CHAPTER 14 FREDA’S POV Maaga pa lang ay gising na kami at nakaset-up na ang lahat para sa pagbalik namin ng manila. Ang mga model ko ay nasa isang mini bus na at naghihintay na lang din na umalis pero ang bodyguard ko ay hindi ko pa rin mahagilaap simula kanina. Ayokong tanungin si Cheska dahil baka asarin niya na naman ako kapag hinanap ko si Greg. Late na ako nakabalik sa suite ko kagabi dahil kay Tomas na ang kulit-kulit at halos ayaw akong paalisin. Ngayon pareho silang hindi ko mahagilap ang sabi ng isang staff ko ay maagang umalis si Tomas at hindi na ako nahintay na magising. Aat bodyguard ko ay hindi na yata nahugot ang alaga niya sa loob ng ibang babae kaya hindi pa rin nakakabalik hanggang ngayon. “Looking for Greggy?” “Are you talking to me?” turo ko sa sarili ko nang

