Chapter 08

1231 Words
MARKUS' POV PINILIG-PILIG ko ang aking leeg. "Ah," utos sa akin ni Jean na pinabubuka ang aking bibig upang maisalpak niya sa bunganga ko ang kutsara. Ngunit bigla akong umismid. "Hmmp!" "Isa!" Pinandilatan niya ako ng mata. Para siyang nanay na naninigaw ng anak. Ako naman, gusto kong panindigan ang pagiging bata. "Ayoko!" maikli kong sabi sabay pinid agad ng bibig. Baka maipasok niya ulit sa akin 'yon tulad no'ng nakaraan. Pasalamat siya hindi ko siya kaya pang labanan. "Sinabing kumain ka. Bakit ba ang kulit mo? Mongoloid ka talaga, ano?" Ako naman ang nanlaki ang mga mata. Nagpanting din ang aking tainga. "Ano'ng Mongoloid? Kanina ka pa, ha?" "Mongoloid ka naman talaga. Mas masahol pa dahil diyan sa ugali mo. Napakasinungaling mo pa!" "Aba't ---" Hindi rin naman pinaniwalaan nina Manang Citas ang sinabi kong dahilan ng pagkakasalampak ko sa sahig kanina. Isa pa ang mga 'yon, eh. Makakatikim din sa akin ang mga 'yon once na makabalik ako sa aking 'tunay na anyo'. "No wonder kaya ka iniwan ng ex mo. Malamang dahil diyan sa ka-Mongoloid-an mo!" sigaw pa niya . Lalo akong nagngitngit. "Huwag mong madamay-damay ang ex ko sa usapan nating ito, Moron!" balik sigaw ko. Napakabait ko kaya kay Cindy. Cinderella Astrid Meneces in her real name. She was a spoiled girlfriend to me. Lahat ng gusto niya ay pinagbibigyan ko. Kapag may topak siya ay sinasakyan ko. Nito lang naman ako naging harsh sa kaniya at naging mapaghanap nang i-reject niya ang proposal ko. Now she's gone with that man. I wonder what they're doing now. Malamang kasal na ang mga ito at naghaha-honeymoon. No, matagal na. Because she said she was pregnant. Damn! "At least ako nagkaroon ng magandang girlfriend eh ikaw? I bet hindi ka pa nagkaka-jowa o kung meron man, baka 'yong magbobote o magwawalis o magbabasura sa kalye. Mukha naman kasing pambasura 'yang pagmumukha mo." Napikon yata nang sobra sa idinagdag ko pa sa mga pasaring ko. Umuusok ang ilong na idinuro niya ako. "Sobra ka namang makapagsalita. Ang yabang mo. Guwapo ka lang pero wala namang laman 'yang utak mo. Guwapo ka nga pero iniwan ka pa rin naman ng jowa mo!" Ngunit ako yata ang mas mapipikon. "Kanina ka pa, ha? Namumuro ka na talaga sa 'kin. Sinabing huwag mong idamay si Cindy rito!" "Eh 'di huwag mo ring lait-laitin ang hitsura ko. Lasunin na lang kaya kita nang matuluyan ka na." "Sige subukan mo! Sisiguraduhin kong buong lahi mo magdudusa sa impyerno." "Whew! At paano mo naman magagawa 'yon? Not unless kampon ka nga ni Satanas. A devil in disguise. Ganoon ka siguro, ano?" Natahimik ako. Kailan kaya mauubusan ng isasagot ang buwisit na 'to? "Basta't tandaan mo 'to, oras na gumaling talaga ako, may kalalagyan ka sa akin. Hindi ko palalagpasin kahit isang hibla ng pilikmata mo." "Weh? Hindi nga? Natakot naman ako. Sobrang nakakatakot. Huhu." At nagtago pa siya kunwari. Talagang ginagalit niya at binubuhay niya lahat ng dugong nananalaytay sa mga ugat ko. Nagtimpi na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Baka hindi na talaga ako makapagpigil sa susunod. Mapuwersa ko pa itong sarili ko ay mabigwasan ang nakakapang-init ng dugo niyang mukha. Hah! Markus, kailangan mo nang gumaling sa lalong madaling panahon. Huwag kang 'paaapi' ng ganito. Malayo 'yan sa personalidad mo. "Bilis na. Kakain na ako, iinom na ako ng gamot," instead ay sabi ko mayamaya. Kusa kong ibinuka ang aking bibig para masubuan na niya ako. Namamangha naman siyang napatitig muna sa akin. "Oh, what's the sudden change of mind? May dumaang anghel?" May nakakabuwisit na ngisi pang lumitaw sa kaniyang mga labi. "Ang sabi ko, pakainin mo na ako, Moron! Dami mo satsat!" Sa halip ay sigaw kong muli. Oras na gumaling ako, ililibing talaga kita nang buhay. . . . . . JEAN'S POV NAIILING na lang ako habang palihim na pinagmamasdan si Markus. Nandito kami ngayon sa may library at abala siya sa binabasa. Nasa baba ang library na 'yon at isa sa hindi ko mapaniwalaang mayroon dito sa mansyon nila ay elevator. Yeah, may elavator sa may dulong pasilyo ng taas at doon niya ako inutusang dalhin siya kanina para nga makapunta kami rito sa baba. Malawak ang library nila. I had never been to Kuya Liam's family mansion but I bet ay mayroon din doong ganito kalawak na library. Kompleto halos lahat ng books. Hindi ako mahilig magbasa pero dahil sa aking nakikita ay parang nae-engganyo ako. "Next page," utos niya. Nagbabasa siya ng libro. It was an English novel. Hindi ko na pinagkaabalahang mabasa ang title dahil ambilis niyang pinabuklat sa akin ito kanina. Nasa harap niya ako, nakapatong sa table ang libro at ako ay nakaupo sa kabilang side ng table. Ako ang ginagawa niyang tagalipat ng pahina. Kanina pa kami roon at sa totoo lang ay antok na antok na ako. Kanina pa ako pahikab-hikab. Hay. Nagbabasa ba talaga ang lalaking 'to o nanti-trip lang? Kanina ko pa nilalabanan ang pabigat na pabigat na talukap na aking mga mata. "Next page na!!" Nagulantang ako dahil sa sigaw niyang 'yon pagkuwan. "Kakalipat ko lang, ah?" angil ko. "Eh, tapos na eh. Sabing next page na nga! Bilis!" Naiiling na inilipat ko na nga lang. . . . . . "ARAY!!!" Napasapo ako sa aking noo na tumama sa mesa. Nakaidlip pala ako. Bumagsak ang ulo ko roon at heto ngayon at kaysakit-sakit. Agad akong napatingin sa librong nakabuklat pa rin sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing tila may kulang. T-Teka.. nasaan ang nagbabasa rito kanina? Napabalikwas ako ng tayo. Matagal ba akong nakaidlip? Bakit hindi ko namalayan ang paglisan niya? Agad kong ginalugad ang paligid ng library upang hanapin si Markus ngunit wala ito sa lahat ng shelves. Tarantang lumabas ako ng silid na 'yon. Naghanap pa ako sa buong paligid. Hanggang sa may nakita akong isang katulong. "Manang Romana, n-nakita n'yo po ba si Markus?" namumutla nang tanong ko rito pagkalapit ko. Umiling-iling ito. "Hindi, iha. Akala ko ba ay nasa kuwarto lang kayo?" balik tanong nito. Umiling ako. "Hindi po. Nasa library po kami kanina at nagbabasa siya pero... n-nakaidlip po ako. P-Paggising ko po ay wala na siya roon. 'Di ko alam kung saan na siya nagpunta." "Naku! Saan na kaya nagpunta iyon? Napakapilyo pa naman ng batang iyon." Sinabihan na namin lahat ng katulong na naroon sa mansyon. Nagtulong-tulong kami para hanapin ang Mongoloid na 'yon. Sa laki ng mansyon ay napakahirap nitong hagilapin. Napakaraming pasikot-sikot at kahit lima na kaming naghahanap kasama ang driver ay hindi namin siya nakita agad. "Hay! Mongoloid ka talaga. Saan ka ba nagpunta?" Hinihingal na kausap ko sa sarili habang nakasandal sa isang pader. Kung saan-saang kuwarto na ako pumasok at talagang pagod na pagod na ako. Yari ako nito kapag hindi kita nahanap na Mongoloid ka, sabi ko pa sa sarili. As if naman ay talagang makakalayo siya. Hanggang sa narinig ko ang isang tili. Nanggagaling sa dulong pasilyo malapit sa akin. Tili ng isang matanda. Si Manang Citas. Parang sinilihan akong agad na nagtatakbo roon kung saan isang malawak na indoor pool ang tumambad sa aking mga mata. Inalam ko agad ang dahilan ng pagsigaw ng matanda. Nilapitan ko ito. Nakaturo ito sa may pool, sa tubig. At noon biglang nanlaki ang aking mga mata nang masaksihan ang nangyayari kay Markus. The Mongoloid was drowning in the pool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD