Nagising ako at medyo natulala pa dahil sa nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niyang nagugustuhan niya ako. Like, oh my god. Ang sarap sa feeling.
Kagabi din nung nakabalik ako rito ay pinaulanan ako ng tanong ni Tracy. Saan daw ako galing, kung hindi daw ba ako nabasa ng ulan at baka magkasakit raw ako, kung nakakain na daw ako.
Sinagot ko naman siya na dun ako kumain kay Denzey kaya yung ngiti niya nang-aasar. May meaning yung mga ngiti niya kagabi. Ipinagsawalang bahala ko na lang yung at nagpalit lang ng damit at natulog na rin pagkatapos.
Hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari kagabi dahil gusto ko muna i-enjoy ng ako lang ang nakakaalam. Siguro sa susunod ko na lang sasabihin.
Kinuha ko lang ang towel ko at dumiretso na sa cr. Alas singko pa lang at katulad ng ginagawa ko tuwing umaga, ganon nga, luluto ako tapos kay Denzey makikikain.
Nang matapos akong maligo ay nagtapis lang muna ako ng tuwalya at tumingin sa harapan ng salamin.
Habang tumitingin ako sa repleksyon ko ay may nakita akong maliit na marka roon sa may leeg ko. Kulay pula at dalawa pa. Jusko, doon ko napagtantong kissmark ito.
Naku kang bata ka, may kissmark ako. Ayan kasi, makipaghalikan ka pa Gilliana, ayan tingnan mo.
Namumula ako ngayon at nahihiya. Kaya pala ganon na lamang tumingin at ngumiti sakin si Tracy kagabi lalo na nung nabanggit kong si Denzey ang kasama ko. Napasapo ako ng noo at dumiretso sa kwarto ko.
Humanap ako ng concealer at nilagyan yung dalawang kissmark ko. Yung isa sa may bandang collarbone at yung isa naman ay medyo mataas sa collarbone, siguro mga dalawang dangkal.
At nagawa mo pang i-measure yon, talaga lang Gilliana ha.
Namumula parin ako hanggang ngayon habang nagluluto ng pang-almusal. Kaya rin pala kagabi pasulyap sulyap si Denzey sa may leeg ko. Akala ko trip nya lang yun pala may kissmark na.
Napa-face palm ako sa kahihiyan. Jusko, kung hindi ko pa nakita ngayon hindi ko pa malalaman. At bakit naman kasi hindi ko tinignan kagabi bago pumunta ditong unit, ayan tuloy.
Sigurado ako na may alam na si Tracy kaso hindi lang siya nagsalita kagabi. Pero pangiti-ngiti naman at nakakaasar kung paano siya ngumiti. Pati yung tingin nya na nagsasabing alam-kong-may-ginawa-kayo-do-not-me.
Mapag-obserba siya pero hindi niya naobserbahan na may gusto sakin si Eathan, jusko ka Tracy. Totoo ngang may pagkatanga ito.
Nag-doorbell na ako sa unit ni Denzey. Bacon, hotdog, rice with garlic ang niluto ko. Diyan na ako gagawa ng bread, gagawan ko na rin siya ng kape.
Bumukas ang pintuan niya at nakabihis na siya. Wala pa nga lang na suit. Pumasok na ako sa unit niya at sinarado naman niya ito. Inayos ko na naman yung lamesa at tumulong naman siya sakin.
Habang naglalagay ako ng kanin sa plato ay ang tahimik namin. Siya naman ay paminsan minsan na sumusulyap sakin, siguro tinitingnan kung may kissmark ba o wala na.
Tumikhim naman ako at umupo na sa harapan niya ganon rin siya. Tahimik lang kami habang kumakain. Ang awkward at hindi ako masyadong makatingin sa kanya dahilan ng kagabi. Pero siya naman ang nanguna sa halik kaya bakit ako yung mahihiya?
"Ahh Denzey. Ihatid mo ako sa university." at tumingin ako sa kanya ganoon rin siya. Hindi yun tanong kung hindi utos yon. Bossy ko ba?
Tumango naman siya sakin kaya ngumiti na lamang ako sa kanya.
Tumikhim siya makalipas ang ilang sandali kaya tumingin ako sa kanya at nakatingin na rin siya sakin dahilan kung bakit nagtama ang mga mata namin. Nakita ko na naman ang kanyang abong mata, at nalulunod ako sa paraan ng pagtitig niya sakin.
"Yung tungkol sa kag—" itinapat ko ang kamay ko sa harapan ng mukha niya kaya napatigil naman siya sa pagsasalita.
Alam ko na ang sasabihin niya, mali yon dahil hindi naman kami pero naghahalikan kami. Tsk yung mga nasa bar at club nga hindi sila pero beyond the kiss pa ang nangyayari eh. Pati masakit mabasted noh.
"Huwag mong itutuloy dahil para mo na akong binasted. Para mo na ring sinabi na hindi ako magaling humalik niyan." at ibinaba ko ang kamay ko sa tapat ng mukha niya at iiling iling lamang siya.
Napangiti siya doon kaya hindi ko na ring mapigilan na ngumiti. Ang lakas talaga ng tama ko rito oh. Pag ngiti niya pa lang kinikilig na ako, jusko.
Nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos kami ay siya na ang naghugas ng pinagkainan namin. Pinilit ko pa siya na ako na lang dahil baka mabasa pa yung polo niya pero makulit din pala ang isang ito at hindi nagpatalo, kaya heto ako ngayon nasa may sala niya at nagbabasa ng libro tungkol sa pinag-aralan namin kahapon.
May quiz kami mamaya kaya ngayon palang nagrereview na ako. Nang makalabas siya sa kusina ay umayos na ako ng upo at inilagay sa bag ang libro ko.
Habang nasa elavator kami ay nagdadaldal lamang ako. Siya naman ay ayon minsan sumasagot pero kadalasan ay tahimik lamang. Sumakay na kami sa kotse niya at nagseat belt na ako.
"By the way, BS Psychology ang course mo?" tumango naman ako sa kanya at ngumiti ng malaki.
"Anong gusto mong trabaho pagkatapos mong mag-aral niyan?" himala, naging interesado siya sa buhay ko. Hindi kaya siya palatanong kung ano bang ganap ko sa buhay.
"Balak kong mag psychiatric technician." sabi ko na proud na proud.
"Now i know kung bakit madaldal ka." napatingin naman ako sa kanya ng sabihin niya yung at napanguso.
Lagi na lang niya sinasabing madaldal ako, alam ko naman iyon pero hindi naman kailangan na ipamukha niya pa sakin. Ang bad talaga nitong Denzey na ito, pasalamat ka na may gusto ako sayo kasi kung hindi nako malikintikan ka sakin.
Nang nasa tapat na kami ng university ay tinanggal ko na ang seatbelt ko at tumingin sa kanya.
"Thank you." malambing kong pagkakasabi, napataas naman ang sulok ng labi niya.
Bumaba na ako sa kotse niya at tumingin sa kanya bago kumaway ng kamay. Pinaandar na niya ang kotse at pinaharurot ito. Nang hindi ko na siya makita ay naglakad na ako sa loob ng university habang nagbabasa ng libro.
Nang makapasok ako sa room ay nandyan na naman sila Penny at Quenny na may mga malisyosong mga tingin. Siguro nakita nila yung pagbaba ko sa kotse ni Denzey at yung pagkaway ko sa kanya.
Lumapit naman sila sakin at naupo sa tabi ko.
"Sabi na nga ba eh, boyfriend mo yun noh?" napangiti lang ako sa kanya at hindi na lang nagsalita. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko at napanguso naman silang dalawa.
"Boyfriend mo nga siguro yon." sabi ni Penny.
"Oo nga, dinedeny mo lang eh. Yiee buti ka pa may boypren na ako kasi walang nanliligaw sakin." napatingin naman ako kay Quenny nung sinabi niya yon.
Jusko, asa naman na walang manliligaw dito. Eh isa kaya siya sa maganda dito, naalala ko na tuwing Valentine's ay siya lagi ang may pinakamaraming naiuuwing mga letter, chocolate at flowers. Tapos walang manliligaw? Eh halos yung ibang lalaki ay nagsisipuntahan dito para lang mabigay ang mga chocolates sa kanya.
Pa-humble lamang ito eh.
"Sus, utot mo green. Wag mo kang magsinungaling. Bait baitan ka teh?" pandidiretso sa kanya ni Penny. Napailing na lang ako sa dalawang ito.
Ganito talaga sila, minsan feeling close. Halos sa lahat na lang, kung titingnan mo parang ang tagal tagal na nilang magkakilala pero yun pala dinadaldal lang nilang dalawa.
"May quiz tayo ngayon diba? Review kaya kayo." para naman silang nagulat sa sinabi ko.
Nakalimutan daw nila kaya ayun, dali dali silang bumalik sa upuan nila at nag-review. Kung hindi ko pa pinaalala hindi pa nila malalaman. Nako bagsak sana sila, thanks to me.
Nang dumating ang professor namin ay nagpaquiz na agad siya. Pagpasok na pagpasok pa lang ay sinabi agad na get one whole sheet of paper. Ayaw daw niyang may nakikitang notes sa table namin kung hindi papel at ballpen lamang.
Nakakatakot talaga ito minsan, para kang bibitayin eh.
"Okay no. 45!" jusko dictation pa, ang bilis bilis pa naman nitong magsalita.
"Okay pass your paper." ipinasa ko na sa unahan yung papel ko at kinuha agad yung libro at yung notes ko para tignan kung may mali ba akong sinagot.
Jusko, up to 100 pa naman yun. Siguro mga nasa 80 lamang ako diyan. Well ang passing ay 75, pag mali spelling mo mali talaga. Kaya dapat sauluhin mo rin yung pagspelling.
Kahit isang mali na spelling lang, katulad ng sumobra ng isa or nagkabaliktad yung dalawang letra, automatic na mali. Wala kang magagawa kung hindi mapabusangot na lang.
Nang makuha na ng professor namin lahat ng papel ay konting discuss lang pagkatapos ay susunod na klase na.
Nang maglunch ay diretso na ako sa cafeteria at nakita si Belle at Tracy. Wala si Eathan kaya napakunot ang noo ko. Nag-order muna ako bago umupo sa tabi ni Tracy.
"Where's Eathan?" nagkibit balikat si Belle at tumingin naman ako kay Tracy.
"May gagawin pa daw na project ata or groupings na ewan ko. Basta yun na yon." napatango naman ako sa sinabi niya at kumain na rin.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng ang maging topic namin ay yung kagabi. Confident naman ako na hindi sasabihin ni Tracy yon pero nung dumating na sa sinabi niya na pagkapasok ko sa loob ng unit namin ay napabuga agad ako ng inumin.
"Yuck, you're so kadiri. Eeww." pag-angal ni Belle at si Tracy naman ay tatawa tawa. Tiningnan ko naman siya ng masama don.
"Tapos kagabi nakita ko siyang may hic—" tinakpan ko na agad ang bibig ni Tracy don.
Hindi sa ayaw kong sabihin kay Belle pero nakakahiya talaga. Si Belle naman ay napakunot ang noo saming dalawa.
"Hic— what?" umiling lamang ako sa kanya at nag-isip ng pwedeng masagot.
"Hic, hic, hiccup. Oo may hiccup ako kagabi." tatango tango kong sabi. Tinanggal naman ni Tracy ang kamay ko sa bibig niya at medyo natatawa pa.
Mukha namang naniwala si Belle samin at pinagpatuloy na namin ang kwentuhan. Napahinga naman ako ng maluwag at tiningnan si Tracy na medyo natatawa pa rin pero pinipigilan niya.
Napatingin siya sakin kaya inirapan ko lamang siya.
Nang matapos kaming kumain ay nauna na ako sa dalawa at pumunta na sa class ko.
Pagkapasok ko sa room ay nandoon na yung iba kong kaklase pero kaunti pa lang. Naupo naman ako sa may likuran at kinuha na lang muna ang cellphone ko.
Alas dose pa lang at wala pa naman yung professor namin. Nang buksan ko ang Twitter ko may bagong post si Thrie. Bola lang siya na may sapatos sa gilid.
T @forthrie_ • 40m
Practice...
Comment 401 retweet 12 ❤️ 3,749 share
Sana ol maraming likes. Tiningnan ko naman kung ilan ang followers niya at nakitang nasa 30 thousand ito. Sanaol, ako kasi mga nasa 40k lang eh.
Naisipan ko naman na ichat si Denzey kaso baka makaistorbo ako sa kanya baka din hindi siya online kaya wag na lang. Mahingi nga sa kanya yung number niya.
Oo na ako na lang lagi gumagawa ng first move, anong magagawa ko? May pagkatorpe ata itong si Denzey eh. Sabi niya may gusto na rin daw siya sakin tapos hindi man lang hinihingi number ko. Tsk may pag ka-weak rin pala itong si Denzey eh.
Natawa ako sa naisip ko at napailing iling. Nang pumasok si professor Dimaranan ay tinago ko kaagad yung cellphone ko at nakinig sa kanya.
Nang matapos itong magdiscuss ay lumabas na ako ng room. Dumiretso na lang muna akong library at nagbasa basa don.
Ilang minuto lang ang lumipas ng may umupo sa tabi ko at nakitang si Eathan ito. Ngumiti naman ako sa kanya ganon rin siya.
Nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa samantalang siya ay nagsusulat, hindi ko lang alam kung ano.
Maya maya lang ay naramdaman ko na nakatitig siya sakin. Hindi ko na lang muna iyon pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Pero kanina pa siya nakatitig sa kanya kaya napatingin na rin ako sa kanya.
Naiilang kasi ako. Nabigla siya sa pagtingin ko at dali dali siya sa pagbuklat ng libro.
Napailing iling ako dahil obvious na obvious siya. Wala namang kaso sakin na magustuhan niya ako kaso paano naman yung friendship namin pati mag iba na akong nagugustuhan, lalo na ngayong sinabi ni Denzey na nagugustuhan na rin niya ako.
Lumipas ang ilang minuto ng pasulyap sulyap siya sakin, ginutom na rin ako kaya sinarado ko ang libro kaya napatingin siya sakin.
"Nagugutom na ako, kain muna tayo." bulong ko sa kanya napatango naman siya at sinarado na rin ang libro at ibinalik sa bookshelf.
Lumabas na kami at dumiretso sa cafeteria.
Nag-order lang ako ng snacks at juice ganon rin siya. May 20 minutes pa bago ang susunod kong klase. Ng naupo kami sa table ay sinimulan ko na ring kumain.
"May susunod ka pang class?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya sakin.
"Oo, mamaya pang alas kwatro. Ikaw din diba?" tumango ako sa kanya.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at namalayan ko na naman siya na nakatingin sakin.
Tumikhim ako bago ibalik rinang tingin sa kanya.
"Ano yon?" tanong ko sa kanya.
Napalunok naman siya bago tumingin sa paligid. Kaunti lang ang tao ngayon dito dahil yung iba ay nasa klase. Bumalik ang tingin niya sakin at napabuntong hininga.
"Lia, I just want to say that... That..." naghintay pa ako sa sasabihin niya.
"That?"
"That, I like you. I like you since the first day we met." napaiwas naman ako ng tingin sa kanya nung sabihin niya iyon.
Bumuga siya ng hangin ng makita ang ekspresyon ko.
"I'm sorry..." mahina kong bulong. Katahimikan ang sumalubong samin ng halos sampung minuto. Napatango tango naman siya sakin pero nakita ko sa mata niya na nasasaktan siya.
I'm sorry Eathan.
"It's okay. Hindi mo naman sinabi sakin na magustuhan kita eh.", pinipilit niyang ngumiti kaya napababa ang tingin ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na ito. Gusto ko siyang yakapin kaso baka umasa lang siya sakin, mas mahirapan siyang mag move-on.
"I'm sorry again Eathan. Sorry but I don't feel the same way, may iba na akong nagugustuhan eh. And that person likes me too." I mumbled.
Tatango tango naman siya sakin. Nasasaktan ako para sa kanya, I'm sorry Eathan. Kung kaya ko lang ireceprocate ang nararamdaman mo, ginawa ko na.
Ayokong may nasasaktan sa mga taong mahalaga sakin eh. Bestfriend ko siya eh.
"It's okay, don't worry. But if you need me, I'm here. If you don't, I'm still here, remember that." he said and looked at my eyes.
Mahirap pala pag ganito, yung tipong irereject mo yung isang tao na mahalaga sayo kasi ayaw mo silang nakikitang disappointed at nasasaktan.
"Makakahanap ka rin ng babaeng para sayo." sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya, sa mga mata niyang nagpapakita na nasasaktan siya ng sobra dahil sakin.
Ngumiti siya sakin, nangingilid ang luha niya at tumulo ito. Napaiwas ako ng tingin dahil nasasaktan rin ako. Mahalaga siya sakin, sobra, bestfriend ko eh.
Tumayo siya at kinuha yung gamit niya.
"Tara na, mag-aalas kwatro na oh. Baka malate tayo niyan." tumango naman ako at kinuha na rin ang gamit ko bago tumayo.
Nakauwi na ako sa unit namin at hindi parin mawala sa isipan ko yung mukha ni Eathan na nasasaktan siya. Kung paano nangilid at tumulo ang luha niya dahil nasasaktan siya.
Nagkulong ako sa kwarto ko ng gabing iyon. Nakatulog rin ako at ng magising ako ay sa katok ni Tracy sa pintuan sinasabing kakain na at alas syete na.
Napabangon naman ako at napatingin sa sarili ko. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit ko simula kanina. Nahiga na kasi ako kaagad nung pumasok ako ng kwarto.
Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina. Nakatungo ako habang naglalakad kaya hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko. Ayan nabangga tuloy ako.
"Sorry tra—" pag-angat ng tingin ko ay napanganga ako dahil hindi si Tracy ang nabangga ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Denzey. Napatingin naman ako sa likuran niya at nakita si Tracy na may ngiti sa labi at nanunudyo na mga mata.
Bumalik ang tingin ko kay Denzey, nakapolo, black slacks at leather shoes siya. Halatang kagagaling sa trabaho.
"Sabi ng kaibigan mo para ka raw na may sakit kasi dumiretso ka na lang daw sa kwarto mo at hindi na lumabas. Tapos ngayon ang tamlay tamlay mo, may sakit ka nga." napakurap naman ako sa sinabi niya at tumingin kay Tracy.
Nagpeace sign naman siya sakin pero tumataas taas naman ang kilay niya.
Jusko ka Tracy.
"Wala akong sakit, sadyang napagod lang ako sa mga ginawa ko kanina. Ano ka ba." nginitian ko naman siya para maassure siya.
Tumango tango naman siya sakin at bumuntong hininga. Tumikhim si Tracy sa likuran ni Denzey kaya napatingin naman kami sa kanya.
"Luto na ang pagkain. Kain na tayo." pagbabasag ni Tracy sa katahimikan.
Tumingin naman ako kay Denzey.
"Dito ka na kumain Denzey." aya ko sa kanya. Nakita ko naman na napataas ang kilay ni Tracy sa narinig niya na pagtawag kong Denzey.
Umiling naman si Denzey sa alok ko.
"No thanks, I'm just here to check you." he stated at napansin ko naman si Tracy na kinikilig roon sa likuran at pinanlakihan ko naman siya ng mata.
"Sige na, tutal nandito ka na rin naman. Dito ka na kumain." pamimilit ko sa kanya.
"Oo nga, dito ka na kain CAL. Marami naman itong naluto ko eh." pinagdiinan pa niya ang Cal, buti na lang hindi napansin ni Denzey yun.
Napabuntong hininga naman si Denzey bago tumango. Napangiti nang malaki si Tracy at tiningnan niya ako ng malisyoso. Inungusan ko lang siya.
Pumunta na kami sa kusina at naupo roon. Katabi ko sa Denzey at si Tracy naman ay nasa harapan namin.
Kumain na kami at ang tahimik sobra. Hindi nag-iingay si Tracy pero pustahan pa tayo rito na paglabas ni Denzey ang daldal niyan.
Kung ano ano na namang tanong niya sakin pati pang-aasar.
"It's good." komento ni Denzey sa luto ni Tracy.
"Mas masarap naman ang luto ni Lia sakin eh. Tinuruan niya lang kaya ako." pagbibida ni Tracy kay Denzey. Napailing iling naman ako sa kanya.
"Yeah that's true. You didn't tell me that you taught Tracy how to cook, Gilliana." napatingin naman ako sa kanya at napansin si Tracy na nanlalaki ang mga ngiti sa labi.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" balik kong tanong.
"Madaldal ka diba?" natawa ng malakas si Tracy ng dahil doon at ako naman ay napanguso.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ganon din siya.
Nang matapos kaming kumain ay si Tracy na raw ang maghuhugas ng plato kaya umoo na lang ako.
Si Denzey naman ay babalik na raw ng unit niya kaya hinatid ko siya, katapat lang naman siya ng unit namin eh.
"Denzey." tawag ko sa kanya bago siya pumasok sa unit niya. Napatingin naman siya sakin.
"Magpapaalam lang sana ako sayo." napakunot naman ang noo niya don.
"Why? What?" magkasunod na tanong niya.
"Uuwi kasi ako samin ngayong darating na Sabado at sa Lunes pa ako makakabalik. In case na hanapin mo ako, you know." pagkibit balikat ko.
Huminga naman siya ng malalim bago tumango.
"Oh, okay. Anything else?" tanong niya pa.
Naalala ko naman na hihingin ko pala ang number niya kaya sabi ko wait lang siya dyan dahil kukunin ko lang cellphone ko. Tumango lang siya at ako naman ay kinuha ang cellphone sa kwarto.
Nang makuha ko na yung cellphone ko ay ibinigay ko ito sa kanya, napakunot noo niya.
"Number mo." nakangiti kong sabi. Napangisi naman siya sa sinabi ko at kinuha naman ang phone ko at nagtype ron.
Nang ibalik niya sakin ay pinangalanan ko itong Denzey Babe. Napangisi naman ako sa nickname.
Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin rin siya sakin.
"Thanks." at winagayway pa ang cellphone ko sa harapan niya. Tumango lang siya.
Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko ng hagipin niya yung braso ko at ipaharap sa kanya.
Nabigla ako ng halikan niya ako sa noo ko.
"Good night." he said before he goes to his unit.