19

2390 Words
Habang nasa biyahe wala ni isa sa'min ang nag tangkang mag salita. Only the heavy raindrops and the wiper of his car is the only thing that you can hear. Mabuti na lang talaga at pumayag ako na mag pahatid sa kanya. Dahil mas lumakas lalo ang ulan habang nasa daan kami. Mahihirapan at mahihirapan akong makahanap ng taxi. Nang naaninag ko na ang malaking SAVANNAH signage ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan. Umusog ako sa kabilang side at mabilis na hinanap si Lola. "Si lola." Gusto kong lumabas kaagad ng kotse nung nakita ko ang estado ni lola Celia. Nasa waiting shed naman siya, ngunit alam kong nababas pa'rin siya dahil sa hampas ng malakas hangin. I felt guilty because I let her wait. Sana pala hindi ko na siya pinapunta at pinahintay dito. Ako na mismo ang mag hanap ng bahay nila sa loob. Habang papaliko na ng subdivision, hindi ako mapakali sa kinauupuan. Gusto ko nang lumabas para sunduin si lola Celia. But when Clifford parked his car and before I could open my door. He was already running towards his car compartment and quickly get something. Gusto ko pa sanang lumabas ng sasakyan, sumunod, ngunit nahinto nang nakita ko na sila nag lalakad patungo dito. Kahit malaki ang payong na dala, Clifford still tilted the umbrella towards lola Celia's side. Kaya bahagya pa'rin nababasa ang balikat niya. Kita ko ang pag aalala sa mukha ni lola, ngunit may sinabi ni Clifford sa kanya na naging rason kung bakit siya ngumiti kalaunan. Hinampas pa ni lola ang braso ni Clifford. "Lola" nagagalak kong saad pagkabukas na pagkabukas ng kotse. Umusog ako para bigyan ng espasyo si lola Celia. Clifford made sure that lola Celia settled first before he closes the door and went to the compartment of his car. "I missed you lola." hindi ko mapigilan ang pag yakap ko kay lola Celia. Ramdam ko ang ginaw sa katawan ng matanda "I'm sorry na late ako." maluha luha ako nung kumawala na ako sa yakap. I saw a box of tissue near the dash board. Kinuha ko ito at ipinatong sa malapit. I pulled some of it and tapped it on lola Celia's shoulder then to her arm. Basang basa talaga kasi siya. "Okay lang apo." ngumiti siya tsaka hinawakan ang kamay ko "mabuti at hindi ka naligaw." may panahon pa siyang mag biro. "Hindi naman po, the road isn't difficult here ---" sabay kaming napabaling ni lola nung nakapasok na ulit si Clifford sa sasakyan. Mabilis lang ngunit basang basa na 'rin ang suot niyang shirt dahil sa ulan. The first thing he did was to fix the temperature of his car. I thank him in my mind because of that. Basa siya at basa 'rin si lola, ayokong mag kasakit sila dahil dito. Pinagpag niya pagkatapos ang kanyang ulo, pati na'rin ang kanyang balikat. I also offered him a tissue to use. Saglit siyang napatingin sa kamay ko "Thank you.." sa mababang tono. After that, sinimulan niya na ulit mag drive. Lola gave out the direction kaya mabilis kaming nakarating sa bahay nila. It is a simple two storey home. Dalawang lot ang binili ko para sa kanila, sa ganon ay may space pa si lola makapag tanim tanim ng gulay o kaya mga bulaklak. She enjoys gardening so much, kaya hindi mag papatalo ang garden namin noon nung nag tratrabaho pa siya sa'min. Naunang lumabas ng kotse si lola, habang nanatili kaming nakaupo pareho ni Clifford. He is not invited, kaya wala talaga siyang balak na lumabas pa ng kotse. He was silently looking at me through his rear view mirror, waiting for me to go outside. Ngunit hindi ako makalabas dahil sa guilt na nararamdaman nung nakita ko ang kanyang damit. Kahit mabilis niya lang sinundo si lola Celia sa waiting shed, nabasa pa'rin siya. And I don't think lola Celia will like it kung pinauwi ko siya sa ganitong kalagayan. "Uhmm... Lola Celia prepared a dinner. Gusto mo bang sumama?" nanatili siyang tahimik at nakatingin sa'kin. "But it's okay if you're busy... We can ju---" Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabahin nang bigla siyang nag salita. "I'm not busy." aniya "Wait don't go out yet. I'll park this properly first." Mabilis ang pag galaw ng mata at kamay niya habang inaayos niya ang pag kakapark ng sasakyan niya sa labas ng bahay nina lola. "Wait.." aniya pagkatapos 'non ay kunot noo ko siyang tiningnan palabas ng kotse. "Ford!" I murmured Even though he place his hand on top of his head, mababasa at mababasa pa'rin siya dahil sa sobrang lakas ng ulan. Tumakbo siya papuntang compartment at mabilis na kinuha ang malaking payong. Ngumuso ako habang sinusundan pa'rin siya ng tingin, hanggang sa pinagbuksan niya na ako ng pinto, at may nakahanda ng payong para sa'kin. He didn't have to do this. "Thanks" ang na sabi ko na lang pagkalabas ko. I immediately notice how he tilted the umbrella towards my side, sa ganon hindi ako tuluyang mababasa. Hindi niya naituloy ang pag lalakad nung hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa payong. Kita sa mukha niya ang pagkagulat sa ginawa ko. "Nababasa ka. A-ayos lang ako." sabay ayos ng pagkakahawak niya ng payong. Giving his fair share of the umbrella. Even though the rain became heavier and the wind became stronger, wala akong nararamdamang ginaw sa katawan. Mula sa leeg papunta sa mukha, mas nangingibabaw ang init na nararamdaman. His gaze is already enough to give me heat. Lola Celia is already waiting for us to arrive with a towel on her hand. "Halina kayo sa loob, at baka magkasakit pa lalo kayo." Lumapit siya sa'min para ibigay ang maliit na towel. "Salamat.." Ford murmured "Lalong lalo ka na Nikka. Baka magalit si sir Sky at hindi ka na niya hahayaan na bumalik ka dito kapag nalaman niyang pinapaulanan ko kayo dito." Pinatong mismo ni Lola Celia ang isang towel sa balikat ko, at bahagya pa niyang inayos ang buhok ko. "Ayos lang po ako lola.. wag ho kayong mag alala." My eyes then drifted to Clifford, who went near the door, tahimik na iniwan ang basang payong pagkatapos. "Uhmm lola.." I whispered "May extra shirt po ba kayo?" "Oo naman apo.. 'yong damit na pinamigay mo sa'kin 'noon nandito pa.. kahit kaila--" "Ah lola! Hindi po sa'kin.. Kay Clifford po sana." Nang nilingon ko ulit siya ay bigla akong nakaramdam ng init na dumaloy sa aking mukha nung nahuli ko siyang mariin na nakatitig sa'kin. Na para bang nag papahiwatig na kanina pa siya nakikinig sa usapan namin.. "Aba syempre naman!! Tara na sa loob mga apo, para makapagpalit at makakain na tayo ng hapunan." Sabay kami ni lola pumasok, habang tahimik namang nakasunod si Clifford. Agaw pansin ang nakahilerang picture frames na nakapatong sa isang glass table malapit sa dingding. It was as if these are the most prized treasures of this family. It was Monique's graduation pictures, from her elementary picture up until her college graduation picture are all here. Panigurado ilang taon ang makalipas madadagdagan ang graduation picture na nakadispaly dito. Lumapit ako lalo para makita ang iba pang pictures. Ngumiti ako nang nahanap ko ang sariling mukha. It was me together with Monique and Niel. Parehong mga bata pa.. Niel is standing at the center habang ang dalawang braso ay nakaakbay sa'min ni Monique. I think this was taken when Monique celebrated her 7th birthday in our house, ilang buwan pa lang siyang naninirahan sa bahay. Nakasuot siya ng Cinderella dress. Next frame, sila lola at Monique na. This was our graduation day in EHU. Ipinasuot ni Monique ang kanyang cap at ipinahawak kay lola ang kanyang diploma. At parehong malaki ang ngiti sa larawan. These two really had a rough road. But it didn't stop them. Itinaguyod pa'rin ni lola para makapag tapos ng pag-aaral si Monique. On the other hand, Monique didn't disappoint her lola. She really did her part really well, very very well. Lumabas mula sa isang kwarto si lolaz "Eto suotin niyo. Bihis na muna kayo habang hinahanda ko ang hapunan." Pagkatapos inabot ni lola ang mga damit sa'min ay tumulak na siya patungong kusina, at naiwan kaming dalawa ni Ford na nakatayo sa living room. "Mauna ka na." sa mababang tono, atsaka inabala ang sarili sa mga frames na nasa harapan. Hindi ko magawang tingnan si Ford, kahit na ramdam ko ang bigat ng titig niya sa'kin. I just know that it is my finish line the moment I lay my eyes on him. Kanina pa lang sa hotel.. habang nag lalakad kami patungong parking area, madaming alaala na kaagad ang naaalala ko habang tanaw ang malawak niya likod. Paano pa kaya kung hahayaan ko ang sarili kong kausapin siya ng matagal. "You can change first." nung nilingon ko siya ay agad akong napaatras nang malaman na sobrang lapit na pala niya sa'kin. "I-i'm fine.." Umawang ang labi at napakurap kurap. Hindi makapagsalita. Why can't I even say a thing everytime i'm with him. Umiling ako. I must be crazy. "Uhh sige sabay na lang tayo." His eyes widen into fraction, same goes to me when I realized what I said. Gusto kong iumpog ang ulo dahil sa katangahan na sinabi. Oh! Please not today Nikka.. Mariin akong umiling, natataranta at gustong bawiin ang sinabi. "Ahh.. Ang ibig kong sabihin, don ka at.. at dito ako.. Sige.." pasimple pero nag mamadali akong lumakad papunta sa pinto katabi nung pinto na tinuro ko kanina. "f**k!" I murmured when I enter the unknown room. Patay ang ilaw, it was too dark. Kinuha ko ang phone sa bulsa at agad na in-on ang flashlight ne'to. "Asan ang switch?" Bodega pa ata nila ang napasukan ko. Kapansin pansin ang mga lumang gamit na nakatambak dito. Pahirapan pa hanapin kung saan ang switch ng silid na'to. Kaya imbes na ibigay ang ilang minuto sa pag hahanap 'non ay mas pinili ko na lang ilagay sa isang drawer ang phone ko para mag silbing ilaw habang nag bibihis ako ng shirt at maong shorts I was just in time when I hear Lola is calling my name. Pahirapan pa sa loob kaya pawisan ako nung makalabas. Kamuntikan pa akong atakihin sa puso nang makita ko si Ford, nakahilig dingding habang ang dalawang kamay ay nakatago sa kanyang bulsa. Mukhang inaabangan ang pag labas ko. He is now wearing a loose red shirt. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa'kin. "Are you okay?" nag aalalang tanong niya. Nahihilo ako sa kung paano niya ako tinititigan mula ulo hanggamg paa. My eyes flickered when I saw his gaze stayed on my forehead. I felt my whole body shiver when he gently wiped the corner of my eyebrow using his thumb. "Are you okay?" Saglit siyang sumulyap sa kung saan ako lumabas. "Y-yeah.. I'm fine." umatras ako bago inayos ang takas kong buhok. He caught my eyes, naninibang kung nag sisinungaling ba ako o hindi. "Walang ilaw, atsaka bodega ata nila ang napasukan ko." His eyes narrowed. "Bodega?" I cleared my throat to renew my stance. "Oo, tara na 'don kay lola baka hinahanap na tayo." Tumalikod ako, iniwasan ang titig niya at nauna nang tumulak papunta sa dinning area. Nakita ko si lola, may dalang ulam. "La ako na po." akmang kukunin ko pa sana ang hawak niya nung biglang tinapik niya ang kamay ko. "Ako na.. kaya ko na'to." aniya sabay linga sa likod, mukhang may hinahanap. "Hijo! Pakikuha nga ng softdrinks sa loob ng ref." Nanlaki ang mata ko nung narinig ko kung paano utusan si Ford ni Lola. "La! Ako na po.." "Wag na apo. Umupo ka na diyan.. Kami na bahala dito ng driver mo.." Mas lalong lumaki ang mata ko at nasamid pa ako sa sarili kong laway dahil kay lola. Sinong driver? Ano? Si Ford? Eh mas mayaman pa'to sa'min eh. "Okay ka lang?" Lola. Umiling ako, hindi pa nag sasalita dahil abala pa ako pakalmahin ang sarili. I even felt Ford's pressence getting nearer. "Hijo! Pakikuha nga nang tubig ang ma'am Ni.." I didn't let her finish her sentence when I firmly held her hand and shake my head. Nag mumukhang nagmamakaawa na kay Lola na wag ituloy ang sasabihin. "Bakit apo? Nahihirapan ka na bang huminga? Clifford paki--" "Lola!!!" tumaas na ang boses ko, kita ang pagkabigla sa mukha ni Lola dahil sa ginawa. "Sorry. Ako na po ang kukuha." Dali dali akong tumayo ng maayos atsaka tumungo sa kitchen para kunin ang softdrinks. Pero bago pa ako makabalik, kumuha muna ako ng isa pitser ng tubig at sinalin 'yon sa isang baso. Posible kayang hindi alam ni Lola ang totoong nangyari sa'min ni Ford 'non? Sa tono kasi ng boses niya parang wala talaga siyang alam eh. And knowing Lola, na isa na sa mga taong nag palaki sa'min ni Niel, alam ko na papanigan at papanigan ako 'non. Alam ko na magagalit at magagalit siya sa mga taong kumaaway sa'kin. "Nikka..." his familiar voice. I closed my eyes and took a deep breath before facing him. "Sorry pala at inutusan ka pa ni Lola. Akala niya siguro, driver pa kita hanggang ngayon." I gave out a fake smile. He licked his lips before purse it into a thin line. "It's okay.. I don't mind." aniya "Here." Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na tissue. My brow furrowed. "You're sweating too much Nikka." Laglag ang panga ko nung kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nag punas ne'to sa forehead ko. "As much as I remember, you really hate it when your sweating too much.." he huskily said, as he gently wiping off my sweat. Umuulan pa sa labas kaya hindi maikakaila na lumamig ang panahon. Ngunit heto ako ngayon, pawisan at mukhang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Our distance is not also helping. I can easily smell his expensive and manly scent that is so familiar to me. Gusto kong bawiin sa kamay niya ang tissue at ako na mismo ang mag punas ng sarili, ngunit hindi ko magawa. At tila hinahayaan ko pa siyang gawin ang ginagawa niya sa'kin. "Are you sure you're okay? Do you want to rest or something?" Even his voice sounds so calming. Oh no!! I must be crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD