[10]

2123 Words
Mag kasalubong ang kilay na nag lalakad palayo kay Kael. Kahit anong tawag niya sa pangalan ko ay hindi ko 'yon pinapansin. Bahala siya sa buhay niya! Ayaw niyang makipag plastikan? Edi wag! Bakit siya lang ba ang may ayaw 'non? Duh! Ako din kaya. Sino ba naman ang taong gusto 'non? "Nikka" he held my wrist, rason kung bakit ako natigil sa pag lalakad. Inis ko siyang tiningnan "pwede ba? Wag mo ako.." nabitin sa ere ang dapat kong sasabihin nung may isa pang kamay ang humawak sa kabilang braso ko. At bahagyang hinila papalayo kay Kael. I was about to turn and see if who did it. Ngunit na huli na ako dahil mabilis siyang pumagitna sa'min ni Kael. His wide and masculine back blocked my view. And his familar scent invaded my senses. "What are you doing?" Hindi ko alam kung paano nangyari pero pagkarinig na pagkarinig ko nang malamig na boses ni Ford ay mabilis at natataranta akong pumagitna sa dalawang lalaki. Matatalim ang titig sa isa't isa. Tila nag papatayan. Kahit na nasa gitna nga nila ako nakatayo, hindi pa'rin nila ako napapansin. They're both towering me. I had to admit that they have a similar height and body built. Pero alam ko kung anong kayang gawin ni Ford. By the way he gazes at Kael, he is really close to punch him. "Who are you?" gusto kong itulak si Kael nung hinila niya ako papalapit lalo sa'kanya. Mas lalong nanliit ang mga mata ni Ford nung napunta sa braso ko ang tingin niya. He gritted his teeth as his eyes met with Kael's. "Let her go." banta niya But the way I heard it. It was more of a warning to Kael. "Why would I? Sino ka ba?" walang takot na maririnig sa boses ni Kael. Ford smirked. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay Kael. He looked pissed Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. Wala ni isa sa kanila ang gustong tumigil. Labanan nang titig. One move from each side will probably cause a fist fight. Umiling ako nung isa isa ko silang tiningnan. At na realize ko na pareho akong galit sa dalawang 'to. Parehong mayayabang at suplado! Kaya wala na akong pakealam kung mag suntukan pa sila. Baka nga hanapan ko pa sila nang boxing ring eh. Hindi ko sila pipigilan kahit na magka p*****n pa sila. Wala akong pakealam! Umalis ako sa harapan nila. Leaving them alone and do their stuff. Tutal hindi naman nila ako napapansin na nakatayo sa gitna nila. Kaya hayaan na silang mag rambulan doon sa labas ng restaurant. Habang nag lalakad, panay ang hanap ko ng phone ko sa loob nang aking clutch bag. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang mga magulang ko. Baka umalis na ang mga 'yon dahil sa tagal kong lumabas. Aakalain nilang sumama ako kay Kael. "Good evening. Taxi ma'am?" nakangiting tanong nung security guard sa'kin. "Yes please." Luckily, may dala akong cards at pera sa loob ng bag. Kung hindi lang ako naka long dress at heels ngayon, mas pipiliin ko sanang sumakay ng jeep pauwi para makatipid. "No need, she's with me." Biglang sulpot naman ng isang mokong. Taas ang isang kilay ko siyang tiningnan. He's wearing a well hugged white dress shirt, folded until his elbow, black shiny shoes, and black slacks. With his perfectly slickback hair. Pinagkrus ang dalawang kamay sa harapan. He's well prepared for his date huh? Hindi ko mapigilang ang pag irap ko sa harapan niya. Naiinis ako, dahil imbes na mag mukhang waiter siya sa suot niya ngayon ay mas nag mumukha pa siyang modelo sa isang mamahaling brand. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong saad. "Akala ko makikipag suntukan ka na 'don kay Kael?" He clenched his teeth and eyes darken. "Do you know him?" "Of course! Isa siyang Guevarra, our families are close" "Closer than Montenegros?" My eyes narrowed nung narinig ko ang panlalait sa boses niya. "Teka nga! Ano naman ngayon sa'yo kung mas close nga ang pamilya ko sa Guevarra o sa Montenegro?" he was a bit stunned in what I said "Ikaw nga, hindi kita pinapakealaman sa date mo." "I'm not dating anyone here Nikka." aniya, hindi tinatanggal ang matatalim na tingin sa'kin "So are you closer to the Guevarras rather than the Montenegros?" Hindi ko mapigilan ang pag taas ng kilay ko. His eyes were still dark. Very dark.. "My dad is close to the Guevarras while my mom is closer to the Montenegros.." Ba't ko pa kailangan iexplain sa kanya ang bagay na 'to. Eh wala naman siyang kaugnayan sa dalawang kilalang pamilya na 'yon. Napapikit ako ng mariin tsaka piniling tumalikod. Hinarap ko muli ang security guard. Pilit akong ngumiti nung nag tama ang tingin namin sa isa't isa. "Kuya, I need a taxi." "Nikka.." bahagya siyang natigilan pagkalingon na pagkalingon ko sa kanya. "Ihahatid na kita." patuloy niya sa mababang tono. Gusto kong tanggihan ang alok niya, wala akong balak atsaka naiinis pa'rin ako sa tuwing nakikita ko ang ayos niya ngayon. Ngunit hindi ko mawagang ipagpatuloy ang gusto kong sabihin nung narinig ko ang paparating na sasakyan. Hoping that it was a taxi. Bumagsak nga lang ang balikat ko nung isang white with a touch of black F-10 Raptor ang pumarada malapit sa kinatatayuan namin. Napaatras ako, giving the owner of this customized car a way to approach the valet driver. Pero laking gulat ko na lang nung si Ford ang lumapit sa valet driver at agad na tinapik ne'to ang balikat niya. Pabalik balik ang tingin ko kay Ford at sa magandang sasakyan na nakaparada sa harapan. Suminghap ako at mas lalong nagtaka nung pinagbuksan na niya ako pinto. Is he telling me to go inside that car? Eh hindi ko nga alam kung kanino 'to.. I have a lot of questions inside my head, kaya hindi ako kaagad makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang alam ko, papunta na dapat siya sa bahay para kunin ang sasakyan at sa ganon ay masundo niya ako sa event kanina. Ngunit pinigilan ko siya, kaya laking gulat ko kanina kung bakit siya nandirito ngayon. At saan niya napulot ang sasakyan na 'to? Kanino 'to? Halatang mamahalin ang ganitong klase ng sasakyan. Kaya sinong baliw ang mag papagamit ng kanilang sasakyan sa ibang tao? Dahil kung ako ang may ganitong sasakyan, hinding hindi ko hahayaan na ipagamit 'yon sa ibang tao. Kahit pa na kakilala ko ang hihiram.. at lalong lalo na si Niel! Baka ako pa ang sisira sa pinakamamahal niyang mukha kapag ibinangga niya ang sasakyan ko. Knowing how reckless driver my brother is. "Nikka.. hatid na kita." nawala na ako sa aking katinuan dahil sa lalim nang iniisip. Bumalik nga lang nung narinig ko ang mababang tono ni Ford. He was still waiting and holding the door for me to go in. Muli ko siyang tiningnan. Kumpara kanina, he looks calmer now. Habang puot at inis naman ang bumalot sa buong katawan ko sa tuwing naalala ko ang ayos niya ngayon. "Tsk!" ang nasabi ko na lang tsaka nag martsa na papalapit sa kinatatayuan niya. Sa halip na umupo sa passenger seat, mas pinili kong buksan ang shotgun seat ng sasakyan at 'don na umupo. Naisip ko kasi na mas mabuti pa na sa harapan ako maupo, sa ganon ay hindi ko kaagad makikita ang ayos niya ngayon, na kanina ko pa kinaiinisan. Hindi ako kaagad makaakyat dahil sa taas ng Raptor at sa suot kong dress. I put my clutch bag first before pulling up my dress a bit. Agad naman akong hinawakan ni Ford sa braso para maalalayan papasok sa sasakyan. Kahit may pag tataka sa kanyang mukha, tahimik siyang yumuko para siya na mismo ang mag ayos ng dress ko sa ganon hindi maipit sa oras na isara niya ang pinto. I swear our outfit tonight doesn't suit this Raptor. Hinintay muna ni Ford na maayos akong nakaupo sa loob ng sasakyan bago niya sinara ang pinto. Habang nag mamadali siyang pumunta sa driver's seat, inayos ko naman ang aking seatbelt. Pagkatapos ay inayos ko ang aking hair clips. "May pupuntahan tayo." Biglang sabi niya. Agad ko siyang nilingon. Ilang minuto na ang nakalipas simula nung umalis kami sa restaurant. At hanggang ngayon, ni isang beses hindi ko siya kinausap o nilingon man lang. Ngayon lang talaga. "Saan?" takang tanong ko "Basta.. i'm sure magugustuhan mo." sagot niya nang hindi tinatanggal ang tingin sa daan. "Ayoko! Iuwi mo ako.." I commanded Maliban sa ayoko ko siyang makasama, may importanteng pupuntahan pa ako bukas. I was planning to see the orphanage that I chose this time. Gusto kong makita at malaman mismo sa personal ang mga bagay na kailangan nila. Para sa oras na makalikom na ng pera ay hindi na kami mag sasayang pa nang oras. "This won't take long. Malapit na tayo." pilit pa ne'to. "I want to go home now Ford." mariin kong sabi. I saw his eyes widen even without looking at me. "Ayokong pumunta sa lugar na tinutukoy mo. Gusto ko nang umuwi! Ayaw kitang makita! Naiinis ako sa'yo!!" sunod sunod kong sabi. Padabog na sumandal ako, ramdam ko ang pag bilis nang t***k ng puso ko pati na'rin ang pag hinga ko. Kahit ako hindi ko maintindihan ang nararamdaan ko. I know it is normal to have a vacation leave or being absent in work. They have their rights on that matter as an employee. Pero ang kinaiinisan ko lang ay ang katotohanan na hindi siya nag paalam sa'kin atsaka malaman at makita kong ganito siya kaayos para sa date niya. Arghhh!!! What's wrong with me!! I close my eyes to calm down a bit. "Hey... Are you mad?" mahinahong saad. I felt the car stopped. Siguro itinabi niya muna ang sasakyan, sa ganon ay makausap niya ako nang maayos. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at humarap sa bintana. Nakapark nga kami ngayon sa gilid nang daan He sighed "I'm sorry, it was an urgent meeting.. Kaya hindi ako kaagad nakapag paalam." Mag kasalubong ang kilay ko nung nilingon ko siya. "Ano ba ang meeting na 'yon? To the point na hindi mong magawang replyan ang messages ko kanina? At talagang nag ayos ka pa talaga!" I pinched his white dress shirt a bit. Annoyed once again. "It's confiden...." "Tsk" inirapan ko siya. "You're dating someone." I concluded. "No Nikka." "Tsk! Don't deny it. I know it. Kung hindi date.. don't tell me pumunta ka sa isang job interview.. Ano mag reresign ka na ba? Just tell me Ford." Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Hindi makapaniwala. Na para bang isang kwento na nilikha ko lamang ang sinasabi. He gave all his attention on me. "What are you talking about Nikka? I'm not dating someone nor resigning this job. Hell no!" "Tssk. Hindi naman sa pinagbabawalan kita na mag date o resign Ford. I just wanted you to ask permission from me. Hindi sa ibang tao ko pa malaman. I am your boss, baka nakalimutan mo." He pursed his lips, never withdrawing his gazes on me. Kalaunan ay tumango siya "Alright.. I won't do it again.. Kung hindi talaga maiiwasan, i'll bring you with me." aniya. Napunta sa kamay ko ang kanyang titig. May pag aalinlangan ngunit kalaunan ay dahan dahan niya 'yon hinawakan "Just don't get mad at me. Hmmm." Hindi ko siya masyadong narinig dahil naubos ang atensyon ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Kung nasa tamang katinuan ako, kanina ko pa 'to sinuntok, sinigawan at pinagalitan. Pero hindi eh, hindi ko man lang magawang bitawan ang maiinit niyang kamay. Kahit gusto ng utak kong bumitaw hindi magawa dahil ang pumimigil sa'kin na gawin 'yon ay ang puso ko. Tila ba sinasabi niyang walang masama sa ginagawang paghawak ni Ford sa'kin. "Please Nikka, i'll do whatever you want me to do, just don't get mad at me." My eyes widen while my heart pounded so hard when he said it. Alam kong hindi masama ang mahalin ang isang tulad ni Ford. Pero alam ko 'rin ang mangyayari kapag pinairal ko ang puso ko. People expected me to fall inlove with the guy that has the same circle as I have. But instead, I fall inlove with a commoner. Who works for me everyday. They won't judge me, but Ford will be critiziced for being my lover. Kaya hangga't maari ko pang pigilan ang nararamdaman at hindi ko pa kayang panindigan ang desisyon ko wag muna. Dahan dahan ko siyang tiningnan. Ngumuso ako nung nalaman kong nasa akin pa'rin siya nakatingin. "W-wag mo nang ulitin." mahina kong saad. I saw him bit his lower lip, pinipigilan ang sarili na ngumiti nang tuluyan. Tumango siya "Hindi ko na uulitin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD