JEAN'S POV "GOOD morning po!" masayang bati ko sa mga nadatnan namin sa kusina. Tulak-tulak ko noon si Markus sa may wheelchair at doon namin napagpasyahang mag-breakfast. Itinigil ko siya harap ng hapag. "Good morning din, iha, Sir Markus!" halos magkakapanabay na balik bati naman sa amin nina Manang Citas at nina Manang Hilda. Tila may pagtataka at paninibago pa sa mga hitsura nito nang makita kaming dalawa. "Ano'ng gusto mong agahan, Sir Markus?" baling ko sa alaga ko pagkuwan na hindi na binigyang pansin pa ang ideyang iyon. Itinuro niya ang platong may nakalagay na bacon at ham, pati ang vegetable salad na kagagawa lang ni Manang Hilda. Pinagsandukan ko rin siya kanin sa plato at ipinagtimpla ng hiniling niya ring brewed coffee. Ayaw na raw niya ng gatas sa umaga dahil inaantok

