JEAN'S POV PATINGIN-TINGIN ako kay Mongoloid. Nandito na naman kasi kami sa may library. He's reading again, doon sa naging puwesto niya noong nakaraan. Bati na kami at habang abala raw siya ay gawin ko ang mga bagay na gusto ko. Pero hindi pa rin ako mapakali sa inaasal niya. Baka mamaya, mamukat-mukat ko, mag-suicide attempt na naman ang Mongoloid na 'to. Lalo pa't kagabi, sinubukan kong sundin ang pabor na hinihingi niya. Hinanap ko ang pangalan ng ex niya gamit ang soc med account ko at bigo ako. Mukhang pinagtaguan na siyang talaga. Ayaw na raw niyang gumastos sa mga maghahanap dito na private investigators dahil no'ng nakaraan na ginawa niya raw iyon, nasayang lang ang pera niya dahil wala rin namang naibigay na kahit anong hint ang mga inutusan niya. Ngunit hindi pa rin daw siya

