CHAPTER 42 FREDA'S POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng bintana ko. Bago ako matulog ay lagi ko itong sinasara ngunit sa tuwing magigising ako ay nakabukas na ito at meron ng pagkain na naghihintay sa akin. Ilang araw na mula ng huli kaming magkita at hindi na iyon nasundan dahil hindi na ako muling lumabas ng silid na ito. Ayaw ko siyang makita o makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya dahil hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. The way he answer me the last time we talk still upset me. He talks as if I am nothing, our baby is nothing to him. He talks like I am a w***e who like fvcking me, I don’t know. Nilingon ko ang pinto nang bumukas ito at sumungaw doon si Sabel. “Miss kukunin ko na po ang tray. Gusto niyo po bang maglakad-lakad?” tanong n

