Chapter 07

1328 Words
JEAN'S POV "H-HELLO po?" Halos panawan ako ng ulirat habang ini-imagine ang mukha ng kausap ko ngayon sa cellphone. Ninenerbiyos ako na nae-excite na parang maiihi na hindi ko maintindihan. "Kumusta, Jean? How is my brother doing?" Sino pa ba ang kausap ko walang iba kung hindi ang pinakaguwapo sa aking paningin na si Sir France? Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawag sa akin. Dis oras na nito ng gabi at ako'y nakahiga na ngayon sa kama ko at matutulog na sana. "O-Okay naman po, Sir France. Mabait naman po si Sir Markus. Kumakain naman po siya sa tamang oras at umiinom ng kaniyang gamot. Medyo nag-i-improve na po ang kalagayan niya," medyo pa-cute ang boses kong sagot. "Ganoon ba? Buti naman. Thank you. Sorry kung hindi ako makabisita nang madalas. Busy kasi sa trabaho. Alam ko namang nasa mabuti siyang mga kamay kaya tiwala ako." Hearing his soft, sweet voice, para akong tinutunaw. Napaka-opposite niya sa Mongoloid na 'yon. Kung iyon ay demonyo, si Sir France naman ay parang anghel. How I wish na sana siya na lang ang inaalagaan ko imbes ang isang 'yon. Paniguradong hindi ako aalis kahit isang saglit sa kaniyang tabi. Kahit pagtulog niya ay babantayan ko. Gagi! Pero siyempre joke lang 'yon. 'Di bale na. Ayaw kong mapahamak siya. "Thank you rin po sa tiwala, Sir. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gumaling agad si Sir Markus." Kahit nuknukan ng bait ang kapatid ninyo, gusto kong idugtong pero hindi ko na itinuloy. Gusto ko rin sanang magsumbong pero hindi ko na rin ginawa. Baka kasi biglang magbago ang isip niya at papalitan ako. Honestly, noong una ay gusto ko talagang magpapalit pero ngayon hindi na. Bukod sa perang ibabayad niya, this is the only way para makita at makausap ko siya. Hay! Parang highschool! "Hmm... thank you talaga. I'll try to visit one of these days." Nang magpaalam siya ay nahalikan ko pa ang cellphone ko. Kung lahat ba naman ng amo ay kasing sweet at bait mo.. Then this world could be a better place. Charr! Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko. Maaga akong bumangon at pangiti-ngiti pa habang nakaharap sa salamin at nagtu-toothbrush. Inaabangan ko kung ano na namang pambubulahaw ang gagawin ng alaga ko ngunit pagsilip ko sa kaniya sa kaniyang kuwarto pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay tulog na tulog pa ito. Bumaba na muna ako ng kusina at nag-almusal. "Good morning po!" masigla pang binati ko si Manang Hilda na nadatnan kong nagluluto. "Good morning din po, Ma'am." Lumapit ako sa may kitchen counter. "Hindi naman po ako amo rito kaya huwag n'yo na po akong tawagin ng Ma'am," magalang na sabi ko. Nagtimpla na ako ng kape ko. Malawak at kumpleto rin ang mga gamit dito sa kusina nila. Ngumiti ito. "Sige, 'iha' na lang din ang itatawag ko sa 'yo, ayos lang ba?" "Opo." Pagkatapos kong kumain, kakatwa dahil ni isang beses ay hindi ko pa naririnig ang tunog ng alarm. Sinamantala ko iyon at nag-warm pa ako. Nagpaluto na rin ako ng magiging breakfast ni Markus. Umakyat na muna ako sa taas dahil something told me na parang kakaiba ito. Magse-seven AM na pero wala pa rin ang alarm. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Marahan kong itinulak iyon at isinilip ko muna ang ulo ko. He's not on his bed! Dali-dali akong pumasok at hinanap siya. "Sir Markus, where are you?" Kung saan-saan nagpalingon-lingon ang aking mga mata. Naroon ang wheelchair niya ngunit wala siya roon. Hanggang sa may narinig akong daing mula sa loob ng banyo. Dali-dali kong pinuntahan. "Sir Mark ---" At namkita ko nga siya sa may sahig. Nakadapa at pilit na ginagapang ang patungong lavatory. Naalarma naman ako agad. "Sir, bakit naman kayo nandiyan?" Akma ko siyang aalalayan. "Shut up, Moron. I don't need your help. Get off me!" Ngunit piniksi-piksi niya ang aking mga kamay. "Are you going to pee, Sir? Teka saglit at tutulungan ko nga kayo." Sa kabila ng pagtataboy niya, ako'y nagboluntaryo pa rin. "I said I don't need your help!" Hindi ko na siya inintindi. Lumabas na ako ng banyo at hinagilap ang kaniyang wheelchair. Nag-aalala ako. Imbes na pagaling na siya ay mukhang mapupurnada na naman. Siyempre kapag nangyari iyon, lagot ako kay Sir France. He must get well soon as soon as possible. Pagbalik ko ng CR ay naroon na siya malapit sa may inidoro at nakakapit na sa gilid niyon. "Sir naman! Ang kulit mo. Sabing tutulungan kita." Hinawakan ko ang ilalim ng dulo ng kaniyang mga braso at buong lakas siyang sinubukang buhatin pasakay sana ng wheelchair. But he was so heavy na hindi ko man lang magawang maiangat ang kalahati ng katawan niya. "Ano ba? Hindi ka ba makaintindi? Sinabi nang --" "Ah, wala akong pakialam kung ayaw mong magpatulong sa akin. Ginagawa ko lang ang trabaho ko Sir. Kapag nadisgrasya ka, buti ba kung ikaw ang mananagot, eh ako eh. Ako ang masisisi. Kaya tigilan n'yo 'yang kakulitan n'yo at pumirmi ka riyan!" Hindi ko siya kayang buhatin mag-isa kaya pinaupo ko na lamang siya sa sahig. Pinasandal ko siya sa gilid at nakipagtitigan sa kaniya nang mataman. "You know that I don't like you, bakit hindi ka na lang mag-resign at magpapalit, ha? Moron!" galit pa ring saad niya sa akin. Bumuntong-hininga ako habang sinisipat ang lagay ng mga paa at kamay niya. "Masakit ba, Sir? Gina --" "Didn't you hear what I said? Ang sabi ko --" "Ang sabi ko rin, ginagawa ko lang ang trabaho ko!" Nilamangan ko ang lakas ng boses niya. Pinandilatan ko rin siya ng mata. "Kung ayaw mo sa 'kin, wala akong pakialam. Ayaw ko rin naman sa 'yo. Pero 'yong perang ibabayad sa akin ni Sir France sa pag-aalaga ko sa 'yo kailangan ko 'yon kaya wala kang choice kung hindi pagtiyagaan ako." Sinipat ko rin kung may mga gasgas siya sa ibang parte ng katawan. Wala naman except sa namumula ang kaniyang mga braso at siko. "Gusto mo pala ng malaking sahod eh 'di sana naging babaeng bayaran ka na lang. Instant 'yon, isang gabi isang ---" "Shut the fvk up, Mongoloid!" Nagpanting na ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Ngali-ngali ko siyang batukan. "Nagtatrabaho ako nang marangal dito. May pangarap ako at kahit kailan hindi ko gagawin 'yon, gago!" Biglang nagdilim ang mga paningin. "Ano'ng sinabi mo?" Mumulagat ako. "Ano ba'ng sinabi ko?" "You ---" "Hay! Agang-aga puro kalokohan na naman itong naiisip mo." Tumayo ako. Agang-aga rin at ayoko sanang makipagtalo sa kaniya dahil maganda ang tulog ko kagabi. Ayokong masira iyon. "Dito ka lang. Tatawag ako ng makakatulong ko para magbuhat sa 'yo. Please, huwag ka namang makulit." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at dali-dali na akong lumabas ng banyo. Patakbo rin nang bagtasin ko ang palabas ng kuwarto. Nasa hagdan pa lang ako nang makita ko si Manang Citas. Agad kong tinawag ang atensyon nito at sinabi ang dahilan. "Saglit at paaakyatin ko na riyan sina Hilda at Romana." Pagkasabi nito niyon ay agad na akong bumalik kay Markus. Buti na lang at nakabalik ako kaagad. Aba't ang Mongoloid, inuulit na naman ang ginawa kanina. "Hay, nako! Pasaway ka talaga!" pikang-pika nang pasigaw na sita ko sa kaniya. "I'm going to pee, you Moron!" balik sigaw niya sa akin. I rolled my eyeballs. "Saglit lang. Ikaw naman kasi, kung nag-alarm ka na lang hindi ka sana mahihirapan nang ganiyan. Eh 'di wala sanang problema." Mayamaya ay dumating na si Manang Citas kasama ang dalawa pang katulong na tinawag nito. Agad nila kaming dinaluhan ni Markus at nagtulong-tulong kami para mabuhat ang huli paupo sa wheelchair. "Ano ba ang nangyari at nasadsad ka sa sahig, Sir Markus?" naku-curious na tanong ng mayordoma pagkuwan. Tumingin pa muna siya sa akin nang masama. Sabay nguso. "Itinulak ako ng babaeng 'yan," puno ng pang-aakusa niyang sumbong. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Sinungaling!" Aksidente ko siyang nabatukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD