[11]

2130 Words
"Where are we?" nalilitong tanong ko, sabay linga sa labas ng sasakyan. Hindi ako pamilyar sa kung saang lugar ako dinala ni Ford. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay agad siyang bumaba at patakbong tumungo sa aking pintuan para pag buksan niya ako. "Ford." banta ko tsaka sinamaan siya ng tingin. "Malalaman mo 'rin mamaya." A gentle smile flashed on his face. Tsaka niya nilahad ang kamay niya sa harapan ko para maalalayan pababa ng sasakyan. "Napapadalas na ata ang pagdala mo sa'kin sa mga lugar na hindi ako pamilyar ah?" I acussed him as I hold his hand. Ford chuckled "This place is famous Nikka. Maliban kasi sa malls niyo, sadyang hindi ka talaga namamasyal." Bigla akong natigil sa paglalakad, ganon din siya. Napaisip ako sa routine ko dahil sa sinabi niya. These past following days after my classes kung may ipapagawa si daddy sa'kin, dederecho na ako sa office niya o kaya naman sa branches namin. Pagkatapos 'non sa condo ko na ang punta namin, para tulungan ang manager ko mag finalize ng exhibit at auction. At 'don ko lang narealize na katulad nang sinabi niya kanina, maliban sa branches namin hindi nga talaga ako pumupunta sa ibang lugar. Not that I don't enjoy traveling or exploring new places, it's just that I don't have the time for that. Weekends ko ay puno na dahil sa meetings and events, katulad na lang ngayong gabi. It is also a way for my parents to introduce me to their business partners. I understand it naman, kaya walang problema sa'kin kung mauubos ang weekend ko sa mga events na ganito. "Nikka." His grip became tighter.. Tihimik ko siyang tiningnan. Pansin ko na may namumuong takot at pag alala sa kanyang mukha. Kaya naman unti unti ko siyang nginitian. "Are you okay?" May pag aalala sa boses niya. Tumango ako sabay ayos ng kamay ko na hawak niya. "Let's go?" anyaya ko tsaka muli akong ngumiti. "Baka pagalitan ako nina daddy kapag malaman nila na hindi pa ako nakakauwi." pagiba ko ng topic Kahit hindi ko alam ang lugar na ito, ako na mismo ang humila ng kamay niya. Hindi na ako natatakot sa tuwing dinadala niya ako sa ganitong lugar, alam ko na walang mangyayaring masama sa'kin. I trust him, I know that he'll protect me, if somethings happened. Natigil nga lang sa pag lalakad nung humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nung nilingon ko siya, nakangiti na siya ng nakakaloko. Na para bang may binabalak nang kung ano. He slowly covers my eyes using his free hand without saying anything. Ramdam ko na s*******n niya akong pinaharap sa isang parte. "Ford! Baka maaskidente tayo ne'to." Natatarantang sabi ko, dahil sa higpit nang pagkakatakip niya sa mga mata ko ay ni isang kusing wala talaga akong makita. And because he has a huge hand, halos buong mukha ko na ang natatakpan niya. Kahit dahan dahan, patuloy pa'rin kami sa pag lalakad . Hindi maalis ang pangangaba sa aking dibdib. "Don't worry, i'll protect you." I felt my world stopped when he whispered in my ears. It seems like I forgot how to breath properly. My heart pounded so loud that it hurts and my stomach is starting to shuffle. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa'kin. Hindi ko magawang magalit dahil hindi na sapat ang oras ko para ligpitin ang sarili na nag wawala sa maliit na ginawa. "One.." he whispered once more. Kasabay nang pag bilang niya ay 'yon din ang pag hinga ko. "Two... Three.." Unti unti niyang tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa mga mata ko. Nanatiling tikom ang aking labi habang pinagmamasdan ang paligid. My eyes widen, and jaw dropped when I realized something. Nung nilingon ko siya, I saw him smiling at my side also looking at me. "Do you.." "Paano mo nalaman ang lugar na'to?" I cut him off. Sobrang hirap na hirap na ako kakapigil sa sarili na wag tumalon sa tuwa. How did he know that I wanted to visit this art museum? Hindi ko nga lang agad magawa dahil wala akong sapat na oras para dito. Pero pinangako ko sa sarili, kapag makaluwag luwag ay pupunta ako dito. "I just noticed that you stopped scrolling whenever this specific museum post come through your social media accounts. It seems like it always catches your attention. Kaya naisip ko na balang araw dalhin kita dito..." aniya "that's why I brought you here. Do you like it?" Hindi ako kaagad makasagot sa tanong niya. Rason kung bakit naiilang na napakamot siya sa kanyang batok. Ngumiti ako tsaka dahan dahan na tumango. "I like it.. Hindi ko alam na bukas pala sila tuwing gabi, kung alam ko sana mas maaga pa ako nakadalaw dito." Parang bata ako kung makangiti kay Ford. He chuckled. My smile vanished when he pinched my cheeks. "Kinausap ko ang may-ari kung pupwedeng buksan ang museum na'to kahit ngayong gabi lang." "K-kilala mo ang may-ari?" I saw his eyes flickered for a few seconds bago siyang pilit na ngumiti tsaka ginulo ang buhok ko. "Tara na. Baka mapagalitan pa tayo ng mga magulang mo." Sagot niya bago tuluyan niya akong tinalikuran. Without answering my question. I tilted my head while staring at him, slowly getting far away from me. Kumabit balikat na lang ako,isinantabi ang tanong. Nag mamadali ako ng lumakad papasok sa musuem. I feel like i'm in paradise looking at these wonderful pieces. My eyes were full, and words are not enough to express how happy I am today. "This piece was made when the artist was just ten year old." I explained as I looked at the huge piece infront of us. Tahimik na nakatayo lang si Ford, nakikinig sa lahat nang sinasabi ko sa kanya. "He was sexually abused by his own father at the young age. He can't tell anybody... Takot na baka hindi siya pagkakatiwalan ng ibang tao." Bahagya akong natawa nung nilingon ko siya at nakita ko kung gaano siya kaseryosong kakatitig sa art piece. "His father sold this piece for a dollar.. But little did they know, this piece will also be the key to unlock the chain that the little boy was wearing.." patuloy ko. "The person who bought this piece got the message that the artist wanted to say.. And that is, he wanted his freedom back. This piece helped him get his freedom.." My heart skip a beat the moment I looked at him once again, hindi ko alam na nasaakin na pala siya nakatitig sa'kin. As if I was also an art piece. "Where is he now?" he looks so interested "Who?" "The artist." "I don't know." I shrugged. "Walang may alam kung nasaan siya ngayon, he prefer to keep his life in private. Kahit nga ang mukha niya walang may nakakita." pinagmasdan ko siya pagkatapos niyang ibinalik ang mga titig sa artwork. Ngayon ko napagtanton kung gaano ka kinis ang kanyang mukha, idagdag mo pa ang kanyang nga panga na sobrang gandang tingnan. Ilang sandali kaming nanatili 'don bago naisipang umalis para makita pa ang ibang nakadisplay. Panay naman ang kwento at explain ko sa kanya, habang siya naman ay tahimik lang na nakikinig. Walang narinig na kahit isang reklamo mula sa kanya. Katulad ko, mukhang interesado talaga siya pumunta sa galleries at musuem. Kasalukuyang pareho kaming nakatayo ngayon sa harap ng isang malaking sculpture. Hindi naman naka on ang aircon ngunit ramdam ko pa'rin ang ginaw sa aking buong katawan. Siguro dahil sa suot kong long dress. Yinakap ko ang aking sarili sa ganon ay mabawasan ang ginaw na nararamdaman. Ngunit napansin ata ni Ford ang ginawa ko kaya mabilis niyang hinubad ang suot niyang coat. "Wag na Ford." Pigil ko sa kanya, hindi niya ata narinig ang sinabi ko dahil ipinatong niya sa balikat ko ang kanyang coat. "Use it. I don't want you to get sick.." sa mababang tono. Alam ko na kaming dalawa lang ang nandito sa museum ngayon, pakiramdam ko sobrang ingay dahil sa t***k ng aking puso. Na para bang may activity na nagaganap. At ako lang ang nag iisang nakakaalam sa nangyayari. Hindi ko magawang makapag salita sa harapan niya. Ngunit hindi ko magawang alisin ang mga titig ko sa kanya. Even though he looks stoic, you can't really deny that it made him more attractive, na imbes na matakot sa kanya ay mas pipiliin pa ng nga kababaehan na lapitan ito para makausap. Ilang araw pa ang nakalipas, mas lalo akong naging abala from my thesis, office works to my upcoming exhibit. I only slept for a maximum of three hours per day because of my work. "Akala ko ba hindi ka pumupunta sa auctions mo?" Tanong ni Ford sa'kin nung nakita niya na ang nakalagay sa brochures na ibinigay sa'min nang isang usherette sa entrance ng venue. Nanatili akong nakayuko, abala sa pag scascan nung brochure "I just want to know if this auction will be successful." Nauna akong lumakad papasok sa venue, ramdam ko na sumunod naman si Ford. Umupo kami sa pinakadulong upuan, kung saan hindi kami masyadong nakikita ng mga tao. Matagal pa bago mag simula ang bidding kaya laking gulat ko nung marami na ang mga tao na nandito. May mga hawak na brochures. I'm wearing an elegant black strappy vneck dress while I gave Ford a black well hugged dress shirt to use. Sa ganon ay hindi kami mag mumukhang naa-out of place. Most of the guest here are invited by my manager who are members of socialite. From the wives of businessmens, celebrities to political officials. Ganon na kalawak ang connection ng manager ko. Naging mainit kaagad ang event nung ipinakita na nang manager ko ang unang piece. "Close for $1,000." declared by my manager, pounding her gavel. Suminghap ako, at napahawak sa aking dibdib. Naninikip dahil sa presyo. Hindi ko inaasahan na ganito pala nila pagkaguluhan ang mga nilikha kong artwork. Subalit hindi maalis ang saya dahil naisip ko na marami rami akong bata na matutulungan gamit ang pera na makukuha ko ngayon. "$500" umpisa ni Ford. This is my last piece, the largest and the most special piece for tonight's event. Nanlaki ang mata ko at binalingan si Ford. Na kasalukuyan ay nakaangat pa'rin ang kamay ay may hawak pa na maliit na board. "What are you doing?" pabulong na sabi ko sa kanya. Tsaka hinawakan ang kamay para s*******n na ibaba ito. Syempre, nandito lang kami para tunghayan ang bidding na 'to. Hindi para makisali. Atsaka anong napasok sa utak ni Ford? Eh pareho naman kaming walang kapera pera. I heard my manager chuckled. Tumingin ako sa harapan, at pasimpleng umiling nung mag tama ang titig namin. "We have $500 here." napasapo ako ng aking noo nung sinagaw 'yon nang manager ko. "Up for $600?" "$700" ani nung isa sa kabilang dulo. "$700 up.." natigil siya nung may biglang sumigaw. "$5,000" Laglag ang panga ko sa inoffer nang isang foreigner. This is the highest bid so far. "$8,000" "Ford!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapasigaw sa biglaang pag angat ni Ford nang kanyang board atsaka nag bigay pa ng price. "8,000." "Shhh" he puts his index finger on top of his lips. "Mas lalaki ang makukuha mo kapag gagawin ko to." may excited pa sa boses. If I have a ways to shut down his mouth I would gladly do it. Dahil sa tuwing nag sasalita itong si Ford ay natataranta ako at nanenerbyos. Pumunta kami dito para manuod hindi para makisali sa bidding. Paano kung siya ang makakuha ng last piece? Edi proproblemahin ko pa ang perang ibabayad ko para 'don. Wala pa naman akong hawak na pera ngayon. Aatakihin pa ata ako sa puso ne'to dahil kay Ford. Nakakinis naman oh! "$10,000." malapit pa ako mahulog sa kinauupuan ko nung narinig kong mayroon pa palang gustong makakuha nang last piece ko. Teka! Sobra sobra naman ata 'yon. Hinanap ko kaagad ang lalaking sumigaw. Kumunot ang noo sa kung gaano kamisteryoso ang ayos niya. Wearing an all black suit with a bowler hat. I think he's on his mid thirties. "$10,500." "$10,800." Ford "$20,000." "$21,000." "Million dollars." "Sht" I muttered. I heard everyone gasped when the man in bowler hat said his offer. "Wow! A million dollar.." ulit ng manager ko. "Up for a million dollar? Three... two.. one.. our last piece for tonight's event is sold for a million dollars." my manager announced while she's pounding her gavel. Isang masigabong palakpan ang kasunod na narinig ko nung tumayo ang nakakuha ng last piece para kunin ang isang papel mula sa aking manager. Habang ako naman ay naging tulala, hindi makapaniwala na nangyayari ito. I just sold all of my piece tonight. At isa sa mga nilikha ko ay nagkakahalaga ng isang milyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD