"Congratulations ma'am Nikka." Nakangiting bati nang manager ko sa'kin nung nakaalis na ng venue ang lahat na dumalong mga bisita.
"Thank you, this event wouldn't be successful without your help ate." I sincerely said, then hug her.
"I am just an instrument but this success is all because of your artworks Nikka. The messages that you wanted to convey through your paintings reaches the hearts of your audience." aniya sabay kawala ng pagkakayakap sa'kin. Hinawakan ang magkabilang braso ko tsaka nakangiting tinititigan niya ako. "Nikka."
Naging seryoso siya bigla kaya unti unting napawi ang ngiti ko. May kutob ako sa susunod niyang sasabihin.
"Are you really sure you won't pursue becoming a full-time artist?" aniya "Ikaw ang natatanging artist na hinahandle ko na kayang ma sold out ang paintings sa tuwing mag kakaroon ka ng biddings. And take note that you're just doing this when you have time. How much more kung ibibigay mo ang lahat ng oras mo sa pag pepaint hindi ba?"
My eyes flickered as I was listening to my manager. Hindi ako kaagad makasagot,tila ba ang hirap. My mind wanted to refuse, but my heart wants to do it so bad. To paint and pursue being an artist. Simula pagkabata 'yan talaga ang pangarap ko.
I sighed atsaka pekeng ngumiti "I can't leave my family. And besides, kaya ko pa namang pagsabayin ang trabaho ko sa pag pepaint."
Pansin ko ang lungkot sa mga mata ng manager ko.
"Your mom is an artist Nikka, i'm sure she'll support you if you wanted to follow her path."
Umiling ako at pilit pa'rin na ngumiti sa'kanya.
I couldn't ask for more. Sapat na sa'kin ang makagawa ng isang panibagong painting, sa gitna ng schedule ko.
Ilang minuto pa kaming nagkausap ng manager ko tungkol sa kakatapos lang na auction. We'll be having an exhibit for three days kung saan idedisplay ang lahat na gawa ko, pagkatapos 'non ay idedeliver na sa mga may-ari ang paintings.
I also told my manager that i'll be making another piece and give it to last bidder who bought my piece for a million dollars.
Sa kalagitnaan ng usapan nami ay kinuha ni Ford ang atensyon ko para ipaalam na hinahanap ako ni dad.
Nagpaalam ako sa manager ko bago lumakad palabas ng venue. Ford is leading our way as always, and making sure that I won't bump on someone while I was busy scanning my emails through my phone.
Imemeet namin ang isang firm kung saan, sa kanila namin ipapagawa ang bagong branch sa Iloilo.
"Dad!" bungad ko pagkasagot na pagkasagot ni dad nung tawag.
Nasa loob na ako ng sasakyan. Nakaupo sa shotgun seat habang nasa tabi si Ford, seryosong nag dridrive.
"Yes sweetie."
"May I know kung anong firm ba ang imemeet na'tin ngayon." I turned on my speaker and pulled out my tab.
"Ah.." aniya "Montenegro's Cons't Firm. Why sweetie? May problema ba?"
Nabitin sa ere ang kamay ko nung narinig ko ang sinabi ni daddy.
"Montenegro?"
"It is the firm owned by your fiancé's family." may pangungutya pa sa boses ni dad.
"Dad!" gulantang suway ko.
My face heated, while my dad just chuckled.
"What? Totoo naman kasi na magiging fiancé mo siya balang araw."
Nanlaki ang mata ko at natatarantang in off ang loudspeaker. I don't know why I did it. Pero ang alam ko lang ay ayaw kong marinig ni Ford na tinutukso ako ng daddy sa ibang lalaki. Atsaka hindi pa naman ako sumangayon na ikakasal ako kay Eli.
Though I still have two dates with Eli, I already know what's my heart and mind wants.
"Dad hindi pa ako nakakapag desisyon tungkol diyan."
Muli kong sinulyapan si Ford. Tahimik at walang reaksyon na nag dridrive pero sigurado akong nakikinig siya sa usapan.
Yes, i'm inlove with someone for the very first time. Not just infatuation but indeed love.
Masaya ako sa tuwing gumuguhit ako ng panibagong painting pero hindi maipapantay ang kasiyahan na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
I feel that I can conquer every obstacle that I might face if i'm with him.
I just don't have the courage to tell him nor my family the truth about my feelings.
Gusto ko na sa oras na sabihin ko ang lahat lahat ay kayang kaya kong panindigan ang resulta sa naging desisyon ko.
Ford doesn't need to reciprocate my feelings for him. Ang sa'akin lang ay masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay sapat na sa'kin.
Alam ko naman kasi na hindi magiging madali sa kanya ang mga tao na nasapaligid ko. Kaya nag iingat ako, para hindi siya pag initan.
Hindi ko na hihintayin pa umabot ng three dates. Sa susunod na pagkikita namin ni Eli ay aamin na'ko. Ayaw ko nang patagalin at ayaw ko nang aksayahin pa ang oras namin pareho, dahil alam kong kahit kailan hindi titibok ang puso ko para sa kanya.
My heart is only beating and screaming Fords name. At hindi ako sigurado kung huhupa pa ang pag t***k ne'to.
"Biro lang anak. We don't want to push you into something that is against your will." aniya "lalong lalo na sa lalaking papakasalan mo. Hindi na bale kung saang angkan siya kabilang. Ang importante ay mahal niyo ang isa't isa."
Napatingin ako kay Ford nung narinig ko ang sinabi ni daddy.
He doesn't care about the clan of the person that I wanted to marry?
Does it mean, matatanggap niya si Ford? Kahit na hindi siya lumaki sa marangyang buhay, masisigurado ko na hindi pa'rin siya nahuhuli sa mga lalaking kabilang sa malalaking angkan.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko nung nahuli ako ni Ford na nakatingin sa kanya. Wala eh, masaya ako dahil sa narinig ko mula kay dad.
Hindi matanggal ang ngiti ko sa kakaisip na matatanggap at matatanggap ng pamilya ko ang lalaking minamahal ko. Hanggang sa makarating na ako sa conference room ay nandon pa'rin ang ngiti.
"Sorry i'm late." Nahihiya kong saad tsaka pumunta na sa vacant seat na nasa tabi ni dad.
"It's fine" nakangiting sabi ni dad bago humarap sa mga iba pang kasama namin "Everyone, i'd like you to meet my daughter. Nikka Delos Santos."
Pakilala ni dad, dahan dahan akong tumayo at bahagyang inayos ang damit bago ngumiti.
"Good morning"
"Nikka" ani ni Dad kaya nilingon ko siya "These are the people who will work with us for our upcoming Iloilo branch."
Dalawang lalaki naka suit and ties na damit at isang babae na naka suot ng plain nude fitted dress ang nakaupo sa harapan ko. Na agad namang tumayo at inayos ang kani kanilang sarili nung pinakilala sila ni dad sa'kin.
"Meet architect Nico Pascual, Wilbert Uy and Engr Scarlet Sanchez."
I smiled, inalahad ang kamay for a handshake.
"Pleasure to meet you miss Nikka, i'm Scarlet Sanchez." Aniya sabay nakangiting tinanggap ang aking kamay.
She has a bright aura on her. Ang ganda niya.
Pagkatapos 'non sina Nico at Wilbert na ang isa isang nag pakilala.
My dad asked us to have a seat after a while, in order for us to start our agenda, which is our upcoming branch in Iloilo.
As always dad leads the meeting, instructing architect Pascual and Engr Sanchez the things that he wanted to do in this project. Habang ako ay tahimik lang sinusulat ang mga importanteng bagay na ibinabanggit nila tungkol sa project.
Patapos na ang meeting nung napatigil ako sa paglalaro ko ng aking ballpen.
"I'll rely this to Engr Montenegro sir" ani ni architect Pascual.
Napalingon ako sa kanya.
"You should." my dad chuckled. "I know how busy he is right now, but please tell him that i'd like to meet him."
"Our apologies sir. But don't worry, we promise you that engineer Montenegro will be there in the groundbreaking ceremony next month."
Kunot noo akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.
Who is this engineer Montenegero? Ilang beses ko nang narinig ang pangalan na ito pero kahit minsan hindi ko siya nakikita, kahit sa tuwing nag sisite visit ako, wala.
Parating ang project manager lang ang humaharap sa'kin. Is he that busy and great? Na kahit magpakita kay dad ay hindi niya magawa?
I shrugged, hindi na ginawang big deal ang pagka misteryoso ng engineer na 'yon. Basta't sisiguraduhin niya lang na maayos ang pagkakagawa nila sa bagong branch namin.
After the meeting, my dad instructed me to stay for a while. He wanted to discuss more about my scope of work once I graduated.
He told me that i'll be the one to represent our company in every international conference that we were invited to.
"Are you sure dad?" nag aalinlangan na tanong ko.
The moment I chose this path, I made myself ready for this. But I didn't imagine that the days would pass so quickly. Na sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayan na gragraduate na ako sa college.
At pabigat nang pabigat ang responsibilidad na pinapasan ko.
I noticed my dad stopped signing some of his documents, nilapag ang Parker Jotter ballpoint pen at salamin sa long table para ibigay ang buong atensyon niya sa'kin.
He looked at me intently before giving me an assuring smile. "I know you can do it. I trust you, you are my daughter Nikka. You'll be a great leader. Don't worry."
Nanatiling tikom ang aking mga labi, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ngunit, kaonting kirot sa akong dibdib ang naramdaman nung narinig ko ang sinabi ni dad.
It is because I was expecting a different answer from him.
However, I don't want to tell him that I don't want the path that i'm walking right now.
I never wanted to be a leader of a huge company. I want to be an artist. An artist that can make an impact.
Gusto ko pa sanang ikwento kay dad ang kinalabasan ng auction ko, ngunit naisip ko na hindi ito magandang idea.
Pagkatapos ng usapan ay umalis na ako ng conference room. Agad na kinuha ang phone para hanapin si Ford.
"Nasa baba ako kumakain ng meryenda." sa mababang tono.
"Alright papunta na ako."
I ended the call after and hurriedly hid my phone inside my pocket.
Habang papapunta sa elevator, may iilang empleyado ang tumitigil sa ginagawa para batiin ako. Tango at ngiti naman ang isinagot ko sa kanila.
It was 4:30pm kaya naman may iilang street vendors akong nakita na ang nakaparada sa tapat ng building namin.
Maraming tao ang nakatayo at nakikipag usap sa mga kasama habang hinihintay ang kanikanilang pagkain.
Isa na don ay si Ford, may hawak na maliit na paper plate at plastic na may lamang buko juice. Masayang nakikipag usap sa tatlong babae.
Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko, my eyes narrowed as I was trying to read what's written on the ladies lanyards.
I'm pretty sure that they were not our employees. Kaya paano nila nakilala si Ford, at nakikipagtawanan pa.
Kahit anong ingay ng mga tao na nasa paligid, nangingibabaw pa'rin don ang tawanan ng apat.
Muntik na akong masuka nung pilit sinubuan pa nang isang babae ng fishball si Ford.
Natatawang tinanggihan 'yon ni Ford ngunit makulit ang babaeng 'to. Pilit pa'rin niyang nilalapit ang fishball sa bunganga ni Ford.
"Malandi." bulong ko sa sarili habang nanatiling matalim ang tingin ko sa apat.
At etong si Ford kung makangiti, halatang gusto naman ang ginagawa nung mga babae sa kanya. Sadyang nag papakipot pa eh.
"Ma'am Nikka!" Biglang may tumawag sa'kin kaya inalis ko ang tingin kela Ford para hanapin kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.
I saw a man smiling and waving his hand on me. It was one of our janitors.
"Kain po tayo." anyaya pa niya.
I smiled
Dahil sa lakas ng boses niya ay hindi mapigilan ang pag lingon ng ilan sa direksyon ko. Kabilang na don ang apat na kanina ko pa gustong iuntog sa isa't isa.
Nahuli ni Ford ang tingin ko, kaya bahagya siyang napaatras sa kinatatayuan. Gulat nung malaman na nasa harapan niya na ako.
I raised my brow and rolled my eyes on him.
"Tssk" lumakad ako palapit sa kinatatayuan ni Ford.
"Kanina ka pa?" rinig kong tanong niya nung tuluyan na akong nakalapit sa kaniya, ngunit hindi ko 'yon pinansin. Mas pinili kong bigyan atensyon ang mga pagkain na nasa harapan.
Patuloy pa'rin ang pangungulit ng tatlo kay Ford, kahit na ako naman ang kausap ni Ford.
"How was your meeting? May problema ba? Napagalitan ka?" may naririnig akong pag aalala sa kanyang boses.
Kumuha ako ng hotdog, dynamite at fishball. Ibinigay sa lalaking nag luluto bago ko hinarap si Ford, matalim ko pa'rin siyang tinititigan.
"May kasalanan ba ako sa'yo?" he innocently asked.
Mas lalong nanliit ang mata ko bago umiling
"Wala." saad ko bago ko siya tinalikuran.
Inabot na sa'kin ni kuya vendor ang order ko. Kukuha na sana ako ng pera nang biglang sumulpot sa tabi ko sa Ford at siya na mismo ang nag abot ng pera kay kuya vendor.
"Ako na po ang mag babayad nang inorder niya." Ford.
Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya dahil baka tuluyan na akong magalit. Eh ang totoo wala naman talaga siyang kasalanan. Sadyang naiinis lang ako sa tuwing nahuhuli ko siyang may kausap na ibang babae.
He should be suplado or snob to them like he was with me when I first met him. But he isn't. Instead, he was so talkative and goofy, to the point that he looks like he was flirting with them.
Tssk!
Bahagya akong lumakad papalayo sa mga nag titinda ng streetfood para mabigyan ng space ang ibang bagong dating.
Tahimik na nakasunod si Ford, hindi pinapansin ang tawag ng mga babae sa kanya.
Tumigil ako sa tabi ng isang nakaparadang itim na kotse, bago sinimulan ang pagkain ng streetfood.
Napatingala ako para pag masdan ang kalangitan habang kumakain. The sky was ablaze with fire of the setting sun.
A mark which always reminds us that it's not bad to take a rest in everything that we do.
"How was your meeting?" Ford
"Sino ang mga 'yon?" I looked at him sharply
Gamit ang kanyang kamay, tila natigil siya sa pagsusuklay ng kanyang buhok nung narinig niya ang tinanong ko.
Kunot noo niya akong tinitigan, mukhang hindi niya ata nakuha ang ibig kong sabihin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak kong streetfood.
"Kilala mo sila?" tanong ko ng hindi pa'rin binabalik kay Ford ang tingin.
"Sinong sila?"
"Sino pa ba? edi ang mga kausap mo kanina."
Pansin ko ang pag lapit ng kanyang mga paa sa kinatatayuan ko.
"I don't know them."
Kahit na hindi ko siya tiningnan ay may pakiramdam na ako kung gaano kalapit ang distansya namin.
Akala ko kakayanin ko ang presensya niya nung unti unti ko siyang tiningnan. Ngunit 'don ako nag kamali.
Hindi ko pala kakayanin ang bilis nang pag t***k ng aking puso.
Napaatras ako sa aking kinatatayuan nung yumuko siya para mag tama ang lebel ng aming mga mata.
Gusto ko siyang itulak papalayo sa'kin, ngunit hindi ko magawa dahil maliban sa nagwawala kong puso ay nanghihina ang buong katawan ko, sa paraan kung paano niya ako tinititigan ngayon.
Naiinis ako sa aking sarili na kahit anong pilit kong maging matapang at independent sa harap ng ibang tao ay nanghihina parin ako at gusto kong humingi ng tulong kay Ford. Na gusto ko siyang sandalan sa lahat ng mga bagay. Na gusto ko sa kanya ko ipapakita ang kahinaan ko. Dahil alam ko nandyan siya para pakinggan at saluhin ako.
Dahan dahan niyang hinawakan ang nanginginig kong kamay.
My face heated as I looked at his hand. I'm pretty sure that he can feel my trembling hands
Pakiramdam ko tumigil ang buong mundo ko nung naramdaman ko ang isang kamay niya na marahang nakahawak sa panga ko.
"I don't want you to be jealous.. But damn baby! I can't stop looking at you right now" aniya "I guess i'm addicted with your jelous face." he huskily said without breaking his gaze on me. "Don't be jealous. I'm all yours babe."