"Good morning" bati ko sa mga magulang nung makarating ako sa hapag para kumain ng aking breakfast.
Nauna akong lumapit kay mommy na nakaupo para humalik sa noo niya tsaka bahagyang yinakap
"Good morning sweetie." she greeted
After that I went to my dad who is sipping his hot coffee, may hawak na newspaper sa kaliwang kamay.
"Good morning dad." I also kissed him.
"Good morning"
Umupo ako sa katabing upuan ni dad na kaharap naman ni mommy.
May agad na lumapit sa'kin na kasambahay para masalinan ang baso ko nang fresh orange juice.
"Your driver is already waiting for you outside" natigil ako sa pag lalagay ko ng bacon sa aking plato nung muling nag salita si dad.
"Dad I told you, I don't need it. I can drive on my own."
"This is for you own safety sweetie." ani ni dad
"I'm not a reckless driver like Niel. He's the one who got into an accident. Dapat siya ang bigyan mo ng driver hindi ako." katuwiran ko.
My twin brother got into an accident few weeks ago, mabuti na lang at gabi nung nangyari ang aksidenteng 'yon. Walang may na saktan pero ang impact nang pagkabangga niya sa malaking puno ay masasabi mo na nabigyan siya ng pangalawang buhay. He was saved by the air bag of his car.
"He's also not allowed to drive a car now" mommy "we will be giving him a driver if he'll need to go somewhere."
"Buti naman kung ganon." I murmured.
Mag wawala talaga ako dito kapag nalaman ko na hinayaan pa'rin siya ni mommy na mag drive ng sarili niyang sasakyan pagkatapos ang lahat ng nangyari.
Niel is not staying here with us right now. He prefer to stay in his condo unit that was brought by our parents. He said that it was much convenient for him to stay there. Dahil nakasanayan niya na na 'don umuwi nung mga panahaon na varsity pa siya nang university, he wanted a place to rest in between his classes and practices. Saktong walking distance lang ang condo unit na 'yon sa university namin.
I also have one but I prefer living here with my parents. Well, i'm too lazy to cook my own food and wash my laundry at night. Mas maganda dito, kain, aral, tulog, aral ulit at punta sa school ang aatupagin ko.
"Your driver will be waiting outside of your campus." Daddy
"What? Buong araw siya 'don?" bulalas ko sa kanilang dalawa "i'm not a kid dad! Hindi ba pwedeng umuwi siya habang may klase pa ako. Babalik kapag sinabi ko na?"
"Your mom and I already agreed on this set up anak."
"But did you ask me about my opinion on this matter?" I clenched my fist above our table as my eyes narrowed "Mom! Dad! I'm already in my last year of college. I don't need him to wait for me outside the campus all through out the day like an elementary student. You're just wasting your money!"
"Protecting you and making your life easier and comfortable is not a waste of money anak." Mommy
"Dad!" sabay baling kay dad
I know him. Hindi to mag lalabas ng pera sa walang kwentang bagay.
"Your mom is right sweetie." laglag ang panga ko at namilog ang mga mata nung narinig ko 'yon mismo sa bibig ni dad. "You're in your senior year, mas busy ka ngayon sa school kaya eventually you will really need a driver."
"Unbelievable. I can handle myself " I commented before I started eating my breakfast.
Pinili kong manahimik buong breakfast, wala sa mood na kausapin ang mga magulang ko. Nakakainis lang kasi isipin na sa ganitong edad naisipan pa talaga nila ako bigyan ng driver.
Nahinto ako sa paglalakad paakyat sana sa kwarto ko nung nakita ko si Monique na kakalabas lang sa kanilang kwarto. Wearing our university uniform.
Monique is the grand daughter of lola Celia, ang isa sa pinakamatagal nang nag tratrabaho sa pamilya namin. Bata pa lang kami dito na naninirahan sa bahay si Monique. Scholar siya sa East High University, fourth year din katulad ko kaso accountancy siya habang ako naman ay business administration ang kinuha ko
May dugong kastila si lola Celia kaya sobrang ganda ng mga mata ni Monique, she got this hazel brown eyes, ang pilik mata ne'to ay hindi na kailangan ng false eyelashes o curler dahil natural na itong mahaba at curled.
Paatras akong lumakad pabalik "Que? Papasok ka na?"
"Mamaya, tutulungan ko pa si lola sa trabaho. Ikaw? Papasok ka na ba?" She was combing her shoulder length hair. Medjo basa pa dahil kakaligo lang ne'to
"Oo, ano oras ka ba aalis? Sumabay ka na sa'kin." anyaya ko.
She was like my sister, kaya kapag nag kataon na sabay ang alis at uwi namin dito sa bahay ay sinasama ko na siya.
Nakangiting umiling siya "Mamayang alas diez pa ang klase ko. Sinadya kong magising nang maaga ngayon sa ganon ay matulungan ko pa si lola sa gawaing bahay kahit papaano."
"Ganon ba? Sige, pero mamaya itext mo ko. Baka sabay ulit ang dismissal na'tin."
"Sige"
Pagkatapos 'non ay umakyat na ako sa kwarto ko, habang si Monique naman ay tumungo na sa kitchen. Siguro nandon ang lola niya.
I did a light make up. Brush my straight hair and put some hair clips on both sides of it before standing up again to get my shoulder bag.
Pagkalabas ko sa bahay ang itim na Range Rover Evoque convertible na nakaparada ang unang nakita ko. May isang nakatayong lalaki ang nag aabang.
Nung napansin niya ang presensya ko ay agad na tumuwid siya ng tayo. Huminto ako sa harapan niya at agad pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Matangkad, hanggang dibdib niya lang ata ang lebel ng mata ko. Maganda ang pangangatawan, his basic black tee and jeans looks good on him. He got this undercut with long sides haircut.
When my eyes went to his face. I closed my eyes a bit because of the sunray hitting up my face. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa aking kilay para bahagyang takpan ang sikat ng araw at sa ganon ay makita ko ang mukha niya. Pero bago ko pa tuluyang nagawa 'yon ay humakbang na siya patungo sa direksyon ng araw. Protecting me from sunlight
I can now totally opened my eyes with the help of his huge frame and his shadow.
"Are you my driver?" unang lumabas sa bibig ko nung tuluyan ko nang nakita ang mukha niya.
Tumayo siya ng maayos, nakatago sa kanyang likuran ang dalawang kamay.
He has thick well arched eyebrow, perfect jaw lines, thin lips, matangos 'rin ang ilong niya. He also has this unique deep amber eyes on him. Sa tingin ko may dugong banyaga ang dumadaloy sa kanya.
"Yes ma'am." he has a baritone voice
"How old are you?"
"Twenty six"
"Is this your first job as a driver?"
Sa tindig at mukha niya, hindi kapani paniwala na driver ang trabaho ne'to. He looks much more than a model.
"Yes ma'am."
Umiling ako "First time" I murmured "Sorry but I can't trust you with this job." Tipid akong ngumiti at kumabit balikat "My life here is at stake. I prefer my driver to be much more experienced in this field."
I took out my phone and dialed my dad's number. I'll tell him to change my driver immediately.
Oo inaamin ko na guwapo nga tong lalaking ito, pero hindi ibig sabihin 'non ay ipagkakatiwala ko na ang buhay ko sa mga kamay niya. He'll be driving me from here to school vice versa.
Paano kung katulad ni Niel makabangga siya, may maitutulong ba ang kapogian niya para maiwasan 'yon? Hindi diba? It is all about the skills. And base on what he said, as his first time working as a driver, hindi na siya papasa sa'kin.
"Dad?" bungad ko pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag
"Yes anak?"
"Is this guy really my driver?"
Hindi na ako nag abala pang maglakad papalayo, I don't mind if he'll hear whatever I say. Mabuti na at harap harapan niyang malaman na hindi ako pabor na siya ang driver ko.
"Yes, he's name is Ford."
"Ford?" pansin kong napatingin siya sa'kin, ngunit agad niya naman itong iniwas "why him? Don't you think he is too young and has a lesser experience to be my driver?"
"He's young but trust me magaling ang batang yan sa trabaho. He is also a taekwando black belter kaya panatag ako na siya ang driver mo. No one will harm you while he's with you."
"I don't want him. Can you find another one? O exchange na lang kaya tayo ng driver. Akin na si kuya Martin sa'yo na 'to."
I heard daddy chuckled "Anak, I can't do that. Alam ni Martin ang mga lugar na pinupuntahan ko. Mahihirapan akong mag adjust kapag mag papalit pa ako ng driver ngayon."
"How about mommy's driver?"
"Same goes to your mom anak." He sighed "Can you just let Ford be your driver? Mahirap makahanap ng driver na black belter holder anak. Treat yourself as lucky dahil sa'tin nag tratrabaho si Ford."
"Pero dad I find him uncomfortable."
The way he looks at me and his presence itself is making me uncomfortable. Ewan ko ba. Yes ma'am pa nga lang ang naisasagot niya sa'kin naiilang na ako.
"It's normal anak. Kakakilala mo pa lang sa kanya. Give him a chance, two months. After two months, if you still don't like him as your driver I promise that i'll find you a different one. Okay?"
I sighed "Two months?"
"Yes anak. Two months."
"Okay." mahinang sagot ko sabay baba ng tawag.
"Ihatid mo ako sa campus." sabi ko sa driver ng hindi ko siya tinitingnan. Ngunit isang minuto na ang nakalipas ay hindi pa'rin niya ako pinag buksan ng pinto. Taas ang isang kilay ko siyang tiningnan. Waiting for him to do something but nothing happened. "Tsssk! This is why I prefer kuya Martin. Wala man lang initiative." reklamo ko sabay iling bago ko tuluyang binuksan ang pinto nang passenger seat.
"Do you smoke?" pag sira ko sa namumuong katahimikan na'min sa gitna ng biyahe
He took a glance at me using the rear view mirror "Occasionally." Sa mababang tono.
Napunta ang tingin ko sa kanyang braso nung bigla siya nag shift gear. I was a bit in awe on hiw he swiftly holds the steering wheel.
Mariin akong umilinng nung narealize kong tumagal ako kakatitig sa kanyang mga kamay.
Geezz!!!! Nikka what are you doing?
"I don't care if you're smoking or what." kahit pa mamatay siya kakayosi, wala akong pakealam! "Ngunit ayoko ng amoy nang yosi sa loob nang sasakyan, if you want to smoke while waiting for me, make sure that I won't smell any scent of cigarette inside my car." paalala ko.
"I won't smoke." he huskily said
"Good"
Laking pasasalamat ko nung safe kaming nakarating sa campus. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto nung lumabas ako.
I didn't expect him to open the door either.
"My class will end by 2:00pm I expect to see you here by that time." huling paalala ko nung lumabas siya sa kotse. Nakatayo ng tuwid habang ang dalawang kamay ay nakatago sa kanyang likuran.
"Yes ma'am."
Lumakad na ako papunta sa classroom ko, ngunit bago pa ako tuluyang makaakyat sa hagdan ay may nakita akong multo papalapit sa'kin. Nakaputing uniform at may nakalagay na malaking PHYSICAL THERAPIST sa kanyang suot na lanyard.
"Good morning sister."
Hindi ko siya pinansin, derederecho lang akong umakyat ng hagdan.
"Ay ang suplada naman, ano may dalaw ka ba ngayon?" napapikit ako ng mariin bago ako huminto atsaka hinarap siya.
"Wala akong pera!" mataray kong tanong sa kakambal.
Dalawang hakbang ang ginawa niya paakyat kaya naman mabilis siyang nakalapit sa'kin.
"Ouch! Anong akala mo sa'kin pera lang ang habol ko sa'yo?" he acted as if he was hurt by my words.
I raised a brow and crossed my arms above my chest
"Bakit? Hindi ba?"
"Of course not! I'm here to check you out. I need to see if your safe here. I'm you brother after all." taas noong sabi niya.
Umarte akong nasusuka sa sinabi niya "Cut all your drama, hindi bagay"
"May dalaw ka ata talaga ngayon." He quoted.
Nanliit ang mata ko, wala talaga siyang kaalam alam sa mga nangyayari sa bahay. Sinuntok ko ang braso niya para makabawi sa ginawa niya sa'kin.
"Kasalanan mo to! Kung hindi mo binangga ang kotse mo!! hindi na dapat ako magkakaroon ng sariling driver sa ganitong edad."
"Aray Nikka! Pwede ba! Usap usap lang walang suntukan? Wala pa akong tulog kakareview." reklamo ne'to kaya naman muli kong sinuntok ang braso niya.
"Eh ako wala ring tulog kakaaral. Atsaka! Hindi ba dapat nasa ospital ka ngayon? Ba't napapadalas ka dito sa department namin? Ha! Teka.." pinagmasdan ko ang ayos niya mula ulo hanggang paa "Nag iintern ka ba talaga kila tita Patricia o wala?"
"Oy nag iintern ako 'don no." agad na depensa niya sa kanyang sarili.
"Naku naku Niel! Pag nahuli kita nag sisinungaling isusumbong talaga kita kila daddy!!dito ka sa department namin tumatambay nambababae!.. Na ginagawa mong costume ang uniform mo para ipalabas sa'min na pumapasok ka nga." I pulled his sleeves a little bit, agad niya namang tinapik ang kamay ko.
"Pumapasok ako no! kahit na icheck mo pa ang DTR ko 'don sa ospital. Atsaka may dinadalaw ako kaya parati akong nandito."
"Dinadalaw? Ano yan? May girlfriend ka na naman?" pinadilatan ko siya ng mata bago hinampas hampas ang braso niya "Kailan ka ba titino ha? Sino na naman bang babae ang papiyakin mo?"
Oo, hindi makakaila na guwapo nga si Niel. Kahit na sino ay kayang kaya niya paibigin sa kanya.
Ngunit! Ang hindi ko matanggap ay kung gaano siya kabilis humanap ng panibagong babae. Kasing bilis pa sa pag expire ng unli load.
"Diskarte ko to, wag kang makealam."
Sagot niya kaya mas lalo ko siyang pinag gigigilan ng hampas.
"Bahala ka nga jan! Basta't wag na wag kang tatakbo sa'kin para humingi ng pera kapag nabuntis mo ang babae mo.."
"Buntis kaagad? Ni hindi pa nga niya ako sinagot.."
"Sino ba ang nililigawan mo? Para naman masabihan ko siya na wag na ituloy ang pag sagot sayo. Her life will just be in chaos Niel for Pete's sake."
"It won't be chaos sister. I'll make her life colorful."
"So gay" muli ko siyang pinaikutan ng mata. "Sino nga ang babaeng target mo?"
"Sekretong malupit! Wag mo nang alamin, sisirain mo lang ang diskarte ko."
Laglag ang panga ko nung kumindat siya pagkatapos niya sabihin 'yon.
"Oh siya! Alis na ako..." I clenched my teeth when he put his hand on top of my head and shuffle my hair a bit.
"Arrghh! Kakaayos ko lang nang buhok ko Niel!" inis kong sabi sabay atras papalayo sa kanya. Sinuklay ang buhok gamit ang sariling mga palad.
"Text me if somethings happened. See you around sissy." akmang hahalikan pa sana niya ako sa aking pisngi mabuti na lang at mabilis kong inilagan 'yon.
He smiled while I was glaring at him. Murdering inside my mind.
When he was out of my vision, pinagpag ko ang nagusot kong uniform bago pinag patuloy ang pag akyat sa hagdan.
Luckily I arrived on time. I prepared my notebooks and pens on top of my arm chair while waiting for our professor to come.
_________
Comment.Vote.BeAFan.Share
Belle?