ko.
"I'm just checking kung nakauwi ba kayo ng ayos." lihim naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Kinikilig na naman ako, jusko.
"Okay naman kami, no need to worry." I declared at tumango naman siya.
"Ahm sige, good night." he smiled at me bago dumiretso sa unit niya. Pumasok naman ako sa kwarto ko at nagtatatalon sa kama ko.
Jusko, nginitian niya ako. Kinikilig na naman ako, lahat ng cells ko sa katawan nagising. Tapos kaninan nahalikan ko pa siya.
Nahiga ako sa kama ko at niyakap ang unan. Ang laki laki parin ng ngiti ko dahil sa nangyari ngayong gabi. Jusko, I'm so lucky.
Hindi ko na alam kung anong oras na ba ako nakatulog dahil doon. Hanggang sa paggising ko, nakangiti pa rin ako.