bc

My Shotgun Lovestory

book_age16+
980
FOLLOW
2.3K
READ
independent
comedy
bxg
self discover
turning gay
wife
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

With a gunshot ay nabuo ang lovestory ang relasyon ni Jino kalahating Japanese at pure Tyra Banks at ni Thalia, isang manly na lesbian.

chap-preview
Free preview
With a shotgun!
“JINO YOSHIDA!” Malakas niyang sigaw sa labas ng kwarto ko. Ang ganda ng tulog ko tapos iistorbohin niya ako anong kalokohan to? Inis akong naglakad papunta  sa pintuan at handa na rin akong manigaw. Ang ayoko talaga sa lahat e guguluhin ako sa kalagitnaan ng aking beauty rest.  ”Oh!” sigaw ko pabalik sa kaniya, binuksan ko ang pintuan. "Ang aga-aga ang ingay!" reklamo at minulat ko ang mata ko. Laking gulat ko ng may shot gun na nakatutok sa ulo ko. As in shotgun, totoong shotgun, kulay itim ito at may bahid pa ng amoy pulbura. At higit a lahat kilala ko ang tumututok sa akin nang shotgun. Ito ay walang iba kung 'di si Thalia. Ang Lesbian Tomboy na apo nang kaibigan ng Lola ko!  ”Te - teka Thalia? Ano to?” tanong ko sa kaniya, nanginginig ang buong katawan ko at takot ang pumalibot sa aking sistema.  Tatlong araw na ang lumipas mula ng manggulo siya sa labas ng kwarto ko. Asking me to hear her out about the marriage that our Lolas want. Our grandmothers wanted us to live a straight life but we can't. I'm gay and she's a lesbian. We know that we are compatible.  I have my own life and I want to be free. Hindi ko mawari kung bakit biglang naging desperada si Thalia. “Huwag mong isasarado ang pintuan kung hindi babarilin kita,” sabi niya sa akin habang tinututok niya ang baril sa ulo ko. “Fine, hindi ko isasarado. Buksan ko lang.” I assured her. “Anong kailangan mo?” sinubukan kong maging kalmado sa pagtanong ko sa kaniya. Alam ko naman ang kailangan niya tapos tinanong ko pa. Gosh! “Pakasalan mo na na ako Jino. Pakasalan mo ako!” sabi niya sa akin. Parang utos nga ang naging dating no’n, wala na ba siyang ibang paraan at 'di ko talaga siya maintindihan! “Thalia, what?” tanong ko sa kaniya. “Jino, please pakasalanan mo na lang kasi ako at nang matapos na ito.” Pakiusap niya sa akin, sinubukan kong itutok ang baril niya sa ibang direksyon pero binalik lang niya iyon sa sentido ko. “Thalia, are you still on your mind?” tanong ko sa kaniya habang nanginginig ako, wag ka namang magbiro ng ganito o hindi kinakaya ng ovaries ko. “Mukha ba akong nagbibiro, Jino?” sigaw niya sa akin at saka niya tinangkang kalabitin ang gatilyo  ”Hindi ba ayaw mo rin sa kasal na ito kaya bakit mo ako ginugulo?” “Wala akong ibang choice Jino, Ikaw lang ang pag- asa ko ang nag-iisang pwede kong pakasalan para magawa ko ang gusto ni Lola.” Sagot niya sa akin at mas hinigpitan niya ang hawak sa baril niya.  Damn, she’s desperate as hell. “Jino, gusto ko nang matapos ang mga problema ko kaya please pakasalanan mo na ako!” muli niyang pakiusap sa akin. “Bakla lang is me hindi ako pumapatol sa kapwa kong gerlash!” singhal ko sa kaniya, pakiramdam ko tatalon ang aorta ko sa lungs ko dahil sa sobrang takot ko sa ginagawa ni Thalia ngayon. Mas diniin  niya ang malamig na baril sa sentido ko. OMG! Mamatay na ba ako?! Sulpeuhajima No! No! No!  Hindi na ako tatakas please don’t kill me, I'm begging you.“Ang arte mo naman Jino e, parehas lang tayong stressed nito kasi hindi matatapos ang problema ko hanggang sa hindi pa kita napapakasalan!” sigaw niya sa akin at halata na ang pagkabagot at inis sa mukha niya.  “Ayoko nga Thalia! Saka mandiri ka nga sa pinagsasabi mo sa akin ngayon. Diyos ko parehas tayong may tinggil!” sabi ko sa kaniya. "Gago, tite pa ang mayron ka. Huwag kang umarte e ang ganda ng katawan mo. Bortang- borta!" Singhal niya sa akin. Pakasalan siya, never! As in never. I have my own dreams when it comes to marriage at kahit alam kong impossible, I will marry Papa Lucas. In my wedding gown, shoes and oh-so fabulous belo. “Pagbilang ko ng tatlo, pag di ka pumayag na pakasalan ako kakalibitin ko na ang gatilyo! Isa!” sigaw niya sa akin tumingin ako sa mukha ni Thalia at mukhang determinado siya sa gusto niyang mangyari.  “Dalawa Jino! Pumayag ka na lang kasi,” sigaw niya ulit sa akin.  OMG, paano na lang ang future na naimagine ko with Fafa Marco. “Thalia! Bakla ako, I can’t do what you want. Hindi ako pwedeng magpakasal sa’yo kasi babae din ako. I don’t approve same s*x marriage!”  “Jino, no choice na rin naman ako. Nakakadiri din ‘tong inaalok ko sa’yo!” sigaw niya sa akin. My jaw dropped in awe. “Tatlo!” sigaw n’ya muli sa akin. My heart pumped loudly again. “Puputok ko to!” banta niya sa akin. “Thalia, pag-usapan natin ito. Hindi na dapat umabot sa violence ang talky talk natin kaya please Ibaba mo na ang baril.” pakiusap ko sa kaniya pero kinalabit na niya ang gatilyo. “Jino!” Reklamo niya sa akin halata na rin ang inis at disappointment sa boses niya. Tuluyan na niyang nakalabit ang gatilyo.  “Oo na! Papakasalan na kita, bongga pa ang kasal kung gusto mo kaya please ibaba mo na ang baril mo!” sigaw ko sa kaniya. “Bang!” sabi niya sa akin at isang ngiti ang gumuhit sa labi niya kasabay no’n ay pagkawala ko ng ulirat.  With a bang bang nabuo ang lovestory naming dalawa. Ako si Jino Yoshida, kalahating Japanese, kalahating Tyra Banks. Isa akong pure blooded na bulalak na magigising na lang sa katotohanan na tinakot ako ng fiancé kong lesbian na si Thalia Mendez para pakasalan siya para sagutin at ma-solve ang mga problema niya sa buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.9K
bc

NINONG II

read
619.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG III

read
364.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.6K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook