THE PERFAKE ROMANCE
(FayeyokoAU)
Faye Malisorn as Fate Madison
Yoko Apasra as Ayko Akiyama
CHAPTER 3 - Money Talks, Money Works
AYKO
"Saan ka pupunta?" bungad sa akin ni THE PERFAKE ROMANCE
(FayeyokoAU)
Faye Malisorn as Fate Madison
Yoko Apasra as Ayko Akiyama
CHAPTER 2 - Worrywart
Fate. Palabas pa lang ako ng inuupahan kong apartment. "It's only ten in the morning."
"Sa estudyante ko," sagot ko. "And it's only ten in the morning pero nandito ka? May kailangan ka?"
"Have you forgotten? May pupuntahan tayo," aniya, as usual malakas talaga ang dating ni Fate. Wearing her usual get up, hindi nga lang siya nakapampormal ngayon. "Hindi mo sa akin sinabi na may lakad ka."
Napakunot ako ng noo. "Kailangan ko bang i-report sayo 'yon?"
Tinitigan niya lang ako. Humugot naman ako ng malalim na hininga.
"Look," I sighed. "Di pa ako totally pumapayag sa proposal mo. Napaka-unrealistic, drawing masyado."
"What's wrong with that? Akala ko ba nagkasundo na tayo?" she looked at me straight to my eyes. "Change of mind?"
"Sinong maniniwala sa pautot mo na 'yon? Ni hindi naman tayo in good terms, hindi rin in bad terms," napakamot ako sa ulo. "Saka bakit ako?"
"Kasi ikaw ang gusto ko."
Medyo napipikon na rin ako sa kanya.
"Ano bang mapapala ko sa pagpapanggap na 'yan? Bukod sa lolokohin natin ang pamilya mo at mga kaibigan mo?"
Siya naman 'yung natameme sa akin.
"You need money, right?" naging stiff na naman siya at hindi ko na naman maintindihan ang hilatsa ng mukha niya. "I can give you that but you have to earn it by posing as my person."
Kakaiba ang trip niya sa buhay. "Wala na tayo sa senior at junior years ah? Hindi naman kasama sa mga dare 'yan sa frat or whatsoever na 'yon?"
"We're talking about millions here, darling," kinindatan niya pa ako. "It's a win win situation. You get your money, I get away from marrying a stranger."
*Eh? Uso pa ba 'yan?"
"Apparently yes, sa corporate world," napabuga siya sa hangin. "Ayokong natatali ako sa isang situation na hindi naman ako 'yung nasusunod."
"So, ito ang solution mo? Bakit hindi na lang 'yung taong stranger na 'yon ang alukin mo ng proposal mo? Like, yeah.." napahinto ako sandali. "Parang sa w*****d, yung mga ikinakasal lang sa papel tapos wala nang pakialamanan."
She chuckled. "Easy to say, darling."
"Eh bakit nga ako? Struggling hampaslupa lang ako, Fate." Napatingin ako sa cellphone ko, hays nakakaawa na rin 'tong phone ko. Puro na siya green lines. "Sige na, magmuni muni ka na muna. I have to go."
As a cue, may pumaradang kotse sa tapat ng apartment ko. Si Krys 'yon.
"Ayko-chan!" tawag niya. Bumaba sa kan'yang Aston Martin si Krys. "Let's go? Nasa shop na si Erin at Teve. Hinihintay ka."
Napatigil sandali si Krys dahil sa presensya ni Fate.
Edi ako na ang umeksena. "Krys, si Fate. Fate si Krys, siya 'yung tinuturuan ko sa japanese language."
Tumango lang si Fate. Hindi siya kumikibo. Eh di naiilang kaming tatlo.
"Mauuna na kami," salo ko.
"Anong oras ka matatapos?"
"By lunch tapos na kami," sagot ni Krys. "May lakad ka pala?"
Umiling ako. "Naku wala, alam mo namang tuwing TTHS may tutorial lessons tayo diba?"
"Thrice a week kayong nagkikita?" hindi mapigil na tanong ni Fate.
"Alam mo, Krys.." itinulak ko siya sa kotse niya. "Susunod na lang ako. Mabilis lang 'to, promise."
Nag aalangan pa akong iwanan ni Krys buti na lang nakuha ko pa siya sa tingin.
Pag alis ng sasakyan niya, saka ko hinarap si Fate.
"Anong trip 'yon? Alam mo bang mawawalan ako ng 2000 pesos dahil don?"
Inalis niya 'yung shades niya at dumukot sa bulsa ng pants niya. Inilabas niya 'yung card holder niya at bumunot ng isang card.
Inaabot niya sa akin.
"Ano 'yan?"
"That's my black card, use it as long as you want," walang prenong sabi niya. "And quit that job. I want all of your days, even weekends."
Napanganga na lang ako sa kan'ya.