Kinabukasan ay maaga akong nagising, alas singko pa lamang kaya nagdiretso na ako sa CR para maligo. Nang matapos akong maligo ay nagluto na ako ng pagkain.
Katulad ng ginagawa ko tuwing weekdays, magluluto ako ng pagkain at titirhan si Tracy bago pupunta sa unit ni Denzey at sabay kaming kakain.
Nang matapos akong magluto ay dumiretso na ako sa unit ni Denzey dala dala ang bag ko.
Naalala ko na ngayong weekend ay uuwi ako sa Laguna dahil nangako na ako kay mama. Magpapaalam na lang ako sa mga kaibigan ko kung sakaling may gala kami ay hindi ako makakasama.
Siyempre, magpapaalam rin ako kay Denzey. Siyempre isa rin ito sa way ko para magpamiss sa kanya, well kung mamimiss niya ako.
Nag-doorbell na ako sa unit ni Denzey at naghintay ng ilang minuto bago niya ito buksan. Naka black slacks na siya at white polo kaso hindi pa nakabutones kaya nakikita ko ang kanyang dibdib.
Oh jusko, eto na naman tayo. Please stay away from me tukso.
Bakit naman kasi hindi muna niya binutones itong polo niya eh.
"Jusko Denzey, ako ba'y inaakit mo ha?" tanong ko sa kanya kaya napakunot naman noo niya sa sinabi ko.
"Ibotones mo yan, nako Denzey
ako'y isang tao lamang at marunong matukso,
kaya kung ayaw mong may mangyaring milagro,
ibotones mo ang iyong polo." patula kong sinabi at nag-bow sa kanya.
He chuckled then pinapasok na niya ako sa unit niya.
"Pork steak ang niluto ko, masarap ito." sabi ko at hinanda na ang pagkain. Binutones na naman niya yung polo niya bago ako tulungan sa pag-aayos ng lamesa.
"Nagbubuhat ng sariling bangko, ha?" he smirked before he shook his head.
Nang matapos naming ayusin ang hapag kainan ay nagsimula na kaming kumain. Binantayan ko naman reaksyon niya sa luto ko.
"Ano? Masarap diba." full of confident kong pagkakasabi, hindi ito patanong. Uminom naman siya muna ng tubig bago sumagot.
"Yeah, ibinabad mo ito sa toyo?" tumango naman ako sa tanong niya.
"Oo para mas lalong sumarap." pagkasabi ko noon ay sumubo na ako ng kanin.
Kumain na rin siya at siyempre ako pa, nagdadadaldal ako dito.
"Tapos next month ay may laban na ng university sa basketball. Siguro sa basketball lang ako manonood dahil nandoon yung kaibigan namin eh, yung ibang sports baka sa tv na lang ako manood or baka hindi na, mas gugustuhin ko pang ligawan ka na lang." medyo nasamid siya dahil doon kaya binigay ko yung tubig na medyo natatawa.
"By the way, pwede ba akong bumisita sa opisina mo?" muntikan na niya mabuga yung kinakain niya.
Pinunasan muna niya yung bibig niya bago magsalita. Nakita ko rin na medyo namula yung tenga niya. Ang cute.
"Why?" nagkibit balikat lamang ako.
"Wala lang." sabi ko at tumingin sa kanya.
"Medyo malayo yon dito, you're just gonna tired yourself." he acknowledge. Napanguso naman ako bago tumango, well totoo naman medyo malayo layo yon dito.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at kinuwentohan ko lang siya ng kung ano-ano, mukha naman siyang naaaliw sa mga kwento ko. Nakwento ko rin sa kanya yung time na nasa elementarya ako at ako yung secretary.
Nagsusulat kasi ako that time sa blackboard tapos yung mga kaklase ko ay nasa likuran ko lang. Nasa sahig sila noon eh, tapos habang nagsusulat ako hindi ko namalayan na yung paa ng kaklase ko nakastretch. Kaya nung naglakad ako paside dahil nga magsusulat ako roon ay ang lakas ng pagkakaupo ko sa sahig.
Ang sakit ng pwetan ko that time eh.
Habang kinukwento ko yon kay Denzey ay natawa siya. Bwisit nagkamali ako, dapat pala hindi ko na kinwento. Napanguso na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain ganoon rin siya.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan at siya naman ay nag-ayos na ng sarili.
Syet kinikilig ako, para kaming mag-asawa. Okay ang assuming ko na.
Lumabas na kami sa unit niya at sumakay na ng elavator. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.
"Sabay ka na sakin sa sasakyan." tumango naman ako at ang laki ng ngiti sa mukha ko.
"Oo naman. Yun nga ang sasabihin ko eh. Naunahan mo lang talaga ako." pagkasabi ko non ay tumingin siya sakin with disbelief in his face. Natawa naman ako dahil doon.
"Bukod sa pagiging madaldal at assuming, you're also FC. Feeling close." he stated kaya natawa ako. Alam niya pala yon, jusko.
Nang makarating kami sa basement ay dumiretso na kami sa kotse niya at sumakay na ako sa passenger seat. Nag seat belt na ako at siya naman ay ganoon rin.
Nagdrive na siya palabas ng basement.
"By the way, yung ahm tungkol kagabi. Did you really mean it?" napatingin naman ako sa kanya, I smiled genuinely before I answer.
"Yup, manliligaw mo na ako." he tsked while he shook his head. Pero may maliit na ngiti naman sa kanyang labi. Kinikilig rin naman ang isang ito, kunwari pa.
Nang nasa university na kami ay inalis ko na ang seatbelt ko. At bago ako bumaba ay hinalikan ko siya sa pisngi.
Naestatwa naman siya ng dahil doon kaya binuksan ko na yung pintuan nang kotse at bumaba na.
"Para yan sa pag-drive mo sakin dito at bawi ko yan sayo kahapon nung hinalikan mo ako sa pisngi." I said before I closed the door of his car. Tumakbo na ako sa university dahil doon.
Napabungisngis naman ako gawa ng itsura niya. Umiling iling na ako bago pumunta ng room ko.
Pagkapasok ko roon ay naupo na lamang ako sa likuran at kinuha ang cellphone gayong wala pa naman yung professor.
August 1 na pala. Next month na yung basketball, paniguradong hindi namin makakasabay sa lunch at pag-uwi yung dalawa, si Thrie at Ice. Basketball player kasi. Ang alam ko rin ay captain si Thrie kaya ganoon.
And speaking of August, ngayong 8 na pala ang birthday ni Tracy. Monday yun tapos ngayong Linggo rin ay uuwi ako kay na mama. Paniguradong sa monday ng gabi yan magpa-party. Tapos baka maglasing pa.
Hindi yan makakapasok kinabukasan kung magkaka-hang-over yan. Kung hindi sila sa monday mag-celebrate, sa Sabado naman sila magpaparty, hindi ako makakasama. Nakapangako na kasi ako kay mama eh.
Well kakausapin ko na lang yun mamaya.
Habang nagsecellphone ako ay may umupo sa tabi ko. Napaangat naman ang tingin ko dahil doon at nakitang si Penny yun kasama si Quenny.
Napataas naman parehas ang dalawa kong kilay dahil doon. Hindi kasi kami masyadong close nitong babaeng ito pero nag-uusap naman kami eh.
May pagkatsismosa rin kasi ito.
"Yup?" I said casually.
Ngumiti naman sila at tumingin ng parang nahuli nila ako sa akto.
"Ikaw ha! May boyfriend ka na pala. Nakita ka namin na lumabas doon sa kotse at nahagip namin na may lalaki roon. Hindi lang namin nakita ng ayos at dahil na rin tinted yung window." ngumiti naman si Penny ng nakakaloko sakin.
See, may pagkatsismosa nga.
Si Quenny rin ay ngumiti ng nakakaloko.
Napatawa naman ako ng mahina dahil doon. Kinilig rin dahil sa pagkakasabi niya na boyfriend ko raw si Denzey.
"Hindi ko siya boyfriend." hindi naman sila naniwala roon.
Ayaw ko namang sabihin na manliligaw niya ako, baka asarin lang nila ako. Tama na yung sila Belle at Tracy lang noh.
Inasar pa nila ako ng inasar at natigil lang nang dumating yung prof namin.
Nang mag alas dose na ay saktong pinalabas na kami ng Prof. Marasigan. Nag-aayos ako ng gamit ko at ako na lang ang natitira at yung prof namin.
Ng lumabas ako ay sakto rin ang labas ni Prof. Marasigan, siya ang history teacher namin na matandang dalaga.
"Ma'am, tulungan ko na kayo." pagmamagandang loob ko at ngumiti siya sakin bago binigay yung ilang libro na hawak niya.
Mabait naman siya kaso minsan talaga hindi eh.
Nang makarating kami sa faculty ay nilagay ko na yung gamit niya sa table niya.
"Salamat Ms. Delos Reyes." she smiled kaya napangiti na rin ako at tumango sa kanya.
Nang makalabas na ako ay dumiretso na ako sa cafeteria at nakita yung tatlo. Wala sila Thrie at Ice dahil nga nalalapit na yung basketball, nagprapractice sila ata ngayon. Mamaya pa sila makakain siguro.
Nag-order muna ako at umupo sa tabi ni Tracy.
"Oii Tracy birthday mo na ngayong Monday ahh." sabi ko sabay higop ng tubig at tumango naman siya.
"Oo, sa Sabado punta tayo ulit ng club, HAHAHA." natawa naman yung tatlo samantalang ako ay napanguso.
Sabi na, sa Sabado sila magpaparty at hindi ako makakasama. Hmp.
"Oh nakabusangot ka dyan?" tanong ni Belle at medyo natatawa.
"Ang cute mo pag nakaganyan ka." medyo natigilan at nahiya naman ako sa sinabi ni Eathan. Napatikhim si Tracy at si Belle naman ay napatawa.
"Sanaol cute." pang-aasar niya sakin.
"Matagal na akong cute noh. Kahit hindi ako nakaganito cute pa rin ako." natawa naman si Belle maging si Eathan at si Tracy ay kunwaring nasusuka.
Pinalo ko naman siya kaya tumawa siya.
"Ayun nga, hindi ako makakasama sa birthday mo." natigilan silang tatlo at si Tracy naman ay napanguso.
"Pero wag kang mag-alala. Reregaluhan pa rin kita." at parang bula na nawala ang pagkabusangot ni Tracy dahil doon.
"Yan ganyan nga, tama yan." inirapan ko naman siya dahil doon.
"Why?" Belle asked kaya napatingin ako sa kanya.
"Uuwi ako sa Laguna. Bibisitahin ko si mama at papa. Baka kasama ko rin yung pinsan kong si Skylar." nagkibit balikat lang ako at napatango naman sila, nagpatuloy na kami sa pagkain at nagkwentuhan lamang.
Nang matapos ang lunch ay pumunta na ako sa susunod kong klase at si Belle ay naiwan dahil may isang oras pa siyang bakante.
Alas sais na ng gabi at ako ay nandito sa may waiting shed malapit sa university, umuulan kasi at wala akong dalang payong. Si Tracy naman ay nauna nang umuwi dahil may project pa ata na tatapusin.
Naghahantay ako ng pwedeng masakyan kaso walang dumadaan kaya umupo na lang muna ako at kinuha yung cellphone ko para matawagan yung pinsan ko.
Ilang ring lang ay sinagot na rin niya yung tawag.
"Hey." boses ng lalaki ang bumungad sakin. Napakunot naman ang noo ko at tinignan kung tama ba yung nadial ko. Tama naman ako ng nadial.
"Hello, sino to?" tanong ko. Tumikhim naman yung lalaki sa kabilang linya.
"This is Skylar's boyfriend, and you are?" tanong ulit nang nasa kabilang linya. Napasapo naman ako ng noo ko dahil doon. Oo nga pala may boyfriend na nga pala yung pinsan kong yon.
"Ako to yung pinsan niya, tanong ko lang nasaan siya?" pakinig ko naman na parang nasa hospital.
"Ito nasa hospital, tapos na rin siya at nagpapalit na lang ng damit niya. Hintayin mo na lang." sibi ni Calvin ba ito?
Maya maya lang ay narinig ko yung boses ni Belle at sinasabi ni Calvin na ako yung tumawag.
"Hello insan." bati niya sakin kaya binati ko rin siya pabalik.
"Oo nga pala, uuwi ka ba ngayong friday satin?" tanong ko sa kanya. Hindi parin tumitigil ang ulan pero medyo mahina na siya kumpara kanina.
Maghihintay pa siguro ako ng ilang minuto bago ako umalis dito.
"Oo, uuwi ako. Miss na miss ko na sila papa noh. Oh kamusta ka diyan?" sinabi ko naman sa okay lang at ganoon rin siya.
Tumagal ng ilang minuto pa ang usapan namin bago ko ibaba ang tawag. Medyo mahina hina na ang ulan kaya nagpasya na akong umuwi dahil 6:30 na.
From Tracy-nger
Hoi, nasan ka na ba ha? Malapit ng mag alas syete, wala ka pa. Wala kang payong ano? Yan kasi.
Nakita ko namang nagtext sakin si Tracy kaya nireplyan ko muna ito ng pauwi na ako bago binalik ulit ang tingin sa harapan. Nilagay ko na sa bulsa ng pantalon ko yung cellphone ko at sa ulo ko naman ay yung bag ko.
Hahakbang na sana ako paalis ng shed ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Binuksan naman nung driver yung pintuan sa passenger seat at nakita kong si Eathan ito.
"Hey, gabi na at umuulan pa. Hatid na kita, malapit lang naman yung condo niyo diba?" napatango naman ako pero kasi nakakahiya eh..
"Wag na, nakakahiya naman." pagtanggi ko pero pinilit niya ako kaya wala na akong nagawa. Sumakay ako sa passenger seat at nagseat belt.
Pinaandar na niya yung sasakyan niya at tahimik lamang kami rito. Medyo naiilang ako kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Binuksan naman niya yung radio kaya kahit papano ay hindi masyadong awkward.
Nakikita ko na yung building ng condo kaya inayos ko na yung upo ko at saktong tumigil na yung sasakyan. Humarap naman ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat Eathan." at aalisin ko na dapat yung seatbelt ng inunahan niya ako. Ang lapit ng mukha niya sakin kaya umiwas na lang ako. Nang matanggal na yung seatbelt ay binuksan ko na yung pintuan at nagpaalam na.
Pababa na sana ako ng hawakan niya yung braso ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Good night." he said bago pakawalan ang braso ko. Ngumiti ako sa kanya bago magsalita.
"Good night." at bumaba na tsaka sinarado ang pintuan. Hinintay ko naman siya na makaalis bago pumasok na sa loob.
Nang nasa elavator na ako at papasara na ito ay may pumigil ditong isang kamay. Pamilyar sakin yung kamay niyang yon kaya alam ko na kung sino ito.
Nang makapasok si Denzey sa loob ay madilim ang kanyang mukha kaya nagtaka naman ako ng dahil doon. Napatingin ako sa kanya at siya naman ay diretso lamang. Hindi ba niya ako napansin? Pero halatang halata naman ako dito eh, mag-isa lang kaya ako.
"Uy Denzey."kinulbit ko siya pero hindi siya tumingin sakin.
"Oii ang dilim ng mukha mo. May nangyari ba sa hotel niyo kaya ganyan?" pero hindi siya tumingin o sumagot man lang.
"Oii sobrang badtrip ka ba ngayon kaya kahit tingnan ako ay hindi mo magawa?" tanong ko ulit pero wala siyang sagot.
Aba, anong problema nito?
"Oii okay ka lang ba?" pero katulad kanina, no response.
Jusko, kung galit ito bakit pati ako idadamay niya. Bumukas na ang elavator pero wala parin, ang dilim pa rin ng aura niya kaya sinundan ko siya.
"Oii Denzey, wait." hinabol ko siya at nung nabuksan na niya yung pinto ng unit niya ay nakisabay akong pumasok doon. At doon lang siya tumingin sakin. Kailangan ko pa palang pumasok dito sa unit niya para lang tumingin siya sakin.
"Anong problema?" pinalambing ko ang boses ko at bumuntong hininga siya pero madilim parin ang mukha niya.
"Nothing, you can go now. It's already seven in the evening." pahayag niya pero pumasok pa rin ako mas lalo sa loob ng unit niya.
Nilagay ko naman ang mga gamit ko sa sofa niya at pumasok ng kusina. Nagtingin tingin ako ng mga stocks ng pagkain niya roon at nakitang may manok doon sa ref kaya kinuha ko yon at magluluto ako ng adobo.
Sumunod naman siya sakin dito sa loob ng kusina. Pumunta naman akong sink para hugasan itong manok.
"What are you doing? I'm okay, no need to do that." at lumapit siya sakin para kunin sana sakin ang manok pero hindi ko ito hinayaan.
"Really? You're okay?" tanong ko sa kanya at para naman siyang nahihirapang tumango. Naningkit naman ang mata ko doon at tumango na lang.
"Tutal okay ka naman, ako na magluluto rito. Manliligaw mo ko, remember?" paalala ko sa kanya kaya umigting ang kanyang panga.
"Manliligaw ha?" sabi niya at tinanggal niya yung coat niya as he loosen his necktie. Nilagay niya yung coat sa upuan. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tono ng kanyang pananalita.
Bakit, sinabi ko na sa kanya na manliligaw niya ako ah. Tsk, ano bang problema nito?
"Bakit ba? Mukhang napakalaki ng problema mo? Pati manliligaw? Totoo naman ah, manliligaw mo ko" umigting lang lalo ang panga niya tsaka umiwas ng tingin sakin.
Mas lalo ko siyang tinignan ng mabuti, bakit kaya ito nagkakaganito?
Huwag mong sabihin na nakita niya ako na kasama ko si Eathan kanina nung nasa kotse kami. Hah, is he jealous?
Kinilig naman ako sa sarili kong isipin.
"You jealous?" habang pinipigilan kong ngumiti ng malaki. Nakatingin pa rin ako sa kanya kaya nakita kong napalunok naman siya sa tanong ko.
"Why would I?" hindi siya makatingin sakin.
"Bakit nga ba?" balik kong tanong sa kanya. Humarap naman siya sakin dahil doon.
"I don't know." umiling iling lang ako at hindi naniniwalang tumingin sa kanya. Sumandal naman ako sa sink at tinitigan siya.
"Wag kang mag-alala, bestfriend ko lang siya. Wag ka nang magselos." nakangiti kong sabi sa kanya, his jaw clenched again before he took a deep breath.
"I'm not." he denied kahit naman halata. Nakows, sige lang deny pa.
"Nagseselos ka." inulit ko para mang-asar lang sa kanya.
Umiling siya sakin. "No, never." pagtanggi niya ulit.
"Asus, seloso ka." mas lalong umigting ang panga niya kaya natatawa ako pero pinipigilan ko lang.
"I already told you, I'm not." he said firmly.
"Okay, tutal sabi mo okay ka lang sabi mo kanina diba? Ikaw na lang magluto, sarapan mo ang pagluto mo ha, para sakin." medyo natatawa kong sabi pero pinigilan ko.
"Edi don ka magpaluto sa lalaking yon, who touched your f*****g arms earlier." doon na ako napatawa ng malakas. Sabi na, selos ito don.
"So selos ka nga?" nang-aasar kong sabi.
"Fuck." bumuga siya ng hangin, " I think I am... I'm jealous." nang sinabi niya yon ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ako naman ay napatanga dahil sa sinabi niya.
Fuck.. I think I am... I'm jealous..
Fuck.. I think I am... I'm jealous..
Fuck.. I think I am... I'm jealous..
Nagpaulit ulit sa isipan ko yung sinabi niya. At doon lang nag sink in sakin kaya mas lalo lamang lumawak ang ngiti ko sa kanya.
"Sabi ko sayo ah, wag kang magselos don. Bestfriend ko lamang iyon, hindi ko siya gusto. Kaya nga ikaw nililigawan ko diba. Hehe." pagkaklaro ko sa kanya.
"How about him? Do you think he didn't like you? I'm also a man, alam ko kung may gusto ba siya sayo o wala." umayos naman ako ng tayo at lumapit sa kanya. Naestatwa naman siya sa kinatatayuan niya ng tuluyan na akong nasa harapan niya.
Napalunok siya bago umayos rin ng tayo at tumingin sakin ng deretso.
"Ano naman? Eh ikaw naman ang gusto ko," ngumiti ako sa kanya. "Pati ibig sabihin ba nito, may pag-asa ako sayo. Nagseselos ka eh, paniguradong May dahilan yan." napaiwas siya ulit ng tingin sakin.
Bumuga siya ng hangin bago tumingin ng diretso sa mata ko. Ako naman ang napalunok dahil doon. Nanlalambot ang tuhod ko sa uri ng tingin niya sakin. Malalim siya kung tumingin.
"I think..." napataas ang dalawa kong kilay.
"You think?" balik kong tanong sa kanya.
"I think... I think, I like you... Too..." napangiti ako ng mas malawak.
"Kung ganoon, mas pag-iigihan ko pa. Para sa susunod." binitin ko yung sasabihin ko bago tumingkayad at bumulong sa tenga niya.
"Para sa susunod, mahal mo na ako. I'll wait for that day." umayos na ako ng tayo at napansin ko naman na napalunok siya. He clenched his jaw.
Bumalik na ako sa sink para linisin yung manok na lulutuin ko. Dumaan ang ilang minuto ng maramdaman ko siya sa likuran ko at pinaharap ako sa kanya.
"Just once." he said before crashing his lips to mine.
I felt him bit my lower lip. Napabuka naman ang labi ko dahil doon. Napahawak ako sa kanyang braso at siya naman ay idinikit ako mas lalo sa may sink. Lumapit siya sakin at hinawakan ang bewang ko at pati narin ang pisngi ko.
Nalalasing na ako sa uri ng halik niya at wala na akong ibang magawa kundi ang tumugon na lang sa halik niya.
Mas lalo niya akong siniil ng halik kaya gumanti rin ako sa halik niya.
I weaved my hand through his hair as he deepened the kiss.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanlalambot na ang tuhod ko. Mukhang naramdaman niya naman na nanghihina kaya binuhat niya ako at ipinulupot ko naman ang hita ko sa bewang niya.
I gasped when his tongue darted inside my mouth.
"Fuck." he cursed as his kisses went hot.
I gasped again when he kissed my jaw down to my neck. Naghahabol na ako ng hininga dahil don.
Napa-ungol ako ng maramdaman kong marahan niya akong kagatin sa leeg at sinipsip iyon.
Lasing na lasing na ako sa uri ng halik niya. Bumalik ulit ang labi niya sa labi ko at pinagpatuloy akong halikan don.
"Fuck."
I heard him cursed, siya na ang unang kumalas sa halik. Parehas kaming naghahabol ng hininga. Nilagay niya ang noo niya sa balikat ko at ako naman ay lasing pa rin sa halik niya.
Dumaan ang ilang minuto ng bumaba na ako sa pagkakapulupot ng hita ko sa bewang niya.
"Magpalit ka na, magluluto pa ako dito." i said as he agreed. I turned my back on him.
Naramdaman ko naman na umalis na siya sa likod ko at napahawak ako sa gilid ng sink dahil lang sa nangyari kanina. God, that's the second time we kissed.