THE PERFAKE ROMANCE
(FayeyokoAU)
Faye Malisorn as Fate Madison
Yoko Apasra as Ayko Akiyama
CHAPTER 2 - Worrywart
"Ha? Okay sige.." lumingon ako sa pathway ng Bon Appetit. Para kasing kanina pa may nakatingin sa akin na hindi ko ma-pinpoint. "Make up tutorial po ba 'yon, Miss B?"
There she is, the Fate Madison. And she looks furious, mad.
"Sige po, Miss B. Mag-usap na lang kami ni Fallen about sa content.." hindi ako makapagpaalam ng maayos kay Miss Batungbakal kasi bigla na lang huminto si Fate sa tapat ko. "Sige po, thanks."
Namatay 'yung phone call. Mabilis akong nagtype ng message kay Miss B.
Kaso..
"Ayko."
Napalunok ako sa presence niya, and she is wearing her glasses. Ibig sabihin galing siya sa business meetings niya or may binabasa na namang business proposal sa company nila - but she's kinda frightening me right now.
Ibinulsa ko tuloy 'yung phone ko.
"Fate, ugh.." halos pabulong ko na lang na sabi. "Uh.."
She grabbed my wrist as we headed to the parking area. Surprisingly, hindi Cadillac ang kotse niya ngayon. It's Audi. 'Yung kapareho ng kotse kong nahila kasi hindi ko nabayaran.
Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya.
She took off her glasses, saka niya ko tinititigan.
Yes, she didn't utter a word pero ramdam na ramdam ko 'yung kulo ng toyo ng dragong galit na buwisit.
"Ayko, how come you didn't answer my calls?" unang tanong pa lang niya, parang gusto na bumigay ng tuhod ko. "And you're alone."
"Eh kasi.." pinagsalikop ko 'yung mga kamay ko, to ease the nginig, pangingilo - parang sumasakit na rin 'yung teeth ko. "I was in a hurry, hindi ko na nasagot agad. Hindi ko narinig.."
"In a hurry?" her icy tone made me think a lot of alibis, reasons. "Sumakay kang mag-isa?"
Nasa contract 'yung dapat alam niya kung nasaan ako.
"It's a Grab naman.." katwiran ko. "Nasa office kasi 'yung company car and I don't have my keys with me.."
"You can just call me." Her temper. Medyo nakakakaba. "You can always call me, Ayko."
Simula noong pumayag ako sa proposal niya ay naging ganito na ang set up namin. She didn't even know what she was doing to me.
Hindi ko rin alam bakit napapayag niya kong magpanggap na maging "love interest" niya. Things went smoothly na parang nilatagan niya ako ng mga serbisyo publiko na kailangan ko rin.
Totoong kailangan ko ng pera. Kailangan kong ibangon ang sarili mo mula sa mga buwisit kong batchmates. Kumagat ako sa gusto niya. Hindi ko naman akalain na ganitong pagka-ewan ang situation na 'yan.
"Fateey.." lambing ko, sinusubukan kong lumambing. "Why so fumed up? I'm safe naman po."
I grabbed her polo shirt. While trying to be cute. But no effect.
She took off her polo shirt. Saka niya isinuot sa akin.
"You show too much skin, Ayko," she even tried to button up the shirt. Inawat ko lang. Balikat ko lang naman ang nakikita kasi!
Napapikit ako ng mariin. "Fate Madison, ang OA mo na naman."
"And you tied up your hair.." naiiling siya. Alam ko na 'to kasi kita na naman daw 'yung leeg at batok ko.
She doesn't like it. She never liked it. Kahit nung nasa St. Claire's pa kami. Hindi ko alam kung bakit.
"Fate.." banta ko. "That's enough."
Pareho kaming natahimik. Hanggang sa nakakabingi na 'yung katahimikan.
"Ayko.." tawag niya sa akin. "I don't like arguing with you. So, please.."
"Please what?" Baling ko sa kan'ya. "Ikaw itong nagsusungit sa akin eh! That was just a phone call, okay?"
"I'm worried."
"You're obviously obsessing over something that isn't.." napahinto ako nang basta na lang niya ako ikinulong sa mga braso niya hanggang sa bumangga ang likod ko sa hood ng kotse niya.
Tumunog pa nga! But she managed to turn it off quickly.
"Fate.." I muttered.. medyo nanginginig na naman 'yung tuhod ko. I did ballet and ballroom but when it comes to her rumurupok bigla ang tuhod ko.
I'm caged in her arms, her car. She sighed deeply.
"What do I do with you, Ayko?" she said hoarsely. "Are you avoiding me?"
Sa sobrang lapit niya sa akin, isang movement lang. Wala na naman ako sa hulog nito.
Umiling ako bilang sagot. Gumalaw 'yung right hand niya at humaplos sa pisngi ko.
Isa na namang paglunok ng invisible na laway sa lalamunan ko. Literally, she's towering me and caging me. So, paano ako gagalaw?
Itutulak ko siya?
"I've heard you sneaked out with your little ponies last night," seryosong sabi ni Fate. "And then, I saw you with Wilma this morning."
"We had breakfast.." auto sagot ko at mas lalong nagdilim ang itsura ng dragon. "I.. ano kasi nagkasabay lang.."
I don't know pero feeling ko nanginginig talaga pati lips ko. Nakatingin kasi si Fate dun eh.
"Pati lunch kasama mo siya?" her tone, as if she's accusing me things that I shouldn't do. "Wjat about dinner?"
"Si Wilma 'yon.. ano ka ba, kasama ko sa work." I held her cold cold cold hand to calm her down. "Si Miss Batungbakal 'yung kausap ko kanina bago ka sumulpot."
Bakit ba ako nag-eexplain? May ginawa ba akong kasalanan?
Napatutop ako nang dumulas sa bibig ko 'yon. I shouldn't have said it!
Five seconds yata akong nag-hang nang makita ko si Fate na umiigting ang panga.
Deym. She looks so fictional but so real! Even her eyes - darker and even darker while she is mad.
"Alright.. alright, darling.." biglang pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Fate.." napahawak ako sa dibdib niya, to keep some distance between me and her. But I failed. She snaked her arms so tight that I can't even barely breathe. "Hey, what's wrong with you.."
I tapped her arm. Niluwagan naman niya 'yung pagkakayakap niya pero hindi niya pa rin ako pinakawalan.
She buried his face to the hallow of my neck. I can hear her breathing, her heart beat.
I guess, nagising ko yata ang hidden dragon.
"Can you just.." she spoke. "Stay still Ayko?"
We stayed like that for few minutes. May ilang tao na nga ang nakakakita sa amin at weirdong tinatapunan kami ng tingin.
Saka biglang nag-ingay ang tiyan ko. Oh, goodness. Bakit ngayon pa? Parang gusto ko na pong magpalamon sa sementadong parking lot.
Kumalas si Fate ng pagkakayapos sa akin. Tinignan niya ako.
"What's that?"
"Wala.."
Kumunot ang noo niya.
"Wala nga 'yon," kumabit ako sa braso niya. "With capital letter WALA."
"Wala?" tinignan na naman niya ako, 'yung tingin na nakakalunod. "From your stomach?"
Jusko! Ayoko talagang nagugutom! It's not very demure!
"May Chinese restaurant sa malapit.." ngumisi ako. "Nagki-crave ako sa dumplings."
At nag-ingay na naman ulit. 'Yung tiyan ko.
Nakita ko 'yung smile ni Fate kaso sobrang bilis lang no'n! Apakadamot niya talaga sa ngiti!
"Alright.." inakay niya ko papunta sa direction ng restaurant. "Let's feed that stomach of yours, darling."
---
Follow me for more updates darling dragon 🤣