CHAPTER 45 Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Saglit kong pinagmasdan ang kurtinang nililipad pa ng hangin habang umiihip ito. Hindi ko maiwasang maalala ang unang araw ko nang magising ako sa lugar na ito. Bumangon ako at sumandal bago bahagyang sinilip ang sarili ko na walang ibang saplot bukod sa malaking t-shirt ni Gregory. Hindi ko maalala kung ilang beses na may nangyari sa aming dalawa dahil halos mawala na din ako sa katinuan ko sa mga ginagawa niya. Kahit ilang beses yatang sabihin ng utak ko na hindi pwede ay wala itong nagagawa dahil sarili kong katawan na ang trumatraydor sa akin. Hay naku, Freda ang dami mong rason. Sadyang marupok ka lang at hindi mo matiis si Gregory. Inaamin ko naman na marupok ako pagdating sa kanya, kaya nga din siguro ako na

