bc

Teasing MISS FREDA DEVLIN

book_age18+
777
FOLLOW
3.2K
READ
second chance
scandal
self-improved
humorous
bold
office/work place
betrayal
enimies to lovers
affair
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Freda Delavin isang successful na business woman. Isang babaeng malakas ang personality at may paniniwalang hindi niya kailangan ng lalaki para makuha ang gusto n'ya o maging masaya. Pero nang makilala n'ya ang isang Greg Protacio ay dahan-dahan nagbabago ang pananaw n'ya sa buhay. Ang lalaking pinagbigyan n'ya ng sarili dahil sa sobrang kalasingan at s'ya din palang magiging bodyguard n'ya. Ang lalaking bawat araw ay kinamumuhian n'ya dahil sa pagiging antpipatiko nito ngunit isang parte sa kanya ang hindi rin ito matanggihan na mas lalo n'yang kinaiinisan.

chap-preview
Free preview
AFTER PARTY
THE AFTER-PARTY NAHIHILO, NASUSUKA, at masakit ang katawan. Iyon ang nararamdaman ko nang magising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. At nang iikot ko ang mga mata ko sa silid ay isang lalaking hubad-baro ang bumungad sa akin. Isang kumot ang nakapatong sa akin na pinaghahatian naming dalawa. Meron na akong ideya sa kung ano ang makikita ko sa ilalim ng kumot pero nang iangat ko ito ay tahimik pa rin akong nagdasal na sana ay hindi totoo ang lahat ng ito. But it’s not! I am naked underneath this white sheet covering our body same as the man beside me and his manhood is proudly waving at me. Mabilis kong naitakip sa bibig ko ang dalawang kamay ko sa gulat nang bigla itong gumalaw. Ako ko ahas ang nasa gitna ng hita n’ya iba pala. Wala sa sariling nasampal ko ang pisngi ko dahil baka nananaginip lang ako, pero hindi talaga ako niloloko ng mata ko. Am I dreaming? I don’t know if this is heaven or a bed of sins. Mabilis kong binitawan ang comforter na mahigpit kong hawak bago dahan-dahang tumayo palayo sa lalaking katabi ko na mahimbing na natutulog. Hinanap nang mata ko ang damit na suot ko kagabi habang iniikot ang mata sa buong silid pero hindi ko ito mahanap kaya halos halungkatin ko pa ang buong paligid. Nahanap ko ang dress na suot ko kagabi sa ilalim ng love seat. Nagulat pa ako ng makita ang itsura nitong may punit bago ako napantingin sa lalaking mahimbing pa rin na natutulog sa likod ko. Nakakaloka! Gaano ba kawild ang lalaking ito kagabi para halos sirain ang damit ko? Baka masyado ka talagang masarap, Freda kaya hindi n’ya mapigilan ang sarili n’ya. Bwesit s’ya! Ngayon ay hindi ko naman mahanap ang panty ko, pero kailangan ko nang umalis dahil baka magising ang lalaking ito. Ayokong mag-abot kami at pag-usapan ang nangyari sa amin dahil wala sa isip ko ang ganong bagay. Ilang minuto na akong naghanap pero hindi ko talaga mahanap ang panty ko kaya wala akong choice kung hindi ang mabilis nang damputin ang pouch ko at dali-daling lumabas ng suite. Mabuti na lang at nagawan ko ng paraan ang dress kong napunit kaya hindi ako nagkaproblema pagbaba ko. It’s my 30th birthday today. My friends organized a party for me and we have a blast ‘cuz I can’t remember any single thing that happen to me and to that guy last night. And now my head is splitting in two, wondering what else I have done last night. “God, Freda! Where the hell are you?” Napangiwi ako sa boses ni Cheska. Mukhang maaga pa lang ay maririnig ko na itong magsermon dahil hindi n’ya ako mahanap. “I am still alive, Francisco! Stop whining na para akong nakipagtanan na.” Sa lakas ng tawa ko pati ang driver ng taxi ay napapabaling na sa akin. Naiimagine ko na kasi ang itsura ni Cheska habang minumura ako sa inis dahil sa pagtawag ko sa tunay n’yang pangalan. Ayaw na ayaw n’ya pa naman marinig iyon dahil sa nagmumukhang tomboy daw s’ya. As if naman lalaki kaya s’ya! “Nasa bahay na ako mamaya na tayo mag-usap,” imporma ko kay Cheska bago mabilis na binaba ang phone ko at bumaba ng taxi matapos magbayad. Alas otso na ng umaga kaya siguradong gising na ang mga tao sa bahay namin. At hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko pa lang ng gate ay bumukas din ang pinto ng bahay at lumabas mula doon si Mommy na seryosong nakatingin sa akin. Napanguso na lang akong naglakad palapit sa kanya at mabilis s’yang niyakap matapos batiin. “Mom, it’s my birthday.” “Tigilan mo ako, Freda Noelle! Inumaga ka na naman.” Napangiwi na lang ako sa sermon ni Mommy. Nang dumaan si Kuya sa likod n’ya at dilaan ako ay agad lang din akong napasimangot. “Ma si Kuya oh!” sigaw ko ng mas lalo n’ya pa akong asarin. “Tumigil na kayo ang tatanda n’yo na!” saway na naman sa amin ni Mommy. “Kababaeng tao lagi na lang inaabutan ng umaga sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan n’ya. Mahiya ka naman lagi na lang nagtatanong ang mga tao sa munisipyo sa akin.” “Tsk! Inggit lang ang mga ‘yon wala silang kasing ganda at successful ng kapatid mo,” ingos ko sabay hawi ng buhok ko nang lagpasan ko si Kuya. “Inggit? On you? You don’t even have a boyfriend. I bet you you are still single—” Pareho kaming natigil ni Kuya nang marinig namin ang malakas na paghampas ni Mommy sa kaserola na s’yang umalingawngaw sa buong kusina. Sabay kaming naglayo ni Kuya sa isa’t isa dahil baka tumama na sa amin ang kaserolangh hawak ni Mommy. Tahimik kaming naupo sa mesa at naglagay ng mga pagkain sa mga plato namin pati sila Nana Piling ay tahimik na nangingiti dahil sa pagtahimik namin. At sigurado anumang oras ay mag-uumpisa na din si Mommy sa paninermon n’ya sa amin. “Ang tatanda n’yo na pero nag-aaway pa din kayo sa maliliit na bagay lang. Ikaw Frederick Mayor ka pero daig mo pa ang isang teenager kung asarin ang kapatid mo. Ikaw naman Freda hindi ka nahihiya makita ka ng mga empleyado mo na ganyan ang asal at laging laman ng mga bar?” At nag-umpisa na nga kami po ng sermon ang mayora ng pamamahay na ito. Dalawa lang kami ni Kuya na anak n’ya kaya walang ibang saaslo ng sermon para sa aming dalawa. At kahit sa edad naming ito ay lagi pa rin kaming may sermon sa kanya. Tumawag lang ako sa opisina at binilin ang mga ipinapagawa ko. Lalabas kami nila Mommy ngayon para sa birthday ko dahil ang gusto ni Mommy ay magpaparty pa pero hindi na ako pumayag dahil hindi naman na ako bata para gawin ‘yon. Saka walang katapusang pagiisteman lang ang gagawin namin ni Kuya sa mga bisita namin kaya wag na lang. “Mayor, naayos na po namin ang schedule n’yo.” “Kuya, magface mask ka kaya? Baka mamaya ang lunch natin maging meeting na naman ng mga taong gustong sumisip sa’yo.” “Don’t worry I have already booked the restaurant only for us.” Tumango na lang ako bago ako sumakay sa kotse kung naghihintay si Mommy. Habang nasa byahe ay bigla kong naalala ang lalaking kasama ko kanina hindi naman siguro kami magtatagpo ulit ‘di ba? Kagabi ang unang beses kong ibigay ang sarili ko at sa lalaking hindi ko pa kilala. Bukod pa doon ay wala akong maalala kahit isa sa nangyari sa aming dalawa. Kung alam ko lang na maglalandi ako ng sagad kagabi sana pala hindi ako nagpakalasing ng husto. Kanina pa walang tigil ang phone ko sa pagtunog dahil sa mga pagbati sa akin at ang pangungumusta ng mga kaibigan ko sa nangyari sa akin kagabi. Kapag nalaman ni Kuya ang mga kagagahan ko kagabi ay siguradong sermon na naman ako at hindi lang kay Kuya na minsan ay parang hindi mayor sa lugar na ito. “Happy birthday, Miss Devlin!” Iyon ang sabay-sabay na bati ng mga tao sa restaurant pagpasok namin. Ayoko ng bonggang selebrasyon dahil sa edad kong huling petsa na sa kalendaryo pero itong restaurant na ito ay talagang nag-abala pang maag-ayos para sa kaarawan ko. Ano kayang gagawin nila dito pagkatapos? May palitrato pa! “Kuya, ikaw nagpa-ayos nito?” “Ang tanda mo para paayusan kita ng ganyan.” “Tsk! Mas matanda ka sa akin.” Sasagot pa sana si Kuya pero nang tumikhim si Mommy ay pareho na kaming natahimik. Tahimik na lang kaming naupo sa mesa na inilaan sa amin. Wala namang tao sa buong restaurant bukod sa amin kaya pati ang mga bodyguard namin ay pinaupo na rin namin at pinasabay sa amin. Tahimik ang naging lunch namin pero ang phone ko ay hindi kaya napilitan na lang akong patayin ito. Patapos na ang pagkain namin ng muling bumukas ang pinto at ilang lalaki ang pumasok at huminto sa tapat ng mesa namin kaya mabilis akong napalingon kay Kuya. “I thought you don't have a meeting or visitor?” “I am the one who called them,” Mom said. Pareho kaming natigilan sa sinabi ni Mommy dahil sa dami ng bodyguard ni Kuya ay hindi ko akalain na magpapatawag pa ulit s’ya ng panibago. Kahit si Kuya ay walang alam sa plano Mommy na magdagdag ng bodyguard dahil masyado na rin s’yang abala. “Oh here he comes.” Lahat kami ay sabay-sabay na nilingon ang lalaking humahangos pa sa mula sa pagtakbo nang huminto sa harap namin. “Freda, I want you to meet, Greg. He is your new bodyguard.” “Yow!” Napangiwi ako sa itsura nito na akala mo ay hindi papasok ng trabaho sa suot nitong maong pants, leather jacket at combat shoes. Seriously ganito kajologs ang magiging bodyguard ko? And here comes the happy birthday from my mother. She always does something she thinks is good for me and my brother but still surprises us. There was nothing I could do when Mommy decided but to follow through because the next thing I would hear from her was how hard it was for her to take care of and raise us, which would be non-stop. “Seriously, Mom?” Nilingon ko ang lalaking pinakilala ni Mommy at halos matigilan ako ng matitigan ang mukha n’ya. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa araw ng birthday ko. Daig ko pa ang binuhusan ng tubig dahil sa nakikita ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. The man my mom called Greg is the man I sleep with and the one who took my virginity. Happy 30th birthday, Freda!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook