CHAPTER 16 - SENATOR'S BIRTHDAY FREDA’S POV Mas lalong nagdikit ang kilay ko nang paglabas ko ng kotse ay mainit na sikat ng araw at maingay na paligid ang bumungad sa akin. Ayoko sa ganitong paligid lalo na ang mga kasama ko pero wala akong magawa dahil kakatayin ako ng buhay ng nanay ko na simula pa kanina ay masama na ang tingin sa akin. Birthday ni Senator Oliveros at invited ang buong pamilya namin kahit ayaw kong sumama. At syempre kasama ang pamilya na sabi ni Kuya ay dapat magiging pamilya ko. Wala naman problema kay Senator dahil hindi niya naman kasalanan kung bakit nagloko ang anak niyang malandi. "Ayusin mo 'yang itsura mo, Freda ah! Paplantsahin ko yang mukha mo." "Bakit kasi kailangang kasama pa ako? Hindi ba pwedeng kayo na lang?" Kanina pa ako sa bahay nagrerek

