THE PERFAKE ROMANCE
(FayeyokoAU)
Faye Malisorn as Fate Madison
Yoko Apasra as Ayko Akiyama
CHAPTER 4 - Price Tag
AYKO
"Fate!" I exclaimed.
Alanganing napangiti at napangiwi ako sa expression ng mukha niya. Bakit ang bilis naman niyang nakarating? Katatawag ko lang sa kan'ya! Nagmadali tuloy ako sa pagtuturo sa mga tinututor ko kasi panay na rin ang kantiyaw nila sa akin.
At sa ayaw at gusto ko, may kotseng sumundo pa sa akin para ihatid sa Bon Appetit.
May kausap si Fate sa phone niya habang lumalakad siya papunta sa table ko.
May ilang customers ang napapalingon sa kan'ya, lalo na 'yung mga nadadaanan niyang tables.
Why does she look so regal? Pati ako natutulala sa kan'ya, naglalakad lang 'yon ah!
"Ayko.." she called my name as if I did something inappropriate.
Nagiging gloomy ang paligid.
"Ahm.." medyo nanginig pa 'yung lips ko kasi 'yung mga tingin ni Fate para akong sesermunan. "Hi?"
Mapapa why do birds suddenly appear ako, kasi biglang nag-lit 'yung mood niya.
Then another round of noises, ang narinig namin.
"Bhie, umpeeeer?"
"Mimaaa, gusto ko lang kumain bakit naman may ganito?"
"Amakana accla, nasa iyo na lahat.."
Medyo nasamid ako sa invisible na laway sa lalamunan ko. Mabilis naman agad si Fate na dinaluhan ako.
"ออกไปจากที่นี่กันเถอะ.." hinawakan ako ni Fate sa braso at marahang itinayo. "Let's get out of here."
Rinig na rinig ko 'yung mga impit na singhap ng mga tao.
Nangingiti ako ng palihim kasi alam ko 'yung pakiramdam.
As usual, nagmamadali kaming lumabas ng Bon Appetit at binaybay namin 'yung parking area ng restaurant.
Pero hindi kami sa kotse niya dumiretso. Sa ground floor ng isang mall at sumakay kami ng elevator.
"Saan tayo pupunta?" kulit ko.
Bumukas ang elevator sa fifth floor. Nasa floor kami kung nasaan ang mga boutique at mga branded na clothing line.
Hindi ako sinagot ni Fate, basta na lang niya akong kinabig palapit sa kanya.
She grabbed my hand and we walk in hand by hand.
Head turner talaga si Fate. Kasi nakikita ko naman napapasinghap 'yung mga shoppers sa kan'ya.
Para tuloy gusto kong magpalamon sa madulas na tiled floor ng mall na 'to.
And we entered Gucci. May pinakita lang siyang card then, magiliw kaming inassist ng sales attendant doon.
"For her po?" tanong nung nangingiting attendant sa kan'ya.
"Yes.." may itinuro siyang flat shoes, ballet flats at loafers. "Size 8. Get her the blue espadrilles also."
Agad naman tumalima 'yung attendant para kunin 'yung mga itinuro ni Fate.
"Hey.." kumabit ako sa siko niya. "Size 8 nga ang shoe size ko, akin ba 'yan?"
Hindi siya sumagot, bagkus tumingin tingin pa siya ng ballet flats doon at nagpakuha na naman.
"Huey, galit ka ba?"
She gently pushed me down to the sette. Tumalungko pa siya at inabot ang paa ko para tanggalin 'yung suot kong nangungupas na sneakers.
"Fate.." this time my bigat na 'yung boses ko. "What the heck are you doing?"
Tumingin siya sa akin, her fierce eyes are calm but her voice.. ah. Iritado.
"I mad right now, Ayko," tipid na sagot niya, habang kinakalas 'yung sintas ng sapatos ko. "Why do you keep wearing this?"
Dumating 'yung mga shoes at isang pair ng blue espadrilles ang kinuha niya at walang sabi sabing isinuot niya sa mga paa ko 'yon.
Binalingan niya 'yung sales attendant. "We will take them all.."
Forda shock ang ante ninyo! Grabe parang limang pares ng shoes 'yon ah!
"Okay po, Sa counter na lang po tayo."
Napatingin ako sa suot ng paa ko. Balik kay Fate na nasa counter na at inilabas na naman niya 'yung black card niya.
Hang pa rin ako habang karay niya ako palabas ng Gucci, kabuntot namin 'yung isang attendant nila na bitbit 'yung mga pinamili ni Fate - hindi nakaangal si ako e.
Then pumasok kami sa Chanel. At ganoon rin ang nangyari. She pick some few clothes for me to fit. Pero nung lumabas ako galing sa fitting room.
Naka paper bags na lahat ng "pinili" niyang damit.
Now, I'm wearing a hoodie, she knows I'm fond of it, a white tee with minimalist print and then a ripped jeans na hindi ko kayang tignan ang price. Baka mahimatay ako.
"Okay na, ako na ang bahala," sabi ko sa mga sales attendant na hindi magkandaugauga sa mga damit.
"Miss, nagde-date ba kayo ni Miss Fate?"
Tumingin sila sa gawi ni Fate na poker face naman ngayon.
"No.. no.." deny ko agad. "Medyo kailangan ko lang talaga magpalit ng damit, we happen to pass by here."
Tinulungan nila akong mamili ng ilang dresses at hindi na nila niyaya si Fate. Kasi naman, 'yung aura ng dragon.
The design is very untouchable.
Nung makalabas na kami ng mall, hanggang sa parking area. Hinintay ko munang makaalis 'yung mga attendant na tumulong sa pagbitbit ng mga "pinamili" ni Fate.
Saka ko siya, niligalig.
"What was that?" sita ko. "Kung hindi pa kita niyayang kumain, papasok din tayo sa Fendi at Louis Vuitton?"
Sumandal siya sa hood ng kotse niya. Humalukipkip. Yes, puwede kaming magbaragulan ni Fate na hindi siya nagtatalk.
"Fate!" pumadyak padyak pa ako. "What's wrong with you?"
"You, what's with you and that nincompoop?" aniya, in her cold chilling tone.
Straight to ya dome like whoa-whoa-whoa ako dun ah.
Natameme ako. Pero hindi puwede 'to. Hindi puwedeng magpayanig sa kanya.
"You don't have to buy me clothes!" I hissed. "I can wear what I want!"
"Wear what you want?" ulit niya. "Na, ah darling. Not in my sight, maraming puwedeng makakita sayo na kasama mo 'ko. Every person here in this mall ay alam na galante ako.
"Geez, naman.." hindi ko siya maintindihan. She even saw me several times wearing that kind of clothes. Tapos ngayon lang umangal?
"Why do you have to make yourself too pretty, eh student mo lang naman 'yung kasama mo?" hindi naman siya galit pero kasi ramdam ko 'yung pent up na inis niya.
Again, Fate. Hit me with dduddudduddu. Ah, kainis na mga chapters na utak ko!
Tinanggal niya 'yung eyeglasses niya. Pinagbukas niya ko ng kotse niya. Gaaad, forda init ng ulo niya.
"Get inside. I'll take you home."