Chapter 03

1516 Words
JEAN's POV His real name was Markus Kielle Fortaleza. HE got a pair of blue eyes. Sa totoo lang, iyon ang una kong napansin unang beses na nasilayan ko ang kaniyang mga mata. Napakaganda ng mga iyon at natural daw dahil ito ang kaisa-isang nakamana niyon sa kanilang yumaong ina. A pointed nose with a long bridge. Pouty lips, yet sexy. Mamula-mula. Mga kilay na parang tilas sa kapal. Maputing kutis, katulad ng kay Sir France. Tapos daw ito sa kursong Economics, but he's involved in car industries. Mahilig daw kasi ito sa mga sasakyan, at halos lahat ng luxury brands ay shareholder ito. Minsan daw naikuwento nito sa kapatid na plano nitong magtayo ng sariling car brand. Ngunit nade-delay raw lagi dahil palagi itong nakasunod sa ex nito na limang taon nitong nakarelasyon. Mahal na mahal daw nito iyon at kahit saang bansa ay sinusundan. Ngunit kung bakit naghiwalay ang mga ito, hindi na raw alam ni Sir France. Iyon lang naman ang ilang impormasyong nalaman ko tungkol sa alaga ko. Narito na ako ngayon sa baba -- sa may kusina kung saan nadatnan ko ang mga katulong. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Well, sa sobrang abala yata ni Sir France, nalimutan akong ipakilala o sabihin sa mga ito na may paparating na bagong 'tauhan' sa mansyon. Mabuti na lang at agad akong nakita ni Manang, 'yong naghatid sa akin sa taas kanina. "Ito nga pala ang private nurse ni Sir Markus. Naku! Pasensya na, Iha, muntik ko nang makalimutang sabihin sa mga kasama ko," anito na nakangiti. "Okay lang po, Manang..." "Citas. Ako si Manang Citas." Finally ay nalaman ko rin ang pangalan nito. "At ito naman sina Roming, Ramona at Hilda. Huwag kang mag-alala at mababait naman ang mga ito." Tumango ako. "Ikinagagalak ko po kayong makilala lahat," nakangiting sabi ko. Ngumiti lang din ang mga ito. "Nga pala, ano? Hindi ko pa naituturo sa 'yo ang iyong silid," ani Manang Citas. Sa palagay ko, ito ang mayordoma dahil kakaiba ang uniform nito sa lahat. "Oo nga po. Pero mamaya na po, Manang Citas. Kasi po, si Markus, hindi pa raw po siya nagbe-breakfast. Ano po bang mayroon diyan na puwede kong dalhin sa kaniya?" Wala namang inihabilin sa akin si Doc Jass na bawal na pagkain dito. Basta mapainom ko lang ng gamot sa tamang oras. "Vegetarian 'yan si Sir. At mahilig sa gatas. Pahintay na lang, iha, at inaayos pa. Kakarating lang din kasi nila galing ospital." Tumango lang ako at naupo muna saglit sa isang upuan habang pinagmamasdan ang paligid at ang mga taong gumagalaw roon. "Eh ikaw, iha, nag-almusal ka na rin ba? Kung hindi pa ay mayroon ditong mga pritong ulam." Umiling ako. "Okay lang po, Manang Citas. Kumain na po ako sa bahay bago nagpunta rito." Ngunit sa naaamoy ko ay biglang kumalam ang aking tiyan. "Ganoon ba? Miski, kape ay ayaw mo?" Napalunok ako. "Sige na nga po. Kakain na nga rin po muna ako." Dinampot ko ang isang platong nasa kabilang side ng table at agad na sumandok ng pagkain. Sa palagay ko, kakailanganin ko ng maraming enerhiya ngayong araw dahil first day ko sa trabaho. Binigyan din ako ni Manang Citas ng isang tasa ng brewed coffee. Iniwan niya sa tabi ang creamer at ang asukal at ako na raw ang bahalang magtimpla niyon. I ate the breakfast while waiting for them to prepare Markus' food. Umiinom na ako ng kape when suddenly ay nagulantang ng ingay. It was coming from a bell or a buzzer and it could be heard everywhere. "Naku, iha, magmadali ka," may pagkatarantang wika sa akin ni Manang Citas. "Iyan ang alarm na pinakabit ni Sir France kahapon. Alarm iyan ni Sir Markus at ang ibig sabihin niyan, hinahanap ka na niya." "P-Po..?" Wala sa hinagap na napatayo na ako sa kinauupuan. "Sige na, pumunta ka na sa taas at isusunod ko na itong tray ng pagkain." "Sige po." Uminom na muna ako ng tubig at saka nagmamadaling nagtungo sa hagdan. Sa likuran ko ay nakasunod nga si Manang Citas na dala ang tray. Gusto ko sanang ako na ang magdala niyon ngunit sinesenyasan niya ako na huwag na. Hanggang sa makarating na kami sa kuwarto ni Markus. Hindi na ako kumatok at binuksan na lamang iyon. "The hell! What took you so long?" Pagkakitang-pagkakita niya sa akin ay ang dumadagundong na boses na agad niya ang aking narinig. "Naku, pasensya na kayo, Sir Markus. Hinintay pa kasi ni Nurse Jean ang pagkain ninyo," singit ni Manang Citas na inilapag ang tray sa bed side table. Umingos si Markus. "Hindi kayo ang tinatanong ko kaya bakit kayo ang sumasagot?" Nandilat ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. Bastos! 'Di na ginalang ang matanda. Napasulyap ako kay Manang Citas upang alamin ang reaksyon nito. But to my surprise, nakangiti pa ang matanda na umiling-iling pa habang nakatingin din sa akin. Her eyes were saying na parang sanay na ito at huwag akong ma-bother. "Sige na, ikaw na ang bahala, iha, lalabas na ako." Saka nga siya tuluyang lumabas ng pinto. Nang kami na lang sa loob ni Markus ay inasikaso ko agad ang pagkain niya. "Here's your --" "Ayoko niyan," mabilis niyang sagot. "You didn't even ask me kung ano'ng breakfast ang gusto ko. I don't like that food." May diin sa boses niya. Napakamot ako sa ulo. "Eh.. ito kasi ang niluto ng mga katulong. Saka you're a vegetarian daw so --" "Eh ayoko nga niyan, mahirap bang intindihin? Kailangan paulit-ulit?" Pinilit kong kalmahin ang sarili. "Okay, Sir. Kung ayaw n'yo nito, eh 'di papalitan ko na lang. Ano ba'ng gusto ninyo?" Mataman siyang tumingin sa akin kasabay ng ngisi sa mga labi. "Cotoletta alla Milanese." Para akong biglang nabingi. "E-Excuse me? Ano 'yon ulit?" Muli siyang tumingin sa akin. "I said, Cotoletta alla Milanese." Ngunit hindi ko talaga mawawaan kung ano ang tinutukoy niya. Pinagti-tripan lang yata ako ng lalaking 'to. "Hindi ko alam 'yan, Sir. Pasensya na. Kung isu --" "Italian food, Moron!" Hindi ko alam kung alin ang unang nanlaki ang butas, kung ang ilong ko ba o tainga. Gusto kong magtimpi pero narinig ko na naman ang salitang 'yon. "Wala tayo sa Italy, Sir, kaya hindi ko mase-serve ang gusto ninyong pagkain." But I still tried to stay calm. Isa na lang, promise. Isa na lang. Akala ko ba ay nurse ako rito? Pero bakit nagmumukha akong serbidora? Dapat ang tinatrabaho ko lang ay ang pagmo-monitor ng kalagayan niya at pag-inom ng gamot niya sa tamang oras. Bakit ko poproblemahin kung ayaw niya sa pagkaing nakahain sa harapan niya? "Then order it online, fvck, Moron talaga." Gigil na ibinalik ko sa ibabaw ng mesa ang tray ng pagkain. Dahil stainless iyon ay lumikha iyon ng ingay. Tumaas ang isang kilay niya sa akin. Tinaasan ko rin siya. "Hindi ko na problema kung ayaw n'yo sa pagkain, Sir. Ito lang ang available dito kaya whether you like it or not, ito ang kakainin mo. Kung gusto mong magkasundo tayo at gumaling ka kaagad, tigilan mo 'yang kaartihan mo." "Aba't ---" Hindi ko na inintindi pa ang reaksyon niya. Itinulak ko na ang wheelchair niya palapit sa table at agad dinampot ang kutsarang may kanin at ulam. "Eat. Dapat ka nang makainom ng gamot mo, ASAP." Itinapat ko iyon sa kaniyang bibig. Umiigting na ang kaniyang mga panga. "You fvcking stupid. At sino ang may sabing ---" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. Sinamantala ko ang pagkakataon habang nakabuka ang kaniyang bibig. Ipinasok ko roon ang kutsara. "Fvck --" I shut his mouth by covering it using my bare hand. "Fmmm!" "Kumain ka nang mabuti, Sir." Kung puwede lang salaksakin ko pa ng kutsara ang bunganga niya ay ginawa ko na. Sa ginawa ko ay napilitan siya ngumuya at lunukin ang pagkain. I smiled sarcastically. "I won't let this slide. You --" "Tuwang-tuwa talaga ako, Sir, dahil mukhang magana kayong kumain." I repeated what I did. Muli ko siyang sinubuan at tinakpan ang kaniyang bibig. Kitang-kita ko kung gaano na halos mag-apoy ang kaniyang asul na mga mata. Ngunit wala naman siyang magagawa dahil hindi ako papayag na siya ang masusunod sa aming dalawa. Mas alam ko kung ano ang makakatulong sa kaniya. Mas alam ko kung ano ang tama. At hindi ako papayag na kakaya-kayanin niya ako. Siguro naman may karapatan akong magtapang kahit siya ang amo. Ayoko talaga sa lahat 'yong mga ma-attitude. 'Di na 'ko magtataka kung bakit iniwan ng girlfriend. Super sama ng ugali! Hindi na siya kumibo matapos niyang malunok ang ikalawang subo. Kumuha ako ulit at itinapat sa bibig niya ang kutsara. Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya muna ako bago niya kusang ibinuka iyon. Lihim naman akong napangisi. Susunod ka rin pala eh. He finished the meal quietly. Pagkatapos niyon ay pinainom ko na siya ng kaniyang gamot. "Wait lang, Sir, at ibababa ko lang 'tong pinagkainan ninyo," paalam ko pa sa kaniya habang may ngiti sa mga labi nang ako'y tumalikod. His silence seemed to be my 'victory'.. Mukhang tatagal naman ako nito kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD