All right Reserved
Date Started: ————
Date Ended:
This story is a work of fiction. Any resemblance to real people, living or dead, events, places and other stories are coincdental. No part of this story may be copied or reproduces in any form.
I'll start my weekly update for this story after I finish writing the Soothing Midnight
This is just the teaser
EHU SERIES #3
Meet Nikka Diel Delos Santos
Nikki and Sky Delos Santos Daughter
_______________________
"Hindi ba't sinabi ko na sainyo na ayaw ko sa mga Montenegro mag pagawa?" inis kong sabi sabay tingin sa mga staff ko na nandito sa loob ng conference room. "Bakit nakikita ko parin ang pangalan nila dito sa listahan? At sila pa talaga ang priority?"
Nanatiling nakayuko silang lahat, no one dares to look at me straight to my eyes.
"Lily? Care to explain the situation?" tanong ko sa aking secretarya. Kita ko kung papaano siya nagulat sa biglaan kong tawag sakanya.
"Ah kasi po ma'am si sir Sky po ang may gustong makipag deal sakanila." rinig ko ang takot sa boses ni Lily.
"My dad?"
"Yes po ma'am. Sa katunayan po mag kakaroon na po sana tayo ng bidding sa lahat ng mga construction firm dito para sa next project natin, ngunit narinig po ni sir Sky ang plano kaya siya na mismo ang gumawa ng kontrata para sa mga Montenegro."
Humilig ako sa swivel chair ko sabay pisil ng aking noo.
Not today dad
Bigla akong tumayo sa pagkakaupo, natarantang tumayo rin ang mga empleyado ko. Hindi alam kung anong gagawin.
"Meeting adjourned" I said "But I expect you to give me a better plan for our next meeting Lily." Sabi ko habang nag mamadaling umalis ng conference room
"Yes ma'am" Lily while writing down something on her pad.
"Cancel all my meetings for this day"
"Yes ma'am" Lily sabay yuko sakin nung tuluyan na akong nakapasok sa elevator.
Agad akong lumabas sabay dambot ng telepono ko nung nakarating na ako sa basement ng bulding namin.
"Hey princess, napatawag ka."
"Where are you dad?" Using my free hand I immediately took my car keys inside my coat.
"Nandito sa bahay, bakit anak? May problema ba sa kumpanya?"
"We need to talk, i'm coming."
pagkababa ko ng tawag ay agad kong hinagis ang telepono ko sa shotgun seat, at pinaandar na ang sasakyan.
"Asan si dad" bungad ko sa isang kasambahay namin pagkarating na pagkarating ko ng bahay.
"Nasa study room niya po ma'am" derederecho akong nag lalakad papasok kaya pansin ko na nahirapan siya sabayan ako.
Nung nakarating na ako sa harap ng study room ay hindi ko na hinintay na pag buksan pa ako ng pinto ng kasambahay, dahil ako na ang nag bukas neto.
Nakita ko si dad, na tahimik umiinom ng tsaa sa veranda ng study room niya, kasama si mommy.
"Anak" mommy sabay tayo nung nakita niya ako, ngunit hindi ko siya pinansin dahil kay dad ako tumingin.
I need to hear his explanation.
"May problema ba sa kumpanya?" malambing na tanong sakin ni mommy
"Dad ano tong sinasabi ni Lily na ikaw pa mismo ang gumawa ng contrata sa mga Montenegro."
Kahit na pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang galit, hindi man lang ako sinulyapan ni daddy. Sa halip ay relax na relax niya pang ininom ang kanyang kape. Siesta time niya
"What contract are you talking about sweetie?" Mommy sabay baling kay daddy "Hon anong ibig sabihin ni Nikka?"
Binaba ni daddy ang hawak niyang tasa bago niya ako hinarap.
"Para ito sa renovation ng isang mall natin sa Makati. At ang pwede ko lang pagkakatiwalaan sa malaking proyektong ito ay ang mga Montenegro lang." kalmadong sabi ni dad "And perhaps, you can attest their credentials sweetie, from their previous projects to our company."
"May ibang construction firms ngayon na magagaling din dad, mas pulido ang pag gawa. Kaya nila pantayan ang gawa ng mga Montenegro."
"But you know me as a businessman sweetie, I won't take that risk. I can't let my company suffer by trying some unknown firms in our projects." aniya "Mapapagastos lang tayo kapag hindi maganda ang pag gawa nila ng buildings natin kapag pilitin natin ang kagustuhan mo."
"Dad can you trust me this time? I can do it, makakahanap ako ng magandang firm para dito." Pagmamakaawa ko.
Kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para hindi makakapag deal si dad sa mga Montenegro.
"I trust you sweetie, that's why I gave you that position."
"Alam mong hinding hindi ako gagawa ng ikakasama sa kumpanyang ito. Please dad"
My dad pursed his lips, while my mom kept her silence. "Hmmm, dahil ba sa nangyari sainyo ni Engineer Montenegro kaya ka nag kakaganito anak?"
Nanlaki ang mata ko nung sinabi ni dad yun. Hindi ko akalain na maisip niya ito.
"If that's the reason why you're acting like this, then sorry sweetie i'm disappointed"
"Hon!" pigil ni mommy kay dad. My dad shrugged, I clenched both of my fist. Pinipigilan ang sarili kong sumigaw.
"Kahit anong nangyari sainyo ni engineer noon, wag mong isali ang personal issues niyo sa trabaho. You should both be professional."
Napasinghap ako, hindi ko na ata mapigilan na itikom ang aking bibig
"Paano mo iaasa sakanila ang malaking proyekto na ito kung nagawa niyang magsinungaling sa pamilyang ito ng harap harapan dad? I am very professional now, kaya nga hindi ako sangayon dito hindi ba? Paano kung lokohin nila ulit tayo? You are the one who is not professional here dad. Ikaw dito ang nag bibigay importansya sa pamilya ng mga Montenegro." I spatted.
"Sweetie, it's not good to talk to your dad that way." Mommy
Sinulyapan ko saglit si mommy, na mayroong pag aalala sa mukha bago ko hinarap muli si dad.
"I am the CEO of Delos Santos Realty Group, ako ang mag desisyon para sa ikakabuti ng kumpanyang ito."
"By what? Rejecting the deal with the biggest firm in the country?" natatawang sabi ni dad sabay iling.
"If that's the only way to save this company. I'll do it." matapang kong sabi kay dad
"Hindi tayo lolokohin ng mga Montenegro." Dad
"Nagawa na nilang lokohin tayo dad" giit ko, fraustrated, ano pa ba ang kailangan kong sabihin para maintindihan ni dad ang gusto kong iparating sakanya
"Nagipit lang siya noon, kaya niya nagawa niya sayo ang mga bagay na yun anak."
Napatawa ako dahil sa galit ko kay dad.
"Still! They already broke my trust on them dad. Kaya kahit kailan hinding hindi na ako mag titiwala sa pamilyang yun. And sorry dad, my decision about this matter is final. I will find another firm for this project."
"I said the project will go as planned anak. I already made the deal. Pirma na lang ang kulang."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dad. I clenched my teeth because of my anger
"Dad!"
"Ikaw nga ang CEO ng kumpanyang ito Nikka, pero lagi mong tatandaan, I am still the chairman of board. I have the power to decide in our company without telling you." may pag babanta sa boses ni dad nung sinabi niya yun
Na para bang sinasabi niya na wag ko nang ituloy na kalabanin siya, dahil sa huli ako ang talo.
"Edi tanggalin mo na lang ako sa kumpanyang ito kung ganun. Wala rin naman palang silbi ang mga desisyon ko."
"Nikka!" Mommy
Alam at naging saksi si mommy kung gaano ko pinaghirapan abutin ang nakuha kong posisyon sa kumpanya. Kahit anak ako ng may ari, hindi naging madali ang pinag daanan ko para makuha ko ang tuktok. I gave all my life for this company.
Tumawa si dad "Oh sweetie, don't you dare. Dahil alam mo kayang kaya kong bawiin ang pinaghirapan mo sa isang iglap."
How cruel Sky Delos Santos is to her only daughter.
Arghh!!! Nakakainis!