MARKUS' POV
Her Day 2
"DOK!!!"
Nawala ang focus ko sa iniisip nang biglang dumagundong ang matinis na boses na 'yon mula sa aking likuran.
Umuga pa ang wheelchair ko nang walang habas itong banggain ng Moron. Narito kami ngayon sa malawak na veranda ng kuwarto ko. Pagpapahangin ang purpose ko rito para gumanda ang araw ko pero mukhang malabo nang mangyari. Ngayon pa lang, sirang-sira na agad.
"Good morning, Dok!"
At talagang nakuha pang kumaway at silipin mula sa fence ng Moron ang paparating na doktor. Akala mo ilang taong hindi nagkita. Akala mo naman magkarelasyon. Duh! Sa hitsura niyang iyan, magbobote lang ang papatol sa kaniya.
Pasalamat ka, mahina pa ako. Kung hindi itutulak talaga kita riyan! gigil pang sabi ko sa sarili.
Talagang ipinangangalandakan pa niya ang kalandian. Kumakaway habang kumekendang pa ang beywang.
Wala namang shape. Parang suman.
"Good morning din, Jean!" At sumagot naman ang isang 'yon. Mayamaya pa, para nang kiti-kiting sinalubong ng malandi ang doktor. Nagpangita sila sa loob ng kuwarto ko. Kung nakakatayo lang talaga ako, pareho ko sa kanila ihahagis itong wheel chair.
"Kumusta, Markus?" Lumapit sa akin si Jass nang nakangiti. Seryosong tingin ang ipinukaw ko rito.
"Mukha na ba akong okay?" walang kagatol-gatol na pasaring ko.
"Mukha ngang hindi." Tiningnan nito ang mga nakabenda ko pang mga kamay. Pati mga paa. "These things have to stay there for up to 1 more week. Para makasiguro tayo na ayos na ang lahat. Then you'll undergo x-rays."
Sarkastiko akong natawa. "So did you actually come here just to tell me that, huh?" Wala talaga akong ganang kausapin siya. Although, ang pamilya nito ay kalapit na kaibigan ng aming ama't ina. Ninong at ninang nito ang Daddy at mommy ko. He played a big role in our lives many years ago. Naging kalapit na kaibigan siya ng mga mas nakakatanda kong kapatid.
"Nah. I'm here to check my nurse." Napasunod ako ng tingin nang tumingin ito kay Moron. Kunwari pang nahihiya ang Moron. Nagbaba ng tingin.
Tumaas ang kilay ko. "And?"
"Wala naman. I actually came here to really see you, lol. Hay. You haven't changed, have you? Ikaw talaga ang may pinakamasama ang ugali sa inyong magkakapatid."
Bahaw ang naging tawa ko. "And so?"
Tumikhim siya. "Sige na, Jean. You can do all you want just for a while. Ako muna ang bahala rito sa alaga mo."
Nagsalubong ang mga kilay ko nang tumalima si Moron. Agad ang pag-angil ko.
"Ano ba talagang ipinunta mo rito? I need not to be checked, ayos na ako! Umalis ka na ngayon din!"
Ngunit bago ito sumagot ay sinenyasan na nitong umalis si Jean. Nag-thank you pa ang tila nagbubunying Moron.
"Hindi ba puwedeng na-miss lang kita? Makikipagkuwentuhan lang ako sa 'yo," ngiting-ngiting saad niya pagkuwan.
"Fvck s**t! 'Di ako interesado sa kuwento mo." Pinilit kong angatin ang kamay ko para mapindot ko ang switch ng alarm. Bumalik ka rito. Hindi ko pa nasisira ang araw mo.
Nakita ako ni Jass. "Tigilan mo nga 'yan. Para kang tanga. Umayos ka."
. . . . .
JEAN'S POV
DUMERETSO ako ng kusina para mag-almusal. May pagmamadali dahil talagang kanina pa ako nahihilo sa gutom. 'Yong alaga ko, hindi yata tao ang tingin sa akin.
May kalamigan ang panahon pero pakiramdam ko ay nasa impiyerno ako. Naniniwala na ako na hindi talaga lahat ng tao sa mundo ay likha ng Diyos. Meron talaga ritong alagad ng demonyo na naglipana para gawing miserable ang buhay ng mga tao. At isa na ro'n ang buwisit na Markus na 'yon.
Ang aga-aga niya akong ginising kanina. Wala pa yata no'ng alas-sais ng umaga nang gulatin ako ng alarm niya. Si balikwas naman ako ng bangon dahil nag-alala naman ako ng kaunti na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nagtungo agad ako ng silid niya. Ngunit pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko lang siyang nakapikit pa at tila tulog na tulog. Ginising ko siya para tanungin kung ano ang kailangan niya. Hindi naman iyon ang oras ng inom ng gamot niya. He's taking a strong pain killer dahil tiyak na masakit pa ang naging damage sa mga kasuluksulukan ng mga hita niya. Kaya lang para akong gumigising ng mantika kanina. Ni hindi man lang siya naalimpungatan.
Naiiling na bumalik na lamang ako ng silid ko. Baka aksidente niya lang napindot ang alarm. Pero hindi pa ako nakakabalik sa higaan nang marinig ko na naman iyon. Wala akong nagawa kung hindi ang puntahan siyang muli and just as when I arrived ay tumigil ang alarm. Tinitigan ko siyang maigi. Nakapameywang na.
"Nananadya ka, ano?" Hindi na nakatiis na sita ko. But still, there was no response. Hindi talaga siya natinag sa pagkaka-'tulog' niya.
Bumalik na lang ulit ako ng kuwarto. But same thing happened. Um-alarm na naman. Pasugod ko na siyang pinuntahan sa silid niya.
"Ano ba?!" Dumagundong na ang boses ko.
Aba't talagang nakikipaglaro ang sira ulo. Tulug-tulogan to the max.
Hanggang sa may ideya akong naisip. I opened the door and shut it and just hid beside his bed. Hindi ako lumabas ng silid at pinanood kung ano ang mangyayari after. At iyon, nahuli ko. Kahit hirap na hirap, talagang gumagawa siya ng paraan, mapindot lang ang switch ng alarm.
"Aha! Huli ka!"
Malamang kung may heart problem siya ay inatake na siya sa sobrang gulat.
Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. Samantalang ako ay pigil ang gigil na sabunutan siya. Autistic ba ang alaga ko? Hindi ako na-inform doon ah. Daig pa niya ang may autism sa mga naiisip niyang kalokohan.
"The hell! What are you doing in my room?!" Nang makabawi ay sigaw niya sa akin. Maang-maangan.
Hindi naman ako nagpatinag. "At ikaw agang-aga, anong kalokohan itong pinaggagawa mo?" Hindi naman ako tanga para hindi maisip na sinasadya niya iyon. Obvious na obvious naman.
Umingos siya. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Moron!"
"Aba't kunwari ka pa ---"
"I'm going to pee. Make me pee! Moron!"
Napapailing na lang ako habang inaalala ang tagpo nitong umaga. Buti na lang, maaga dumating si Dok Jass. I was relieved for a while.
Kumain na naman ang buwisit na 'yon at nakainom na ng gamot. Nagpaalam ako saglit na kung puwede ko siyang iwan para ako naman ang kumain at hindi ako pinayagan. Dapat daw, bago siya magising, ay gawin ko na ang mga bagay na kailangan kong gawin. Hindi raw puwedeng iwan ko siya kahit isang minuto dahil baka raw kung ano ang mangyari sa kaniya. Ang tanong ko naman, Ano ba'ng puwedeng mangyari sa 'yo?
At ang sagot niya : Baka bigla akong gumaling at makatayo rito at masipa kita.
O 'di ba? Austistic talaga? Austistic o mongoloid, halos parehas lang 'yon.
Marami akong kinaing almusal. Mamayang tanghali hindi ko alam kung makakain pa ba ako. Mas maigi pang magbantay ng batang mongoloid kaysa sa isang 'yon.
"Kumusta ang first day mo nga pala, iha, rito? Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" Patapos na akong kumain nang biglang dumating sa hapag si Manang Citas. Pagdating ko kasi sa kitchen ay walang tao roon. Ngunit may nakahanda nang mga pagkain sa mesa kaya nakakain ako.
"Okay naman po. Nakatulog naman po kahit papaano." Kaila ko.
Pero ano'ng oras na ako nakatulog kagabi? Midnight na. Nanibago ako nang sobra sa ambiance. At iyong isa, pasado alas-diyes na ako pinatahimik. Hindi raw siya makatulog kaya pinabuksan niya ang tv at nanood muna siya. Tulog na siya kaya pinatay ko na ang television ngunit hindi ko pa nahuhugot sa saksakan ang tv ay dilat na dilat na naman ang kaniyang mga mata.
"Bakit mo pinatay? Moron!"
"Ganoon ba? Masasanay ka rin."
Masasanay o maagang mamamatay dahil konsumisyon? Hindi ba sila aware sa ugali ng amo nila? O talagang tulad ng kasasabi niya lang ay sanay na sila.
Hah! Whatever!
"Sana nga po. Nakakapanibago lang kasi," iyon na lang ang sinabi ko.
"Nga pala, kung my nais kang ipabili o may espesipiko ka ring pagkain na gustong kainin, huwag kang mahiya mag-request sa amin. Hindi ka kasi namin natanong kanina kaya kung ano ang nandiyan sa ref ang niluto. Saka iyong magiging mga labahin mo, kami na ang maglalaba ng mga iyon. Basta't ilagay mo lang lahat sa may laundry basket."
Tumango na lang ako at ngumiti. Mukhang wala namang toxic sa loob ng mansyong iyon maliban sa mongoloid-autistic kong alaga. "Maraming salamat po, Manang Citas."
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako saglit. Nag-inat-inat at inhale-exhale. Kagabi habang hindi ako makatulog ay may realisasyon akong naisip. Kailangan ko ang trabahong ito. I mean, hindi 'yong trabaho kung hindi iyong sahod. Pagtitiyagaan ko na lang ang mongoloid tutal mongoloid naman kaya ganoon ang pag-uugali. Gusto kong makaipon ng malaking halaga dahil may mga plano akong gawin sa buhay ko.
Umakyat na ako sa silid pagkuwan. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko ang dalawa na tahimik na. Ano kayang pinag-usapan ng dalawa?
"Buti naman nakabalik ka na. Babalik na ako sa ospital. Mayroon akong naka-schedule na pasyente ngayon," ani Dok Jass nang mapansin ako.
"Sige po, Dok. Thank you." Talagang thankful ako dahil sa pagdating nito.
Ngumiti ito sa akin pagkuwa'y bumaling kay Markus. "Huwag kasi masyadong mainitin ang ulo mo. Gagaling ka rin naman. Mahahanap mo pa rin naman ulit for sure ang jowa mo," pabiro pa nitong sabi rito.
Ngunit umismid lamang si Markus. "Oras na gumaling ako, ikaw ang isusunod ko. Patatalsikin kita sa ospital, patatanggal ko ang lisensya mo," pagbabanta pa nito.
Tumawa lang si Dok. "Hanggang ngayon napakahusay mo pa ring magbiro, ano? Sige na, Jean. Aalis na ako. Please have a careful watch dito sa alaga mo. Babalik pa ako rito sa mga susunod na araw para mabisita ko ulit 'to."
"Kahit hindi na!"
Tumango lang ako. "Okay, Dok."
Tuluyan na ngang umalis ang doktor. Dahil may kataasan na ang sikat ng araw ay napagpasyahan ko nang ipasok si Markus sa loob.
"Ikaw ang uunahin ko," nahimigan kong sabi niya habang marahan kong itinutulak ang kaniyang wheelchair.
"A-Ano?" tila nabibingi namang maang ko.
Tumingin siya sa akin nang madilim na naman ang mukha.
"Oras na gumaling ako, ikaw ang uunahin ko. Uunahin kong pagbayarin sa lahat ng mga pinaggagawa ninyo sa akin."
Napamulagat naman ako. Eh, ano ba'ng ginawa ko?