Hay, sa wakas! Tapos na rin ang duty! Nahahapong naupo muna ako sa isang upuan sa loob ng locker room naming mga nurse.Sixteen hours na naman ang duty ko ngayon, hindi dahil sa ginusto ko talagang mag-OT. Bigla kasing um-absent ang sana'y kapalitan ko kaya nag-adjust ako ng walong oras pa.
But despite sa pagod ay nagawa ko pa ring ngumiti. Bukas na bukas din naman ay hindi na ako sa ospital na ito magtatrabaho. Kung hindi roon sa bahay ng crush ko na si Sir France.
Tuloy ang pagkuha niya sa akin bilang private nurse ng kapatid niyang baldado dahil bukas na bukas din ay madi-discharge na ito sa ospital.
I hope I'll get to see you everyday. At parang baliw pang pinagpantasyahan ko ang lalaking biglang nagpa-straight sa akin.
Ang tinutukoy kong crush, si Sir France -- Francisco Xian Fortaleza in his real name -- ay co-owner ng ospital na 'yon kung saan ako nagtatrabaho. I didn't know a lot about him. Pero ang sabi ni Doc Jass, he came from a wealthy family too. Hindi lang ang ospital na 'to ang pinagkukunan nila ng yaman kung hindi marami pang iba.
And it was not my first time na kuhanin niya bilang private nurse dahil minsan na niyang nakuha ang serbisyo ko nang maaksidente rin ang pinsan niya na si Ms. Sandy. First time ko siyang makita noon. Abala ako sa isang pasyenteng inaalagaan ko who suddenly woke up from a coma when he just approached me. And straightly, sinabi niya lang na kailangan niya ako para mag-alaga sa 'pinsan' niyang babae and right there, pinag-out niya ako ng duty at dinala sa penthouse niya.
Kabago-bago ko pa lang no'n kung tutuusin, pero ginawa ko lahat ng makakaya para maalagaan ang pasyente ko.
And I could say, bukod sa half-brother ko, ay noon lang ako naka-encounter ng ganoong ka-almost perfect din na lalaki sa tanang buhay ko. Bukod pa sa napakabait at approachable niya, lalo kapag ngumingiti ay talagang para akong teenager na kinikilig.
Plus na hindi siya kuripot magpasahod.
He paid me huge katumbas ng dalawang buwang kabuuang sahod ko kahit almost two weeks ko lang namang inalagaan ang pinsan niya.
And since then, hindi ko na siya malimut-limutan.
My name is Rowena Jean Hernandez anyway. Sa bahay namin, sa mga naging kaibigan ko no'ng college, at sa mga iba pang nakakakilala sa akin, I was best known for my nickname Wena, sometimes they called me 'Rowena', pero simula nang mag-move ako rito ay sa pangalawang pangalan na ako nagpapatawag to somehow feel that I was a different person now. This would be my fresh start and I really wanted to feel different.
. . . . .
FROM Cebu, a few months ago ay lumipad ako pa-Manila. The five long years na naantala ako para magamit ang propesyong pinagtapusan ko did not bother me para magsimulang muli. I had a friend who's working at a private hospital here in Manila na nagsabing open daw sila sa pagtanggap ng mga mag-a-apply na nurse. Agad akong nagbakasakali tutal medyo tanda ko pa naman ang mga naganap noong nag-OJT kami bago gumradweyt no'ng college. Pinaghandaan ko ring iyon maigi at muli akong nagbasa-basa. Plus that I already got the license before kaya medyo malakas ang aking loob.
Fortunately, nakapasa ako at agad na nagsimula sa trabaho. Maigi roon at kapag mga bago ay may nagga-guide pa rin sa amin. I know I was a bit late to start pero inayos kong maigi ang trabaho. I met a lot of people who later became my friends especially mga katrabaho ko. Mapa-doktor or nurse.
Dito ako nag-i-stay sa isang pinsan ko na nangungupahan dito sa may Alabang kung saan isang sakay lang ang layo sa pinagtatrabahuhan kong ospital. She was working at a call center. At coincidentally, ang boss pala ni Resa ay walang iba kung hindi ang crush kong si Sir France. Kaya heto't marami akong stolen pictures niya na mula sa aking pinsan. I know it was weird, magtu-twenty six na ako, pero ganito pa rin. Eh ba naman kasi dati, sa isang babae ako nahumaling. All this time ay sa kaniya lamang ako tumingin. Ang masaklap pa, limang taon ang nawala sa akin para lamang damayan siya sa mga taong kailangang-kailangan niya ng kasama. She was the wife of my half-brother and my classmate in college. They had a 'little' tragic event in their lives kaya nagkahiwalay ang mga ito ng ilang taon.
But no, that five long years, wala naman akong pinagsisihan sa mga nangyari. I was happy for everything that happened.
Matapos kong makapagtanggal ng pagod ay kumilos na ako para magbihis at makauwi. Kailangan ko nang ihanda ang aking mga gamit at marami akong babaunin dahil mag-i-stay in ako sa trabaho.
"Bye, Nurse Iya. Bye, Doc Jass! Bye, Doktora Yngrid!" Nakasanayan ko na talagang magpaalam sa mga maiiwan ko sa duty bago ako tuluyang umalis.
"Bye, Nurse Jean. Ingat!"
Bago tuluyang umuwi ay dumaan muna ako sa isang fast food at kumain. Wala naman akong taong daratnan sa apartment dahil panggabi ang duty ng aking pinsan. Gawain ko na talaga itong kumain muna sa labas bago umuwi dahil pagdating sa bahay ay tamad na tamad na akong magluto.
After eating ay dumaan na rin ako sa isang convenience store to buy more of my personal things. Dahil nga mag-i-stay in ako, I might not have a lot of time para lumabas para bumili ng mga ito. When I got home, I packed my belongings at maagang nagpahinga para bukas.
. . . . .
NAPASILIP ako sa orasang pambisig ko. It was already 7:40 AM. Maaga pa iyon kung tutuusin dahil 8:00 AM ang usapan namin ni Sir France ngunit dahil sa sobrang excitement ko ay maaga akong nagising para maaga ring makapaghintay sa kaniya. Ang sabi niya kasi sa akin ay susunduin niya ako dahil baka maligaw ako kapag ako ang pinaghanap niya ng mansyong sinasabi niya kung saan maglalagi ang kaniyang kapatid na aalagaan ko. Hindi na niya hinanap pa ang presensya ko sa ospital nang i-discharge ito.
Naupo ako saglit sa upuang nasa waiting shed. Alam naman niya kung saan banda ako susunduin dahil ibinigay ko sa kaniya ang eksaktong address. Nag-retouch muna ako ng sarili at sinipat kung maayos na ba ang pagmumukha ko. I know, malabo niyang mapansin ang beauty ko dahil sabi ni Miss Sandy sa akin ay may fiancee na raw si Sir France but at least, I appear presentable in front of him para naman kahit papaano ay may maayos siyang makikita mamaya. He's still my crush and that would never change.
Mayamaya, napabalikwas ako ng tayo nang may tumigil nang sasakyan sa harap ko. It was a silver-gray car, the same car that he used when he fetched me roon sa ospital. Inayos ko ang paglalakad ko palapit dito at ngumiti.
Ngunit nang magbukas ang pinto at sumilip ang driver, lahat ng excitement na naipon ko ay biglang nawala. Isang may edad na lalaki kasi ang nagpakita sa akin at hindi ang inaasahan kong tao. Ngiting-ngiti pa.
"Good morning! Kayo po ba 'yong pinasusundo ni Sir France?" tanong pa nito.
Tumango ako at kahit dismayado ay ngumiti pa rin. "Opo, Manong."
"Sakay na kayo, Ma'am."
Pinagbuksan pa ako nito ng pinto. Sa may front seat iyon at tahimik na lang akong nagpatianod. Pagka-upo ko ay agad akong nagsuot ng seat belt. Wala sana akong balak na kumibo pa ngunit napansin ko na nakangiti pa rin ang driver. "Okay na ba, Ma'am? Tutuloy na tayo?"
"Opo, Manong," sagot ko sabay ismid.
Inisip ko na lang na baka busy si Sir France kaya hindi ako nasundo.
. . . . .
NAMAMANGHANG pinasadahan ko ng tingin ang mansyong nasa harapan ko na ngayon. Akala ko, wala nang gaganda at lalaki pa sa mansyong pag-aari nina Kuya Liam. But what I was seeing that time, tila mas malaki.
It was a Mid-century style. May malawak at magandang garden. May swing pa, may mini-pond sa isang tabi. May malawak na veranda at napakislot ang aking mga mata kasabay ng hindi maipaliwanag na kaba at pagbabalik ng excitement nang makita ang taong nakatayo roon na nakangiti at kumakaway pa.
It was no other but him, si Sir France. He greeted me a sweet good morning. Ngumiti rin ako sa kaniya at gumanti ng matamis ko ring : "Good morning din po!"
Sinabihan niya ang isang katulong na sumalubong sa akin sa main door na dalhin ako sa taas. Sumunod naman ako sa matandang babae. Kung magarbo sa labas ay lalo naman sa loob. May malaki ring chandelier tulad ng kina Kuya Liam at malawak at eleganteng hagdan. Pigil ko ang hininga dahil sa sobrang excitement. Ngunit nang papasok na kami sa isang silid ay bigla na namang umatake ang aking kaba.
"Puwede n'yo pong iwan muna ang gamit ninyo sa isang tabi, Ma'am," anang katulong.
It was room. Isang malaking kuwarto na may king-sized bed. Sa disenyo pa lang ng interior ay masasabi ko nang minimalist ang gumagamit ng kuwarto. Dahil walang ibang kulay sa loob kung hindi black and white lamang. Napakasimple lang din dahil halos walang ibang gamit sa loob kung hindi iyong mga kailangan lang.
Sa gilid ay napansin ko agad ang ilang medical stuffs. Hindi ko na kailangan pang itanong, alam kong nakalaan iyon para magamit ko sa aking magiging pasyente.
Hindi na ako sinundan pa ni Manang at itinuro na lang ang kinaroroonan nina Sir France at ng lalaking naka-wheel chair. Kimi pa akong naglakad palapit sa mga ito.
"Good morning po!" magalang kong bati ulit. Sinalubong ako ng ngiti ni Sir France ngunit hindi na sumagot. Lumipat agad ang tingin niya sa kapatid na noo'y nakatalikod sa akin.
"You know what you came here for, right? Please take good care of my brother," aniya sa malumanay na boses. "Ipinagkakatiwala ko siya sa 'yo. I liked how you took good care of Sandy kaya I'm sure na maalagaan mo ring maigi ang kapatid ko. He's --"
"'Di ba sabi ko, lalaki ang kunin mo?"
Hindi pa tapos magsalita si Sir France ay umangil na agad ang kapatid niya.
He just smirked at hindi ito pinansin. "He's a bit arrogant. Kita mo na naman, hindi ba? Mainitin ang ulo, magaspang ang ugali, and clumsy. Please have more patience at pakiintindi na lamang ang ugali. Alam mo na, kagagaling lang sa heartbreak at halos mag-suicide pa. Iniwan kasi ng --"
"Shut the fvck up."
"Iniwan kasi ng jowa at mukhang ipinagpalit sa iba," patuloy ni Sir France habang may nakapaskil pa ring ngisi sa mga labi. Tila pa may halong pang-aasar sa kapatid ang tunog niya. "That's his story kaya kung magda-drama siya ay pakidamayan na lang din. Hindi na bata 'yan, he's already 28. If you encounter any problem with him, if ever he will be sexually --"
"Fvck --"
"If ever he will act or do something crossing the line, paki-inform ako agad. Lahat ng kailangan mo ay pakisabi na lang din sa mga katulong kung mayroon pang kulang sa loob. As per your room, ang katulong na ang bahalang mag-assist sa 'yo later. I really have a lot of schedules today kaya hindi na rin ako magtatagal. Ikaw na ang bahala sa aking kapatid."
Halata nga na nagmamadali si Sir France nang mga oras na 'yon dahil panay ang silip niya sa phone habang nagsasalita.
Tumango lang ako at sumang-ayon sa lahat ng kaniyang mga sinabi.
"I know that you already know my brother so I need not to properly introduce him to you. Ikaw na ang bahala sa kaniya from now on. Bibisita na lang ako kapag may oras ako. I really have to go."
Iyon lang at naglakad na siya palampas sa akin. Tinapik niya pa ang balikat ko.
Sunod na namayani ang katahimikan nang kami na lamang dalawa ang naroon, and for a while ay hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin.
Iba ang ambience ngayon, wala na kami sa ospital at dahil wala na sa working place ko ay parang nawala ang tapang ko. I remember those conversation we had. I know how he really disliked me.
Gusto kong lapitan ang pasyente ko to ask if he needed something, or magpaalam at iwanan muna siya saglit para alamin sa katulong ang magiging silid ko, but I was a bit hesitating to start our conversation. Baka kasi biglang magbuga ng apoy at maagang masira ang araw ko. Kilala ko pa naman ang sarili ko na pikunin din.
"What are you standing there for? First day mo pa lang, tatamad-tamad ka na. Simulan mo na ang trabaho mo!" Out of a sudden, he yelled at me.
Mulagat naman ako kasabay ng pagkatameme at pagkabigla. "A-Ano pong gagawin ko, Sir? I mean... d-do you need something?" taranta at kabado kong tanong. I took a sigh after. Hush!
Ipinihit niya ang wheelchair para humarap sa akin. Napalunok ako nang makita ang hitsura niya. His eyes were as furious as hell. Diretso ang mga iyong nakatingin sa akin. Parang sasakmal ng tao sa sobrang sama kung tumingin.
"Talagang itatanong mo pa sa akin kung ano? I haven't eaten my breakfast. I haven't showered. I haven't peed. Check my vitals if I'm alright. Gawin mo lahat ng paraan para gumaling ako agad nang bumalik na ako sa normal kong buhay, MORON!"
At talagang mas nilakasan niya pa ang pagkakabanggit ng huling salitang 'yon. Agad nagtagis ang mga bagang ko. Hindi ako ganoon katalino pero hindi naman ako bobo.
"Okay, maghintay kayo rito. I'll get your breakfast first!" Kahit gigil at gusto kong pabawiin sa kaniya ang sinabi niya ay nagpigil na lang ako. Bago ako naglakad palayo ay huminga muna ako nang malalim. Well, Sir France already warned me about his attitude so I shouldn't be surprised. And I must act professionally dahil tinanggap ko ang trabahong iyon. Ayaw kong masira ako kay Sir France. Kung noong nasa ospital ako, nakakaya ko siyang sawayin at pandilatan ng mata, in this place, I don't think I can. Gusto ko rin munang intindihin ang sitwasyon niya.
Kaya naman sinikap kong palabasin na lang sa kabilang tainga ang nakakainis na sinabi ng pasyente ko. I walked as fast as I could. Alam kong siya 'yong tipong ayaw ng pinaghihintay nang matagal.
Pero kapag hindi ka nagbago, hindi puwede ang attitude mong 'yan sa akin.