CHAPTER 5 - TEASING NIGHT
GREG’S POV
MULA SA MADILIM NA sulok ng Oasis ay pinagmamasdan ko ang isang babae na halos lunurin ang sarili niya sa alak. Kahit anong pigil ng mga kasama niya ay hindi man lang ito natitinag. Kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong unang beses niyang makainom ng alak dahil sa bilis ng salin nito sa baso niya at kung uminom ito ay parang tubig na lang ang alak sa kanya.
“Hey! Di ba boss mo yan?”
“Pumunta ka dito para uminom hindi makiusisa sa buhay ko,” ingos ko kay Torrin na naupo sa tabi ko.
“Oh, sorry! I forgot she’s untouchable.”
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naitaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko sa akin. Minsan nakakalimutan ko na pakialamero at tsismoso ang mga kaibigan ko kaya mas gusto kong sinasarili ang mga bagay-bagay, pero sa huli ay nalalaman din nila lalo na kapag may problema ako.
“She’s not untouchable. She’s just broken.”
At ito pa ang isang walang magawa na bigla na nalang sumusulpot dito. “Malik, isa lang siya sa mga taong kailangan ko para magawa ang paghihiganti na kailangan ko,” sagot ko sa kanilang dalawa para manahimik.
Muli kong binalik ang tingin ko kay Freda Devlin na ngayon ay nasa gitna na ng stage at halos pumulupot sa pole kasama ang isang modelo niya kaibigan. Kumaway ako sa isang bouncer at pinabantayan sila dahil sa itsura ng mga babaeng ito ay siguradong maya-maya lang pinuputakte na sila ng mga lalaki.
“Where are you going?”
“I’ll just check the upstairs,” sagot ko kay Torrin bago tuluyang umalis.
“Greggy…”
Kaya akong nagagawi ng Oasis dahil sa mga babeng ito. Ayokong mapaiksi ang buhay ko kaya hanggat maaari ay iniiwasan ko sila pero talagang malas ako dahil lagi nila akong nahahanap. At ngayon ay mukhang hindi na ako makakatakas sa kanila.
“Tigilan niyo ako marami akong kailangang gawin.”
“Tutulungan ka namin. Alam mo naman na kahit saan pwede kami,” ngisi ng babaeng nasa gitna.
Lagi ko silang nakikita dito sa bar dahil lagi rin nila akong hinahanap pero iniiwasan ko lang sila kasi kahit isa sa kanila ay wala akong matandaan. Hindi ko din alam kung bakit mahina ako sa pangalan na kahit buong gabi ko silang kasama at kausap ay hindi ko sila matandaan. Pero ang sabi nila Malik at Torrin ay wala lang daw akong pakialam sa mga babaeng nakakasama at naikakama ko.
“Iba ang tulong na kailangan ng katawan ko ngayon at hindi kayo ‘yon,” sagot ko bago sila lagpasan.
Hindi ko na sila nilingon ng tawagin nila ako dahil pumasok na ako sa isang private room at napapailing na lang ako ng makita doon ang babaeng mag-isang nag-iinom. Nang tingalain niya ako ay agad itong ngumiti mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin dahil ilang bote na ng alak ang nakatumba sa ibabaw ng mesa. Naupo lang ako sa tabi niya at kinuha ang boteng hawak niya na muntik niya pang mabitawan sa kalasingan.
“What took you so long?”
“May inasikaso pa ako. Kumain ka na ba?” tanong ko ng ayusin ang buhok niyang halos kainin niya na.
“I’m not hungry.”
Pagkasabi noon ay kinuha niya lang ang baso na sinalinan ko ng alak at mabilis na tinungga at sumandal sa balikat ko. Hinayaan ko lang siyang manatili sa tabi ko at tahimik lang akong nanood ng mga nangyayari sa ibaba ng Oasis. Hindi ko alam kung ilang oras na naman kaming mananatili sa ganitong pwesto hanggang sa magising siya. Hindi naman na ako naninibago dahil hindi ito ang unang beses pero ngayon ang isip at mata ko ay nakatutok sa babaeng nasa gitna ng stage at napapaligiran ng ilang lalaking hindi pamilyar sa akin.
“You want me to bring you home?” tanong ko habang inuubos ang alak na naiwan niya,. “O ipapasundo kita?”
“I have a driver outside. No need to be bothered by my presence, Greg. This is not the first time,” she commented as she fix herself.
Napapailing na lang akong pinagmasdan siya habang inaayos ang sarili dahil hindi siya pwedeng umuwi na lasing na lasing. Nang makunteto sa pag-aayos na ginawa pang salamin ang tv na nasa harap niya ay tumayo na siya at inayos ang suot na hoodie bago nagpaalam sa akin. Nagpatawag na lang ako ng maglilinis ng kwartong iniwan niya dahil pagdating ng hating-gabi ay dadami pa ang mga tao.
“Thank you for tonight. See you around,” she whispered as she kiss my cheek and bid her goodbye.
Hinatid ko na lang siya ng tingin at inantay na salubungin ng assistant niya bago umikot sa ibang kwarto at bumaba na din. Pagbaba ko ay wala na sa gitna ng stage si Freda at ang kaibigan niya ilang beses ko pang inikot ang tingin ko sa loob ng Oasis mukhang umalis na ang mga ito kaya hindi na ako ang-abalang hanapin pa sila. Marami pa akong kailangang gawin dahil may pasok pa ako bukas kaya hindi ako pwedeng magtagal dito.
“Aalis na ba kayo? Tulungan niyo muna akong ilabas ‘to.”
“Tsk! Dinamay mo pa kami sa trabahong ito,” dinig kong reklamo ni Torrin pero nagbubuhat pa din naman ng mga kahon na pinapalabas ko. “Kapag sumahod ka pakainin mo kami ah!”
Minsan napapaisip na lang ako kung nagpapanggapo lang na mayaman ang dalawang ito dahil kapag magkakasama kami ay daig pa ang mga tirador sa kanto namin. Walang usapan na hindi napupunta sa pera at mga kalokohan nila na syempre ay damay ako. Pagod akong naupo sa plant box na malapit sa parking area at nagsindi ng panibagong sitck ng sigarilyo. Kaya ayokong pumasok ng weekend dahil mapapagod lang ako at hindi pa makakainom kaya mas lalo akong napapagod.
Paalis na ako ng marinig ko ang ingay na nagmumula ako sa parking area at nang makalapit ako ay nagulat ako nang makita ko si Freda. Napapaligiran siya ng ilang lalaki na mukhang pilit siyang kinukulit.
“Hey, aren’t you going to help me?” sigaw niya dahilan para matigil ako sa paghakbang paalis. “He’s with me so leave me alone!” sigaw ni Freda sa mga lalaking nakapaligid sa kanya.
Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita kung gaano kadesperada ang babaeng halos masuka kapag malapit ako. “Excuse me, Miss hindi kita kilala,” tanggi ko bago siya tinalikuran.
“You brute! How dare you ignore me? I will fvcking kill you—get off me you dirty asshole!”
Napangiwi ako habang nakikinig sa kung gaano ka barubal ang bunganga niya kahit puro ingles ang sinasabi niya. Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan bago maya-maya ay narinig ang mga ungol mula sa mga lalaking binalibag niya. Sa itsura niya ngayon na halos hindi na makatayo ng diretso ay nagamit niya pa talaga ang pinag-aralan niya. Hindi na rin talaga ako nagtataka kung bakit hinahayaan lang siya ni Mayor na magpagala-gala.
Tinawagan ko ang mga bouncer sa loob at pinakuha ang mga lalaking hindi na makabangon sa lakas ng balibag ni Freda. “Hoy! Saan ka pupunta? You fvcking asshole! How dare you let me save myself?” sigaw niya ng muli akong tatalikod.
“Tapos na ang oras ng trabaho ko kaya hindi ko na responsibilidad kung anong gusto mong gawin sa buhay mo. Umuwi ka na dahil nakakaabala ka sa trabaho ko.”
Akala ko ay aalis na siya pero napangiwi na lang ako nang may kung anong tumama sa ulo ko. At nang lumingon ako ay nakita ko na lang sa semento ang sapatos niya at naghuhubad na ito habang may kung ano-anong binubulong.
Woah! Free strip shows ah.
“Isang araw hindi na talaga ako magtataka kung mawalan ng career ang kapatid mo dahil sa ‘yo,” bulong ko habang pinupulot ang sapatos niya at jacket.
“I really hate you!”
“Oo alam ko. Tumigil ka na kakadaldal dumudugo na ang tenga ko.”
Pagkatapos kong pulutin ang mga gamit niya ay binuksan ko na ang kotse niya at hinagis doon ang mga hinubad niya. Ilang beses ko siyang pinapasok pero nagpaikot-ikot lang ito sa parking area na akala mo baliw. Pasalamat talaga siya at amo siya kung hindi ay kanina ko pa siya iniwan dito para lapain ng mga tigreng kanina pa nakabantay sa kanya.
“Tumigil ka nga kakagalaw. Ako ang papapak sayo kapag di ka pa tumigil,” pigil ko kay Freda ng buhatin ko siya at isampa sa balikat ko. “Kapag lasing ka mas mabigat ka talaga. Ang takaw mo kasi sa alak. Tsk!”
Tumawag lang ako kay Mamay na huwag na akong hintayin dahil ihahatid ko pa ang lasinggera kong amo. Nilingon ko ang katabi ko ng umungol ito at isampay sa hita ko ang mga paa niya. Kung hindi ko alam na kapatid siya ni Mayor at isang CEO gaya nung gabing una kaming magkita ay iisipin ko rin talagang isa din siya sa mga babaeng madaling maikama.
Kita mo itong babaeng ito kanina lang kung magsalita ay parang sebilisadong tao pero ngayon halos kita na ang kaluluwa kung makabukaka sa harap ko. Iwan ko kaya ito dito sa parking area para naman makabawi ako sa pagiging matapobre nito.
“Tang’na!”
Napamura na lang ako ng bigla itong bumangon at tuluyang hinubad ang suot niyang sando. Parang nagfiesta ang mata ko ng bumalandra sa harap ko ang dalawang naglalakihan niyang dibdib na tinapalan lang ng maliliit na tape ang u***g. Akala ko mata ko lang ang magbubunyi sa nakikita ko hindi ko akalain na pati buong katawan ko ay mabubuhayan ng dugo nang kunin ni Freda ang kamay ko at ilagay sa dalawang dibdib niya.
“Oh… Massage it,” utos niya bago pinisil ang kamay ko at nangibabaw ang ungol niya sa loob ng sasakyan. “Oh, good heaven! I want more,” daing ni Freda habang ginagalaw niya ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib niya.
Lalaki lang ako at marupok at hindi kayang tumanggi sa grasyang nasa harap ko lalo na kung ito mismo ang naghahain ng sarili niya sa akin.
At sa muling pagdaing niya ay nawala na ang kakapirangot na pasensya ko at sinubsob na ang mukha ko sa dibdib niyang malayang nakahantad sa akin. Tinanggal ko ang dalawang tape sa u***g niya at nag-umpisa itong sipsipin kaya mas lalong dumaing si Freda na parang may masakit sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura sa bawat daing niya ay parang musika sa tenga ko kaya mas lalong nabubuhay ang dugo sa bawat parte ng katawan ko. Hindi ko dapat ito ginagawa dahil amo ko siya at siguradong kakatayin ako ni Mamay pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalo na at ganito kaganda ang nasa harap ko ay ang hirap tanggihan at mag-isip ng tama gaya lang nung gabing una ko siyang inangkin.
“Tang’na! Hindi ko sinamantala ang kalasingan mo ah sadyang mapilit ka lang,” bulong ko bago angkinin ang mga labi niya.
Kinabig ko ang ulo niya at muling inangkin ang mga labi na siyang kumulong sa bawat ungol na pinapakawalan niya. Napaungot ako ng maramdaman ko ang pagkuskos ng balat niya na parang isang manipis na tela sa lambot. Lumiyad si Freda kasabay ng pag-ungol nang ipasok ko ang daliri ko sa loob ng panty niya na ngayon ay basang-basa na.
Gaano kaya karaming lotion ang gamit nito? Baka gaya dun sa pinapanood ko sa tv ay pinapaligo niya rin ang gatas kaya ganito kakinis at kalambot ang balat niya.
“Oh, damn it! Why is your thing so hard?”
Pota! Lasing ba talaga ang babaeng ito?
Tinanong niya pa talaga pumitik tuloy at mas lalong nanigas si manoy ko. Muli akong napamura ng maramdaman ko ang kamay niya sa gitna ng hita ko at parang bata na pumipisil doon. Nangibabaw ang maingay na mga daing ni Freda sa loob ng kotse nang ipasok ko ang mga daliri ko sa loob ng panty niya na ngayon ay basang-basa na.
Mukhang hindi magiging maalat ang gabi ko dahil sa babaeng nasa ibabaw ko. Ang babaeng akala ko ay hindi ko na makakatagpo matapos ang gabing ‘yon pero mukhang swerte talaga ako dahil ako ang unang kumama sa amo ko. Huwag lang talagang malalaman ni Mayor dahil baka double dead ang kalabasan ko.