Kabanata 13 : Insecure

3110 Words
Friday na ngayon at nasa university ako ngayon. Huling subject ko na at patapos na rin ito. Hindi ko nakita ngayon si Eathan simula kanina pang umaga pati na rin kahapon at nung Miyerkules. Mukhang iniiwasan niya ako. Ang sabi naman ni Tracy nakakasama niya naman ito kahit si Belle. Halata naman na iniiwasan niya ako eh, pero okay lang yun. Kung ako rin naman ata iyo ganoon rin gagawin ko. Nakwento ko na kay Tracy at Belle yung nangyari para hindi sila magtaka kung bakit kami malayo sa isa't isa ni Eathan. Siguro naman pag okay na siya ay babalik na kami sa dati. Nandito naman ako palagi. Nang matapos ang klase ay dumiretso na agad ako sa pauwi. Naibigay ko na kay Tracy yung regalo ko sa kanya. Isang sapatos, gusto kasi niya yung mga sapatos. May mga collection siya ng sapatos, mga sneakers. Naglagay lang ako ng isang pares ng damit dahil dalawang araw lang naman ako doon. Ngayong gabi ako pupunta samin. Sa Laguna kami nakatira, sa Sta.Rosa. magkapit bahay lang kami nila Tracy doon. Kahit sila Skylar at Macky ay kapitbahay din namin. Alas sais na ng lumabas ako sa kwarto at nakitang may pagkain na naihanda si Tracy. "Kain ka muna bago ka umuwi." yaya sakin ni Tracy kaya tumango naman ako sa kanya. Habang kumakain kami ay may pinabibigay siya sa mama at papa niya. Ilang damit at ibang mga gamit sa bahay. Ibigay ko raw sa kanila dahil hindi siya makakauwi ngayon. Tinatamad daw siya at kakauwi niya lang daw noong nakaraan. Tumango naman ako sa kanya at inilagay sa bag ko. Isang bag lamang ang dala ko, pati na rin nandoon naman yung iba kong mga gamit kaya para saan pa ang pagdadala ko nang madaming gamit. Nang matapos kaming kumain ay hinatid niya ako hanggang dyan sa baba ng building. Dapat ay hanggang sa terminal pa kaso sabi huwag na dahil may iba pa siyang gagawin. Tumango na lang siya at kumaway na bago bumalik sa building. Sumakay na ako ng jeep papuntang terminal papuntang Laguna. Ng makarating ako sa terminal ay sumakay na ako sa bus at naupo na roon sa may likuran. Kinuha ko ang cellphone ko para ipaalam kay Tracy na nasa sasakyan na ako. To Tracy-nger Dito na ako sa terminal, ingat ka diyan ha. Goodnight. Nang masent ko sa kanya ay nagreply agad siya at mag-ingat din daw ako. Naisip ko naman si Denzey, tutal may number ako ng kaniya maitext na lang din siya. To Denzey Baby Nasa terminal na ako ng bus pauwi ng Laguna. Ingat ka diyan ha, wag kang magtataksil sakin dyan. Natawa ako sa tinext ko sa kanya. Ito ang unang beses na tinext ko siya, kahit hindi ko lagyan ng pangalan kung sino yan paniguradong ako naman ang maiisip niya. Siyempre makapal nga raw mukha ko eh. Nang mapuno ang bus ay umandar na rin ito. Ako naman ay naglagay lang ng earphone at nakinig nang music. Maya -maya lang ay nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa. Pagtingin ko ay may nagtext sakin. Hah, si Denzey ito panigurado. Natatawa parin ako hanggang ngayon dahil sa name niya sa contact list ko. From Denzey baby Okay, ingat ka. And don't accuse me. Napangisi ako ron sa nireply niya. Aba eh ang gwapo gwapo niya kaya, ang dami daming nagkakagusto sa kanya. Malay ko ba na makahanap siya diyan ng maganda, pati yung mga nagkakagusto sa kanya ay mga mayayaman, magaganda, pati na rin ng katawan. Hindi malabo na matukso siya, lalaki lang siya at may pangangailangan. To Denzey babe Wushu kunwari pa. HAHAHA by the way sa susunod na pupunta ako rito dapat kasama ka na. From Denzey Babe Why?.. To Denzey Babe Kasi ipapakilala kita sa mga magulang ko at sasabihin kong 'ma, pa, asawa ko nga pala'y HAHAHAHA. Can't wait. Natawa naman ako sa sarili kong banat. Jusko ang corni naman nito. Nag text pa siya sakin at ako naman ay patuloy ang pang-aasar sa kanya. Nang mag-alas otso na ay saktong nandito na ako sa Laguna. Nasa Balibago ako ngayon at naghahanap ng masasakyan papuntang Tagapo. Sa Buena Rosa 10 kami nakatira. Nang makasakay ako sa jeep ay nagbayad agad ako kay manong at naupo sa may pinakadulo. Nang makababa ako ay bumaba na ako at pumunta munang 7/11 para kumain. 8:12 pm na nang gabi at pagkatapos kong kumain ay sumakay pa ulit ako ng isang jeep. Nang makababa ako ay pumasok na ako at dumiretso ng bahay namin. Nakasarado ito at yung ilaw lang sa taas ang bukas. Yung bahay naman nila tita Velvet na nasa kanan namin ay patay na lahat ng ilaw. Ang aga naman magsitulugan ng mga ito. Tumingin naman ako sa likuran ko dahil nandoon yung bahay nila Skylar at Macky. By the way si Skylar ay bukas pa pupunta dito dahil may ginagawa pa raw siya ngayon. Tulugan na rin ang tao dito sa bahay ng pinsan ko at kay Macky. Kinuha ko sa bag ko yung susi ng bahay namin at binuksan ito. May gate pa yung bahay namin ganon din kayna Macky. Sa dalawa naman ay walang gate. Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay biglaan akong napaupo sa sahig. "Aray ko." daing ko at ininda ang sakit sa pwetan pati narin sa noo. Tumingala naman ako at nakita si mama na may hawak na walis tambo. "Anak, ikaw pala yan." sabi ni mama at ibinaba ang hawak na walis. "Ay hindi ako ito ma, imagination mo lang ito." natawa naman si mama sakin. "Sorry anak akala ko kasi magnanakaw, mukha ka kasing magnanakaw HAHA." napanguso naman ako sa pang aasar ni mama sakin tsaka tinulungan naman niya akong makatayo at umupo ako sa sofa. Kumuha siya ng tubig sa ref at binigay sakin. "Nasaan si papa pala ma?" at nagpalinga linga sa paligid para hanapin si papa. Ibinaba ko ang bag ko sa paanan ko at itinaas ang paa ko sa sofa. "Ay yung papa mo, pauwi na rin yun galing talyer." tumango naman ako sa kanya. Sabi niya ay miss na miss niya na raw ako, halos hindi na ako pakawalan sa kayayakap. Kung hindi ko pa sinabing magbibihis lang ako ng sandali ay hindi pa ako pakakawalan. Sila tito Gregorio at tito William raw ay kasama pa ni papa sa talyer. Si tito Vincent naman ay nasa bahay na raw at ayun natutulog na daw. Si tito Greg ay papa ng pinsan kong si Skylar, nanay naman niya ay si tita Maria. May dalawa pang kapatid si Skylar, sila Bryony at Kristen. Bunso si Bryony at panganay naman si Kristen. 18 si Bry at 23 naman si ate Kristen. Nasa Manila rin sila. Si tito William naman ay papa ni Tracy at si tita Velvet naman ang asawa non. Only child yang si Tracy maging si Macky. Ang asawa ni tito Vincent ay si tita Rosalie. Mabait sila pareho pero yung anak nila hindi. Well minsan mabait din yun, lagi nga lang nang-aasar. Nang bumaba ako sa kwarto ko ay nandito na silang lahat. Jusko ang bilis nga naman mamalita ni mama. "Nako kang bata ka, ang ganda mo na ah." nginitian ko lang si tita Maria. Siya rin naman maganda pa rin siya kaya hanggang ngayon ay ang dami parin na nagkakagusto sa kanya. Magkapatid si Tito Greg at si Mama, mas matanda si mama. Si tito William at tita Rosalie naman ang magkapatid, si tito naman ang mas matanda kaysa kay tita. "Ay oo nga pala tita, tito ito po pinabibigay no Tracy. Hindi siya makakauwi ngayon dahil daw nung nakaraan ay nakauwi na siya." at ibinigay ko kay tita Velvet yung isang supot. Ngumiti naman siya at nagpasalamat. Lumapit ako kay papa dahil siya ang close ko talaga. Daddy's girl kasi ako. Yinakap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinaplos naman niya yung buhok ko dahil don. "Ang unica hija ko, naglalambing." napangiti naman ako. Ang sweet sweet kaya ni papa, lagi niya rin ako pinagtatakpan noon tuwing may nagagawa ako. Pag nababasag ko yung vase namin lagi niya akong sinasalo. Hahaha. Lagi niya rin akong kinakantahan pati tinuturuan niya rin ako mag gitara. Doon niya raw nadaan si mama dati eh. Dumiretso kami sa kusina at nagsikainan kami. Nagutom din ako sa byahe kanina kaya kakain ulit ako. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng mapunta sa pagboboypren ang topic namin. Ito talaga yun eh, sasabunin nila ako nito dahil wala sila Skylar at Tracy, ako ang iintrigahin. Nung nagkaroon ako ng boyfriend halos lahat sila alam naman yun, pati yung paghihiwalay namin alam nila. Kaso ngayon parang ayaw ko pa sabihin kasi nakakahiya. Ako kasi nanliligaw eh. "Oh hija, may boyfriend ka na ba?" tanong sakin ni tita Rosalie. Napanguso naman ako at tumingin kay mama. Nakangiti siya ng nakakaloko. Umayos ako ng upo bago umiling. "Asus, hindi nga? Sa ganda mong yan wala kang boypren? Asus, wag ka ng mahiya." sabad naman ni tita Velvet. "Eh wala naman po talaga tita eh." tumikhim naman si papa kaya napatingin ako sa kanya. "Eh ano itong sinasabi ng mama mo?" napakunot naman ang noo ko roon. Tiningnan ko si mama at nagpeace sign lang siya sakin. Hmp, nilaglag ako ni mama ah. Nagtawanan naman sila sakin, inaasar pa ako. "Nako, ang anak niyo Isabella, Marcus." tatawa tawang sabi ni tito Greg. "Nako, ikaw na pala nanliligaw. Bakit hindi siya?" pinipigilan na matawa ni tito William habang tinatanong niya ako. Tumingin naman ako kay papa at parang humihingi ng tulong. Iniwasan niya lang ako ng tingin. Papa naman eh. "Eh kasi, hindi naman niya kasi ako gusto noon." nakanguso kong sabi. "Ay hindi ka pala gusto day, kaya pala ikaw na nanligaw." pang-aasar ni tito Greg. Dati yon pero sabi niya sakin nung nakaraan na nagugustuhan niya na rin ako. Pero siyempre hindi ko yan sinabi, sakin na lang muna yon. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Sila Tita at tito naman ay nagsiuwian na sa kanila. Sila mama ay nasa kwarto na rin at nagpapahinga na. Tumingin ako sa orasan na nasa mini table ko dito sa tabi ng kama ko. Alas diyes na ng gabi at hindi pa rin ako nakakatulog. Pinikit ko ang mga mata ko at nagbilang ng mga tupa, pero halos maka-dalawang daan na ako ay hindi pa rin ako nakakatulog. Mulat ko ang mata ko at tinignan ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. Kinuha ko ito at tiningnan ang contact list ko. Gusto ko sanang tawagan si Denzey kaso baka pagod siya at tulog na rin. Tinitigan ko lang yung cellphone ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng alas sais ng umaga at dumiretso sa banyo. Nang matapos akong magbanyo ay bumaba na rin ako at nakitang nagluluto si mama ng almusal. Niyakap ko siya sa likuran. "Good morning ma." medyo inaantok kong sabi at naghikab pa. "Good morning anak, maupo ka na muna dyan oh. May tinapay riyan." tumango naman ako at kumuha ng pandesal. Gumawa rin ako ng hot chocolate bago pumuntang sala at naupo roon. Binuhay ko lang ang tv at nanood ng cartoons. Ganitong oras ay kumakain kami ng sabay sabay at si papa naman ay aalis na at pupunta na ng talyer para magtrabaho kaya si mama lang ang naiiwan. Habang nanonood ako ng SpongeBob ay biglaan na lang may pumasok sa bahay namin. "Good morning insan, good morning tita!" napatakip naman ako ng tenga sa boses ni Skylar. Tiningnan ko naman siya at inirapan. "Ang ingay mo." sabi ko at nagpatuloy sa panonood si mama naman ay lumabas ng kusina para makita si Skylar. Ang aga naman nito ngayon, madaling araw ito lumuwas. Kasama kaya niya boyfriend niya? Alam naman nila tita na may boyfriend na ito at ang sabi ni tito pag sinaktan siya nung boypren niya, bugbog abot non. Naupo siya sa tabi ko at nakinood rin. "Musta insan? Balita ko may pinopormahan ka ah. Naks naman, ikaw pa nanliligaw. Kaswerte naman niyong lalaki." napanguso naman ako sa sinabi niya. Ano ba yan. Ang bilis makarating ng balita dito sa babaeng ito. "Eh kayo, musta kayo ng boyfriend mo?" tanong ko rin sa kanya. Kinuha naman niya yung supot ng pandesal at kumuha roon ng isa bago isubo. "Okay lang naman kami. Dapat isasama ko siya rito kaso nga lang busy siya." napatingin naman ako sa kanya. "Hindi ba manloloko yang si Calvin?" tumingin naman siya sakin ng nakangiti. "Grabe ka naman, hindi naman ganyan si Calvin eh. Promise hindi, ako lang daw ang babae sa buhay niya." nako, ganyan salitaan ng mga manloloko eh. Inismidan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. "Ano? Musta na pag-aaral ng nursing diyan? Mahirap ba?" pang-aasar ko sa kanya. Napanguso siya at tumaas ang isang kilay niya. "Tsh, medyo. Eh ikaw, BS psychology course mo. Mahirap ba?" siya naman ang nang-aasar ngayon. Nginitian ko lang siya at umiling. Napabusangot siya doon kaya naman natawa ako ng malakas. Bumaba na si papa galing ng kwarto nila at nakita niya si Skylar na katabi ko dito. Tumayo naman si Skylar para batiin si papa ganon rin ako. Dumiretso kaming apat sa lamesa at pumunta rin dito sila tito Greg para mag-umagahan. "Oh, nasan sila Bryony at Kristen?" tanong ni papa. "Si Bry busy sa pag-aaral doon sa Manila. Si Kris naman ay balak nasa Manila rin at nagtratrabaho diba." sabi ni tita. "Sabi pala ni ate na balak niya raw magbakasyon." sabad naman ni Skylar. "Oh saan raw?" tanong naman ni tito. "Sa Mindoro po ata." napatango tango naman sila tito roon. "Bakit doon? Maganda naman doon pero hindi naman yun kasing-ganda ng ibang lugar diba. Iilang lang ang tourist spot don." sabad ni mama kaya napatango naman ako. "Eh tagaroon daw po friend ni ate eh." ah okay. Mabait si ate Kristen kaso pag ginalit mo nga lang ay tumago ka na. Grabe siya pag nagagalit, nakakatakot. "Pero sabi niya baka sa susunod na taon pa raw iyon. Tinatamad daw siya mag-alis." dugtong ni Skylar. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano ng umalis na sila papa at tito papuntang talyer. Naiwan dito sila Skylar at tita. Nasa kwarto kami ni Skylar at nakahiga ako sa kama ko. Si Sky naman ay ito rin nakahiga sa tabi ko. "Oii, patingin naman ng picture nung nililigawan mo." nang-aasar na sabi niya sakin. Siniko ko naman siya at napadaing naman. Tumalikod lamang ako sa kanya at naghanap ng picture ni Denzey sa Twittering. Naistalk ko na siya dito sa Twittering maging sa Instantgram. Iilan lamang ang picture niya insta at karamihan dito ay puro mga lugar. Sa Twitter naman ay ganon rin. Nang makahanap ako ng picture ni Denzey ay humarap ako sa kanya at pinakita yung phone ko. Nanlaki naman ang mata niya nang makita yung pic. "Iyan ang nililigawan mo?" tumango ako sa kanya at nalaglag naman ang panga. "Eh masungit yan eh." sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. "Sakin hindi." hindi siya makapaniwala na tumingin sakin. Ngumiti ako ng pagkalaki laki sa kanya. "Alam mo bang may ex yan." at biglang nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. "Weh?" balik kong tanong. Mamaya ginugood time lang niya ako. Umupo siya sa kama ko at ako rin. "Kilala mo si Bianca Mercado?" napaisip naman ako. Bianca Mercado. Saan ko ba yan narinig. Ay oo nakita ko na yan sa isang magazine, isa siyang modelo at napakaganda niya. Para siyang manika. Tumango naman ako sa kanya. "Siya. Siya yung ex niyan..." nanlaki ang mata ko roon. "Hindi nga?" bumuntong hininga siya sakin. "Oo, alam mo bang muntik na silang ikasal noon dahil nga mahal na mahal ni Denzey si Bianca." umiling lang ako sa kanya. Nasaktan ako sa isipin na mahal ni Denzey si Bianca at nasasaktan rin ako tuwing naiisip ko na hanggang ngayon ba ay mahal niya pa rin ito? Napakagat labi naman siya at tumungo. Hindi siya nagsalita ng ilang minuto at ako rin. Maya-maya lang ay tinawag siya ni tita kaya lumabas siya ng kwarto ko. Nang nasa pintuan na siya ay tumigil siya. "Pero hiwalay naman na sila, ibig sabihin may pag-asa ka." ngumiti siya sakin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Natulala pa ako ng ilang sandali bago kinuha ang cellphone ko at sinearch si Bianca Mercado at yung nangyaring muntikan na silang ikasal ni Denzey. Ang daming lumabas na article tungkol doon. Bianca Mercado, 24 years old at isang sikat na model. Nasa Canada siya ngayon at doon nagmo-model. Si Cal Denzey na anak ng CEO ng Denzey Resort and Casino ay rumored na nakikipag-date kay Bianca Mercado. Nung nakaraang tatlong taon pa ito. Ibig sabihin 22 pa lang si Denzey at si Bianca ay 21 pa lang. Ang daming supportive sa relasyon nilang dalawa. Bakit hindi ko ito alam? Tumagal sila ng dalawang taon at nabalitaan na engaged na silang dalawa. Ang daming mga taong nagsasabi na bagay sila. Eh kung maging kami kaya? Paniguradong wala man lang susuporta. Kitang kita na mahal na mahal ni Denzey si Bianca. At nasasaktan ako ng dahil doon. Bakit ba ako sobrang nasasaktan eh nakaraan na naman ito? At nung isang taon lamang ay biglang pinatigil ni Bianca ang kasalang magaganap. Ang sabi sabi ay may ibang mahal na raw si Bianca, ang iba naman ay may ibang babae daw si Denzey. Sobrang nasaktan si Denzey dahil sa nangyari one year ago tapos si Bianca naman ay umalis patungong Canada. Ang sabi niya ay hindi pa raw siya handa mag-settle down. Ang tanga niya, pinakawalan pa niya yung lalaking mahal na mahal siya. Kung sana ako na lang yun. Tinignan ko pa ang ibang litrato niya at totoo ngang talaga. Sobrang ganda niya, kung magtatapat kaming dalawa ay walang wala ako sa kanya. Kumbaga wala pa ako nitalampakan niya. Halos lahat ng kalalakihan at kahit kababaihan ay gusto siya. Mabait, magalang, matulungin, maganda. Ilan yan sa mga katangian niya. Hindi din siya mahirap pakisamahan at mahilig rin sa mga bata. Laging tumutulong sa higit na may nangangailangan, kaya hindi imposibleng mahulog sa kanya si Denzey. Ang ganda na nga ng ugali niya pati pisikal na anyo. Siguro kung nandito siya, baliwala ang pagpapapansin ko kay Denzey. Siyempre nandyan ba naman yung maganda. Halos lahat nasa kanya na. Taena, na-i-insecure ako. Bakit kasi ang perpekto niya. Pero wala na naman sila ni Denzey diba? Ibig sabihin may pag-asa ako. Nasa kanya na pinakawalan niya pa, and it's her loss not mine. Siguro naman hindi na siya babalik pa. Oo selfish na ako pero sana wag na siyang bumalik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD