Kabanata 10 : Manliligaw

3269 Words
Nagising ako na may ngiti sa labi. Nang biglaan akong tumihaya ay napahawak ako agad sa ulo ko dahil medyo nahilo ako. Kaya tumigil ako ng sandali at tumayo na. Dumiretso ako sa bathroom dala ang towel ko. Habang nasa loob ako at nakaharap sa salamin ay naalala ko kung paano niya ako halikan. Jusko, hindi naman ako nananaginip kagabi diba. I bite my lower lip and caresses it. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng CR. Alas sais pa lang nang umaga, tinignan ko si Tracy sa kwarto niya at tulog na tulog pa ang bruha. Dumiretso na lang muna ako sa kusina para magluto ng agahan namin. Nang natapos ako ay alas syete na ng umaga at hindi parin gising si Tracy, kaya pinuntahan ko na siya sa kwarto niya para naman sabay na kaming kumain na dalawa. "Oii gising na aba. Kakain na tayo." inalog alog ko siya pero umuungot at tinatanggal niya lang yung kamay ko. "Mm mamaya na." her voice sounds so sleepy kaya hinayaan ko na rin at pumunta na ng kusina para kumain. Bacon, hotdog, kanin, tinapay, at hot chocolate ang umagahan ko. Hindi kasi ako mahilig sa kape. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng tumunog yung cellphone ko at tumatawag sila mama. "Hello ma, gud morneng." I exclaimed, natawa naman ako dahil sa ginawa. "Anak ko, good morning din. Ano nakakain ka na ba?" Tumango naman ako na parang nakikita niya ako dito. "Kumakain na po, kayo ma?" balik kong tanong sa kanya at sinabi naman niya na tapos na silang kumain ni papa. Si papa raw ay nasa trabaho na. May talyer kami nila papa, yun yung pinagkakakitaan namin. Ayun nagdrama na naman nanay ko, pero totoo namang nakakalungkot mag-isa. Bumibisita na lang daw siya sa bahay nila Tracy, kayna Tita Velvet. "Anak, lungkot na lungkot na ako rito sa bahay. Bumisita ka naman dito." she sobbed, diba pwede nang maging actress si mama. "Opo, sa ngayong darating na weekend ma,. Uuwi ako riyan." tuwang tuwa naman si mama. Nagkwentuhan pa kami ni mama hanggang sa matapos akong kumain. Si Tracy ay tulog parin hanggang ngayon, ang dami sigurong nainom non. Kausap ko pa rin si mama sa cellphone ng mapunta sa pagboboypren ang usapan namin. "Ikaw ba e may boyfriend na?" napanguso naman ako sa tanong ni mama sakin. "Wala pa po." sabi ko. Totoo naman yan, wala akong boyfriend pero may gusto ako. "Pa? So meron kang nililigawan diyan." nanunudyo ang boses ni mama. Jusko si mama, oo nga naman. Nagka-boyfriend na ako dati kaso ayun nga nauwi sa hiwalayan, bata pa kasi kami noon that time. Pero wala naman kaming samaan ng loob. "Opo, pero ma." binitin ko yung sasabihin ko kaya si mama todo tanong sakin kung ano raw yun. Natawa naman si mama sa kabilang linya, ang tanong ay bakit daw ako ang nanliligaw. "Ma, ako ang may gusto sa lalaki. Hindi siya pero Ma. Kegwapo naman uy." I pondered. Sabi naman niya na ipakilala ko raw, paano ko ipapakilala kung hindi naman kami, jusko. Sinabihan pa ako ni mama ng kung ano-ano para raw mapansin ako at magustuhan rin. Oh diba supportive nanay ko, gustong gusto na kasi niyang magka-apo. Nag-iisang anak lang din kasi ako. Nag-usap pa kami ni mama at pinaalalahan niya pa ako, pagkatapos nun ay ibinaba na niya yung tawag at naghugas na ako ng pinggan. Hanggang sa matapos ako sa paghuhugas ay hindi parin nagigising si Tracy. Tsk, sleepy head talaga yung babaeng yun kahit kailan. Pumunta na muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pupunta ako sa grocery store para makabili ng ilang mga pagkain, ubus na kasi. Nag-iwan muna ako ng note kay Tracy kung sakaling magising siya habang namimili pa ako. Lumabas na ako ng unit at tinahak ang elavator. Nang nakarating na ako sa grocery store ay kumuha na ako ng cart at pumunta muna sa mga meat section, isa lamang ang kinuha ko dahil marami-rami na rin naman ito. Sunod kong pinuntahan ay ang noddles section. Tig-tatlo lamang ang kinuha ko sa bawat flavor. Pumunta naman ako sa mga sabong panglaba at sumunod doon sa gamit sa katawan. Sunod kong pinuntahan ay yung sa mga napkin, naalala ko kasi na malapit na akong magkaroon. Siguro mga tatlo or apat na araw na lang ay meron na ako. Nang makakuha ako ng dalawang pack ay pumunta naman ako sa beverage and food section. Habang nagtititingin-tingin ako ng snacks ay may nabangga akong ibang cart. "Nako, pasensya na po." hingi ko ng pasensiya at tumungo pa. "It's okay." he spoke in a low baritoned voice. Napatingin naman ako agad sa kanya. Ngumiti ako ng malaki ng makita si Cal. Nako, ang swerte ko ngang talaga. "Ikaw pala yan babes." I exclaimed. Napakunot naman noo niya at napabuntong hininga siya. Ang gwapo niya parin talaga kahit na nakakunot noo nito. Grabe shanaol, gwapo parin. "Hays, I think wala na akong magagawa diyan sa pagtawag mo sakin ng Babe na yan." iiling-iling na sabi niya. Natawa naman ako ng mahina at tumabi sa kanya. Itinulak niya yung cart niya papuntang sa mga may drinks. Sinundan ko naman siya pagkatapos kong kumuha ng ilang snacks. Nang makarating ako roon ay nagtitingin tingin siya ng mga pwedeng mainom. Ako naman ay kumuha lamang ng Chuckie na malaki, tsaka na rin ng Yakult at isang buong delight. Tinitigan ko siya habang pumipili siya. Naka-side view siya at ang tangos tangos talaga ng ilong nitong lalaking ito. Matangos rin naman akin eh, kaya okay na yan. Napapaisip ako kung ano bang meron dito sa lalaking ito at bakit ko siya nagustuhan, eh nung una naming pagkikita ay ang cold cold niya. Napansin naman ata niya na nakatitig ako sa kanya kaya humarap siya sakin ng may nagtatakang tingin bago humawak sa mukha. "Is there any dirt in my face?" he asked at umiling lamang ako sa kanya at tumayo ng maayos bago tinuro siya. Nagtataka naman ang mukha niya sa ginawa ko. "Anong gayuma ba ang pinainom mo sakin bakit gustong gusto kita, at mukhang nahuhulog pa ako sayo." I admitted. He cough at napataas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. He shook his head again. "Nababaliw ka na." he said at nakataas parin ang sulok ng labi niya. "Oo, nababaliw na nga ako. Nababaliw sayo." napapatingin siya sakin ng hindi makapaniwala at natawa ng mahina. Napanguso naman ako, ano ba naman yan hindi man lang kiligin sa banat ko ang isang ito. Pumunta naman siya sa meat section at sumunod ako sa kanya kahit na nakapunta na ako roon kanina lang. "Oo nga pala, napakaiksi ng first name mo noh." tumango naman siya sa sinabi ko. "Yup, hindi ko alam kay mama kung bakit ganyan ang ipinangalan sakin." he uttered habang nagtitingin ng meat. "Alam mo bang may meaning yang name mo?" tumingin naman siya sakin ng ilang segundo bago umiling. Napangiti naman ako sa kanya. "Do you want to know?" tanong ko ulit at nag-isip ng ilang segundo bago magkibit balikat. "Ikaw." yun lang ang sinabi niya at humarap ulit sa freezer para mamili ng meat. "Ang meaning ng Cal ay devotion or loyal." natigilan naman siya at tumingin sakin nung sinabi ko iyon. Napatango tango naman siya sa sinabi ko. "Ngayon ko lang yan nalaman. Akala ko kasi kung ano ano na lang pinangalan sakin ng nanay ko." napangiti naman ako sa sinabi niya. "So ibig sabihin loyal ka palang tao noh. Yie kung magiging tayo ang swerte ko naman, ang loyal mo eh." I laughed. "I'm sorry to disappoint you but you're too young for me. You said you're only 20 years old, right? I want a girl who is same as my age or maybe older a year..." nanguso naman ako sa sinabi ng lalaking ito. Basted na naman ako. "Bakit ayaw mo sa mas bata sayo, mas sweet kaming medyo bata sa inyo. Ayaw mo non?" I objected. Napangisi naman siya sa sinabi ko. "I want a mature relationship." he implied. Mas lalong humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Kaya ko kayang maging mature, duh. Yun lang ba, kayang kaya ko yown ako pa. "I can be matured for you." sabi ko at naglakad na siya papuntang counter at sumunod na ako sa kanya. Pinauna na niya ako sa pila bago siya pumila sa likuran ko. Tinignan ko naman siya. "Kung gusto mong maging mature dapat hindi lang yung ako ang dahilan mo, understand kid?" tiningnan ko naman siya ng matalim dahil sa sinabi niya. "I'm not kid anymore." he chuckled. "If you say so." humarap na lang ako sa unahan dahil ako na ang susunod. Nang natapos akong magbayad ay hinintay ko si Cal para sumabay na sa kanya papuntang building. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang 8:43 am pa lang. Gising na kaya yung babaeng yun? Paniguradong hindi pa o di kaya naman ay magigising pa lang. Alas nuwebe na yan nagigising, minsan kung seswertehin ay alas sais at kung minsan naman ay alas onse na kung gumising yan. Sleepy head talaga yung babaeng yun. Nang matapos si Cal sa pagbabayad at aabutin na niya yung sukli ay hindi nakatakas sa paningin ko ang kaunting paghaplos ng sales lady sa kamay ni Cal. Si Cal naman ay parang wala lamang, mukhang hindi napansin. Pokus masyado sa binili niya. Hah buti nga sayo ate gurl. Nang naglakad na palapit dito si Cal ay tumayo na ako at lumabas na kami ng grocery store. "Cal." tawag ko sa kanya at nag-hum lamang siya. Kahapon ko pa kasi naiisip kung nagkaroon na ba siya ng girlfriend, na-curious ako. Kaso baka naman magalit siya sakin. Well walang masama kung mag-try akong tanungin. "Nagkaroon ka na ng girlfriend or may girlfriend ka ba ngayon?" kitang kita ko na medyo natigilan siya at kung paanong naging cold ang awra niya. Jusko po sabi ko na eh. "Wala akong girlfriend." yun lang ang sinabi niya kaya tumango na lang ako sa sinabi niya, baka kasi kung magtatanong pa ako ay mas lalong maging cold ang awra niya. Nang nasa elavator na kami ay wala siyang imik, kahit naman noon ay hindi talaga siya umiimik. Tumikhim ako at tiningnan siya. Naglakas loob na kong magsalita. "I'm sorry." I apologized, napatingin naman siya sakin ng nagtataka. "Why are you apologizing?" he asked at nakakunot ang noo. "Doon sa tanong ko sayo. Hindi ko naisip na baka pag tinanong ko yun ay baka may maalala ka na masakit na karaan. Sorry for being insensitive." nakatungong sabi ko, ayaw kong magtaas ng tingin baka kasi cold parin siya. "Hmm it's okay, don't worry." he consented. Napahinga naman ako kahit papano ng maluwag. Tsaka lang ako tumingin sa kanya sa mukha. "Talaga?" paninigurado ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. At doon na akong tuluyang nakahinga ng maluwag. Nang bumukas na ang elavator ay pinauna niya na akong lumabas. Ang gentleman nga naman talaga ng lalaking ito. Papasok na dapat siya sa kwarto niya ng tawagin ko siya. "Cal, pwedeng magtanong?" tanong ko bago siya pumasok sa kwarto niya. "Hmm what is it?" he asked at humarap siya sakin. "Diba mag second name ka?" tumango naman siya at nagtataka, "Pwedeng tawagin kita sa second name mo?" napakunot naman noo niya sa tanong ko. "Why are you asking? Pwede mo namang gawin na lang." he commented. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Pwede?" paninigurado ko, mahirap na baka mamaya charot charot lang. Ganyan na ngayon eh. Laging may charot sa huli. Tumango naman siya sa sinabi ko. Ngumiti ako ng pagkalaki laki. "By the way, good morning Denzey." nakangiti kong sabi sa kanya. Napataas naman ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. "Good morning Gilliana." he said at bago siya pumasok sa unit niya ay yumukod siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Totoo ba ito, hinalikan niya ako sa pisngi. Ghad kinikilig ako, may pag-asa ako. HA HA HA. Our ship is sailing. Mabuhay ka Gilliana Marie, napakaswerte mong nilalang. Mahal na mahal ka talaga ni God. Thanks. Nakangiti naman akong pumasok sa unit namin ni Tracy. First time niya akong tawagin sa name ko at hindi nickname. Lia kasi ang tinatawag niya sakin. Ang sarap sa ears nung sinabi niyang yun. Tapos hinalikan pa niya ako sa pisngi. Wala ng iba pang gaganda sa umaga kong ito. Kanina pasabi sabi pa siya ng ayaw niya sa mas bata sa kanya dahil gusto niya yung mga mature sa relasyon. Tingnan mo nga naman, hinalikan pa ako sa pisngi. Jusko nagkakagusto na ata siya sakin eh. Sige assume ka lang Lia. Pero, well, scam siya. "Oiii." napaigtad naman ako dahil sa boses ni Tracy. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil doon at muntikan ko nang mahulog yung hawak ko. Gising na pala itong babaeng ito. "Good morning." nakangiti kong sabi at siya naman ay tumingin sakin ng nakakunot ang noo. "Napakalaki ng ngiti mo ahh. May nangyari bang himala sayo?" ngumiti lamang ako sa tanong niya at dumiretso ng kusina. Sumunod naman siya sakin. "Nakakain ka na?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga pinamili ko. Tumingin naman ako sa kanya at tumango naman siya. "Ngayon, bakit napakalaki ng ngiti mo aber?" tanong niya sakin. Mas lalo akong napangiti at namula pa ako. Nanlaki naman mata niya at tinignan ako at nakaturo pa yung kamay niya sakin. "Huwag mong sabihin na my ship is sailing?" tanong niya sakin. Shiniship niya kasi ako kay Denzey eh. Hahaha grabe ang ganda ng pangalan, Denzey. Ngumiti lamang ako sa kanya ng pagkalaki laki bago tumango. Mas lalong nanlaki mata niya at tumili. Natawa naman ako sa ginawa niya. Ang O.A ng babaeng ito. "My ghad, magkaka-lovelife ka na ulit. Nakows." tinutukso niya ako nang sabihin ko sa kanya yung kiss sakin ni Denzey sa pisngi. Hindi ko na sinabi yung kiss namin sa club dahil paniguradong tutuksuhin lang niya ako ng tutuksuhin. Hanggang sa matapos ako sa pag-aayos ng pinamili ko ay hindi pa rin siya tumitigil. "Jusko, tumigil ka na nga. Napakaingay mo." suway ko sa kanya at natawa lamang siya sakin. "Nahiya naman ako sa isa pang maingay." at tiningnan niya ako ng nanliliit ang mga mata. Ngumuso lamang ako at binuksan ko na lang ang tv. "Ikaw ba? Wala ka bang nagugustuhan na lalaki?" I asked her at napataas naman ang kilay niya sa tanong ko. "Wala noh. Busy ako sa pag-aaral ko. Wala akong time sa ganyan." umirap lamang ako sa kanya at nagkwentuhan kami ng tumunog ang doorbell. Ako na ang nagbukas nun ng nabungaran ko si Belle. "Oh Belle ikaw pala. Pasok ka." umupo naman siya doon sa sala namin at nagulat si Tracy ng makita si Belle. Sinarado ko na ang pintuan ng makasulyap ako sa pintuan ni Denzey. "Hindi mo sinabing dadating ka." pakinig kong sabi ni Tracy kay Belle. "Para surprise. Oh eto pizza." nanlaki naman mata namin ni Tracy bago kinuha yon at kumain. "Hoi alam mo bang nanliligaw itong si Lia." tumingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Tumaas ang kilay ni Belle dahil doon at tumingin siya sakin ng may nanunuksong tingin. Nako paniguradong pagtutulungan ako ng dalawang ito sa pang-aasar sakin. "Si Cal yan." hindi tanong ang pagkakasabi niya dahil sure na sure sa sinabi niya. Sumang-ayon naman sa kanya itong si Tracy. At ayon nga nang-aasar na sila sakin. "Eh paano si Eathan?" biglaang tanong ni Belle. Natigilan naman si Tracy at ako. "Anong paano si Eathan?" balik na tanong ni Tracy. Ang manhid nitong babaeng ito. Hindi ba niya napapansin yung mga kilos ni Eathan this past few days. "Si Eathan na may gusto dine sa babaeng ire. Hindi mo halata ineng." may pagkakasarkastikong sabi ni Belle kay Tracy. "Eh di nga?" nanlalaki ang mata niya na nakatingin samin, "Nagconfess sayo?" mapa face palm naman ako kahit si Belle. Napailing iling naman si Belle sa kanya. "Ang manhid nga naman ng babaeng ire. Pustahan tayo pag may nagkagusto rito at nagpapapansin yung lalaki ay hindi niya mararamdaman na gusto siya nito." napatango tango naman ako sa sinabi niya. "Agree." sabi ko kaya napanguso naman si Tracy dahil doon. "Eh ano nga?" tanong niya ulit samin. "Si Eathan naman ay halatang may gusto dito kay Lia at kahit naman hindi siya magconfess, halata ineng. Kahit sila Thrie halata yun ikaw lang talaga hindi dahil nga may pagkamanhid ka." tumingin naman si Tracy kay Belle ng matalim. Nako away na ito. Yes naman. Oh ang taya ko sa pula. Tutal naka pula naman si Tracy at si Belle ay naka blue. Pula ako, oh sinong asul riyan. Pustahan na tayo. Natawa naman ako sa naisip ko bago binalingan ng tingin yung dalawa. "Oh magsikain na nga lang kayo riyan." at nilagyan sila sa bunganga ng tig-isang pizza. Nagtagal dito si Belle ng halos tatlong oras kaya dito narin siya nag-lunch. Ako na ang nagluto ng pagkain namin at umupo na kami sa lamesa para kumain ng tanghalian. Kung ano-ano lamang ang pinagkukwentuhan namin. "Ikaw Belle may Lovelife ka na ba ha?" tanong ko sa kanya. Para naman siyang nandiri sa sinabi ko at uminom naman siya bago nagsalita. Natawa naman si Tracy sa mukha ni Belle. "Wala at kahit kailan hindi magkakaroon." sabi niya. Ang bitter naman ng isang ito. Hindi pa naman siya nagkaka-boyfriend pero kung magsalita ng ganito ay parang naloko na siya noon. Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. "Wusho wusho. Baka naman hindi mo lang sinasabi samin." nang-aasar na sabi ni Tracy, si Belle naman ay parang nasusuka dahil doon. "Hindi ko ma-imagine na magkakaroon ako ng boyfriend tapos magiging sweet ako sa kanya tapos lolokohin lang niya ako. Naku baka masapak ko lang yun." naiiling na sabi Belle. "Pustahan pa tayo dito guys, itong si Belle pa ang unang iiyak iyak dito dahil sa lalaki." sabi ko at tatango tango naman si Tracy sa sinabi ko. "Oo tapos siya pa ang unang magkakaroon ng asawa't anak." panggagatong ni Tracy. "Baka ikaw ang unang umiyak Lia dahil kay Cal." natawa naman si Tracy sa sinabi ni Belle at sumang-ayon. Hindi ko maintindihan kung sino bang kinakampihan nitong si Tracy eh. Napanguso naman ako sa kanila. Tawang tawa naman sila. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang ng kaunti si Belle bago nagpaalam na may pupuntahan pa siya dahil bibili pa siya ng dog food. Hinatid ko naman siya hanggang elavator at si Tracy naman ay maliligo raw. May tatapusin pang plates. Nang maihatid ko naman na si Belle ay babalik na ako sa unit namin. Napatingin naman ako sa pintuan ng unit ni Denzey at naalalang alas dose na. Nakapag-lunch na kaya ito? Well baka. Pumunta ako sa tapat ng pintuan niya dahil may sasabihin ako sa kanya. Nag doorbell ako at ilang segundo lamang ay binuksan na ito ni Denzey. Napataas naman ang kilay niya nang makita ako. Mukhang kakatapos niya lang maghugas ng pinggan dahil medyo basa pa kamay. "Yes?" tanong niya at huminga naman ako ng malalim bago nagsimula. "Denzey, sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita. Sinasabi ko ito para naman kahit papaano ay aware ka. Oo babae ako pero ako na manliligaw sayo dahil gusto nga kasi kita. Kung hindi ako kikilos pano magiging tayo diba? Kaya from now on, manliligaw mo na ako whether you like it or not and you can't do anything about it. Yun lamang at mauna na ako." napatanga naman siya roon at pumasok na ako sa unit namin. Ngayon, gagawin ko ang makakaya ko para naman magustuhan niya rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD