CHAPTER 35 FREDA’S POV Sa dami ng nangyayari sa buhay ko lately ay hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Hindi ko alam kung matatakot ako para sa sarili ko o iiyakan ko na lang ang lahat dahil wala naman akong magagawa doon. Hindi ko na din kasi alam kung anong uunahin ko sa sabay-sabay nilang pagdating na para bang akala yata nila ay natutuwa ako. Hindi lang ako nagrereklamo pero pagod na pagod na din akong maging matapang minsan. Actually, it’s kind of tiring to be with people you don’t know. It’s exhausting to prove to everyone that you are right and deserve the best. Matapos akong mawalan ng malay ay nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin at may nakakabit na detrose. Akala ko panaginip lang ang lahat ng nangyari, but when I saw Tomas sitting beside my bed, my sho

