Simula nung gabing sinamahan ako ni Ford sa pagkain ng dinner ay parati na kaming sabay kung kumain. May it be in our house or in my condo unit. Naging routine na ata namin 'yon.
"Our food is here" Ford.
From my artwork, my eyes drifted at him. Nakangiting inangat niya ang hawak na plastic. He then tilted his head. Giving me a sign to go to my dinning area.
Nilapag ang hawak kong paintbrush at palette sa maliit na round table, bago tuluyang tumayo at tumungo sa dinning area.
Tapos na ang semester at may isang buwan kaming break mula sa klase. Pagkatapos kong pumasok sa office ay dito na kami dumederecho sa unit ni Ford para gumawa ng panibagong piece.
He was silently preparing our table while I went straight to the faucet to clean my hands full of acrylic paint.
After that, tumungo ako sa hapag kung saan patapos na si Ford sa pag aayos. Our food is simple, chicken inasal with rice.
Pareho kaming mabilis kumain kaya hindi nag tagal balik na kami kaagad sa sariling pwesto.
Both of us facing in an opposite way, while silently finishing our pieces. Different acrylic paints can be found at the center.
Ford is doing an artwork by the way. Siguro na cucurious siya sa ginagawa ko o masyadong naiinip lang siya sa tuwing hinhintay niya akong matapos. Kaya napag isipan niyang gumawa ng kanya.
Halatang naninibago siya, but I still can't deny the fact that Ford indeed has a talent when it comes to art.
Hindi na ulit umuuwi dito sa unit si Que, she prefer to stay in a small apartment near the campus. I insisted her to stay here dahil hindi ko naman nagagamit, but she refused.
Mahahanap at mahahanap 'raw kasi siya ng kanyang ex-boyfriend kung dito o sa bahay siya mananatili. She's not yet ready to talk to him. Atsaka kung sa bahay siya mananatili, malalaman at malalaman ni lola Celia ang nangyari sa kanya, ayaw niya na itong mag alala pa.
While her ex-boyfriend parang pipigain niya na ako ng buhay para ituro sa kanya kung nasaan si Que ngayon, since wala nga siya sa bahay o sa unit ko. Hindi niya mahanap. He desperately wants to talk to Que.
Huminga ako ng sobrang lalim bago binitawan muli ang paintbrush. I move my neck from left to right, bago nilingon si Ford.
His wide masculine back welcomes my sight when I did that. His hand looks gracefully while holding a paintbrush. Paunti unti niyang nilalagyan ng layering ang kanyang gawa. I might sound weird but I find him attractive when he's sketching and his veins are visibly moving while holding a paintbrush or a pencil.
Tumayo ako, lumakad sa gilid niya. I crossed my arms above my chest and carefully observe his piece.
Didn't mind the hammering sound of my chest.
Umupo siya ng maayos tsaka dahan dahan nilapag ang paintbrush sa gilid. Sumulyap muna siya sa'kin bago seryosong ibinalik ang tingin sa harapan.
"What do you think?" He ask
He painted a two storey vacation house near a shore. It was simple but classy.
"Pasado na." I said
Mabilis ang pag lingon niya sa'kin. Bahagya pa akong natawa dahil sa reaksyon niyang naka kunot ang noo.
"What?" natatawa kong saad.
I saw some stain of paints on his hand, I didn't wipe it because I find it cute.
"Tssk! Edi ikaw na ang magaling." Supladong sagot na mas lalo kong ikinatuwa.
Hanggang sa sumama na lalo ang tingin niya sa'kin, kaya naman pinilit ko ang sarili na maging seryoso na at hindi na tumawa pa.
I cleared my throat. "You're doing great Ford." Puri ko "Is that your dream house?"
"Hmmm. Do you like it?"
"Maganda"
"It's my dream house then.."
Unti unti siyang ngumiti pagkatapos nang hindi tinatanggal ang titig. I felt my face heated, by the way he looks at me.
Ako na ang naunang nag iwas ng tingin at inaya na siyang umuwi. Ang mga paintbrush na ginamit ay ibinabad ko sa isang maliit na timba na may lamang tubig para mabilis nang linisan ang mga ito bukas.
While Ford hang our aprons in a hook that he place in my living room.
Kinabukasan, sumabay ako kila daddy at mommy pumasok sa office, dahil matagal nang nakapag paalam si Ford na hindi siya makakapasok sa trabaho ngayong araw.
May importanteng pupuntahan 'raw. Hindi ko na tinanong pa kung saan dahil may tiwala naman ako sa kanya, tsaka ipinangako niyang magkikita pa'rin kami mamayang gabi para sabay na kumain.
"How was the first born Monetenegro sweetie? Hindi pa ba ulit kayo nag kita?"
Kasalukuyan nasa conference room kami ngayon, kakatapos lang ng meeting at nag paiwan kaming tatlo.
Natigil ako sa pag sco-scroll ng aking phone nung narinig ko si mommy. May pag tutukso akong nakikita sa kanyang mukha nung tiningnan.
"He was fine mom. I haven't heard anything about him after that dinner."
I saw my mom was taken back for a bit. Habang si daddy naman kung kanina ay busy sa iilang file, ngayon naging interesado na sa pakikinig.
"After your date he didn't message you or something?"
"Hmm, yeah." I nonchalantly said.
It was really fine with me not to meet him after that night. Thinking that he was also busy with his work. I remember him managing their family business, kaya hindi ko na inabala pang makipagkita sa'kin para sabihin ko ang gusto kong mangyari.
I'd rather wait for his invitation rather than me inviting him. Kung ayaw niya 'rin sa kasalang magaganap edi mas mabuti.
"How many times did you meet him?" may pagtataka sa mukha ni mommy, habang si daddy naman ay kunot ang noo.
"Once mom.."
My mom titled her head.
"Ba't iba ata ang narinig ko kay Warren."
"Huh?"
"He told me that his nephew is fond of you. He was expecting that this set up was successful."
My brow furrowed. He's fond of me after that night? As far as I remember, ilang oras lang naganap ang dinner namin.
Nakapag usap, ngunit hindi 'yon sapat para makilala namin ang isa't isa.
"How about you sweetie?" my eyes drifted towards my dad. "What do you think about this Montenegro guy?" seryoso niyang tanong.
"He's great dad, pero.." may pag alinlangan ngunit sa huli mas pinili kong sabihin ang totoo kong nararamdaman "I don't think this will work."
Tinapangan ang sarili na wag iwasan ang titig ni dad, I saw his lips protrude a bit before nodding his head.
"Then we should tell their family about this." aniya sabay baling kay mommy na tahimik na nakikinig sa gilid "Hon tell Warren that i'd like to set an appointment together with his family. Walang ka--."
Namilog ang mata ko at bahagyang nataranta.
"Dad" pag putol ko. "I think it would be better i'f i'll talk to their first son first, before his family. I'll schedule a dinner for this."
Ito ang kauna unahang pagkakataon na may lakas loob akong sabihin ang gusto kong mangyari. Na ayaw kong pangunahan ako ng magulang ko tungkol dito. At sa tingin ko kasi, ito talaga ang dapat at tamang gawin.
I was partly to be blame, kung bakit hindi matuloy ang engagment. I was given three dates to know him, pero hindi pa nga nasusundan ang pagkikita ko kay Eli ay sinara ko na kaagad ang pinto. Didn't give him enough time to prove his worth.
My lips twisted when I didn't hear a thing from my parents. May namumuong pangangaba na baka hindi nila ako payagan sa gusto kong mangyari.
"Are you sure about this anak?" si mommy "You don't need to do this. Atsaka hindi naman kasi kami nangakong matutuloy ang matagal nang napagkasunduan ng pamilyang Ferrer at Montenegero."
"I want to do this mom." I said with conviction, kaya kalaunan ay pumayag na'rin ang mga magulang ko.
Alam ko kung gaano kalalim ang relasyon ng dalawang pamilya sa isa't isa, kaya kahit ilang henerasyon na ang nakalipas ay nandon pa'rin ang kagustuhan nilang balang araw may isang Ferrer at Montenegro ang mag papakasal.
May narinig pa nga ako na kamuntikan pang mag pakasal si mommy sa pamilyang 'yon, kung hindi lang ulit nagkita sila daddy at mommy.
But nevertheless, kahit na aatras ako sa engagement I still wanted to formally ask Eli to stop this. Out of respect to our elders relationship.
Ayaw ko nang patagalin 'to kaya pagkatapos kong kausapin ang mga magulang ko, agad kong tinext si Eli na gusto kong makipagkita sa kanya.
Luckily he was also free, kaya naman kasalukuyan akong nakatingala. Paulit ulit kong binabasa ang sinage nakalatag sa labas ng restaurant na pinili ni Eli.
It was an Italian restaurant that can be found at the center of BGC. Kahit gabi na at perfect time for dinner, pansin kong walang masyadong tao ang pumapasok. This must be a private place, mas mabuti na siguro 'to para naman makapag usap at masabi ko ng maayos ang gusto kong sabihin kay Eli sa gabing 'yon.
Before I leave the tower ealier, I left a message to Ford that I can't meet him because of this. Na babawi ako bukas sa kanya.
I took a deep breath and fix my black coat that I put on my shoulder as my cover up for my dress, before entering the vicinity.
May agad na sumalubong sa'kin. Malapad ang ngiti nang batiin ako.
"Good evening miss Delos Santos." bahagya akong nagulat at nagtaka kung bakit niya ako kilala, eh first time kong napunta dito.
"Good evening" bati ko tsaka tipid na ngumiti
But before I could tell Eli's name, she went out of her counter "Please follow me." magalang niyang sabi sabay lahad ng kanyang kamay. Giving me a sign to go inside.
Tahimik kong nakasunod sakanya. Habang papalapit, kunot noo kong pinagmasdan ang loob ng restaurant. Tama ba ang napasukan kong restaurant? Ba't wala atang katao tao dito? Nalulugi ba ang restaurant na'to?
But base on the restaurant's interior and their employees uniforms, imposible naman atang nalulugi 'to.
I shake my head, when I realize that i'm thinking non-sense.
Bumuntong hininga at piniling wag nang mag isip ng kung anu ano. Wala akong naririnig na ibang tao, pawang ang tunog ng heels na suot ko at tugtog na violin lang ang maririnig sa buong restaurant. Hindi ako sigurado kung sa speaker ba nanggaling 'yon o talagang may live na tumutogtog dito.
Pero nang matanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa isang pangdalawahang table katabi ng wide glass window kung saan kitang kita ang bakuran ng restaurant nito ay napatigil ako sa pag lalakad.
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na magawa pang gumalaw.
Why is he here?
Where is Eli?
"Ford" I whispered
I didn't expect to meet him here.
Nang naramdaman niya ang pag dating ng employee sa harapan niya ay agad ako hinanap ng kanyang mga mata.
He hurriedly stand up and fixed his suit. Kinausap pa niya saglit ang nag hatid sakin bago tumango. Magalang naman akong nilingon nung employee na 'yon at yumuko saglit bago umalis.
Leaving Ford and I alone.
Muli kong pinagmasdan si Ford mula ulo hanggang paa habang tinatanggal niya ang distansya na mayroon kami.
From his well ironed suit, short undercut hair up until his black shiny shoes. Ibang iba ang ayos niya kumpara sa damit na suot niyang nakasanayan kong nakikita. Pormal na pormal at mukhang importante ang kikitain niya ngayong gabi.
"Good evening Nikka." bati niya nung tuluyan siyang nakalapit.
My eyes flickered, naguguluhan.
"Ba't ka nandito?"
Kita ang gulat sa mukha ni Ford dahil sa sinabi.
"Uh.. Nikka" he trailed off. "May gusto sana akong sasa---"
Mula sa kinatatayuan ay nag lakas loob akong umalis 'don para hanapin si Eli. May pumapasok sa utak kong radon kung bakit si Ford ang nandito ngunit hindi ko ata matanggap 'yon. Nagkataon lang siguro nandito siya.
Oo yun yon!
"Nikka!" I heard him but I ignore it.
Patuloy ako sa pag hahanap kay Eli. Siya dapat ang nandito, siya ang dapat kong kikitain hindi si Ford.
"Nikka I have something to tell you." Natigil ako sa pag hahanap nung naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking braso para pigilan ako sa ginagawa, ngunit mabilis kong binawi ang braso ko.
"Eli?" sigaw ko. "Eli! Asan ka!"
Ngunit kahit anong pag tawag ko sa pangalan niya ay hindi ko siya nakita. Akmang papasok na ako sana kitchen ng restaurant na ito nang pigilan ni Ford.
"Nikka." His hoarsed voice.
Nanliit ang mga mata ko siyang nilingon.
"Asan si Eli?" may takot na akong nararamdaman
"Nikka calm down. Let's talk." mahinahon niya sabi sabay hila sa'kin palayo sa counter kung saan dapat ako papasok papunta sa kitchen.
I saw Ford glanced at the musician who was busy playing his violin, kaya naman kahit hindi pa ang tamang oras ay wala pasabing umalis sa pwesto atsaka lumabas.
Gusto kong halughugin ang restaurant na ito para mahanap lang si Eli.
I want to find him!
Pero bago pa ako makaalis ay pinigilan ako ni Ford sa pamamagitan ng paghawak ng braso ko. Parang nasunog ang balat ko sa ginawa niya, agad kong binawi ang braso ko.
"Hindi ba't may importante kang pupuntahan? Bakit ka nandito asan si Eli?" I looked at him straight to his eyes.
May namumuo nang galit at pangangaba sa kanya. I have a lot of questions that I wanted to ask from him. Pero pinili kong itanong kung nasaan si Eli dahil natatakot ako. I'm scared
Natatakot akong marinig ang kung ano man ang sasabihin ni Ford. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin.
He never took off his sight from me but in the end I saw him sighed and scan the whole restaurant.
"Nikka" he sounds defeated
"NASAAN SABI SI ELI?!!" hindi ko mapigilan ang pag taas ng boses ko.
I shut my eyes tight.
"Nikka please let me explain."
Umiling ako, kahit hindi pa niya sabihin may kutob na ako sa sasabihin. Unti unti ko siyang tiningnan. I felt my chest became heavier when I realized something.
Ba't siya nandito? Ba't hindi si Eli?
He wouldn't know this place if Eli didn't mention it. Sigurdong sigurado ako na kay Eli ako nag message hindi kay Ford.
"S-sino ka?" Paano mo nalaman na andito ako?" nangingig kong tanong.
Ever since he started working for me, I didn't ask him about something personal. Scared that I might step the line and offend him or something.
Base sa tindig at ayos niya ngayon imposibleng isa siyang karaniwang driver at bodyguard lang. He seems to be more than that. An elite. Coming from a well known family.
"I'm For--"
"Stop fooling me!!" putol ko
"Please Nikka, try to calm down first." aniya "After that i'll tell you everything."
"Why not do it now?!" I urge him but he just shooked his head.
"If i'll do it now, I know you won't listen to me." he pleaded
"Wag na wag mo akong pangunahan."
Bumagsak ang tingin niya, parang natalo ng hindi ko sinunod ang gusto niyang mangyari.
Muli niyang inangat ang tingin niya sa'kin bago bumuntong hininga.
"I know this is way long overdue but I want to properly introduce myself." umpisa niya. "I'm Clifford Angelo Montenegro" my eyes widen into fraction. "The first born Mon---"
Hindi ko na pinatapos ang dapat niyang sabihin nang sinampal ko siya ng sobrang lakas. He unintentionally looked at the wide glass because of the impact that I did.
Nanginginig ang kamay ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko, dahil sa galit.
"How dare you lie to me!"
Hindi ko alam kung ano ang totoo, lahat ba ng pinakita niya sa'kin ay palabas lang? That I fell truly inlove with him, while he was just acting?
Nanlambot ang tuhod ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa naiisip. He lied.. Ford lied to me..
Everything was a show that he proudly made. Ginawa niya akong tanga!
Sinuntok ko ng ilang beses ang dibdib niya na naging dahilan kung bakit siya napaatras. Ngunit ganon pa man, lahat ng panuntok ko ay walang sabi niya 'yon tinanggap.
Hindi ko na nakayanan na hindi mapaiyak.
"All this time! Nagsinungaling ka! Pinaikot mo ako!"
Kita ko ang pag iling niya ngunit muli ko siyang sinuntok.
"Hindi lang ako pati pamilya ko! Ba't mo nagawa to? Ano masaya ka na? Ha? Ano Ford! Magsalita ka?!"
"Nikka i'm sorry." nakayuko niyang sabi.
Umatras ako sabay palis ng luha habang derecho pa'ring nakatingin sa kanya.
"You know what." I paused for a while, muli niyang inangat ang tingin niya sa'kin "Mas mabuti na sigurong nangyari 'to. Sa ganon hindi ako maguguilty na hindi matutuloy ang arrangement na 'to."
I his eyes flickered, at kita ko ang pamumutla niya. O baka naman namalikmata lang ako.
Oh right! I forgot he is plotting everything here. I smirked.
"What do you mean na hindi matutuloy ang arrangement?"
"Oh come on Ford! Don't act as if you want this marriage at the first place.."
"Don't say that."
Gusto kong mapamura nang muli tumulo ang luha ko, at sigurado akong kita 'yon ni Ford. Inis kong pinalis ngunit ang lintek kong luha ay hindi tumitigil sa pag tulo.
"I wanted to make things right Nikka, kaya ako nandito para sana sabihin ang lahat lahat sa'yo."
"Do you think i'll gladly accept every bullshit that you plot mister Montenegro?" umiling siya "Alam mo. Napaniwala mo ako 'don ah? Being my bodyguard and driver? You did a great job" I sarcastically said.
"Nikka"
"Stop calling me that way! Hindi kita kilala!" I shut my eyes tightly
"Please let me explain."
"Ano? Nang malaman mong ipapakasal ka sa'kin nag panggap kang tauhan namin? Para ano? Para malaman kung papasa ba ako sa standard mo? Ano? trial card ganon ba?! Ha?"
"Hindi ganon Nikka." I glared at him when he call my name once again. He bit his lips when he realized what he did "I'm sorry, kasalanan ko. I didn't meant this to happened at the first place."
"Sana sinabi mo na lang kaagad na ayaw mo Ford." nahihina kong sabi, hindi ko na inaalala ang mukha "Promise! Hindi ako ma-ooffend kung nag back out kaagad eh. Pero mas pinili mo pa'rin akong lokohin at paikutin."
"I'm sorry. Please let me make it up to you."
Umiling ako.
"At ngayon na sa tingin mong pasado na ako sa'yo mag papakilala ka? Bakit papayag ka na bang ipakasal sa'kin?" I sarcastically said.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig, hindi alam kung ano isasagot.
"I just thought that it would be better if i'll do this."
"Na ano? Mag panggap na isang hamak na driver ko??"
"Not like that." agap niya
I smirked "After all of this Ford, I don't know if I could still trust you."
"Please Nikka.."
Tumakbo na ako papalabas ng hindi pinakinggan ang sasabihin ni Ford. Hindi ko na kakayanin pang manatili sa harapan niya. I might passed out if i'd stay for another minute.
Patuloy sa pag iyak habang tinatakpan ang mga labi akong tumakbo papunta sa sasakyan.
I scream so loud when I entered my car.
"Sinungaling! Sinungaling!"
Paulit ulit kong sigaw sa loob. Tsaka hinampas ang manibela
Hindi pa'rin ako makapaniwala sa nangyari. Ang sakit isipin na I had the courage to turn my back and oppose to my family's choice for me for the first time for him, but looked what happened.
Siguro sobrang nahirapan siya sa pag pigil ng kanyang tawa sa tuwing nakikita niya ang sari't saring reaksyon ko sa ginagawa niya.
Ginawa niya akong tanga! Nag sinungaling siya sa'kin ng harap harapan.
I was so inlove with his lies. I'm on that point that if my family won't accept us, i'll probably walk out of that mansion and live a simple life with Ford.
I accepted my path. I'm ready for it. Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat basta't kasama ko siya.
Pero lahat lang pala ng 'to ay puro kasinungalingan lang.
My chest became heavier when I remember all the things that we made together. And thinking that those happy moments will became my nightmare, made me choke up.
He lied to me.
Pinili kong wag umuwi at piniling pumunta sa apartment ni Que.
She looked shock when she saw me standing outside her apartment. I fakely smiled at her. She didn't say a word but I know she sense something.
Mas lalo niyang binuksan ang pintuan nang walang pasabi, punasok ako.
I prefer to stay here rather than going home in this state. Baka malaman pa nina daddy, paniguradong mag alala 'yon.
"Maligo ka muna Niks. Kukuha lang ako ng damit." Que.
Muli ko siyang nginitian tsaka agad na nagpasalamat bago tuluyang pumasok sa banyo.
Kasabay ng pag bukas ko ng gripo ay 'yon din ang pag hagulgol ko.
Hindi ko aakalain na ganito pala kasakit na malaman mong nag sisinungaling sa'yo ang taong pinagkakatiwalaan mo. That out of people who I thought might stab my back, si Ford pa talaga.
Sa lahat ng tao, ang mahal ko pa mismo ang nagsinungaling sa'kin.
I should have been guarded my heart from the very begining. Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito kung nung una palang ay hindi ko hinayaang mapalapit sa'kin si Ford.
I was crying all through out the night up until I passed out. Que didn't say a word that night. She just let me cry like that. Dahil alam niya na sa tuwing may problema ako, sasabihin at sasabihin ko 'rin naman 'yon sa kanya sa oras na hands na'ko.
I stayed at Que's apartment for a couple of days. Compare to my condo unit, mas maliit 'tong apartment ni Que. Just enough to cater two people. Sa higaan ako natutulog habang sa sahig na nilatagan ng foam naman si Que. May sariling cr at maliit na lababo ang apartment ni Que.
Nasabi ko na'rin kay Que ang lahat nang nangyari sa'kin. She was also shocked by thought that Ford was a Montenegro. Hindi 'raw kapanipaniwala na kabilang si Ford sa isang malaki at kilalang pamilya, taliwas sa naalala niya Ford na araw araw nag lilinis ng sasakyan ko tuwing umaga.
I already messaged my parents that i'll stay with Que before I turned off my phone. Nakikitext lang ako sa pamilya ko gamit ang telepono ni Que to assure them that i'm fine here.
Laking pasasalamat ko na break na namin sa klase kaya matagal tagal bago kong naisipang umuwi ng bahay.
It was exactly a week after I decided to go home. My brow furrowed when I heard chitchats and laughing coming from our dinning area.
Some of our house helper stopped what they're doing when they noticed my presence. I smiled at them
"May bisita sila?" Tanong ko.
"Ah opo." ani ng isang kasamabahay.
Natigil ako sa kinatatayuan ko para mabilis na pag masdan ang ayos ko.
I'm wearing Que's clothes. Plain white shirt and maong shorts. This is inappropriate to face the vistors as of the moment but I needed my parents to know that i'm here.
Kaya naman napabuntong hininga ako bago napasyahang tumulak sa dinning area para saglit batiin ang mga magulang at siguro pati mga bisita na'rin. wala akong planong mag tagal 'don, aalis ako kaagad.
Pero parang nanigas ang buong katawan ko nang nakita kung sino ang kausap nina daddy at mommy sa hapag.
Sana pala hindi na muna ako umuwi.
An old man let out a bark of laughter, while the man besides him was silently drinking his water.
Parang umurong ang dila ko at narinig ko ang pintig ng aking puso nang pagkaangat niya ng tingin ay nag tama 'yon sa'kin.
His eyes widen at nasamid pa siya sa iniinom na tubig.
"Oh my gosh!" Narinig kong sabi ng isang babae.
"Clifford" ani naman ng isa pang lalaki.
"Naku! Nabasa ka hijo!" mommy sabay linga para hanapin sana ang isang kasambahay namin ngunit ako ang nakita niyang nakatayo sa hindi kalayuan.
"Nikka! Nandito ka na pala." gulantang sabi ni mommy nung nakita niya akong nakatayo hindi kalayuan.
Pabalik balik ang tingin ko kila dad at mom. Pati na rin sa mga kasamahan nilang masayang kumakain sa hapag.
Anong ginagawa ni Ford dito?